Diyos si hesus - bakit nag dadasal?


ANG SCENARIO SA SINABI NI IVY NOBLE: "HINDI DIYOS SI CHRISTO"

OK.. MAY POINT KA IVY NOBLE.. PARA SABIHIN IYAN

KAHIT SINONG TAO NA HINDI INTINDI ANG BIBLIYA AT PAGKA DIYOS NI CHRISTO GANYAN DIN ANG IISIPIN NA "KUNG DIYOS SI HESUS BAKIT SIYA NAG DADASAL SIYA SA DIYOS??"

PERO PASENSYA KUNG TATAPATIN KITA.. ANG PANANALITANG GANYAN AY DALA NG LIMITADONG KAALAMAN SA BIBLIYA AT SA MGA DAHILAN KUNG BAKIT NASULAT ANG MGA LAMAN NITO..

PAPALIWANAG KO NA:
1) BAKIT TINATAWAG NI CHRISTO ANG DIYOS KUNG SIYA AY DIYOS?
2) BAKIT NAGKATAWANG TAO SIHESUS ?
3) MARAPAT BA NA SAMBAHIN SI HESUS
4) ANG PAGKAISA NG AMA AT NI HESUS
5) SINAMBA SI HESUS, MULA SA LUPA AT SA LANGIT NG MGA BUHAY AT NG MGA KALULUWA o' ANGHEL. AT MISMONG Ama ANG TUMAWAG SA ANAK NA DIYOS


BAGO KO E-EXPLAIN SAYO.. BASAHIN MUNA NATIN ANG ILANG TALATA KUNG SAAN TINATAWAG NGA NI KRISTO NA "DIYOS" ANG AMA. ITO ANG (JOHN 20:17) AT (MATTHEW 27:46.)

GANITO ANG SINASABI NG JOHN 20:17

(JOHN 20:17)
"HUWAG KANG KUMAPIT SA AKIN DAHIL HINDI PA AKO NAKAKABALIK SA AMA."

"SA HALIP AY PUNTAHAN MO ANG AKING MGA KAPATID AT SABIHIN MO SA KANILA: AKO AY BABALIK SA AKING AMA AT SA INYONG AMA, SA AKING DIYOS AT SA INYONG DIYOS."



GANITO NAMAN ANG SINASABI SA (MT 27:46)
"NOONG BANDANG IKA-SIYAM NA ORAS, SUMIGAW SI HESUS:

"ELI, ELI LAMA SABACHTHANI?"

NA ANG KAHULUGAN AY
"DIYOS KO, DIYOS KO, BAKIT MO AKO PINABAYAAN?"

SA DALAWANG TALATA AY TINAWAG NI HESUS NA "DIYOS" ANG AMA. PERO NANGANGAHULUGAN BA ITO NA HINDI SIYA DIYOS?

**********************************

NGAYON, IPALILIWANAG KO KUNG BAKIT DALA NG "LIMITADONG KAALAMAN SA BIBLIYA" ANG PAGSASABI NA HINDI DIYOS SI KRISTO PORKE TINAWAG NIYANG DIYOS ANG AMA.

DAPAT NATING MALAMAN NA ANG DAHILAN KUNG BAKIT NASULAT ANG MGA EBANGHELYO AY PARA IPAKITA ANG MGA GINAWA NI KRISTO PARA TUBUSIN ANG TAO SA KASALANAN..

ANG DAHILAN NA ITO AY IBA SA DAHILAN KUNG BAKIT NASULAT ANG IBANG NILALAMAN NG BIBLIYA, TULAD NG OLD TESTAMENT.

AYON SA (JOHN 5:39), ANG LUMANG TIPAN AY NASULAT UPANG "MAGPATOTOO" KAY HESUS.

SAMANTALA, ANG BAGONG TIPAN, PARTIKULAR ANG MGA EBANGHELYO, AY NASULAT PARA TAYO AY MANIWALA KAY KRISTO AT MALIGTAS.

‘YAN NGA ANG SINASABI (JOHN 20:31) "PERO ANG MGA ITO AY NASULAT PARA KAYO AY MANIWALA NA SI HESUS AY ANG KRISTO, ANG ANAK NG DIYOS, AT SA PANINIWALA AY MAGKAROON KAYO NG BUHAY SA KANYANG PANGALAN."

SO NAKIKITA NATIN NA ANG IBA’T-IBANG BAHAGI NG BIBLIYA AY MAY IBA’T-IBANG DAHILAN DIN KUNG BAKIT SILA NASULAT.

