Santo papa - ano ang Coat of arms ?

No automatic alt text available.







COAT OF ARMS NI POPE FRANCIS
.
.
.
BY: Kuya adviser CFD

MENSAHE NA PINADALA SA AKING INBOX:

"Kuya adviser pwedi po bng pa explain yng logo ng vatican kc po my nag sasabi na sekta na ang logo daw po ng vatican i simbolo ng illuminatic. salamat po. sana po masagot.

yung Coat of arms po pla. Sorry po
http://newsinfo.inquirer.net/files/2013/03/Francis-coat-of-arms.jpg
yn po Kuya adviser. isa po akong katoliko kuya adviser narinig ko lng po ito sa isang seminar ng mga Jesus is Lord. sbi po kc ng speaker nila na illuminatic daw po ang logo ng vatican"
*****

HINDI BA ALAM NITONG BORN AGAIN SEKTANG SULPOT NA "Jesus is Lord" NA ANG SIMBAHANG KATOLIKO AY NUMERO UNO NA KALABAN NG ILLUMINATI AT FREEMASONRY?? :)

SADYANG KASAMA LAMANG PO NG KANILANG PANGANGARAL ANG PANINIRA SA SIMBAHANG KATOLIKO, ANO PO? :)
ITO ANG MGA UMAANGKIN NA TUNAY KUNO SILANG KAY CRISTO.
PERO SA GITNA NG PANGANGARAL NILA SA MGA TAO AY ANG PAGPUNA SA KUNG ANO ANONG BAGAY SA SIMBAHANG KATOLIKO. HMMM... HINDI BA NAPA ESEP ESEP ANG MGA TAONG NAUTO NITONG MGA SEKTANG SUMULPOT NA ITO? :)

PARA PO SA KAALAMAN NG LAHAT, NARITO ANG IMPORMASYON TUNGKOL SA MGA EMBLEM NA MERON ANG COAT OF ARMS NI SANTO PAPA FRANCESCO (Pope Francis).

NILAGYAN KO LAMANG PO NG NUMBERING PARA MALINAW.

1- MITRE NG SANTO PAPA.
Nakalagay sa pinakaitaas. Sumisimbolo ito sa kanyang pagka Obispo sa Roma (Bishop of Rome). Ibig sabihin pinakamataas sa lahat ng mga Obispo ng buong hurisdiksyion ng Universal Church/Iglesia Katolika ng Diyos dito sa lupa.

2- 3 GOLD STRIPES SA MITRE
Ayon sa Wikipedia: These stripes recall the three crowns of the tiara, which came to represent the three powers of Orders, Jurisdiction and Magisterium. The stripes preserve that meaning and are joined at the center to show their unity in the same person.

2- PAPAL KEYS
Sumisimbolo sa mga susi na pinagkatiwala ni Cristo kay Pedro - Mateo 16:19, Isaiah 22:22
Bilang successor of St. Peter, ito ay nangahulugan ng kanyang obligasyong mamahala (rule), tagapag-ingat ng mga kayamanan ng Inang Simbahan tulad ng Sacred Scriptures at Sacred Tradition (deposit of Faith).
Ang Papal Keys ay may 2 kulay, gold at silver, sumisimbolo sa otoridad nito na Magkalag at Magtali- Mateo 16:19, na pinagdugtong ng pulang cord.

3- KALASAG (shield)
Bright blue ang kulay

4- MASINAG NA ARAW, IHS- CHRISTOGRAM, KRUS, PAKO
Ito ay sumisimbolo kay Cristo. Ang IHS din ang ang logo mismo ng Jesuit Society, ang religious order kung saan kabilang si Pope Francis. Ang IHS at Krus ay kulay pula, sumisimbolo sa dugo ni Cristo na nabuhos sa kamatayan niya sa Krus. Ang 3 pako sa ibaba sumisibolo sa mga pako ng crucifixion ni Jesus sa Krus. Ang mga simbolong ito ay nakalagay sa itaas na bahagi ng kalasag, signifying Christ being the Ruler of all, at ang Sentro ng lahat ng bagay sa mundo.

