ISINILANG SI KRISTO:
AYON SA BIBLIA, KASAYSAYAN, SIYENSIYA
ANG DECEMBER 25 AY HINDI PINOPROCLAIM NG SIMBAHAN NA IYON TALAGA ANG EKSAKTONG DATE NG KAPANGANAKAN NI KRISTO, KUNDI PINILI AYON SA KALKULASYON AT MARAMNG BATAYAN. NA PUMAPATAK NG DECEMBER 25 ANG ARAW NG KAPANGANAKAN NI KRISTO.. PINILI ANG DECEMBER 25 PARA DITO GUNITAIN AT ALALAHANIN ANG PAGPARITO NG ATING PANGINOONG HESUS. AT IYON ANG MAHALAGA
AYON SA KALKULASYON NG MGA ARAW, KASAYSAYAN, BIBLIYA AT SIYENSA LUMALBAS AT PUMAPATAK ANG PARE-PAREHAS NA PETSA AT IYON ANG DECEMBER 25..
LIBONG TAON NANG IPINAGDIRIWANG NG MGA KRISTIYANO ANG PAGSILANG NG PANGINOONG HESUS TUWING DECEMBER 25 PERO MAYROONG MGA NAGTATANONG KUNG SAAN MABABASA ANG PANINIWALANG ITO.
SA PAGDAAN KASI NG PANAHON AY MARAMI ANG MGA LIMITAW AT PINAGDUDAHAN ANG PANINIWALA KAUGNAY DITO. MARAMI NA RIN ANG GUMAWA NG SARILI NILANG PALIWANAG KUNG KAILAN ISINILANG AT NAGKATAWANG TAO ANG DIYOS.
BILANG NAGTATANGGOL SA PANANAMPALATAYANG KATOLIKO SINALIKSIK KO ANG BAGAY NA ITO AT NATUKLASAN KO NA MATATAG ANG MGA BATAYAN NG DECEMBER 25 BILANG PETSA NG ISINILANG NG KRISTO.
IYAN AY MAY EBIDENSIYANG NAKABATAY SA BIBLE, SA KASAYSAYAN, AT SA SIYENSIYA.
UNAHIN NATING TINGNAN ANG SINASABI NG KASAYSAYAN.
********************
PATOTOO NG KASAYSAYAN
SA PAGITAN NG 171 AD AT 183 AD, ISANG OBISPONG KRISTIYANO, SI THEOPHILUS NG CAESARIA (PALESTINA), ANG NAGSABI NA SI HESUS AY ISINILANG NG DECEMBER 25.
SABI NIYA, “WE OUGHT TO CELEBRATE THE BIRTH DAY OF OUR LORD ON WHAT DAY SOEVER THE 25TH OF DECEMBER SHALL HAPPEN." (MAGDEBURGENSES, CENT. 2. C. 6. HOSPINIAN, DE ORIGN FESTORUM CHRISTIANORUM)
SUNOD DIYAN, NOONG 220 AD AY SINABI NI HIPPOLYTUS — ISANG KRISTIYANO NA NABUHAY SA PAGITAN NG 165 AD AT 235 AD — NA SI HESUS AY IPINANGANAK NOONG DECEMBER 25.
DALAWA IYAN SA MGA SINAUNANG PATOTOO NA NOON PA MAN AY KINILALA NA ANG DECEMBER 25.
******
OPISYAL NA TALAAN
MAGANDANG PANSININ NA GINAWA NINA THEOPHILUS AT HIPPOLYTUS ANG KANILANG MGA PAHAYAG NOONG ILIGAL PA ANG PAGIGING KRISTIYANO SA EMPERYO ROMANO. NAGING LIGAL LANG ANG KRISTIYANISMO SA EMPERYO NOONG 313 AD.
NOONG 354 AD, ILANG TAON MATAPOS PAYAGAN NG EMPERYONG ROMANO ANG LANTARANG PANINIWALA SA KRISTIYANISMO, NABUO ANG ISANG KOLEKSYON NG MGA PETSA AT KAPISTAHANG KRISTIYANO.
