Pagpapahid ng Abo (ash wednesday)



PAGPAPAHID NG ABO, FASTING AND ABSTINENCE.. HINDI BA BIBLICAL?




ISA SA TINUTULIGSA NG MGA INC, ADD AT IBANG SEKTA NA IMBENTO LANG DAW NG MGA PARI ANG PAGPAPAHID NG ABO.. AT HINDI DAW BIBLICAL ITO, ISA NANAMANG PANGHUHUSGA ANG IBINABATO SA SIMBAHANG KATOLIKO. NAGPAPTUNAY SA KANILANG KAKULANGAN SA KAALAMAN SA BIBLIYA AT ISA NANAMAN KASO NG PANGHUHUSGA SA PANINIWALANG KATOLIKO




ANG PAGPAPAHID NG ABO SA ULO AY KINAGAWIAN NA NG MGA TAGASUNOD NG DIYOS NG MATAGAL NG PANAHAON AT DALA DALA NATIN MGA KATOLIKO .. SIMBOLO NG PAGSISI AT PAGDADALAMHATI SA PAGKAMATAY NG PANGINOONG HESUS SA KRUS..




SINASABI SA BIBLIYA NA ANG MGA HUDYO NA NAGSISI AT NAGLULUKSA AY NAGLALAGAY NG ABO SA KANILANG NOO PARA IPAKITA ANG KANILANG PAGLULUKSA SA DIYOS...

MALINAW DIN NA SINASABI NG BIBLIYA NA ANG PAGPAPAHID NG ABO SA NOO AY PAGPAPAKITA NG MADALAMHATING PAGSISI SA "PAGKAKASALA" AT "PAGKAKAMALI"




ANG GANITONG KINAGAWIAN AY DALA DALA NG SIMBAHANG KATOLIKO .. NA PAGPAPAHID NG ABO SA MGA ULO PARA SA PAGPAPAKITA NG PAGLULUKSA SA PAGPAPAHIRAP AT PAGKAMATAY NG PANGINOONG HESUS..




*********BIBLICAL BASIS*******




SA BIBLIYA ANG PAGLALAGAY NG ABO AY GINAGAWA NG MGA HUDYOS UPANG MAGDALAMHATI O' MAG LUKSA SA DIYOS...




(2 SAMUEL 13:19)

"At BINUBUHUSAN ni Thamar NG MGA ABO ang kaniyang ULO, at hinapak ang kaniyang suot na sarisaring kulay na nakasuot sa kaniya; at kaniyang ipinatong ang kaniyang kamay sa kaniyang ulo, at ipinagpatuloy ang kaniyang lakad, na NA UMIIYAK NG MALAKAS habang siya'y yumayaon."




***

SEE.. SI THAMAR AY NAGPAPAKITA NG PAGDADALAMHATI SA DIYOS, PAGPAPAKITA NG KABABAAN NG LOOB ANG PAGPAPAHID NG ABO SA ULO, HINUBAD NIYA ANG KANYANG SARILI HABANG LUMALAKAD NG HUMAHAGULGOL SA IYAK.. PARA IPAKITA SA DIYOS ANG PAGDADALAMHATI NIYA O' PAGSUSUMAMO SA DIYOS




ETO PA..




(LUCAS 10:13)

"Sa aba mo, Corazin! sa aba mo, Betsaida! sapagka't kung sa Tiro at sa Sidon sana ginawa ang mga gawang makapangyarihang ginawa sa inyo, ay maluwat na DISING NANGAGSISI na nangauupong may kayong magaspang AT ABO. "




***

KITA NIYO PO?.. ANG PAGSISI O' PAGPAPAKITA NG PAGSISI SA PAGKAKAMALI AY KINAGAWIAN NA MAG LAGAY NG ABO PARA IPAKITA SA DIYOS ANG KANILANG KABABAN NG LOOB




ETO PA..




