Inquisition - Ano ito?

INQUISITION - MGA MALING CHISMIS NG IBANG SEKTA.. AT ANO ANG INQUISITION?

BY: Bro Cenon Bibe Jr.
(TUMBUKIN NATIN)
.
.
.
.
.

******PANINIRA SA KATOLIKO******

ISA PA PO SA MGA PANINIRA NA GINAGAWA NG MGA ALAGAD NI ELISEO SORIANO AY ANG PAGBIBINTANG NA "NAGPAPATAY ANG IGLESIA KATOLIKA NG MILYONG KATAO NOONG INQUISITION."

IN FAIRNESS PO SA ADD, HINDI LANG SILA ANG GUMAGAMIT NG PANINIRA NA IYAN. HALOS LAHAT PO NG MGA UMAATAKE SA IGLESIA KATOLIKA AY GINAGAMIT ANG KASINUNGALINGAN NA IYAN.

BAKIT PO NATIN SINABI NA KASINUNGALINGAN ANG SINASABI NILA NA "MILYONG TAO" ANG "IPINAPATAY" NOONG INQUISITION?

DAHIL IYON PO TALAGA IYON: ISANG MALAKI AT TAHASANG KASINUNGALINGAN.
AT KUNG PAGBABATAYAN PO NATIN ANG MGA SALITA NG MGA ALAGAD SA IGLESIA NI ELI SORIANO, MASASABI NATIN NA ISA ANG ADD SA NAGKAKALAT NG KASINUNGALINGAN NA IYAN.

ANO PO BA ANG KATOTOHANAN TUNGKOL SA INQUISITION NA IYAN?

*******INQUISITION, ANO BA YON?******

SIMULAN PO NATIN SA KUNG ANO ANG INQUISITION.
ANG SALITANG INQUISITION PO AY GALING SA LATIN NA INQUISITIO NA ANG KAHULUGAN AY "PAGTATANONG" O "INVESTIGATION".

BAKIT PO MAGTATANONG?

PARA PO MALAMAN ANG KATOTOHANAN

SA MADALING SALITA PO, BATAY SA MISMONG SALITA, ANG INQUISITION AY ISANG PAGTATANONG PARA MALAMAN ANG KATOTOHANAN.

NGAYON, ANO PO BA ANG TINATAWAG NA INQUISITION?

ANG INQUISITION AY ANG PAGTATANONG NA INILUNSAD SA PAGITAN NG 1100S AT 1500S

PERO ITO AY ACTUALLY NAG SIMULA KAY QUEEN ISABELLA OF SPAIN FOR POLITICAL AND MILITARY REASON

*******BAKIT NAGKAROON NG INQUISITION?*****

INILUNSAD PO ANG MGA INQUISITION SA PAGITAN NG MGA TAON NA IYAN PARA MALAMAN ANG KATOTOHANAN KUNG SINO ANG TUNAY NA DAPAT MAPARUSAHAN AT KUNG SINO ANG HINDI DAPAT PARUSAHAN.

NOON PO KASING MGA PANAHON NA IYON AY MAY MGA INUUSIG AT PINARURUSAHAN NA MGA UMANO AY HERETIKO. WALANG TANONG-TANONG. WALANG IMBESITGASYON.

LAHAT NG MAPAGDUDAHAN AY HINUHULI AT PINARURUSAHAN AT MAY PINAPATAY.

AT DIYAN NA PUMASOK ANG INQUISITION.

*********MILYON BA ANG NAMATAY?*********

AYON NGA PO SA PAG-AARAL NA GINAWA NG BRITISH BROADCASTING CORPORATION O BBC, ISANG RESPETADONG MEDIA COMPANY SA BRITAIN, MAY 5,000 LANG ANG NAMATAY SA SPANISH INQUISITION NA SINASABING PINAKAMALALA SA INQUISITION.

HINDI PO NATIN MINAMALIIT ANG 5,000 BUHAY PERO KLARO PO NA MALI AT PAGBALUKTOT SA KATOTOHANAN ANG SINASABI NA "MILYON" ANG NAMATAY DIYAN.