KAYA NGA MARAMI ANG NAGKAKAMALI SA PAG-UNAWA NG MGA SINASABI NG BIBLIYA AY PINAGHAHALO-HALO NILA ANG MGA SINASABI AT DIWA NG MGA KASULATAN.

*****************************

NGAYON, PARA MAUNAWAAN NATIN KUNG BAKIT TINAWAG NI HESUS NA DIYOS ANG AMA, KAILANGANG MAKITA NATIN ITO SA KABUOHAN NG KUWENTO NG KALIGTASAN.

UNA,
1) KINAILANGANG MAGING TAO ANG DIYOS PARA MABAWI NIYA ANG PAG-AALIS NIYA NG BUHAY NA WALANG HANGGAN SA TAO.

NOON KASING NAGKASALA SINA EBA AT ADAN AY PINALAYAS SILA NG DIYOS SA PARAISO AT HINDI SILA NAKAKAIN MULA SA PUNO NG BUHAY. (GENESIS 3:24)

KAYA NGA MAY KAMATAYAN SA MUNDO. (ROMAN 6:23)

DIYOS ANG NAG-ALIS NG BUHAY NA WALANG HANGGAN KAYA DIYOS DIN LANG ANG PUWEDENG MAGBALIK NITO.

PERO PARA MANGYARI ITO, KINAILANGAN NA MAY TUMUBOS SA TAO. AT SI HESUS ANG GUMAWA NITO.

PAHAYAG NGA NG
(1 TIMOTHY 2:5-6)

"DAHIL IISA ANG DIYOS AT IISA ANG TAGAPAMAGITAN SA DIYOS AT TAO, ANG TAONG SI KRISTO HESUS, NA NAGBIGAY SA KANYANG SARILI BILANG PANTUBOS PARA SA LAHAT NG TAO. ITO ANG PATOTOO NA IBINIGAY SA TAMANG PANAHON."

BILANG TAGAPAMAGITAN KINAILANGAN NI HESUS NA MAGPAKUMBABA AT MAKIISA SA TAO SA KABILA NA SIYA AY DIYOS.

KAYA NGA SINASABI SA

(PHILIPPIANS 2:5-8)
"ANG KAISIPAN NINYO AY DAPAT MAGING TULAD NG KAY KRISTO HESUS, NA KAHIT NASA ANYO NG DIYOS, AY HINDI ITINURING ANG KANYANG SARILI BILANG KAPANTAY NG DIYOS, BAGAY NA DAPAT MAUNAWAAN."

"PINAWALANG KABULUHAN NIYA ANG KANYANG SARILI AT TINANGGAP ANG PINAKA KALIKASAN NG ISANG ALIPIN AT NAGING TULAD NG TAO."

"YAMANG SIYA AY NASA ANYO BILANG TAO, NAGPAKUMBABA SIYA AT NAGING MASUNURIN HANGGANG SA KAMATAYAN -- MAGING KAMATAYAN SA KRUS!"

NAKIKITA NATIN DITO NA SA KABILA NG SIYA AY "NASA ANYO NG DIYOS," ANG PAKIKIISA NI HESUS SA TAO AY LUBOS.

GANOON DIN NAGING LUBOS ANG KANYANG PAGPAPAKUMBABA.

KAYA HINDI KATAKA-TAKA NA TAWAGIN NIYANG "DIYOS KO" ANG KANYANG AMA.

‘YAN ANG KONTEKSTO NG MGA SINABI NG PANGINOON. AT DAHIL DIYAN AY WALANG KONTRADIKSYON SA KANYANG PAGIGING DIYOS.

SA KATUNAYAN, KABALIKTARAN ITO NG GAWAIN NG IBA RIYAN NA PILIT NA NAGPAPAKA-DIYOS SA KABILA NA SILA AY MGA TAO LAMANG.

ANG KAHALAGAHAN NITO AY IPINAKITA NI HESUS KUNG GAANO KAHALAGA ANG PAGPAPAKUMBABA AT PAGPAPASAKOP NG ISANG KRISTIYANO SA DIYOS

*************NEXT TOPIC******************

PAGKA DIYOS AT TUNAY NA DIYOS NI KRISTO
AT PAGKAISA NG AMA AT NI HESUS

MALINAW SA BIBLIYA NA "IISA LANG ANG DIYOS"
KAHIT ANG MGA APOSTOL ALAM NILANG IISA LANG ANG DIYOS NAKASAAD IYAN SA
(John 17:3, 1 Corinthians 8:6).

