Katoliko - Bakit may mga Kapistahan?
BAKIT MAY MGA KAPISTAHAN ANG MGA KATOLIKO?
BY: Kuya Adviser CFD
.
.
.
SA ARAW NA ITO TATALAKAYIN NATIN KUNG BAKIT MAY MGA KAPISTAHAN TAYONG MGA KATOLIKO? IKA KASI NG IBANG SEKTA AY IMBENTO LANG DAW ITO NG MGA PARI? AT ANO ANG SINASAAD NG BANAL NA KASULATAN PATUNGKOL DITO?
TUWING MAY MGA KAPISTAHAN KINAGAWIAN NA NATING MGA KATOLIKO ANG MAG KASIYAHAN, DUMALO SA PRUSISYON AT MAGKAROON NG HANDAAN NA KUNG SAAN AY NAG SALO-SALO TAYO KASAMA ANG PAMILYA AT MGA KAIBIGAN.
NGUNIT MARAMING MGA PROTESTANTE AT IGLESIANG SULPOT ANG TUTOL SA GANITO. SAPAGKAT WALA DAW SA BIBLIA ITONG GANITONG GAWAIN? UTOS DAW ITO NG DIABLO AT HINDI DAW INUTOS NG DIYOS?
NGUNIT PAPABULAANAN AT SASAGUTIN NATIN ANG KANILANG AKUSASYON.
***
ANG KAPISTAHAN AY ISANG PAGDIRIWANG UPANG GUNITAIN AT ALALAHANIN ANG MGA MAHAHALAGANG PANGYAYARI NG DIYOS SA TAO (HISTORY OF SALVATION) , BUHAY NG MGA BANAL O SANTO AT ANG BUHAY NG ATING PANGINOONG HESUS.
LUMANG TIPAN PA LAMANG, ANG MGA HUDYO AY NAGDIRIWANG NA NG MGA KAPISTAHAN KATULAD NG KAPISTAHAN NG ATONEMENT, PISTA NG TABERNAKULO, PISTA NG TRUMPETA, PISTA NG TINAPAY NA WALANG LEBADURA O "PASSOVER" ANG PAGAALALA NG MGA ISRAELITA SA PAG LILIGTAS SA KANILA NG DIYOS SA MGA KAMAY NG MGA EHIPTO.
EXODO 12:14
"At ang araw na ito'y magiging sa inyo'y ISANG ALAALA, at INYONG IPAGDIWANG na pinakaPISTA sa Panginoon; sa buong panahon ng inyong lahi ay inyong ipagdidiwang na pinakaPISTA na bilang tuntunin MAGPAKAILAN MAN."
EXODO 13:6
"Pitong araw na kakain ka ng tinapay na walang lebadura, at sa ikapitong araw ay magiging isang KAPISTAHAN sa Panginoon."
KITA NIYO NA. LETRA PO LETRANG MABABASA SA BIBLIA LUMANG TIPAN PALANG. GINAWA NG PAGDIRIWANG AT PAG AALAALA ANG PAG SASAGAWA "KAPISTAHAN" O "PISTA".
ETO PA PO..
LEVITICO 23:2
"Salitain mo sa mga anak ni Israel at sabihin mo sa kanila, ang mga takdang KAPISTAHAN NG PANGINOON, na inyong itatanyag na mga BANAL NA PAGPUPULONG, ay mga ito nga ang aking mga takdang KAPISTAHAN."
KAYA NGA TAYONG MGA KATOLIKO MAY MGA KAPISTAHAN PARA SA PANGINOON KATULAD NG KAPISTAHAN NG "HESUS NAZARENO" AT ANG KAPISTAHAN NG "SANTO NIÑO" O ANG BATANG HESUS, PASKO, EASTER, PENTECOST, CORPUS CHRISTI AT MARAMI PA PONG IBA.
ANG MGA GAWAING ITO AY "BANAL NA PAGPUPULONG".
***BAGONG TIPAN***
MAGING SA "BAGONG TIPAN" MISMONG ANG ATING PANGINOONG HESUS, AT SILA BIRHENG MARIA AT JOSE AY MABABASANG NAG DIDIWANG DIN NG KAPISTAHAN.
LUCAS 2:41-42 (ADB)
41 - At nagsisiparoon taon-taon ang kaniyang mga magulang (ni Hesus) sa Jerusalem sa KAPISTAHAN NG PASKUA.
