GUSTO ATA MAPAHIYA NETONG SI LIMAR HE HE HE!
ANG PINAKA MATIBAY NIYANG REFERENCE AT BASIS AY ANG NASA
CORINTIANS 11:14.. na ang sabi ay..
"kung ang lalake ay may MAHABANG BUHOK, ito ay MAHALAY sa KANYA, ngunit kung ang babae ang may mahabang buhok, ito ay kanyang kapurihan?"
MALINAW NA HINDI SI CHRISTO ANG TINUTUKOY DIYAN NI SAN PABLO KUNDI ANG MGA TAGA CORINTO.. DAHIL HINDI MO ALAM ANG PANGYAYARI DOON AT HINDI MO BINABASA NG BUO.. HE HE HE! WORD FOR WORD kasi UMITINDI NG BIBLIYA KAYA NAPAGHAHALATAANG SHUNGA SHUNGA!
eto ang gagamitin kong batayan:
1) BIBLIYA
2) HISTORY
3) 1ST CENTURY AND EARLY CHRISTIAN ICON OF JESUS
at isang tumatagingting na:
4) COMMON SENSE!!
SO AKO NAMAN ANG MAGSASALITA Limar Roces OK! GAME
****************************
Kung susuriin po natin ang mga sulat ni Pablo sa mga taga-Corinto ay makikita natin na ilan sa mga MABIBIGAT na PROBLEMA sa lungsod na iyon ay ang IMORALIDAD at PAGANISMO.
At isang bagay po kung saan NAKIKITA ang PAGSASANIB ng IMORALIDAD at PAGANISMO ay sa BUHOK ng mga TAO roon.
Ayon sa mga pag-aaral, isang gawain ng mga BABAENG PAGANO sa CORINTO ay ang MAGPAKALBO bilang TANDA na sila ay NAGLILINGKOD sa DIYUS-DIYOSAN nilang si DIONYSUS.
Sa mga KALALAKIHAN naman ng CORINTO ay TANDA ng PAGLILINGKOD NILA sa kanilang DIYUS-DIYOSAN ay ang PAGBIBIHIS BABAE, KASAMA NA ang PAGSUSUOT ng LAMBONG (VEIL) at PAGPAPAHABA ng BUHOK.
Dahil ALAM ni PABLO na GANYAN ang SITWASYON sa CORINTO ay PINAPAYUHAN NIYA ang mga BABAE ROON na HUWAG MAGPAPAKALBO at ang mga LALAKE NAMAN na HUWAG MAGPAHABA ng BUHOK.
Kaya mga po sa 1 Cor 11 ay MARIIN ang PAGSASABI ni PABLO sa mga BABAE na PANATILIHIN ang TAKIP o LAMBONG sa KANILANG ULO dahil IYON NAMAN ang TANDA ng PAGPAPASAKOP NILA kay KRISTO.
Sa kabilang dako, HINIHIKAYAT ni PABLO ang mga LALAKE sa CORINTO na HUWAG MAGPAHABA ng BUHOK. AYON sa "KALIKASAN" na NASA KANILANG PALIGID (1 Cor 11:14) ay TANDA IYON ng mga PAGANO at HINDI NG MGA KRISTIYANO.
Sa madaling salita, SINASABI ni PABLO na ang mga KRISTIYANO sa CORINTO ay KUMILOS at MAG-ANYO nang IBA sa mga PAGANO na KABABAYAN NILA at HUWAG TUMULAD sa mga iyon.
Kumbaga po, ang ISYU ni Pablo ay sa ESTILO o STYLE at HINDI sa ARAL.
Iyan po ang dahilan kung bakit HINIHIKAYAT LANG NIYA ang mga LALAKING TAGA-CORINTO na HUWAG MAGPAHABA ng BUHOK. Kaya nga po SILANG MGA TAGA-CORINTO ang PINAHUHUSGA ukol sa bagay na iyan. (1 Cor 11:13)
HINDI NIYA INUUTUSAN ang mga iyon dahil ALAM ni PABLO na HINDI TALAGA MASAMA ang PAGPAPAHABA ng BUHOK ng mga LALAKE. Katunayan ay IDINIIN ni PABLO na HINDI KAUGALIAN sa IGLESIA ng DIYOS ang PAGBABAWAL sa PAGPAPAHABA ng BUHOK ng LALAKE. (1 Cor 11:16)
KATUNAYAN po na HINDI BAWAL ang PAGPAPAHABA ng BUHOK ng mga LALAKE ay MISMONG SI PABLO at ILAN PANG mga KRISTIYANO ay NAGPAHABA ng BUHOK.
