Jehovah's witness - tama ba ang "jehovah"

"JEHOVAH" TAMA BA O' MALI ?

By: Bro. cenon bibe
TUMBUKIN NATIN

NOONG ISINULAT NG MGA HEBREO ANG ORIHINAL NA TEXTO NG OLD TESTAMENT AY HINDI SILA GUMAMIT NG MGA VOWELS KAYA WALA KAYONG MABABASANG “A E I O U” SA MGA ITO. PURO LANG “B K D G H L M ETC.” ANG NAKASULAT. 
KAHIT GANOON AY ALAM NG MGA HEBREO ANG BIGKAS SA MGA SALITA. HALIMBAWA, ALAM NILA NA ANG “DYS” AY BINIBIGKAS NA “DIYOS.”

- NANG TANUNGIN NI MOISES ANG DIYOS KUNG ANO ANG PANGALAN NITO AY SINAGOT NIYA NITO SA EXODUS 3:15 NG GANITO, “SABIHIN MO SA MGA ISRAELITA: ANG PANGINOON ... ITO ANG AKING PANGALAN MAGPAKAILANMAN. ITO ANG ITATAWAG SA AKIN NG LAHAT NG SALINLAHI.’”

- SA MGA BIBLIYA NGAYON “PANGINOON” O “LORD” ANG MABABASA PERO SA ORIHINAL NA KASULATAN SA HEBREO ANG NAKASULAT SA LUGAR NITO AY APAT NA LETRA NA ANG KATUMBAS SA SALITA NATIN AY “YHWH.” ANG “YHWH” ANG BUMUBUO SA PANGALAN NG DIYOS.

- NATAKOT ANG MGA HEBREO NA LUMABAG SA EXODUS 20:7, KUNG SAAN SINASABING “HUWAG MONG GAGAMITIN ANG PANGALAN NI YHWH, ANG IYONG DIYOS, SA WALANG KATUTURAN,” HINDI NA NILA BINANGGIT ANG PANGALAN NITO. SA HALIP AY GINAMIT NILA ANG “ADONAI” NA ANG KATUMBAS SA PILIPINO AY “PANGINOON” AT “LORD” NAMAN SA INGLES.

- PARA HUWAG MAGKAMALI ANG MGA MAGBABASA NG BANAL NA KASULATAN, ISINULAT NG MGA HEBREO ANG SALITANG “ADONAI” SA IBABAW NG “YHWH” PARA ANG “ADONAI” ANG MASABI AT HINDI ANG “YHWH.”

- NOONG 200 TAON BAGO IPANGANAK ANG PANGINOONG HESUS, ISANG GRUPO NG ESKRIBA NA KUMUKOPYA AT NAGPAPARAMI NG KASULATAN ANG NAGSIMULANG MAGLAGAY NG “VOWELS” SA MGA SALITA RITO, PUWERA LANG SA “YHWH.” ITO AY DAHIL SA PUNTONG ‘YON AY NAKALIMUTAN NA NILA ANG TAMANG BIGKAS DITO. KUNG SABAGAY, “ADONAI” NAMAN ANG GINAGAMIT NILA KAYA ITO NA LANG ANG NILAGYAN NILA NG “VOWELS.”

- SA PAGITAN NG 1200 AT 1600 A.D., ISINALIN NG ILANG “GERMAN SCHOLARS” ANG BANAL NA KASULATAN MULA SA HEBREO PAPUNTANG GERMAN AT ISINULAT NILA ANG “YHWH” SA KANILANG SALITA KAYA ITO AY NAGING “JHVH.”

- NOONG ISINASALIN NILA ANG “YHWH” AY HINDI NILA ITO MABUO DAHIL WALA NGANG “VOWELS.” UMIRAL ANG PAGKA-ADELANTADO NG ISANG “SCHOLAR” AT KANYANG “HINIRAM” ANG “VOWELS” NG “ADONAI” NA NAKASULAT SA IBABAW NG “YHWH.” 