SA KABUOHAN NA TUMAGAL ANG INQUISITION MULA 1184 HANGGANG 1500S O SA LOOB NG MAY 400 TAON AY TINATAYA NA MAY 6,000 LANG AT HINDI MILYON ANG NAMATAY SA PANAHON NA MAY INQUISITION.

KUNG KUKUWENTAHIN PO NATIN, MAY 15 TAO LANG ANG NAMATAY SA BAWAT TAON NA NAGKAROON NG INQUISITION.

******PAPA O IGLESIA KATOLIKA BA ANG NAGPAPATAY?******

NGAYON, HETO PO ANG MAGANDA RIYAN. HINDI PO ANG IGLESIA KATOLIKA, INUULIT KO.. HINDI PO :)

 AT HINDI ANG PAPA ANG NAGPAPATAY SA MGA IYAN. DAHIL WALANG ARAL ANG IGLESIA KATOLIKA PUMATAY NG MGA HERETIKO SINCE ANG TAO AY MAY FREE WILL.. ANG DUMADAAN SA KAPARUSAHAN AY ANG TAO NA LUMALABAG SA BATAS, MAY CHOICE SILANG HINDI LUMABAG

ANG NAGPAPATAY AT BUMITAY SA KANILA AY ANG MGA LOKAL NA PAMAHALAAN.

BAKIT PO SILA BINITAY?

BINITAY SILA DAHIL LUMABAG SILA SA MGA BATAS NG UMIIRAL NOON SA KANILANG MGA BANSA.

ISA PONG DAPAT NATING MAUNAWAAN AY BAHAGI NG MGA BATAS NG MGA BANSA NOON ANG MGA BATAS KAUGNAY SA RELIHIYON.

ANG KRISTIYANISMO O' CHRISTIANISM PO ANG OPISYAL NA RELIHIYON NOON.., AT ANG MGA LUMIHIS SA MGA ARAL KRISTIYANO AY ITINURING NA MGA REBELDE LABAN SA ESTADO.

SO "LAW" PO NG "PAMAHALAAN" HINDI NG "SIMBAHAN" ANG KUNG SINO ANG MAG LABAG SA BATAS PATUNGKOL SA RELIHIYON ANG KAPALIT AY DEATH PENALTY

SO MAG KAIBA PO ANG DESISYON NG SIMBAHAN SA DESISYON NG PAMAHALAAN..

MAHIGPIT ANG BATAS NG PAMAHALAAN SA KANILA

******CATHARIST NA HERETIKO******

NOONG 1100S AY LUMITAW ANG MGA CATHARIST NA ISANG SEKTA NA TUMULIGSA AT SUMALUNGAT SA MGA ARAL KRISTIYANO.

ANG MGA CATHARIST PO AY LUMABAN SA MGA ARAL NI KRISTO.

ANG NAKAKATAWA PO AY ITINUTURO NI ELI SORIANO, ANG NAGTATAG AT PUNO NG "ANG DATING DAAN" O' "CHURCH OF GOD INTERNATIONAL",

SABI NIYA ANG MGA HERETIKO NA CATHARIST DAW PO NA IYAN AY MGA "BANAL."

ANYWAY, DAHIL NILABAG NG MGA CATHAR ANG BATAS NG NOON, SILA AY INUSIG NG LOKAL NA PAMAHALAAN.

MARAMI SA MGA ITO ANG IKINULONG AT ANG IBA PA AY PINATAY.

HINDI NAGTAGAL AY NAGKAROON NG MGA PAG-ABUSO. PATI ANG MGA WALANG KASALANAN AY NADADAMAY.

*********PAPA NAKIALAM NA*******

NAKARATING KAY POPE INNOCENT III ANG BALITA NA MAY MGA PAG-ABUSO NA KAYA SIYA AY NAGPA-IMBESTIGA. AT DIYAN NA NGA PO NAG-UGAT ANG INQUISITION O PAGTATANONG.

ANG LAYUNIN NI POPE INNOCENT III AY MAIMBESTIGAHAN NANG HUSTO ANG MGA BINTANG LABAN SA MGA TAO UPANG ANG WALANG KASALANAN AY HINDI MADAMAY AT MAILIGTAS SA PAG-UUSIG.