KASAMA SA KOLEKSYON NA IYAN ANG DEPOSITO MARTYRUM, O LISTAHAN NG MGA KAPISTAHAN NG MGA MARTIR KAY KRISTO, AT ANG DEPOSITIO EPISCOPORUM, NA NAGLALAMAN NG MGA KAPISTAHAN NA IPINAGDIWANG NG MGA UNANG KRISTIYANO.
AT AYON SA MGA IYAN, NOON PA MAN AY IPINAGDIRIWANG NA ANG KAPANGANAKAN NI HESUS TUWING DECEMBER 25.
IBANG PETSA?
PERO KAHIT NOON AY MAY IBA NANG PETSA NA KINILALA BILANG ARAW NG KAPANGANAKAN NI HESUS. NAROON ANG JANUARY 6 AT ANG MGA BUWAN NA MAYO, OKTUBRE AT NOBYEMBRE.
PERO MAUUNAWAAN NATIN ANG PAGKAKAIBA NG PANINIWALA DAHIL NOONG MGA UNANG TAON NG KRISTIYANISMO NA HINDI PA NAPAG-UUSAPAN O NABIBIGYAN NG PANSIN KUNG KAILAN ANG TAMANG PETSA KUNG KAILAN ISINILANG SI KRISTO.
ISA SA DAHILAN NG IBA’T-IBANG PETSA AT HINDI PAG-UUSAP TUNGKOL DIYAN (AT SA MARAMI PANG BAGAY UKOL SA PANANAMPALATAYA) AY DAHIL ILIGAL PA NGA NOON MAGING KRISTIYANO.
KRISTIYANO INUUSIG
DAPAT NATING MAUNAWAAN NA INUUSIG AT PINAPATAY ANG MGA UNANG KRISTIYANO KAYA HINDI PA NAPAGTUUNAN NG PANSIN ANG MGA BAGAY TULAD NG PETSA NG KAPANGANAKAN NG PANGINOON.
NAPAG-USAPAN LANG ANG MGA BAGAY NA IYAN NOONG HIPUIN NG DIYOS ANG PUSO NG EMPERADOR NA SI CONSTANTINO NA PUMAYAG NA RING LUMANTAD ANG KRISTIYANISMO SA KANYANG NASASAKUPAN.
AT DAHIL LIGAL NA ANG KRISTIYANISMO, MAAYOS AT MALAYA NA ANG MGA KRISTIYANO PARA PAG-USAPAN ANG MGA TULAD NG PETSA NG KAPANGANAKAN NG TAGAPAGLIGTAS.
HINDI NGA NAGTAGAL AY KINILALA NA NG NAKARARAMI ANG DECEMBER 25 BILANG ARAW KUNG KAILAN ISINILANG ANG KRISTO.
TUTOL PA RIN
PERO MERON PA RING TUTOL SA DECEMBER 25 AT NAGSASABI NA IYAN DAW AY KAPISTAHAN NG DIYUS-DIYOSANG SI MITHRAS.
ANG DECEMBER 25 DIN DAW AY KAPISTAHAN NG SOL INVICTUS, O KAPISTAHAN NG ARAW, AYON SA PANINIWALA NG MGA PAGANONG ROMANO. AT DIYAN DAW KINUHA ANG PETSA NG KAPANGANAKAN NI HESUS.
SINASABI NILA NA IPINALIT LANG NG SIMBAHANG KATOLIKO ANG KAARAWAN NG KRISTO SA MGA PISTANG PAGANO.
SORRY PERO MALI SILA.
ANG KAPISTAHAN NG SOL INVICTUS TUWING DECEMBER 25 AY NOON LANG 275 AD IDINEKLARA NI EMPERADOR AURELIAN.
KUNG BABALIKAN NATIN ANG MGA NAUNANG PAHAYAG UKOL SA PETSA NG KAPANGANAKAN NI HESUS AY MAKIKITA NATIN NA NOON PANG 183 AD (THEOPHILUS) AT 220 AD (HIPPOLYTUS) AY PANINIWALA NA IYAN NG MGA KRISTIYANO.