KAYA KASABAY NG PAGSASALIN NITO SA “JHVH” AY ISININGIT NIYA SA GITNA NG MGA LETRA NITO ANG “VOWELS” NG ADONAI. INILAGAY NIYA ANG “A” SA GITNA NG “J” AT “H.” ANG “O” AY INIPIT NIYA SA “H” AT “V.” AT ANG HULING “A” AY GINAWA NIYANG “PALAMAN” SA PAGITAN NG “V” AT “H.”
DOON NAIMBENTO NA ANG SALITANG “JAHOVAH” NA SA KALAUNAN AY NAGING “JEHOVAH.”
ALAM NG MGA TAGASUNOD NI “JEHOVAH” NA HINDI ITO ANG TUNAY NA PANGALAN NG DIYOS AT MALI ANG KANILANG GINAGAWA. PERO DAHIL NAGKASUBUAN NA AY GINAGAMIT NA LANG NILA ITO. TUTAL DAW AY “NAKAUGALIAN” NA ITO NG MARAMING TAO.

PERO TAMA BANG IPAGPATULOY ANG ISANG BAGAY NA HINDI TOTOO AT MALI DAHIL LANG NAKAUGALIAN NA ITO? WALANG MASAMA KUNG GUMAMIT NG NAKAUGALIAN NA LALO NA KUNG TAMA ITO. PERO KUNG MALI, ‘YAN ANG DELIKADO.
ANG PROBLEMA SA SALITANG “JEHOVAH” AY “GAWA-GAWA” NA NGA ITO AY MASAMA PA ANG KAHULUGAN NITO. AT SA TUWING GAGAMITIN ITO SA DIYOS AY BINABASTOS, BINABABOY AT TINATARANTADO NILA ANG PANGINOON.

AT BAKIT? GANITO ‘YON.

SA SALITANG HEBREO, ANG SALITANG “JEHOVAH” AY LALABAS NA MAY DALAWANG BAHAGI: ANG “JEH” NA LALABAS NA “FIRST NAME” AT ANG “HOVAH” NA MAGIGING “DESCRIPTION” NG “FIRST NAME.”

SA BANAL NA KASULATAN, HINDI GINAMIT ANG “JEH” NA PANGALAN NG DIYOS. PATUNAY RITO ANG PANGALAN NG MGA PROPETANG TULAD NINA “ISA-YAH” NA SA HEBREO AY “YESHAYAH” O “SI YAH ANG KALIGTASAN.” MALING SABIHIN NA “ISA-JEH” O “YESHAJEH” NA NAKAKATAWA KUNG IPIPILIT.

ANG SALITANG “ALLELUYAH” AY NANGANGAHULUGAN NG “PAPURI KAY YAH.” HINDI ITO PUWEDENG ISULAT NA “ALLELUJEH.”

SA MADALING SALITA, ANG “JEH” AY WALANG KAUGNAYAN SA DIYOS.
PERO ANG MALUPIT AY ANG IBIG SABIHIN NG “HOVAH.” 
SA HEBREO, ANG KAHULUGAN NITO AY “RUIN O DISASTER” O SA PILIPINO AY “WASAKIN O KAPAHAMAKAN.”

ANG ISANG KATULAD NA SALITA NG “HOVAH” AY “HAVVAH” NA ANG IBIG SABIHIN NAMAN AY “MASAMANG PAGNANASA,” “KALAMIDAD,” “PAGKAWASAK.”

NAKIKITA BA NINYO ANG IBIG SABIHIN NIYAN? ANG IBIG SABIHIN NG “JEHOVAH” AY “TAGAWASAK” O “NAGDADALA NG KAPAHAMAKAN.” ANG “JEHOVAH” AY “MASAMANG PAGNANASA” AT NAGDADALA NG “KALAMIDAD” AT “PAGKAWASAK.”

NAKAKAKILABOT, DAHIL ANG PANGALANG “JEHOVAH” AY MAS TUMUTUKOY SA DEMONYO AT HINDI SA DIYOS.

LIKE AND SUPPORT THIS PAGE:
Kuya adviser CFD

3 comments:

  1. Ipibagyayabang pa ng Mga ministro ng JWs na sila lang daw maliligtas dahil sila lang ang kumikilala Sa tutunay na pangalan ng Diyos. Iyon Pala ay isang malaking kamangmangan. Kung makipagtalakayan abay para na kung ilang units meron siya Sa Hebrew language.

    ReplyDelete
  2. Jws.propesor nag convert SA catholic.ngaun 2019

    ReplyDelete

Click here

Click here
Facebook Apologetic Fanpage