DAHIL SA KAHALAGAHAN NA MALAMAN ANG KATOTOHANAN AT MAILIGTAS ANG MGA INOSENTE AY GINAWANG PORMAL NI POPE GREGORY IX ANG INQUISITION.

NAGTALAGA SIYA NG MGA PARI AT MGA ABOGADO NA MAG-IIMBESTIGA SA MGA BINTANG NA INIHAHARAP LABAN SA MGA TAO.

AT DAHIL NGA SA PAG-I-IMBESTIGA O INQUISITION NA IYAN AY LIBU-LIBO ANG NALIGTAS SA MALING PAG-UUSIG AT SA KAMATAYAN.

ANG MGA NAPATUNAYANG NAGKASALA AY SILA LANG ANG HINAHAYAANG PARUSAHAN NG MGA "LOKAL NA OPISYAL."

HINDI ANG IGLESIA KATOLIKA ANG NAGPARUSA... INUULIT KO HINDI HO SIMABAHAN ANG ANG PARUSA KUNDI OPISYAL NG PAMAHALAAN..

KAYA PUMASOK ANG IGLESIA AT NAG-IMBESTIGA AY PARA MAPIGILAN ANG INHUSTISYA AT MALING PAGPAPARUSA SA MGA INOSENTE.

IYAN ANG "HOLY INQUISITION"

ANG INQUISITION AY NAGLIGTAS AT HINDI NAGPAHAMAK.

PERO BINALUKTOT PO NG MGA TULAD NG ADD NI SORIANO ANG KATOTOHANAN PARA SIRAAN ANG KATOLIKO..

ISANG MALING REPERENSYA NANAMAN ANG GINAGAMIT NILA PARA MAKAPANG HIKAYAT NG MEMEBER

*******CHISMIS NG IBA SEKTA*******

PAPA NAG-SORRY, UMAMIN DAW SA PAGPATAY??

ISA PONG ALAGAD SA IGLESIA NI ELI SORIANO ANG NAG-TEXT SA ATIN AT PILIT NA TINUTUTULAN ANG KATOTOHANAN TUNGKOL SA TUNAY NA NANGYARI SA PANAHON NG HOLY INQUISITION.

AYON PO SA ALAGAD NI SORIANO AY "TOTOO" RAW PO NA "NAGPAPATAY ANG PAPA NG MILYONG" TAO. KATUNAYAN PA RAW PO AY "NAG-SORRY" PA NGA RAW PO SI POPE JOHN PAUL II DAHIL DOON.

KAUGNAY PA PO NIYAN AY MAYROON DIN PONG NAG-TEXT SA ATIN NG GANITO, "FOREIGN POST, MARCH 15, 2000, VOL. 8 P373. HUMINGI NG TAWAD ANG PAPA N’YO SA MGA PINATAY NG KATOLIKO."

IYAN DAW PO ANG "PATUNAY" NA "NAGPAPATAY" ANG PAPA.

TOTOO PO BA IYAN? NOON PO BANG HUMINGI NG APOLOGY O NAG-SORRY SI POPE JOHN PAUL II AY "INAMIN NIYA" NA "NAGPAPATAY ANG MGA PAPA NG MILYONG TAO?"

HINDI PO. :)

********MALI ANG UNAWA SA APOLOGY*******

TULAD PO NG DATI AY MALI ANG UNAWA NG MGA SINUNGALING

SA ITAAS AY NAKITA NA PO NINYO KUNG SINO ANG NAGPAPATAY SA MGA NAMATAY NOONG PANAHON NG INQUISITION.. HINDI ANG ATING SIMBAHAN KUNDI ANG BATAS NG PAMAHALAAN.. DESISYON NG PAMAHALAAN O' MAHIGPIT NA BATAS NA UMIIRAL SA PANAHONG IYON

AT DOON AY NAKITA NINYO NA MGA LOKAL NA PAMAHALAAN O LOKAL NA OPISYAL NG MGA BANSA ANG NAGPARUSA AT NAGPAPATAY.

KAYA NILA PINATAY O BINITAY ANG MGA IYON AY DAHIL LUMABAG ANG MGA NABITAY SA BATAS NG MGA BANSA NOON..