PAGANO GAYA-GAYA
SA MADALING SALITA, BAGO PA MAGING OPISYAL NA IPAGDIWANG ANG SOL INVICTUS AY KINILALA NA NG MGA KRISTIYANO ANG DECEMBER 25 BILANG BIRTHDAY NI HESUS.
SO, PUWEDE PA NATING SABIHIN NA ANG MGA PAGANO ANG NANGGAYA SA PETSA NA DECEMBER 25 AT HINDI ANG MGA KRISTIYANO.
KUNG KUKUWENTAHIN NATIN, 92 TAON BAGO IPAGDIWANG NG MGA PAGANO ANG SOL INVICTUS AY DECEMBER 25 NA IPINAGDIRIWANG NG MGA KRISTIYANO ANG PASKO.
SO, MALI TALAGA AT WALANG BATAYAN ANG SINASABI NG IBA NA ANG PASKO AY PISTA NG MGA PAGANO.
*******************************
BIBLICAL BASIS
NGAYON, KUNG TITINGNAN NATIN ANG BIBLICAL BASIS NG DECEMBER 25 AY MAKIKITA NATIN NA UNANG SIGLO PA LANG AY IYAN NA ANG ALAM NG MGA KRISTIYANO.
SA MADALING SALITA, HIGIT NA MAS MAAGA PANG KINILALA NG MGA KRISTIYANO ANG DECEMBER 25 KAYSA NG MGA PAGANO.
ANG BATAYAN NATIN AY ANG EBANGHELYONG ISINULAT NI LUKE KUNG SAAN INISA-ISA ANG MGA PANGYAYARI BAGO ANG KAPANGANAKAN NI HESUS.
SINIMULAN NI LUKAS ANG KUWENTO NANG MAGPAKITA ANG ANGHEL NA SI GABRIEL SA PARI NA SI ZACARIAS HABANG ANG HULI AY NAGSUSUNOG NG INSENSO SA LOOB NG TEMPLO. (LUKE 1:5-20)
ANG PAGSUSUNOG NG INSENSO AY GINAGAWA SA LOOB NG “HOLY OF HOLIES,” O ANG KABANAL-BANALANG LUGAR, NG TEMPLO NG MGA HUDYO.
AYON SA BIBLE, ISANG BESES LANG SA ISANG TAON PUWEDENG PUMASOK ANG SINO MAN SA HOLY OF HOLIES. AT ITO AY SA TUWING "DAY OF ATONEMENT," ARAW NG PAGTITIKA. (LEVITICUS 16:33-34)
TISHRI 10
SA LEV 16:29 AY TINUTUKOY ANG ARAW NA ITO SA IKA-10 ARAW NG BUWAN NG TISHRI, ANG IKA-PITONG BUWAN NG KALENDARYONG PANG-RELIHIYON NG MGA HUDYO. (SA KALENDARYONG SIBIL NG MGA HUDYO, ANG TISHRI AY UNANG BUWAN)
KAUGNAY SA SINAUNANG KALENDARYONG GINAMIT NG MGA KRISTIYANO--ANG JULIAN CALENDAR--ANG TISHRI 10 AY MAARING PUMATAK SA PAGITAN NG SEPTEMBER 1 AT OCTOBER 5.
