Baptist member nag balik Katoliko





ISANG NALOKO NG BAPTIST, NAGBALIKLOOB NA SA SIMBAHANG KATOLIKO

PAPURI SA DIOS SA KAITAASAN!!!

LUCAS 15:32
"Datapuwa't karapatdapat mangagkatuwa at mangagsaya tayo: sapagka't patay ang kapatid mong ito, at muling nabuhay; at nawala, at nasumpungan."

SUNOD SUNOD PO ANG MGA CONVERSION NA IBINAHAGI NG ATING MGA TAGASUBAYBAY DITO SA PAGE :)

ISANG TUNAY NA PAG-AANI NG ESPIRITU SANTO DUN SA MGA TAONG NAGHAHANAP AT NAGSALIKSIK NG KATOTOHANAN.

NARITO, ISANG KAPATID ANG NAGBALIK LOOB SA SIMBAHANG KATOLIKO MULA SA PAGKALINLANG NIYA NG "BAPTIST CHURCH".

SIYA PO AY SI BRO. "Braeyan Villar Velasco"
TUNGHAYAN PO NATIN ANG KANYANG PAHAYAG NG PATOTOO:

" kuya dati po ay ksali aq sa baptist church, nu'ng mkapasok aq du'n naging mainitin ang ulo q sa mga rebulto at hinusgahan q ang catholic church na puro mali ang turo at bakit my mga rebulto sa simbahan, tapos po nu'n ay lumabas sa facebook ang debate of religion, at naki-join aq du'n, hngang mkaharap q ng debate ang mga cfd, natalo nila q, kc lhat ng tanong q nsagot nila, at sa kanila q rin nlaman na 73 books pla ang bible cinabi din nila na kulang ang bible q dahil 66 books lng ito, dun q npagtanto na pag-aralan q kya ang catholic church. nung npag-aralan q na po kuya, nalaman q na ito talaga ang itinayo ng p. jesus, kya ang ginawa q nag-balik loob aq ulit, ni hindi pa nga q kuya nkakapag-kumpisal sa pari sa mga ksalanan q. kya bilang ganti ipag-tatangol q ang true church, ito na lng ang maigaganti q pra mkabawi sa mga kasalan q noon.

Ito story ko po kuya,  dati ako ay ligaw at walang alam sa pananampalatayang katoliko,  hanggang ang bayaw ko ay napasok sa sektang baptist,  at pati rin yung isa ko pang bayaw,  nung andun na po sila ay pati kame ay pinapapasok,  syempre po nagmatigas kame sa una,  kinukontra q pa nga sila,  pero hindi nagtagal naakay din kame,  kasi po natakot po kame sa tanong nila, na KUNG MAMATAY KA NGAYON SAAN KA PUPUNTA,  AT LIGTAS KA NA BA,  siyempre po natakot ako dko po alm isasagot ko.  Dumating na yung punto na yung bayaw ko ang nagsave sakin,  sabi nya tanggapin ko ang panginoon na aking tagapagligtas,  at pinasunod nya ko sa bawat bigkas ng bawat bibig nya habang binabasa ang bibliya, nkalimutan ko lng kung anong verse,  ng bibliya,  at pagkatapos nun ay pinagsabihan nila ko, ako ay bagong silang na,  kaylangan sa isang sanggol ay magdidi ng gatas para lumaki,  ngayon po eh mula pa noon ciguro ngayon 3 years old na ang aking kaluluwa dahil save na,  at bumili po ako ng bibliya, king james bible,  at nabasa ko nga run na bawal talaga ang mga rebulto,  simula nun hindi ko na ginagalang ang mga imahen,  na siya ko pang dahilan,  ng pinagawayan pa namin ng mismong magulang ko,  masakit isipin pati sila nadamay sa kalukuhan ko,  at mahilig din ako sa facebook,  nakita ko run ang mga debate of religion,  at naisipan kong sumali,  ang mga naging kadebate ko doon ay mga katoliko,  buti na lng mayroon na magaling magpaliwanag,  at naging ignorante ako sa harap nila,  at pinagsabihan ako na,  BAGO MO KAME HUSGAHAN PAG ARALAN MO MUNA ANG CATHOLIC CHURCH, oo nga nman dapat pla pag aralan ko,  ngunit natagalan pa,  at nakipagdebati pa q sa ibang katoliko,  natalo na nman po ako,  parang naulit muli,  ang pagka ignorante ko,,,.
Mayrun pa ko na nkadebate sabi nya ilan ba ang bilang ng bibliya mo,  sabi ko naman 66, at sabi nya kulang ang bibliya mo,  at nilatag nya sakin history ng bibliya, ito pla ay binawasan ni martin luther.  So ang ginawa ko pinagaralan ko ang katoliko,  kasi po lagi na lng akong talunan,  hanggang matuklasan ko na hindi pla talga sinasamba ang rebulto,  ito ay alaala lamang dahil sila ay mga banal ng DIOS, at lalo na po yung 666 nabasa ko po kay, yuko yata pangalan nun isang CATHOLIC WARRIOR,  na hindi pla talga ang pope amg 666 ito pla ay nganap na noon pa,  ng malaman ko lahat kuya ay nagbalik loob na ko sa catholik,  un nga lng ay humahanap ako ng tyempo para magkumpisal sa pari,  at salamat din sayo kuya buti na lng nakita ko blog mo at splendor of church at catholik warrior. Ngayon po ay isa na rin ako sa nagtatanggol sa mga katoliko na mahina pa pananamplataya para hindi maluko ng mga sulpot na sekta gaya ng nangyari sakin noon.  Pero nagpapasalmat parin ako sa baptist dahil sa kanila nakilala ko ng husto ang PANGINOON,  isa pla un sa plano nya para mkabalik ako sa katoliko.  Pahabol pa pla ang dahilan ko noon nung katoliko pa ako isa akong walang modong tao at nagmumura pa,  pero hindi pla ito kasalanan ng simbahan akong tao ang nagkasala,  un lng po kuya salamat po."
*****

