Katoliko - Bakit may Crucifix?
BAKIT MAY CRUCIFIX?
BY: Kuya adviser CFD
TANONG:
BAKIT ANG MGA KATOLIKO AY MAYROONG CRUCIFIX?? DI BA NANIWALA TAYO NA NABUHAY NA ANG PANGINOONG JESUCRISTO??
BAKIT PO NAKABITIN PA RIN SIYA SA KRUS SA ATING MGA CRUCIFIX??
SAGOT:
UNANG-UNA PO AY ATING BASAHIN ANG NAKASULAT SA 1 COR. 1:23
1 Mga Taga-Corinto 1:23
Ngunit ang ipinapangaral namin ay si CRISTO NA IPINAKO SA KRUS, na para sa mga Judio ay isang katitisuran at para sa mga Hentil ay isang kahangalan.
SINABI PO NI PABLO NA ANG KANILANG IPINANGANGARAL AY ANG CRISTO NA IPINAKO SA KRUS.
BAKIT PO GANITO ANG IPINANGANGARAL NI PABLO AY ANG CRISTO NA IPINAKO SA KRUS??
HINDI BA PO ALAM NI PABLO NA NABUHAY NA MAG-ULI SI CRISTO??
SIYEMPRE.. ALAM PO NI PABLO NA NABUHAY NA SI CRISTO :) :)
NGUNIT ANG IPINANGANGARAL NILA AY ANG NAKAPAKONG CRISTO.
BAKIT KAYA??
DAHIL ALAM NI PABLO NA ANG NAKAPAKONG CRISTO SA KRUS AY "KAPANGYARIHAN" NG DIYOS NA DUMAIG SA KASALANAN AT KAMATAYAN.
1 Mga Taga-Corinto 1:24
Subalit sa mga tinawag ng Diyos, maging Judio o maging Griyego, si Cristo ang KAPANGYARIHAN at karunungan ng Diyos.
IPINANGANGARAL NI PABLO ANG IPINAKONG CRISTO DAHIL ALAM NYA ANG ANG EMPTY CROSS O NAKED CROSS AY WALANG KAPANGYARIHAN.
DITO PO SA KRUS NA NAKABITIN ANG BINUGBOG, PINAHIRAPAN, AT DUGUANG KATAWAN NI JESUCRISTO..ITO ANG KAPANGYARIHAN NG DIYOS. DAHIL PO DITO NAIBUHOS ANG DUGO NG CRISTO NA SIYANG TUMUBOS SA KASALANAN NG MUNDO AT DUMAIG SA KAMATAYAN.
ITO PO ANG DAHILAN KUNG BAKIT ANG SIMBAHANG KATOLIKO AY MAYROONG CRUCIFIX O KRUS NA NAKABITIN ANG CRISTO.
DAHIL BILANG TAGASUNOD SA OTORIDAD NG MGA APOSTOL.. IPINANGANGARAL DIN NG SIMBAHANG KATOLIKO ANG NAKAPAKONG CRISTO KATULAD NG GINAWA NI PABLO.
ANG CRUCIFIX PO AY NAGPAPAALALA SA ATIN HINDI LAMANG PO SA "KAPANGYARIHAN" NG DIYOS.. MAGING SA "PAG-IBIG" NG DIYOS SA ATIN.
NA IBINIGAY NIYA ANG KANYANG BUGTONG NA ANAK PARA SA PAGHIHIRAP AT KAMATAYAN MATUBOS LAMANG PO TAYO SA ATING MGA KASALAANAN.
1 Mga Taga-Corinto 2:2
Sapagkat noong ako'y nariyan, ipinasya kong walang sinumang kilalanin maliban kay JESU-CRISTO NA IPINAKO SA KRUS.
ULIT PO... ANG BINANGGIT NI PABLO AY ANG CRISTO NA IPINAKO SA KRUS..
HINDI BA ALAM NI PABLO NA NABUHAY ANG CRISTO??
SIYEMPRE.. ALAM NYA PO :) :)
GANUN PO KAHALAGA ANG MENSAHE NG CRISTONG NAKAPAKO SA KRUS.
SINABI NG PANGINOONG JESUS:
Lucas 9:23
At sinabi niya sa kanilang lahat, “Ang sinumang nagnanais sumunod sa akin ay kinakailangang itakwil niya ang kanyang sarili, PASANIN ARAW-ARAW ANG KANYANG KRUS, at sumunod sa akin.
HINDI PO ITO LITERAL NA PASANIN ANG KRUS ANO PO? :) :)
KATULAD NG PANG UUYAM NG MGA TAGA IBANG SEKTA SA ATIN HE HE :) :)
ANG IBIG PONG SABIHIN NI CRISTO DITO.. UPANG TAYO'Y MAGING GANAP NIYANG MGA TAGASUNOD AY ATING KALIMUTAN ANG ATING MGA SARILI AT PASANIN NATIN ANG MGA PAGHIHIRAP AT PAGTITIIS ARAW ARAW. KATULAD PO NG PAGPASAN AT PAGTITIIS NI CRISTO SA KANYANG PAGPAPAHIRAP SA KRUS NA DULOT NG MGA KASALANAN NATIN.
Mga Taga-Roma 6:8
Kung tayo'y NAMATAY nang KASAMA ni CRISTO naniniwala tayong MABUBUHAY rin tayong kasama niya.
ANG CRUCIFIX PO AY NAGPAPAALALA SA ATIN SA MGA BAGAY NA ITO.
FOR MORE PLS. LIKE
www.facebook.com/kuyaadviserpublicfigure
PLS. LIKE AND SHARE (y)
GOD BLESS
Subscribe to:
Posts (Atom)
This comment has been removed by the author.
ReplyDeleteKuya salamat sa mga Blog mong ganyan. marami matututong catholic. lalo na yun di nag-aaral ng faith nila. sa akin bilang young cathechist dati na rerefresh sa utak ko yung mga ganyan. sana patuloy mong gawin yan. may the holy spirit guide you !
ReplyDeletemali ka ang ibig sabihin namin bakit gumagawa parin kayo ng rebulto ni hesus at nakapako pa. eh eto ay pinababawal dahil diosdiosan ang mga rebulto na iyan. oo dapat ituro namin na naipako ang panginoon Hesus hindi sa pamamagitan ng rebulto kundi sa pangangaral na naka sulat sa biblia.
ReplyDeleteIpinapangaral nina San Pablo yung SAKRIPISYO NI JESUS!!!! YUNG KAMATAYAN NIYA PARA SA KALIGTASAN NG TAO!!!! BOBO!!!!!
ReplyDelete