ANG TANONG: TAO LANG BA SI HESUS? AT HINDI DIYOS ?

SAGOT: HINDI LAMANG TAO.. SAPAGKAT SIYA AY NAGKATAWANG TAONG DIYOS AT KUNG NABASA NIYO SA TAAS NAIPALIWANAG KO NA KUNG BAKIT SIYA NAGING TAO



PAGKA TUNAY NA DIYOS NI HESUS..

DAHIL SI HESUS AY

"higit pa kay Jonas ang naririto."
(Matthew 12:41)

"Higit pa kay solomon ang naririto"
(Matthew 12:42)

"HIGIT SA TEMPLO ANG NARIRIRTO"
(Matthew 12:6)

"ANG ANAK NG TAO AY PANGINOON, KAHIT NA ANG SABATH"
(Mark 2:28)

AT ANG HIGIT SA LAHAT .. BAGO PA ILIKHA ANG LAHAT NG BAGAY.. SI HESUS AY SI HESUS NA.. MAS NAUNA PA KAY ABRAHAM NA NASA BOOK OF GENISIS

"BAGO PA IPANGANAK SI ABRAHAM.. AKO NA"
(John 8:58).

"BEFORE ABRAHAM WAS BORN.. I AM"
(John 8:58).

SA PAMAMAGITAN NI HESUS.. NASA ATIN ANG DIYOS

(Matthew 1:23)
"Narito, ang dalaga'y magdadalang-tao at manganganak ng isang lalake, At ang pangalang itatawag nila sa kaniya ay Emmanuel; na kung liliwanagin NASA ATIN ANG DIYOS"

PROPESIYA KAY PANGINOONG HESUS AT PAGKAKATAWANG TAO NG DIYOS

(Gen.9:16)
he made an everlasting covenant with Noah and with all of his descendants.

(Gen.9:27)
The Messiah would come through the line of Shem and the Seed of the woman, through Shem would be GOD.

(Gen.17:7)
he makes an everlasting covenant with Abraham

(Isaiah 9:6)
For unto us a Child is born, Unto us a Son is given; And the government will be upon His shoulder. And His name will be called WONDERFUL, COUNSELOR, MIGHTY GOD, EVERLASTING FATHER, PRINCE OF PEACE...

KAPAG SINABI BANG EVELASTING MAY HANGANAN BA ??

MALINAW NA SI HESUS.. AY EVERLASTING.. WALANG HANGANG TIPAN.. WALANG HANGANG DIYOS.. WALANG HANGANG AMA.. AT SABI PA

"NG PASIMULA AY NANDOON NA ANG SALITA.. AT ANG SALITA AY KASAMA NG DIYOS AT ANG SALITA AY DIYOS"
(John 1:1)

AT ANG SALITA AY NAGING LAMAN
(JOHN 1:14)

AT ANG DIYOS AY NAGING LAMAN

"God was manifested in the flesh"
1 Timothy 3:16

MALINAW NA MALINAW.. ANG SALITA AY DIYOS AT KASAMA NA NG DIYOS NG PASIMULA AT ANG SALITA AY NAGING LAMAN

AT INAMIN NIYA SA MGA APOSTOL NA SIYA AY DIYOS AT IISA LANG SILA NGA AMA..

SINABI NI PHILIP NA "IPAKITA MO SA AMIN ANG AMA AT MAGIGING MASAYA NA KAMI"
ANG SINAGOT NI HESUS AY GANITO..

WIKA NI HESUS SA SAINABI NI FELIPE..

"HINDI MO BA AKO NAKIKILALA FELIPE? AKOY KASAMA NIYO NG MAHABANG PANAHON.. ANG NAKAKITA NA SA AKIN AY NAKAKITA NA SA AMA, BAKIT MO SASABIHIN "IPAKITA MO SA AMIN ANG AMA?"
(John 14:9-11)

SINABI NIYA DIN SA MGA APOSTOL NA"

"KUNG AKO AY INYONG NAKILALA AY NAKILALA NIYO NA DIN ANG AMA. NAGYO'Y INYO NA SIYANG NAKITA AT NAKILALA"
(JUAN 14:7)