NGAYON, KAYA PUMASOK ANG MGA "PAPA" AT ANG "IGLESIA KATOLIKA" AY NOONG MAGKAROON NA NG MGA PAG-ABUSO SA GINAGAWA NG MGA LOKAL NA MGA OPISYAL.

PATI MGA INOSENTE NA HINDI DAPAT PARUSAHAN AY NADADAMAY.

AT DOON SINIMULAN NG SANTO PAPA ANG INQUISITION NA ANG LAYUNIN AY ALAMIN KUNG SINO ANG MGA TUNAY NA NAGKASALA AY SILA LANG ANG MAPARUSAHAN.

SA MADALING SALITA PO, ANG GINAWA NG PAPA AY SINIKAP NIYA NA MAILIGTAS ANG MGA PUWEDE PANG ILIGTAS.

KAYA NGA PO MALI NA SABIHIN NA ANG HOLY INQUISITION AY GINAWA PARA PUMATAY. BALUKTOT PONG PANANAW IYAN NA IKINAKALAT NG MGA SINUNGALING NA UMAATAKE SA IGLESIA KATOLIKA.

ANG KATOTOHANAN PO AY INSTRUMENTO NG PAGLILIGTAS ANG INQUISITION.

***BAKIT NAG-APOLOGICE SI POPE JOHN PAUL II?***

NGAYON, ANO NGA ITONG SINASABING "APOLOGY" O PAGHINGI NG SORRY NI JOHN PAUL II?

KUNG BABASAHIN NATIN ANG "APOLOGY" O PAGHINGI NIYA NG PAUMANHIN AY GANITO ANG KANYANG SINABI,

"HUMIHINGI KAMI NG TAWAD SA PAGKAKAHATI-HATI NG MGA KRISTIYANO, SA PAGGAMIT NG ILAN SA KARAHASAN PARA MAGLINGKOD SA KATOTOHANAN, AT PARA SA PAG-UUGALI NA KAWALAN NG TIWALA AT GALIT SA MGA KASAPI NG IBANG RELIHIYON."

MAY NABASA PO BA KAYONG SINABI NG PAPA NA "INAAMIN NAMIN NA PUMATAY KAMI NG MILYON?"

WALA PO NIYAN. DAGDAG NA LANG IYAN NG MGA NANINIRA SA KATOLIKO.

ANG NANGYARI NOONG INQUISITION AY PUWEDENG PUMASOK SA SINABI NI JOHN PAUL NA "PAGGAMIT NG ILAN SA KARAHASAN PARA MAGLINGKOD SA KATOTOHANAN..."

BILANG PINUNO NG LAHAT NG KATOLIKO AY NAGPAKUMBABA ANG SANTO PAPA AT HUMINGI NG PATAWAD PARA SA KASALANAN NG "ILAN" SA MGA KATOLIKO.

NGAYON, ANG KASALANAN NG "ILANG" KATOLIKO AY HINDI KASALANAN NG LAHAT NG KATOLIKO AT LALONG HINDI KASALANAN NG BUONG IGLESIA KATOLIKA.

MARAHIL ANG IBANG MGA TAO SA "PAMAHALAAN" DOON AY KRISTIANO LANG SA PANGALAN..

KATULAD NG MGA APOSTOL..
NAG KAMALI AT NAGKASALA MAN ANG ILAN SA KANILA.. HINDI NANGANGAHULUGAN SILANG LAHAT AY "MALI" NA PATI ANG DISIPULO NILA O' PATI SI KRISTO AY MALI NA DIN.. HINDI GANUN :)

SO KAYA KUNG MAY MAGKAMALI SA MEMBER NG SIMBAHAN.. HINDI PAGKAKAMALI NG LAHAT

ANG GUSTO KASI NG ILANG TAO AY IBINTANG SA BUONG IGLESIA ANG KASALANAN NG "ILAN" NITONG MIYEMBRO.

KAYA NAMAN ANG NAG ANNOUNCE NG "DEATH PENALTY" AY ANG PAMAHALAAN AT HINDI ANG SANTO PAPA ..

FOR EXAMPLE:
SA CHINA AY MAY "DEATH PENALTY" SA MGA MAHUHULING GUMAGAMIT NG DRUGS..