KAUGNAY SA PAGSUNOG NI ZACARIAS NG INSENSO SA TEMPLO, TINATAYA NA NANGYARI ITO SA PAGITAN NG 6BC AT 1BC. SA MGA TAONG ITO, ANG TISHRI 10 AY TUMAPAT SA MGA SUMUSUNOD NA PETSA NG JULIAN CALENDAR:
TISHRI 10, 3756 = SEPTEMBER 22, 6BC (MIERKULES)
TISHRI 10, 3757 = SEPTEMBER 11, 5BC (LUNES)
TISHRI 10, 3758 = OCTOBER 1, 4BC (LUNES)
TISHRI 10, 3759 = SEPTEMBER 19, 3BC (HUWEBES)
TISHRI 10, 3760 = SEPTEMBER 8, 2BC (LUNES)
TISHRI 10, 3761 = SEPTEMBER 27, 1BC (LUNES)
SI HEROD
SA MGA PETSANG IYAN, DALAWA ANG MALAMANG NA PINANGYARIHAN NG PAGPAPAKITA NG ANGHEL KAY ZACARIAS. IYAN ANG TISHRI 10, 3756 (SEPTEMBER 22, 6BC) AT TISHRI 10, 3757 (SEPTEMBER 11, 5BC). AT SA DALAWANG PETSA AY ANG TISHRI 10, 3756, ANG PINANINIWALAAN KONG TUGMA.
NASABI KO IYAN BATAY SA ILANG PANGYAYARI SA BUHAY NI HARING HERODES, NA SIYANG NAGHAHARI SA HUDEA NOONG ISILANG ANG PANGINOONG HESUS. (LUKE 1:5)
UNA, ANG PAGPATAY NI HERODES NG LAHAT NG BATA AT SANGGOL SA BETHLEHEM AT KARATIG LUGAR. (MATTHEW 2:16) IYAN AY SA LAYUNING MAPATAY ANG BATANG HESUS NA KINATAKUTAN NI HERODES NA PAPALIT SA KANYA BILANG HARI NG HUDEA. (MATTHEW 2:1-3)
PANGALAWA, MATAPOS IPAPATAY ANG MGA BATA AY NABUHAY PA SI HERODES NG ILANG TAON BILANG HARI BAGO SIYA NAMATAY. MAKIKITA YAN SA PAGTIGIL NG BANAL NA PAMILYA SA EHIPTO. (MATTHEW 2:14-15)
AT PANGATLO ANG PAGKAMATAY NI HERODES NA AYON SA ILANG TANTIYA AY NANGYARI NOONG 1BC.
6BC NAGPAKITA SI GABRIEL
NGAYON, KUNG 1BC NAMATAY SI HERODES AT NABUHAY PA SIYA NG ILANG TAON MATAPOS IPAPATAY ANG MGA BATA SA BETHLEHEM, LALABAS NA NAGANAP ANG PAGPATAY BANDANG 3BC.
AT DAHIL MGA DALAWANG-TAONG GULANG PABABA ANG IPINAPATAY NI HERODES, LALABAS NA MAY DALAWANG TAON GULANG NA ANG BATANG HESUS NOONG 3BC. IBIG SABIHIN, ISINILANG SIYA NOONG 5BC.
SO, KUNG 5BC ISINILANG ANG PANGINOONG HESUS AY 6BC ANG PETSA NUNG MAGSILBI SA TEMPLO SI ZACARIAS AT NAGPAKITA SA KANYA SI ANGHEL GABRIEL SA LOOB NG TEMPLO. AT IYAN NGA AY NOONG TISHRI 10, 3756, O SEPTEMBER 22, 6BC.
SI ELISABET
SABI NG BIBLIYA, MATAPOS NG PAGSISILBI NI ZACARIAS SA TEMPLO AY UMUWI NA SIYA AT SAKA “NAGDALANTAO SI ELISABET.”
SA LK 1:26 AY SINASABI, “SA IKAANIM NA BUWAN (NG PAGBUBUNTIS NI ELISABET), IPINADALA NG DIYOS ANG ANGHEL NA SI GABRIEL SA ISANG BAYAN NG GALILEA NA TINATAWAG NA NAZARETH, SA ISANG BIRHEN NA NAKATAKDANG IKASAL SA ISANG LALAKI NA ANG PANGALAN AY JOSE NG ANGKAN NI DAVID. ANG PANGALAN NG BIRHEN AY MARIA.”
ANG MARIA NA IYAN AY ANG INA NI HESUS.