MALINAW DIBA ? ETO PA

"MAGSISAMPALATAYA KAYO SA AKIN, NA AKOY NASA AMA AT ANG AMA AY NASA AKIN, KUNDI KAYA'Y MASISAMPALATAYA KAYO SA AKIN DAHIL SA MGA GAWA RIN"
(JUAN 14:11)

ISA PANG NAPAKA LINAW NA PANANALITA NI HESUS


AT PINAGTAPAT NIYA DIN SA MGA HUDYO NA HUMUHUSGA SA KANYANG PAGIGING DIYOS.. WIKA NG HUDYO

"NAGPAPANGAP KANG DIYOS NGUNIT TAO KA LAMANG"
John 10:33

GAYO'Y SINABI AT NILINAW NA NI HESUS SA MGA HUDYO NA SIYA AY DIYOS AT KAPANTAY NG AMA

"AKO AT ANG AMA AY IISA"
(John 10:30)


AT SABI SA OLD TESTAMENT NA IISA LANG ANG TAGAPAGLIGTAS AT MANUNUBOS.. O' REDEEMER WALANG IBA KUNDI ANG DIYOS.. (Isaiah 44:6) (Isaiah 43:10)

"besides Me there is no Savior and God"

PERO BAKIT NEW SI HESUS ANG TANGING MANUNUBOS AY SI HESUS AT DIYOS NA TOTOO ??? GAYO'Y NILINAW NA NIYA NA IISA LANG SILA NG AMA.. IISA LANG!

(2 Peter 1:1)
"GOD AND SAVIOR JESUS CHRIST"

(Titus 2:13)
"God and Savior Jesus Christ"

(John 20:28)
And Thomas answered and said to Him, “My Lord and my God!”

O BAKIT TINAWAG SI HESUS NA DIYOS AT TAGAPAGLIGTAS KUNG ANG AMA LANG ANG MAY TITOLO NA GANYAN ??

AT SI HESUS ANG:
"AKO ANG ALPHA AT ANG OMEGA.. ANG SIMULA AT ANG WAKAS"
(Revelation 22:13 )

Acts 20:28 -
(God purchased us with His own blood)

Revelation 1:5,6; Revelation 5:8-9 -
(Jesus' blood purchased us)


AT HIGIT SA LAHAT ANG TRONO NI HESUS NA DIYOS AT PANGINOON AY WALANG HANGAN

Hebrews 1:8,9
"But to the Son He (God) says: “Your throne, O God, is forever and ever; A scepter of righteousness is the scepter of Your kingdom. You have loved righteousness and hated lawlessness; Therefore God, Your God, has anointed You with the oil of gladness more than Your companions.”


****PAG SAMBA NG MGA TAO AT KALULUWA KAY HESUS*****

UNA Sinamba si jesus NG MGA MAGO...

Mat 2:2 Saan naroon ang ipinanganak na hari ng mga Judio? sapagka’t aming nakita ang kaniyang bituin sa silanganan, at naparito kami upang siya’y SAMBAHIN.[Ang Biblia

ANG PURPOSE NG 3 MAGO AY MAKITA SI JESUS AT SAMBAHIN SIYA. AT NUNG MAKITA NILA E TALAGANG SINAMBA NILA SI JESUS NA HOLY CHILD O STO. NINO:

Mat 2:11 At nagsipasok sila sa bahay, at nangakita nila ang sanggol na kasama ng kaniyang inang si Maria; at NANGAGPATIRAPA SILA AT NANGAGSISAMBA SA KANIYA; at pagkabukas nila ng kanilang mga kayamanan ay inihandog nila sa kaniya ang mga alay, na ginto at kamangyan at mira.

HINDI LANG ANG BATANG SI JESUS ANG SINAMBA, MAS LALO NA NUONG MALAKI NA SIYA AT PINAKITA NIYA ANG KANYANG KAPANGYARIHAN BILANG DIOS NUNG UTUSAN NIYA ANG HANGIN AT PATAHIMIKIN ANG BAGYO SA DAGAT:

Mat 14:31-33 At pagdaka’y iniunat ni Jesus ang kaniyang kamay at hinawakan siya, at sa kaniya’y sinabi, Oh ikaw na kakaunti ang pananampalataya, bakit ka nagalinglangan? At pagkalulan nila sa daong, ay humimpil ang hangin. At ang mga nasa daong ay NAGSISAMBA, na nangagsasabi, Tunay na ikaw ang Anak ng Dios.