SO KASALANAN BA NG MGA TAO SA CHINA KUNG BAKIT MAY GANOONG BATAS O' DAHIL SA MAHIGPIT NA DESISYONG NG NAMUMUNO SA PAMAHALAAN NILA ??

KAYA DAHIL DIYAN AY SADYA NILANG BINABALUKTOT KATOTOHANAN AT ANG APOLOGY NG PAPA AT GINAGAMIT NILA PARA MALINLANG ANG MGA TAO NA HINDI NAKAKAALAM NG KATOTOHANAN.

*******KATOTOHANAN BINALUKTOT*******

GUMAGAMIT SILA NG KASINUNGALINGAN PARA LANG ATAKIHIN ANG TUNAY NA IGLESIA.

KATUPARAN PO IYAN NG SINABI NI PABLO SA ACTS 20:29-30.
SABI RIYAN,

"alam ko na matapos kong umalis ay darating ang mga mababangis na aso at hindi paliligtasin ang kawan."

kahit mula sa inyong bilang ay tatayo ang ilan at babaluktutin ang katotohanan para ilayo ang mga tagasunod at mapasunod sa kanila."

HINDI PO BA INAATAKE ANG KATOLIKO GAMIT ANG BINALUKTOT NA KATOTOHANAN KAUGNAY SA INQUISITION?

HINDI PO BA MARAMI NA ANG NAAKAY PALAYO DAHIL SA MGA BINALUKTOT NA KATOTOHANAN NA IYAN?

NATUTUPAD LANG PO ANG BABALA NI PABLO SA MGA UMAATAKE SA IGLESIA KATOLIKA.

***SINO ANG NAGSABI NA MABUTI ANG INQUISITION***

MAYROON PONG NAGTATANONG SA ATIN KUNG ANO RAW PO ANG SOURCE NATIN SA MGA SINABI NATIN TUNGKOL SA HOLY INQUISITION.

MARAMI PO IYAN. LAHAT NG MGA SOURCE KO AY NAGBATAY SA MGA DOKUMENTO. HINDI TULAD NG MGA SOURCE NG MGA UMAATAKE SA KATOLIKO NA ANG BATAYAN AY TSISMIS.

DAHIL PO TUNGKULIN NG BAWAT KRISTIYANO NA HUMAWAK SA KATOTOHANAN AY IBIBIGAY KO PO SA INYO ANG ILAN PA LANG SA MGA SOURCE NATIN SA PAGSIRA NATIN SA MGA KASINUNGALINGAN NA IKINAKALAT LABAN SA INQUISITION.

SABI PO SA ATIN NG ATING PANGINOONG HESUS SA JOHN 8:32,

"AT MALALAMAN NINYO ANG KATOTOHANAN, AT PALALAYAIN KAYO NG KATOTOHANAN."

HETO PO ANG ILAN SA MGA SOURCE NATIN NA NAGPAPAKITA NA HINDI TOTOO ANG SINASABI NA "BRUTAL" AT "MILYON ANG PINATAY" NG INQUISITION.

UNAHIN PO NATIN ANG SINULAT NI DR. MARIAN HORVAT NA MAY PAMAGAT NA INQUISITION: MYTH OR REALITY.

LUMABAS PO ITO SA MARCH 1998 ISSUE NG CATHOLIC FAMILY NEWS PERO PUWEDE RIN NINYONG MABASA SA WEBSITE NA:

http://www.geocities.com/militantis/inquisition2.html

SI DR. HORVAT AY MAY DEGREE SA JOURNALISM AT MASTERS AT DOCTORATE SA MEDIEVAL HISTORY MULA SA UNIVERSITY OF KANSAS.

ISA PA PONG SOURCE NATIN AY ANG MGA SINULAT NG MGA HISTORIAN NA SINA EDWARD PETERS AT HENRY KAMEN.

SI PETERS AY PROFESSOR OF HISTORY SA UNIVESITY OF PENNSYLVANIA. SINULAT NIYA ANG LIBRONG "INQUISITION," NEW YORK: THE FREE PRESS, 1988.