Sa Acts 18:18 ay mababasa natin na NAGPUTOL o NAG-AHIT ng BUHOK si PABLO dahil SIYA ay GUMAWA ng isang PANATA.
Sa Acts 21:23 naman ay mababasa natin na "MAY APAT NA LALAKE na NASA ILALIM ng ISANG PANATA."
Ang tinutukoy po riyan na PANATA ng GINAWA ni PABLO at ng iba pang LALAKENG KRISTIYANO ay ang NAZIRITE VOW na batay sa KAUTUSAN ng DIYOS sa Numbers 6:1-21.
Ayon sa PANATA o VOW ng isang NAZIRITE, ang isang LALAKE ay HINDI MAGPUPUTOL ng BUHOK bilang TANDA ng KABANALAN at PAGIGING PAG-AARI ng PANGINOON.
Sabi ng PANGINOON sa
(Numbers 6:5)
"Sa lahat ng araw ng kaniyang pagkatalaga ay walang pang-ahit na daraan sa ibabaw ng kaniyang ulo: hanggang sa matupad ang mga araw na kaniyang itinalaga sa Panginoon, ay magpapakabanal siya; kaniyang pababayaang HUMABA ANG BUHOK kaniyang ulo."
ano ang sabi ??
"HAHAYAAN NILA na HUMABA ang KANILANG BUHOK sa KANILANG MGA ULO."
Nakita ninyo?
DIYOS MISMO ang NAG-UTOS na ang ISANG LALAKE ay DAPAT MAGPAHABA ng BUHOK bilang TANDA ng KANYANG KABANALAN at ng PAG-AARI NG DIYOS sa KANYA.
ETO PA
(Lev 19:27).. [cf. Lev 21:5]
"Huwag ninyong gugupitin ng pabilog ang mga buhok sa palibot ng inyong ulo, ni huwag mong sisirain ang mga dulo ng iyong balbas."
KAYA SINA ABRAHAM, AARON, MOSES AT MAGING ANG ATING PANGINOONG JESUCRISTO AY MAY BUHOK NA NAKALAYLAY AT MAY MGA BALBAS
*********************
so balik tayo ..
ALAM IYAN ni PABLO kaya IMPOSIBLE na IPAGBAWAL NIYA ang PAGPAPAHABA ng BUHOK sa mga LALAKE, tulad ng MALING PAGKAUNAWA ng ILANG HINDI KATOLIKO sa sinasabi ng 1 Cor 11:14-15.
Ngayon, SINO PO BA ang LUBOS na BANAL at GANAP na INIHIWALAY ng DIYOS MULA sa IBANG TAO?
HINDI po ba ang PANGINOONG HESUS?
At dahil LUBOS ang KABANALAN ng PANGINOONG HESUS ay NATURAL LANG na MAIPAKITA SIYA na MAHABA ang BUHOK, partikular sa mga IMAHEN ng mga KATOLIKO.
Bakit po?
Dahil po ang MAHABANG BUHOK ay TANDA ng KABANALAN. At ang MAHABANG BUHOK ni HESUS sa mga IMAHEN ng mga KATOLIKO ay TANDA ng GANAP NIYANG KABANALAN.
Iyan ang dahilan,.. LIMAR, kung bakit MAHABA ang BUHOK ng PANGINOONG HESU KRISTO sa mga IMAHEN ng KATOLIKO.
Iyan din ang dahilan kung bakit MALI ang mga PUNA at AKUSASYON ng ILANG HINDI KATOLIKO sa mga KATOLIKO kaugnay sa MAHABANG BUHOK ni HESUS sa mga REBULTO.
**********
"Hindi ba mismong ang kalikasan ang nagtuturo sa inyo na kung ang lalake ay may MAHABANG BUHOK, ito ay MAHALAY sa KANYA, ngunit kung ang babae ang may mahabang buhok, ito ay kanyang kapurihan?"