MAS LALO ITONG TUMINDI NG NAKITA NILA SI JESUS NA MULING NABUHAY. THE RISEN LORD WAS WORSHIPPED:

Mat 28:9 At narito, sila’y sinalubong ni Jesus na nagsasabi, Mangagalak kayo. At sila’y nagsilapit at niyakap ang kaniyang mga paa, at siya’y SINAMBA.

Mat 28:17 At nang siya’y kanilang makita, ay kanilang SINAMBA; datapuwa’t ang ilan ay nangagalinlangan.

BAGO UMAKYAT SA LANGIT ANG PANGINOONG JESUS AY SINAMBA RIN SIYA:



Luk 24:52 At siya’y SINAMBA nila, at nagsibalik sila sa Jerusalem na may malaking galak…

HINDI LANG DITO SA LUPA DAPAT ISAGAWA ANG PAGSAMBA KAY JESUS MAGING SA LANGIT AY INIUTOS NG AMA NA SAMBAHIN NG MGA ANGHEL SI JESUS AT ANG DIOS AMA PA MISMO ANG TUMAWAG NG “DIOS” SA ANAK:

Heb 1:6-8 At muli nang dinadala niya ang panganay sa sangkalupaan ay sinasabi, At SAMBAHIN siya ng lahat ng mga anghel ng Dios. At sinasabi niya tungkol sa mga anghel, Yaong ginagawang mga anghel niya ang mga hangin, At ang kaniyang mga ministro ay ningas ng apoy: Nguni’t tungkol sa Anak ay sinasabi, Ang iyong luklukan, Oh DIOS, ay magpakailan man; At ang setro ng katuwiran ay siyang setro ng iyong kaharian.

3 comments:

  1. Napakalinaw ng mga verses. Mga bulag lang ang mga di pa makakaunawa nito

    ReplyDelete
  2. Hello po sa lahat nabasa ko po tong kay kuya adviser at mga komento dito.. kaya mag iiwan nalang din po ako ng comment... kung tao po si kristo di isa din po siyang makasalanan at nanggaling din po siya sa alabok dahil ang taoy nanggaling lang sa alabok at naging makasalanan ng nagkasala ang ating pinag mulan sina eva at adan. Kung tao po si kristo wala siyang karapatang magpatawad ng mga kasalanan at wala siyang karapatang magligtas ng mga kasalanan ng tao.. kung tao po si kristo walang halaga ang pagkamatay niya at pag sacrifice ng buhay niya para sa tao.. ang tao ay patuloy pading makasalanan  at walang kaligtasan . At hindi po magkakaron ng pangalawang buhay.. yan po eh kung tao lang talaga si kristo at kung isa lang din naman siyang propeta ganun din po isa pa din siyang tao at nilikha lang din ng diyos... at hindi na dapat siya tinawag na anak ng diyos kung isa lang din pala siyang propeta inilahad na niya ang kanyang sarili sa tao.. pero sa lahat ng aral niya palagi niyang ginagamitan ng talinhaga, dahil gusto mismo ni kristo na makilala ng mga tao ang kanyang ama sa pamamagitan niya, sa mga taong may paniniwala sa diyos tanggapin siya bilang anak ng diyos na nagkatawan tao lalang ng espiritu santo..... at ang mga gumagawa ng mga iba ibang diyos at pinapanaligan ay lalo pang mabulag at hindi makita ang panginoong jesus... sa sobrang katigasan nuon ng tao kahit palagi nilang kasama ang diyos sa pamamagitan ng mga tinawag ng diyos tulad ni moises at iba pang propeta.. hindi sila nakontento at gumawa pa din ng ibang diyos... kaya para makilala ng tao ang diyos at makasama sa pamumuhay bilang tao sa pamamagitan din ng tao nagkatawang tao ang kanyang bugtong na anak na si jesu kristo ang ating taga palgigtas at panginoon.. pero ganun pa din matigas pa din ang ulo ng tao nagkatawan tao na ang anak ng diyos ayaw pa ding kilalanin ng mga tao.. kaya ang mga hindi nakakakita ay lalo pang hindi nakakita.. sinasabi ang taong hindi tumatanggap na si jesus at nagkatawang tao ay anti kristo.. ibig sabihin anti kristo ka kung hindi mo tinatanggap na si jesus ay nagkatawan tao ibig sabihin isinilang ng katawang pang lupa pero nang galing sa espiritu ng diyos... ..at magkaiba yung isinilang ka na nanggaling sa pag buo ng mga magulang mo, si kristo ay nagmula sa espiritu ng diyos at isinilang ng tao kayat siyay nagkatawan tao..... tinatanggap natin si kristo bilang nagkatawan tao lalang ng espiritu santo... nanggaling sa espiritu... hindi naman natin tinatanggi na naging tao si kristo nakasalamuha ng tao pero hindi din naman natin tinatangi na siya ay anak ng diyos at nanggaling sa diyos. Tagapamagitan natin sa ama dahil ang tao ay hindi pwedeng makalapit sa ama dahil siyay banal upang tayoy makalapit sa kanya at mapatawad niya sa ating mga kasalanan at pagkakasala pa ang ating panginoong jesu kristo ang daan para makalapit sa kanya.. kung tao lang din si kristo mamamatay siya kung lalapit siya sa diyos dahil tao lang pala siya.. pero siya ay galing sa diyos.. kaya hindi lamamg siya simpleng taong katulad natin, NAGKATAWAN TAO lamang siya upang masunod natin ang lahat ng kanyang ginawa dito sa lupa ang hindi nakayang gawin ng tao nuon ay ginawa niya ang magpakumbaba at mahalin hindi lamang ang mabuti kundi pati na ang masama o maging ang kaaway mo pa... tanggapin sa iyong pammamahay hindi lamang ang pamilya mo kundi maging ang pulubi man.. at wag mahalin ang sanlibutan dahil ito ang nagbibigay ng kasalanan sa tao ang karangyaan na bigay ng sanlibutan.. at yun ang tinuturo ng panginoong jesus hinubad ang kanyang pagiging banal at kahit may kapangyarihan siya na kaya niyang wag ng pahirapan pa ang sarili niya dito sa lupa hindi niya ginawa para makita natin na kung panong siya mismo na panginoon na nagawang maging aba dito sa lupa tayo pa kaya na nilikha lamang ng diyos at pina ka aba sa lahat walang kapangyarihan,