ANG PAGHAHAYAG SA MAGIGING PAGSILANG NI HESUS AY TINATAWAG NG IGLESIA KATOLIKA NA ANNUNCIATION, O ANG PAGHAHAYAG NG MAGIGING PAGSILANG KAY HESUS, ANG “ANAK NG KATAAS-TAASAN.” (LK 1:31-35)
IKA-ANIM NA BUWAN
DAHIL SEPTEMBER 25, 6BC, IPINAGLIHI SI JOHN THE BAPTIST, BIBILANGIN NATIN ANG ANIM NA BUWAN HANGGANG SA NAGPAKITA ANG ANGHEL NA SI GABRIEL SA BIRHENG MARIA AYON SA LUKE 1:26. ANG PETSA AY PAPATAK SA MARCH 25, 5BC, ANG UNANG ARAW NG PAGBUBUNTIS NI MARIA.
MULA SA MARCH 25 AY BIBILANG TAYO NG SIYAM NA BUWAN (ANG PANAHON NG PAGBUBUNTIS NG ISANG BABAE) PARA MATUKOY NATIN ANG ARAW NG KAPANGANAKAN NI HESUS. AT ITO AY SA DECEMBER 25, 5BC.
SO, BATAY SA ULAT NI LUKAS AT SA EBIDENSIYANG BIGAY NG BIBLIYA AY MAKIKITA NA SI KRISTO AY IPINANGANAK NG DECEMBER 25.
MAPAGKAKATIWALAAN BA?
ANG TANONG: MAPAGKAKATIWALAAN BA NATIN ANG ULAT NI LUKE?
KUNG NANINIWALA TAYO SA BIBLIYA AY MAGTITIWALA TAYO. BAKIT?
DAHIL SABI NIYA SA LUKE 1:3-4, "MATAPOS KONG SURIIN NANG BUONG INGAT ANG MGA PANGYAYARI ... AKO MAN AY NAGPASYA NA ISULAT ITO PARA SA IYO ... PARA MAKITA MO ANG KATIYAKAN NG MGA ITINURO SA IYO.”
HINDI LANG PO PALA NAG-ULAT SI LUKE. SIYA AY NAGSURI NANG “BUONG INGAT” AT NAKITA NIYANG TIYAK ANG MGA BAGAY NA SINABI NIYA SA ATIN.
SO, IYAN PO ANG MALINAW NA BIBLICAL BASIS NA DECEMBER 25 ISINILANG SI HESUS.
SCIENTIFIC PROOF
TIYAK NA MAYROONG NAGTATANONG KUNG PAANO NATIN NATIYAK NA PUMAPATAK SA HULING BAHAGI NG SEPTEMBER ANG TISHRI 10 SA LK 1:8-9?
DIYAN NATIN IPAPASOK ANG SCIENTIFIC NA PATUNAY NA DECEMBER 25 IPINANGANAK SI HESUS.
ANG SCIENTIFIC NA PARAAN NA IYAN AY SA PAGGAMIT NATIN NG CALENDAR CONVERTER KUNG SAAN MATUTUKOY NATIN ANG MAGKAKATUMBAS NA PETSA SA IBA’T-IBANG URI NG KALENDARYO.
ANG GINAMIT NATIN AY ANG CALENDAR CONVERTER NA NASA WEBSITE NA: HTTP://WWW.ABDICATE.NET/CAL.ASPX
KUNG PUPUNTA TAYO SA WEBSITE NA IYAN AY MAKIKITA NATIN NA MAY IBA’T-IBANG ESPASYO PARA MAKUHA ANG KATUMBAS NA PETSA SA MGA KALENDARYONG “JEWISH,” “GREGORIAN,” AT “JULIAN.”
KUNG MAY PETSA SA “JEWISH” CALENDAR NA GUSTONG MALAMAN ANG KATUMBAS SA “GREGORIAN” AT “JULIAN” AY ITA-TYPE LANG ANG “DAY,” “MONTH” AT “YEAR” NA GUSTO NATING SURIIN AT SAKA PIPINDUTIN ANG BUTTON NA “JEWISH” NA NASA KANAN.