5- BITUIN
Sa ibaba ng Araw sa bandang kaliwa ay Bituin na sumisimbolo kay Inang Maria, ang Ina ni Cristo at Ina ng Santa Iglesia. Sa realidad, ang bituin ay kumukuha ng liwanag sa araw. Same symbolism para sa Bituin na nagrepresenta sa Inang Maria, ang kanyang liwanag na nagreflect sa kanya ay mula sa Anak niya (Jesus) na siyang araw/liwanag. Revelation 12:1

6- NARD FLOWER
Sa tapat mismo ng Bituin sa may bandang kanan na sumisimbolo kay San. Jose, ang patron ng Santa Iglesia Katolika. (Universal Church) Sa pagpili kay Jose na mapapangasawa ni Maria, tumubo ang nard flower sa kanyang tungkod, kaya ito ay sumisimbolo sa kanya sa ating Simbahan. Si San Jose ang foster father ni Jesus, ang tagapag-alaga at protektor sa batang Jesus (sa kanyang pagdating dito sa mundo sa kamay ni Herodes-Mateo 2). Protektor ng Santa Iglesia.

SA MGA SIMBULONG ITO NI...
"Jesus, Birhen Maria, San Jose" PINAPAKITA NI POPE FRANCIS ANG KANYANG PAGMAMAHAL SA HOLY FAMILY.

7- PAPAL MOTTO
Ang Papal motto ni Pope Francis ay katulad pa rin ng kanyang motto noong siya ay naging Obispo.

POPE FRANCIS MOTTO:
"Mesirando atque eligendo" (Latin)

MEANING: "By mercy. By choosing him"
or... "Lowly but chosen."

ANG MOTTO NA ITO NI POPE FRANCIS NOONG SIYA AY SI BISHOP JORGE BREGOGLIO PA LAMANG AY KANYANG HINANGO MULA SA HOMILY NI "Venerable Vede (English monk 7th Century)" TUNGKOL SA PAGTAWAG NI JESUS KAY MATTHEW
(Matthew 9:9)
JESUS CALLS MATTHEW WITH MERCY AND COMPASSION.
AT SA PAGSABI NI JESUS NA "follow me"... GUMAWA NG DESISYON SI MATEO NG WALANG DALAWANG ISIP... SIYA AY SUMUNOD KAY JESUS.

ITO PO MISMO ANG DALA DALA NI POPE FRANCIS...God is merciful to him, and God has chosen him.

SHOWING COMPASSION AND MAKING DECISIONS... POPE FRANCIS... THE SUCCESSOR OF ST. PETER!

********

AYAN PO... MALINAW NA NATING NAIPALIWANAG ANG MGA SIMBOLISMO NA ATING MAKIKITA SA COAT OF ARMS NI POPE FRANCIS.

AT ITONG MGA SEKTANG SULPOT AY WALANG IBANG GINAWA KUNDI HANAPAN NG BUTAS ANG SANTA IGLESIA PARA MASIRAAN ITO. KAYA ITO PONG COAT OF ARMS NI POPE FRANCIS AY BINALIKTAD NILA (upside down)
AT INIHAHALINTULAD DUN SA MGA LOGO NG KUNG SINO SINONG GRUPO.

ILLUMINATI DAW.
FREEMASON DAW!
LAHAT NA LANG HAHANAPAN NG MALI. :)

NGUNIT KAILANMAN AY HINDING HINDI PO KAYO MAGTATAGUMPAY SA INYONG MGA NINANAIS NA GAWING PAGSIRA SA SANTA IGLESIA KATOLIKA.
ANG PANGINOONG JESUS ANG KASAMA NG SIMBAHANG ITO SA PAMAMAGITAN NG KANYANG BANAL NA ESPIRITU SANTO Mateo 28:20, Juan 14:16.

SINO KAYO NA KAKALABAN SA DIYOS?
SINO KAYO NA MAGPAPABAGSAK SA IGLESIA KATOLIKA NA TATAG NG DIYOS?

KUNG ANG DIYOS AY KAKAMPI SA ATIN, SINO ANG LABAN SA ATIN? Roma 8:31

AMEN....GLORY TO GOD!

******
MARAMING SALAMAT PO SA INYONG PAGBABASA.

PLS. LIKE AND SHARE

FOR MORE: KINDLY LIKE THIS PAGEwww.facebook.com/kuyaadviserpublicfigure

No comments:

Post a Comment

Click here

Click here
Facebook Apologetic Fanpage