AYON SA WEBSITE NG UNIVERSITY OF PENNSYLVANIA, PETERS "SPECIALIZES IN THE EARLY HISTORY OF EUROPE, FROM THE SECOND TO THE SEVENTEENTH CENTURIES. HIS CHIEF INTERESTS ARE POLITICAL AND CONSTITUTIONAL HISTORY, INCLUDING CHURCH HISTORY, INTELLECTUAL AND LEGAL HISTORY, AND HISTORIOGRAPHY."

SI KAMEN NAMAN PO ANG NAGSULAT NG LIBRONG "THE SPANISH INQUISITION: A HISTORICAL REVISION," NA LUMABAS NOONG 1998.

AYON SA KANYANG PROFILE SA www.harpercollins.com

 SI KAMEN AY "EDUCATED AT OXFORD, HAS BEEN PROFESSOR AT UNIVERSITIES THROUGHOUT THE UK, USA AND SPAIN AND WAS UNTIL RECENTLY PROFESSOR OF THE HIGHER COUNCIL FOR SCIENTIFIC RESEARCH, BARCELONA. HIS BOOKS INCLUDE PHILIP OF SPAIN (1997), THE SPANISH INQUISITION (1998), AND EMPIRE: HOW SPAIN BECAME A WORLD POWER (HARPERCOLLINS, 2003)."

SI KAMEN PO AY HINDI KATOLIKO.

KUNG GUSTO PO NINYONG MABASA ANG MGA SINASABI NINA KAMEN AT PETERS KAUGNAY SA INQUISITION AY PUWEDE NINYONG PUNTAHAN ANG WEBSITE NA:

http://en.wikipedia.org/wiki/historical_revision_of_the_inquisition

BATAYAN DIN PO NATIN ANG SINABI NG BRITISH BROADCASTING CORPORATION O BBC SA DOCUMENTARY NITONG MAY PAMAGAT NA "THE MYTH OF THE SPANISH INQUISITION."

DIYAN PO AY PINASINUNGALINGAN NG HISTORIANS ANG ALAMAT NA NAGING "MALUPIT" ANG INQUISITION SA ESPANYA.

IPINALABAS PO IYAN NOONG JUNE 9, 1995.

PARA PO SA SUMMARY NG MGA SINULAT NG MGA CREDIBLE AT LEHITIMO NA MGA HISTORIAN AY PUWEDE PO NINYONG PUNTAHAN ANG WEBSITE NA:

http://www.bede.org.uk/inquisition.htm

MAYROON DIN PONG MAGANDANG ARTIKULO SI THOMAS F. MADDEN, PROPESOR AT PINUNO NG HISTORY DEPARTMENT SA SAINT LOUIS UNIVERSITY SA ST. LOUIS, MISSOURI.

ANG PAMAGAT PO NG ARTIKULO NI MADDEN NA LUMABAS SA NATIONAL REVIEW ONLINE AY "THE REAL INQUISITION" NA MABABASA NINYO SA:

http://www.nationalreview.com/comment/ madden200406181026. asp

TINALAKAY NI MADDEN ANG NATUKLASAN NG 30 SCHOLAR NA PINAYAGAN NG VATICAN NA BASAHIN AT PAG-ARALAN ANG DATI AY "SECRET ARCHIVES" NG IGLESIA KATOLIKA KAUGNAY SA INQUISITION.

ANG ARCHIVES AY MGA RECORD NG MGA PAGLILITIS NA GINAWA NOONG PANAHON NG INQUISITION.

AT AYON SA 800-PAHINA NA REPORT NG MGA SCHOLAR AY "HINDI MASAMA ANG INQUISITION."

ANG KATOTOHANAN PO AY NAGPAPALAYA.

ANG TANONG PO AY GUSTO PO BA NINYONG LUMAYA O MANATILING ALIPIN NG MALING PANINIWALA?

************************************

COURTESY TO: Bro. Cenon Bibe jr.
EDITED/ADDITIONAL BY: Kuya Adviser CFD

www.facebook.com/kuyaAdviserPublicFigure
 Kindly Like this Page ↑↑↑
For more catholic Apologetics

Let us Spread the truth (y) (y) (y)

1 comment:

Click here

Click here
Facebook Apologetic Fanpage