(ESTHER 4:1,3)

"Nang maalaman nga ni Mardocheo ang lahat na nagawa, HINAPAK ni Mardocheo ang kaniyang suot, at nanamit ng kayong magaspang na may MGA ABO

....At sa bawa't lalawigan, na kinararatingan ng utos ng hari at ng kaniyang pasiya, ay nagkaroon ng malakas na panangisan sa gitna ng mga Judio, at ng PAGAAYUNO, at ng IYAKAN at ng TAGHUYAN; at marami ay nagsipanamit ng kayong magaspang at mga ABO."




***

KAYA NAMAN ANG PAGAAYUNO NA GINAGAWA NATIN "DISIPLINA" TUWING HOLY WEEK, AT PAGPAPAHID NG ABO SA ULO, PANALANGIN.. ETC... AY KINAGAWIAN NATIN PARA MAG PAKITA NG PAGLULUKSA O' PAGDADALAMHATING PAGSISI SA DIYOS




(DANIEL 9:3)

"At aking itiningin ang aking mukha sa Panginoong Dios upang humanap sa pamamagitan ng PANALANGIN at ng mga samo, ng PAGAAYUNO, at pananamit ng MAGASPANG, at ng MGA ABO"




AT ISA PA DITO ANG KWENTO NI JOB.. NA KUNGSAAN SINUBOK SIYA NG DIYOS.. NAWALA ANG LAHAT NG BAGAY SA KANYA, KATULAD NG ARI-ARIAN, BAHAY, TANIMAN, HAYOP, PAMILYA NGUNIT SA KABILA NG KANIYANG MATINDING PAGHIHIRAP.. AY HINUBAD NIYA ANG KANYANG DAMIT NAG PATIRAPA SA LUPA AT NAGPAHID NG ABO AT NAGPURI SA DIYOS..




(JOB 2:13)

"At nang kanilang itanaw ang kanilang mga mata mula sa malayo, at hindi siya makilala, kanilang inilakas ang kanilang tinig, at nagsiiyak at hinapak ng bawa't isa sa kanila ang kanikaniyang balabal, at NAGBUHOS NG ALABOK SA KANYANG ULO sa dakong langit."




SEE.. MALINAW NA GINAWA RIN NI JOB ANG PAGLALAGAY NG ABO SA ULO UPANG IPAKITA ANG KANYANG PAGDADALAMHATI SA DIYOS




KAYA TUWING ASH WEDNESDAY AY NAGDADALAMAHATI TAYO AT GINUGUNITA NATING MGA KATOLIKO ANG PAGPAPAHIRAP SA PANGINOONG HESUS AT ATING IPINAPAKITA ANG ATING PAGLULUKSA O' PAGSUSUMAMO NATIN SA DIYOS.. IPINAPAKITA DIN NATIN SA PAGPAPAHID NG ABO SA ULO ANG ATING PAGSISI SA ATING MGA KASALANAN NAGAWA SA DIYOS




****FASTING AND ABSTINENCE****




GAYA NG BINASA NATIN SA TAAS ANG MGA NAGLULUKSA AY NAGAAYUNO NA MABABASA NATIN SA DANIEL 9:3.. ANG FASTING O' PAGAAYUNO AY ISANG DISIPLINA NA ISINASAGAWA SA BIBLIYA NA MAKIKITA SA OLD AT SA NEW TESTAMENT..




SI KRISTO INAASAHAN NIYA NA ANG KANYANG MGA DISIPULO AY MAG AAYUNO




(MATEO 9:14-15)

"Nang magkagayo'y nagsilapit sa kaniya ang mga alagad ni Juan, na nangagsabi, Bakit kami at ang mga Fariseo ay NANGAGAAYUNO madalas, datapuwa't hindi NANGAGAAYUNO ang mga alagad mo?




At sinabi sa kanila ni Jesus, Mangyayari bagang MANGAGLUKSA ang mga abay sa KASALANAN, samantalang ang kasintahang lalake ay kasama nila? datapuwa't darating ang mga araw, na ang kasintahang lalake ay aalisin sa kanila, at kung magkagayo'y MANGAGAAYUNO sila.