AYAN PO ANG IBINAHAGI NA KARANASAN NG ATING KAPATID NA ITO.
SIYA AY ISA LAMANG SA MGA PRODIGAL SONS NG ATING INANG SIMBAHANG KATOLIKA, NA TUMALIKOD SA SIMBAHAN, AT ISANG ARAW AY NAGISING AT GINAWANG PAG-ARALAN ANG SANTA IGLESIA NA TINALIKURAN NIYA..AT NAKASUMPONG NG KATOTOHANAN..
TINAWAG NG ESPIRITU SANTO, AT SIYA AY SUMUNOD SA MUNTING TINIG NITO.

NAMULAT DAHIL SA MGA NABABASA AT NAKAKA DISKUSYON NIYA MULA SA MGA DEBATE GROUPS DITO SA SOCIAL MEDIA. AT SUMUBAYBAY DITO SA ATING Kuya Adviser CFD PAGE AT NG SPLENDOR OF THE CHURCH NINA FR. ABE. :)
KAYA MGA CATHOLIC WARRIORS, APOLOGISTS, AT CFD's...TULOY TULOY LAMANG PO SA PAGTATANGGOL NG KATOTOHANAN.
PRO DEO ET ECCLESIA!

SA BAWAT BINHI NG KATOTOHANAN NA ATING ITINATANIM, ANG ESPIRITU SANTO NG DIOS ANG UMAANI.

KAYA SAYO KAPATID NA BRAEYAN,
"WELCOME BACK HOME DITO SA BANAL NA SANTA IGLESIA KATOLIKA NG ATING PANGINOONG JESUS.
KUMPLETUHIN NIYO NA PO ANG PAGBABALIKLOOB MO, MANGUMPISAL NA AT TANGGAPING MULI ANG BANAL NA KATAWAN NI CRISTO SA BANAL NA EUKARISTIYA SA MISA. :)

ALL PRAISE AND THANKSGIVING BE TO GOD ALMIGHTY IN THE NAME OF THE FATHER, THE SON AND THE HOLY SPIRIT... AMEN!

GOD BLESS PO SA INYO KAPATID NA BRAEYAN :)
SALAMAT PO.
****

LIKE AND SHARE (y) (y) (y)

No comments:

Post a Comment

Click here

Click here
Facebook Apologetic Fanpage