42 - At nang siya'y may labindalawang taon na, ay nagsiahon sila ayon sa kaugalian ng KAPISTAHAN;
KITA NIYO NA :) ANG SABI AY "TAON-TAON" PA NAGPUPUNTA ANG ATING PANGINOON KASAMA ANG KANYANG PAMILYA UPANG GUMUNITA NG "KAPISTAHAN" SA JERUSALEM.
PERO ITONG MGA SEKTANG SULPOT. BINABATIKOS ANG PAGSASAGAWA NG KAPISTAHAN .. DAHIL TURO DAW ITO NG DIMONYO.
SAMAKATUWID NILALAPASTANGAN NILA ANG PANGINOONG HESUS SAPAGKAT MISMO ANG ATING PANGINOON AY NAGDIRIWANG NG KAPISTAHAN.
AT ITO AY MABABASA DIN NATIN SA AKLAT NI JUAN
JUAN 4:45
"Kaya nang siya'y dumating (si Kristo) sa Galilea, ay tinanggap siya ng mga Galileo, nang kanilang mangakita ang lahat ng mga bagay na kaniyang ginawa sa Jerusalem sa KAPISTAHAN: sapagka't sila man ay NAGSIPAROON DIN SA KAPISTAHAN".
ANG ATING PANGINOON MISMO AY NAGPUPUNTA AT NAGPAPAGALING PA NG MAY SAKIT SA ARAW NG PISTA :) KUNG ANG MGA PROTESTANTE AY NASA PANAHONG IYAN BAKA TINULIGSA NILA SI KRISTO KASI NAGDIRIWANG NG PISTA HE HE HE!
***ITANONG MO KAY KUYA***
TANONG #1
"Kuya Adviser may mababasa ba sa bagong tipan na inutusan tayo ng Apostol na dapat tayong magsagawa ng Pista?"
SAGOT:
OPO NAMAN KAPATID! :) ANG APOSTOL PABLO AY TINURAAN TAYO NA MAG SAGAWA NG "KAPISTAHAN" NGUNIT HINDI NA TULAD NG PISTA NG MGA HUDYO NG PASSOVER O "TINAPAY NA WALANG LEBADURA" KUNDI ANG ATING PANGINOONG HESUS NA ANG BAGONG "TINAPAY NA WALANG LEBADURA" NA DAPAT IPAG DIWANG NG MGA KRISTIANO AT ITO AY MABABASA NATIN SA SULAT SA MGA TAGA CORINTO.
1 CORINTO 5:7-8
7 - ALISIN NIYO ANG LUMANG LEBADURA, upang kayo'y maging bagong limpak, na tulad sa kayo'y walang lebadura. Sapagka't ang kordero ng ating paskua ay naihain na, sa makatuwid baga'y SI CRISTO
8 - Kaya nga IPANGILIN NATIN ANG PISTA, hindi sa lumang lebadura, ni sa lebadura man ng masamang akala at ng kasamaan, kundi sa tinapay na walang lebadura ng pagtatapat at ng katotohanan.
KITA NIYO NA! :) LETRA PO LETRA, KAYA NGA TAYONG MGA KATOLIKO MAY "FEAST OF CORPUS CHRIST" O BODY OF CHRIST , DAHIL SI KRISTO "TINAPAY" NG BUHAY.
KAYA ANG PAGSASAGAWA NG MGA "KAPISTAHAN" SA MGA KRISTIANO AY HINDI NAWALA, BAGKUS "PINALITAN" LAMANG ITO NG BAGONG KAUTUSAN AT INUTUSAN PA TAYAONG "IPANGILIN" ITO.
HEBREO 13:7
"ALALAHANIN ninyo ang mga
nangasiwa sa inyo, na nagpahayag sa inyo ng salita ng Diyos, ISIPIN NGA NINYO kung paano sila Namuhay at Namatay, at TULARAN ninyo ang kanilang pananalig sa Diyos".
KITA NIYO NA PO :) KAYA TAYONG MGA KATOLIKO "INAALALA" DIN NATIN ANG MGA BUHAY NG MGA NINUNO NATING KRISTIANO, MGA BANAL O SANTO AT MARTYR NA NAGPAHAYAG SA ATIN NG MABUTING BALITA AT MGA NAGBUWIS NG BUHAY PARA SA PANGINOON , KATULAD NG KAPISTAHAN NI SAN PEDRO, SAN PABLO, BIRHENG MARIA.. ETC...