AT TINURUAN NI KRISTO ANG KANYANG MGA ALAGAD KUNG PAANO MAGAYUNO NG TAMA AT KALUGOD LUGOD SA DIYOS




(MATEO 6:16-18)

"Bukod dito, pagka kayo'y nangagaayuno, ay HUWAG KAYONG GAYA NG MGA MAPAGPAIMBABAW, na may mapapanglaw na mukha: sapagka't kanilang pinasasama ang mga mukha nila, upang makita ng mga tao na sila'y nangagaayuno. Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Tinanggap na nila ang sa kanila'y ganti.




Datapuwa't ikaw, sa pagaayuno mo, ay LANGISAN MO ANG IYONG ULO, at hilamusan mo ang iyong mukha; Upang huwag kang makita ng mga tao na ikaw ay NAGAAYUNO, kundi ng Ama mo na nasa lihim: at ang Ama mo, na nakakikita sa lihim, ay gagantihin ka."




******

ABSTINENCE O' ABSTINENSIYA

AY ISANG BIBLICAL DISCIPLINE DIN NA MABABASA NATIN SA (DANIEL 10:2-3)




"Nang mga araw na yao'y akong si Daniel ay NANANGIS na tatlong BUONG SANGLINGGO. HINDI AKO KUMAIN NG MASARAP NA TINAPAY, ni pumasok man ang KARNE ni ALAK man sa aking BIBIG, ni naglangis man ako, hanggang sa natapos ang TATLONG BUONGSANGLINGGO."




ANG KINAGAWIAN NI DANIEL GANUN DIN NA GINAGAWA NATING MGA KATOLIKO SA PAGUGUNITA SA HOLY WEEK SA PAGPAGKAKAPAKO NI HESUS SA KRUS.. KAYA UMIIWAS TAYO SA MGA KARNE DURING LENT .. NA GAYA NG GINAGAWA NI DANIEL SA ARAW NA IYON.. ANG TANIGN KARNE NA KINAKAIN SA ARAW NA IYO AY ISDA NA SUMISIMBOLO KAY HESUS




FOR MORE CATHOLIC APOLOGETICS LIKE THIS PAGE (y)

https://www.facebook.com/kuyaadviserpublicfigure

KINDLY SUPPORT (y)

10 comments:

  1. Saang talata ng bibliya makikita na ang mga hudio ay nagpapahid ng abo sa noo?

    ReplyDelete
  2. Napahiran na po ngayon Ang noo ko ano pong araw Ang pwedeng kumain ng karne?

    ReplyDelete
  3. Deuteronomio 12:32
    Kung anong bagay ang iniuutos ko sayo
    Ay siya mong isa gawa; huwag mong dadagdagan ni babawasan. Hindi hinuhusgaan kundi nag sasabi lang ng totoo. Saan ba sa biblia nasusulat ang mag lagay ng tandang crus na abo sa noo?

    ReplyDelete
  4. May abo sa Bibliya pero gamitin sa Tama hindi baliktad ang pag gamit, puro salungat talaga ang turo nyo. Ang abo ay Ibinuhos sa ulo at hindi pinapahid sa noo at mag lagay pa ng cross. Ikaw yang mga verse na pinost Tama pero ang ginawa nyo sa abo hindi Tama ginamit nyo PA ang abo sa maling aral. Ibuhos sa ulo Yan Sana ginawa nyo ibuhos sa ulo hindi ipahid sa noo kundi sa ulo. Lahat ng turo nya baliktad pati pag baptized wisik wisik, ang ginawa ni God ilublob hindi wisikan Lang.

    ReplyDelete
  5. Nabanggit nga ang abo pero wala naman utos ang Dios na gawin un.

    ReplyDelete
  6. mawalang galang na po maiintindihan niyo po yan kung babasahin niyo yung buong chapter 2samuel 13:1-22 thank you po

    ReplyDelete
  7. wala talaga siyang kinalaman sa ash day

    ReplyDelete
  8. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete

Click here

Click here
Facebook Apologetic Fanpage