JULIAN CALENDAR
SA ATING PAGTALAKAY AY ANG JULIAN CALENDAR ANG ATING GAGAMITIN. ITO KASI ANG KALENDARYONG GAMIT NG MGA UNANG KRISTIYANO HANGGANG 1582, KUNG KAILAN SINIMULAN NANG GAMITIN ANG GREGORIAN CALENDAR.
NGAYON, PAANO NATIN MAKIKITA NA ANG KATUMBAS NG TISHRI 10 SA HEBREW CALENDAR AY KATUMBAS NG MGA PETSANG IBINIGAY NATIN SA JULIAN CALENDAR?
GANITO.
UNA, KAILANGANG MALAMAN NATIN ANG TAON KUNG KAILAN ISINILANG SI HESUS.
IDEALLY, ANG TAON NA IYAN AY 1 AD, NA ANG IBIG SABIHIN AY “ANNO DOMINI,” O ANG TAON (ANNO) NG PANGINOON (DOMINI).
BC AT AD
NAG-UGAT IYAN SA ISANG MONGHE, O MONK, NA SI DIONYSIUS EXIGUUS NA MISTULANG TINUKOY ANG 1 AD NANG SABIHIN NIYA NA ANG PAMUMUNO NI FLAVIUS PROBUS AY 525 TAON “MULA NANG MAGKATAWANG TAO ANG ATING PANGINOONG HESU KRISTO.”
MAY MGA SUMUNOD SA TANTIYA NI EXIGUUS KAYA NOONG TAON 731 AY GINAMIT NI SAINT BEDE ANG “AD” SA KANYANG PANULAT. SI SAINT BEDE DIN ANG ISA SA UNANG GUMAMIT NG “BC” O “BEFORE CHRIST.”
ANG PAGKAKAIBA NG AD AT BC AY DUMADAGDAG ANG BILANG NG AD, SAMANTALANG PABAWAS ANG BILANG NG BC. HALIMBAWA, ANG AD AY 1 AD, 2 AD, 3 AD, 4 AD, 5 AD ETC. ANG BC AY PAATRAS TULAD NG 6 BC, 5 BC, 4 BC, 3 BC, 2 BC, 1 BC.
SINA EXIGUUS AT BEDE AY PAREHONG GUMAMIT NG JULIAN CALENDAR KAYA IYAN ANG GINAGAMIT NATING BATAYAN SA PAGTUKOY SA PETSA NG PAGSILANG NG PANGINOONG HESUS.
SA PAGITAN NG 6 BC AT 1 BC
NITONG MGA NAKARAANG TAON AY NADISKUBRE NA MALI ANG TANTIYA NI EXIGUUS. AYON SA MGA RESEARCHER, HINDI TAMA ANG 1 AD BILANG TAON NG PAGSILANG KAY KRISTO.
BATAY SA PAGSUSURI, NANINIWALA ANG MGA EKSPERTO NA ANG PAGSILANG SA PANGINOON AY SA PAGITAN NG 6 BC AT 1 BC.
TULAD NG IPINAKITA NATIN SA ITAAS, ANG TUTUGMANG TAON AY 6 BC PARA SA PAGPAPAKITA NG ANGHEL KAY ZACARIAS SA LOOB NG TEMPLO.
5 BC ‘MOST LIKELY’
SA SARILI KONG PAGSUSURI, BATAY NA RIN SA IPINAKITA KONG MGA EBIDENSIYA SA ITAAS, NAKITA KO NA MALAMANG NA NOONG DECEMBER 25, 5 BC, ISINILANG SI HESUS.
IBIG SABIHIN, KUNG 5 BC ISINILANG SI HESUS, ANG TAGPO SA LK 1:8-9 AY NANGYARI SA SINUSUNDANG TAON, O NUNG 6 BC.
PARA MAKITA KUNG SUPORTADO NIYAN ANG DECEMBER 25 AY GAGAMIT TAYO ANG CALENDAR CONVERTER, NA SA PAGKAKATAON NGANG ITO AY ANGHTTP://WWW.ABDICATE.NET/CAL.ASPX.