AT "TINUTULARAN" DIN NATIN ANG KANILANG GINAWA :)
TANONG #2
"kuya Adviser bakit ang mga katoliko maraming kapistahan?"
KUYA ADVISER:
KASI KAMING MGA KATOLIKO KAYA MARAMING KAPISTAHAN DAHIL KAMI AY MAY MASAYANG PUSO :)
KAWIKAAN 15:15
"Lahat ng mga araw sa nagdadalamhati ay masama: nguni't siyang may MASAYANG PUSO ay MAY LAGING KAPISTAHAN."
KITA NIYO NA :) KAYA PO KAPAG MAY PISTA TAYONG MGA KATOLIKO, MAY MGA SAYAWAN, TUGTUGAN, PAGTITIPON NG PAMILYA, HANDAAN AT KAHIT WALANG PERA AY NAGHAHANDA PARIN DAHIL TAYO AY MAY "MASAYANG PUSO".
TANONG #3
"Kuya Adviser bakit naman po kapag may Pista ay may mga inuman?
SAGOT:
TULAD NGA NG SINABI KO, ANG MGA KATOLIKO AY MAY MASAYANG PUSO :) KAPAG MAY PISTA PWEDE TAYONG UMINOM NG "SMALL AMOUNT" NG WINE O "SAPAT" NA ALAK, SAPAGKAT NAGPAPASAYA ITO SA ATING BUHAY.
ECCLESIASTICO 10:19
"Ang KAPISTAHAN ay ginagawa sa IKAPATATAWA, at ang ALAK ay NAGPAPASAYA SA BUHAY: at ang SALAPI ay SUMASAGOT sa lahat ng mga bagay."
KITA NIYO NA :) TUMBOK NA TUMBOK NG BIBLIA. KAYA KAPAG KAPISTAHAN PWEDE MAG INOM BASTA'T HINDI "UMAABUSO" O "SUMUSOBRA" ANG TAO.
KAYA IYANG MGA IGLESIANG SULPOT NA "GALIT NA GALIT" SA PISTA NATING MGA KATOLIKO AT HINDI NAG PAPANGILIN NITO AY TALAGANG MGA BULAAN.
COLOSAS 2:16
" Sinoman nga ay HUWAG HUMATOL sa inyo tungkol sa pagkain, o sa paginom, o TUNGKOL SA KAPISTAHAN, o bagong buwan o araw ng sabbath:"
KITA NIYO NA PO :) PERO ITONG MGA IGLESIANG SULPOT PANAY HATOL SA ATING MGA KATOLIKO TUNGKOL SA ATING KAPISTAHAN, SA PAGKAIN, SA PAG INOM, SA PAGSASAYA, AT PAGSASALO-SALO.
INGGIT LANG IYAN SILA DAHIL WALA SILANG "MASAYANG PUSO" HE HE HE! :)
KAYA PO MGA KAPATID ANG KAPISTAHAN PO NATIN AY HINDI IMBENTO, MALI PO PAMBABATIKOS AT AKUSASYON NG MGA IBANG SEKTA. SAPAGKAT ITO PO AY NAKASAAD SA BANAL NA KASULATAN :)
HANGGANG DITO NA LAMANG PO
SALAMAT SA PAGBABASA! :)
TO GOD BE THE GLORY! :)
***
FOR MORE KINDLY LIKE THIS PAGE
www.facebook.com/kuyaadviserpublicfigure
AND VISIT MY BLOG
Www.kuyaadviser.blogspot.com
LIKE AND SHARE (Y) (Y) (Y)
Subscribe to:
Posts (Atom)
Paano o Saan niyo ho ba maihahalintulad ang dios-diosan?
ReplyDeleteAng mga Saint o Santo po ba ay nasa langit na?
ReplyDeletesinabi ba sa biblia na Pag fiestahin ang isang Nazareno or Isang Imahe . na ginawa lang ng tao?.diba po wala?. ang pinag fiefiestahan nyo ay isang Rebulto o kulto lamang. na diyos diosan nyo.
ReplyDeleteKayo siguro ang kulto
DeleteKung ano man ang sekta mo kahit nakasulat man ang pangalan sa biblia eh wala,peke pa rin kayo.
Delete