"Dahil ang kanyang buhok ay ibinigay sa kanya bilang pantakip."
Diyan (1 Cor 11:13) ay MALINAW na INIAALOK ni PABLO ang PAGHUSGA sa mga TAGA-CORINTO. HINDI SIYA NAGBIBIGAY ng UTOS.
Ano ang PINAHUHUSGAHAN NIYA? Ang pagkakaroon ng lalake ng mahabang buhok at ang hindi pagpapaputol ng buhok ng mga babae.
Ang MGA TAGA-CORINTO ang PINAPIPILI NIYA kung MAGPAPAHABA ng BUHOK ang mga LALAKE o MAGPUPUTOL ng BUHOK ang mga BABAE. HINDI NIYA INUUTUSAN ang mga ITO.
KATUNAYAN, INAMIN ni PABLO na ang PAGBABAWAL sa MAHABANG BUHOK ay HINDI KAUGALIAN sa IGLESIANG KRISTIYANO.
Sabi niya sa 1 Cor 11:16, "Ngunit kung mayroong gustong makipagtalo--WALA KAMING GANYANG KAUGALIAN [PAGBABAWAL sa MAHABANG BUHOK sa LALAKE] o KAHIT SA MGA IGLESIA NG DIYOS."
Kita n'yo? AYON MISMO kay PABLO ay HINDI GAWAIN sa IGLESIA ng DIYOS na PAGBAWALAN ang mga LALAKE na magkaroon ng MAHABANG BUHOK.
MALINAW po iyan sa MGA TALATA.
*************************
HISTORY tayo limar ..
AT KAHIT HISTORY ANG PAGBATAYAN NATIN.. MABABASA MO ANG SARI SARING DOKUMENTO FOR DESPICTION OF JESUS... SPECIALY SA PAGIGING LONG HAIR
http://en.wikipedia.org/wiki/Depiction_of_Jesus
AT ANG 1st CENTURY ICON NI JESUS SA CATACOMB DURING PERSECUTION OF EMPEROR AT ANG ICONS NA MULA SA MGA TAONG NAKA SAKSI AT NAKAKITA KAY JESUS.. MULA SA MGA EARLY CHRISTIANS..
MAKIKITA MO ANG PAGKAKADESCRIBE SA MUKHA NI HESUS.. AT MABABASA AT MAKIKITA MO NA MAY KAHABAAN ANG KANYANG BUHOK
http://en.wikipedia.org/wiki/Catacombs_of_Rome
AT ANG PINAKA SIKAT NA SHROUD NA PINAMBALOT KAY HESUS .. PINAG ARALAN NG NAPAKARAMING SPECIALIST PARA MATRACK ANG FACE NI JESUS.. MAKIKITA SA RESULT ANG FACE NI JESUS NA MAY BALBAS AT KAHABAAN ANG BUHOK
http://www.history.com/shows/the-real-face-of-jesus/pictures/looking-for-the-face-of-jesus/real-face-3d-face
AT NAPAKARAMI PA LIMAR
malinaw ang sabi ng Biblia
ReplyDelete1 CORINTO 11:4
Ang bawa't lalaking nanalangin, o nanghuhula na may takip ang ulo, ay niwawalan ng puri ang kaniyang ulo.
1 CORINTO 11:7
Sapagka't katotohanang ang lalake ay hindi dapat maglambong sa kaniyang ulo, palibhasa'y larawan siya at kaluwalhatian ng Dios: nguni't ang babae ay siyang kaluwalhatian ng lalake.
1 CORINTO 11:14
Hindi baga ang katalagahan din ang nagtuturo sa inyo, na kung may mahabang buhok ang lalake, ay mahalay sa kaniya?
kanino ba galing ang pinapangaral ni San Pablo?
1 CORINTO 14:37
Kung iniisip ninoman na siya'y propeta, o ayon sa espiritu, ay kilalanin niya ang mga bagay na sa inyo'y isinusulat ko, na pawang utos ng Panginoon.
Rules of Teaching
ROMA 2:21
Ikaw nga na nagtuturo sa iba, hindi mo tinuturuan ang iyong sarili?