DAHIL TIYAK NATIN NA TISHRI 10 ANG PETSA NOONG MAGANAP ANG PAGPASOK NI ZACARIAS SA TEMPLO AYON SA LUKE 1:8-9 AY HAHANAPIN NA LANG NATIN ANG KATUMBAS NA TAON NG TISHRI 10 NA TATAPAT SA 6 BC SA JULIAN CALENDAR.
PARA MABILIS NATING MALAMAN IYAN AY PUMUNTA TAYO SA HANAY NG CALENDAR CONVERTER NA NAKASULAT ANG “JULIAN.” I-TYPE ANG “25” SA ILALIM NG “DAY.” PILIIN ANG “SEPTEMBER” SA HILERA NG “MONTH.” AT I-TYPE ANG “-6” SA ILALIM NG “YEAR.” SAKA PINDUTIN ANG BUTTON NA “JULIAN” NA NASA KANAN.
LALABAS SA BANDANG ITAAS (PUTING BAHAGI NG SCREEN) ANG RESULTA NG MGA KATUMBAS NA PETSA SA “GREGORIAN,” “JULIAN,” AT “JEWISH” CALENDAR.
MAKIKITA NATIN NA ANG KATUMBAS NA TAON NG “-6” O “6 BC” SA “JEWISH” AY ANG TAON NA “3756.”
BIRTHDAY NI HESUS NOONG 5 BC
SAKA TAYO BABALIK SA CALENDAR CONVERTER AT ITA-TYPE SA HILERA NG “JEWISH” ANG “10” SA ILALIM NG “DAY.” PIPILIIN NATIN ANG “TISHREI” SA ILALIM NG “MONTH” AT ITA-TYPE ANG “3756” SA ILALIM NG “YEAR.” SAKA PIPINDUTIN ANG BUTTON NA “JEWISH” NA NASA KANAN.
LALABAS SA RESULTA ANG KATUMBAS NA PETSA NG TISHRI 10, 3756, SA KALENDARYONG “JULIAN.” AT IYAN AY SEPTEMBER 22, 6 B.C., ARAW NG MIERKULES.
IBIG SABIHIN AY MIERKULES NAGPAKITA ANG ANGHEL KAY ZACARIAS.
SABI SA LUKE 1:23, UMUWI SI ZACARIAS MATAPOS ANG MGA ARAW NG PAGLILINGKOD SA TEMPLO. AT DAHIL ISANG LINGGO (LINGGO HANGGANG SABADO) ANG PAGLILINGKOD NG MGA PARI SA TEMPLO, MAKAUUWI LANG SI ZACARIAS SA DARATING NA SABADO. IYON AY NOONG TISHRI 13, 3756, O SEPTEMBER 25, 6 BC, ANG MISMONG ARAW NG PAGLILIHI NI ELISABET KAY JOHN THE BAPTIST.
TUNGO SA DECEMBER 25
SO, EKSAKTONG SEPTEMBER 25, 6 BC, AY UMUWI SI ZACARIAS AT NOON DIN NAGBUNTIS ANG ASAWA NIYANG SI ELISABET.
MULI, SINASABI SA LUKE 1:26 NA SA IKAANIM NA BUWAN NG PAGBUBUNTIS NI ELIZABETH AY INANUNSYO NI ANGHEL GABRIEL ANG PAGBUBUNTIS NI MARIA.
KUNG BIBILANGIN NATIN ANG ANIM NA BUWAN MULA SA SEPTEMBER 25, 6 BC, AY DARATING TAYO SA MARCH 25, 5 BC (NISAN 17, 3756)
AT KUNG BIBILANGIN NATIN ANG SIYAM NA BUWAN NG PAGBUBUNTIS NI MARIA AY MAKIKITA NATIN NANGANAK SIYA NOONG DECEMBER 25, 5 BC. IYAN AY TEVET 25, 3757 SA KALENDARYONG HEBREO.
SO, KAHIT GAMITAN NG SIYENSIYA AT CALENDAR CONVERTER AY MALINAW NATING MAKIKITA NA ANG KAARAWAN NG PANGINOONG HESUS AY DECEMBER 25.