    ReplyDelete
  3. kaya sa pangalan niya tayong mahihina sa pag gawa ng masama at nakakalimot sa pangalan lang niya tayoy naliliwanagan at nakakayang labanan ang pagsubok o temptation sa ating buhay dahil siya ang KAPANGYARIHAN ng diyos... sa pangalan niya nagagawa niyang mapabuti ang masasama at mapanumbalik ang lahat sa diyos ama sa mga kumikilala sa kanya.. pag ang lahat ng tao ay napasakop nasa panginoong jesus ang panginoong jesus naman kabilang tayo ang papasakop sa diyos.. ang panginoong jesus na KAPANGYARIHAN NG DIYOS AY BABALIK NA SA AMA... dahil si KRISTO JESUS ANG KAPANGYARIHAN NG DIYOS WALANG NILIKHA ANG DIYOS NA HINDI GALING SA KANYA... SYA NA MULA NUON PA MAN BAGO PA NILIKHA ANG LAHAT NG BAGAY.. BAGO PA DUMATING ANG TAO ANG MGA BANAL AT ANG MGA PROPETA SIYAY SIYA NA AT SA KANYA NAGMULA ANG LAHAT...kaya nga sa kanyang pangalan lahat ng demonyo ay nagsisilayas... kung ang faith mo kay jesus ay malaki makikita mo kung pano siyang kumilos sa buhay mo.. ang lahat ng bagay ay hindi na magiging mahalaga sayo.. kundi nanaisin muna lang na makita siya sa buhay mo... yun lamang po ang nais kung i share dito... hindi lamang na hamak na tao si kristo sa aking pagkakakilala at pagtanggap sa kanya sa buhay ko... sa pamamagitan ng panginoon jesus ako ay nananalig ng kaligtasan...hindi tayo ililigaw ng ating pananampalataya kung tayoy naniniwala sa diyos at sa ating panginoong jesu kristo... wag na nating guluhin pa ang ating mga sarili sa mga bagay bagay... ang lahat ng bagay ay hindi natin pwedeng pag aralan nalang habambuhay... dahil hindi natin makakamit ang kaligtasan sa pag aaral lang o pakikipagtalo.. iisa lang ang pwedeng sagot sa lahat ng ating tanong ang kaligtasan natin lahat ay magmumula sa ating panginoong jesu cristo kung tayoy mananalig na siyay nagkatawan tao at atin ding panginoon.... salamat po...

    ReplyDelete

Click here

Click here
Facebook Apologetic Fanpage