MATIBAY NA PRUWEBA
AT DIYAN NATIN MAKIKITA NA SAAN MAN DAANIN ANG PAGKUKWENTA: SA KASAYSAYAN MAN, SA BIBLIYA O SIYENSIYA, AY LILITAW NA DECEMBER 25 IPINANGANAK ANG PANGINOONG HESUS.
KATUNAYAN, NAGSUSUPORTAHAN ANG MGA IYAN SA PAGPAPAKITA NA ISINILANG ANG KRISTO SA PETSANG DECEMBER 25.
SA MADALING SALITA, ANG BIBLIYA, ANG KASAYSAYAN AT ANG SIYENSIYA AY NAGBIBIGAY NG IISA AT MATIBAY NA PRUWEBA NA TAMA ANG PANINIWALANG KATOLIKO KAUGNAY SA DECEMBER 25, ANG TAMANG PETSA NG PASKO.
COURTESY:
CATHOLIC KNOW THE ANSWER (CKA)
TUMBUKIN NATIN (CENON BIBE)
talaga lang ha? Di ba ayon sa weather ang petsang december 25 sa middle east ay taglamig, bakit may nagpapastol ng gabi noong ipanganak ang Cristo? Haba ng iyong sinabi at tsaka totoo bang kapanganakan ni Cristo ang December 25, di ba Christmas un ibig sabihin Misa ni Cristo hindi kapanganakan ni Cristo, at Pasko ba ay ibig sabihin kapanganakan ni Cristo hindi rin ang pasko ay hango sa salitang Paskwa o pass over na isang pagdiriwang ng mga hudyo ng sila ay makalampas sa parusa ng Diyos sa Ehipto na mamamatay lahat ng panganay. Di hindi Birthday ni Cristo. sabihin mo kina constantino na palitan ang pangalan ng pasko gawing christbirth at di christmas.
ReplyDeleteWalang snow tuwing December sa Israel. Maraming patunay niyan na tuwing December ay may araw pa rin. Kung malamig man, katulad lang din yan sa Baguio na maaraw ngunit malamig ang hangin.
DeleteAnu ba ang ibig mo sabihin d ba pede mag pastol kahit malamig..pag sinabi bang taglamig kailan may snow....kailang may yelo..kailangan naka coat o nakaa jacket ..ui bakit ikaw anung alam mo sa weather alam mo naman na iba iba ang weather kahit noon pa man
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteSorry pro...AUGUST 23 pu ang tunay na kaarawan ng ating panginoong Jesu-Cristo
ReplyDeleteMay ibang relihiyon sa israel sinasabi na march 19 ang bday niya, gaya ng sabi ni kuya adviser may January o iba pang buwan na paniniwala ng iba...ang punto dito hindi nmn mahalaga kung kailan tlga eksakto ipinanganak ang Panginoong Hesus, ang mhalaga ay nagbigay lang na opisyal na araw na kapanganakan si Hesus ang mga elder fathers na sa estimate nila ay yun ang kapanganakan ng panginoon, para lang taon taon ay may opisyal tayong ipinagdiriwang na ipinanganak ang magliligtas sa sanlibutan, yun ang pinakamahalaga sa lahat
ReplyDeletewala talagang pasko. ang pagpapaalala na sinabi ni Hesus ay hindi kapanganakan basahin natin sa talatang ito/
ReplyDeleteLukes 22:19
Gayundin, kumuha siya ng tinapay, nagpasalamat, pinagputul-putol ito, at ibinigay sa kanila, na sinasabi: “Ito ay nangangahulugan ng aking katawanb na siyang ibibigay alang-alang sa inyo. Patuloy ninyong gawin ito bilang pag-alaala sa akin.”
ang kamatayan nya ang pinapaalala satin hindi ang kaarawan.
Pwede ko po ba I copy paste sila lahat at itatranslate ko po sa English? Tapos ipopost ko po sa omlet app ko, tapos mababasa po ng mga taga ibang bansa
ReplyDelete