.
.
.
BY: Kuya Adviser CFD
TANONG MULA SA ATING TAGASUBAYBAY:
"Kuya Adviser bakit po sinasabi na 3rd day nabuhay si Cristo? Kasi po kung bibilangin natin mula friday, lalabas po ng 2nd day lang siya nabuhay?"
********
MARAMI PA RIN PO SA MGA KAPATID NA KATOLIKO ANG NAGTATANONG NG GANITO AT HINDI ALAM ANG KASAGUTAN DITO. :)
ITO PO ANG KASAGUTAN SA TANONG NA ITO:
HINDI PO NATIN MAARING GAMITIN ANG ATING MODERN TIME (24 hour time system) SA PAGBIBILANG NG ARAW NG PAGKAMATAY AT PAGKABUHAY NG ATING PANGINOONG JESUCRISTO. :)
KASI PO, ANG ANCIENT JEWISH TIME AY IBA SA ATING MODERN TIME NA MERON TAYO NGAYON.:)
SA JEWISH TIME, ANG BASEHAN PO NG ISANG BAGONG ARAW AY
"Sunset and Sunrise" LAMANG.
"In Jewish time, the day begins with the onset of night (the appearance of the stars) followed by the morning (which technically begins with the appearance of the North Star).
For this reason, the Sabbath begins on Friday night and ends with the appearance of the stars on Saturday night."
http://www.aish.com/literacy/concepts/Jewish_Time.asp
SA MAKATUWID, MULA SA NIGHTIME (appearance of the stars) NG BIYERNES AY PASOK NA ANG ARAW NG SABBATH, AT MAGTATAPOS ANG ISANG BUONG ARAW NG KINAGABIHAN RIN.
KAYA KUNG ATING TITINGNAN ANG KASULATAN NG GENESIS, SA TIME OF CREATION AY GANITO ANG ATING MABABASA..
GENESIS 1:5 (ADB)
"At tinawag ng Dios ang liwanag na Araw, at tinawag niya ang kadiliman na Gabi. At NAGKAHAPON at NAGKAUMAGA ang UNANG ARAW."
AYAN PO, NAGKAHAPON AT NAGKAUMAGA, AY BILANG NG ISANG ARAW.
HINDI PO TULAD SA ATING SINUSUNOD NA 24 HOUR TIME SYSTEM NGAYON KUNG SAAN MAGSISIMULA ANG BILANG NG BAGONG ARAW SA "midnight" O HATING GABI (12am) AT MAGTATAPOS ITO SA GAYON DING ORAS PARA MABUO ANG ISANG BUONG ARAW.
IBIG PONG SABIHIN, SA ANCIENT JEWISH TIME PAGLUBOG NG ARAW (sunset) AY SIMULA NA NG BILANG NG ISANG BAGONG ARAW.
TAPOS, INILAHAD NG KASULATAN SA BAGONG TIPAN NA SI CRISTO AY NAMATAY SA ARAW NA NAUNA SA SABBATH.
ANG SABBATH NG MGA JUDIO AY ANG ARAW NA SABADO SA ATING KALENDARYO (Gregorian Calendar)
ANG ARAW NA NAUNA SA SABBATH AY "Friday". KAYA DITO NATIN GINUGUNITA SA ARAW NG FRIDAY ANG KAMATAYAN NG ATING PANGINOON.
IPINAKO SI CRISTO SA IKATLONG ORAS NG ARAW NG BIYERNES, BAGO ANG SABBATH NG MGA JUDIO.
MARCOS 15:25
"At IKATLO NA ANG ORAS, at siya'y kanilang ipinako sa krus."
KAYA NGA PO NAKASAAD SA BIBLIYA NG NAMATAY SI CRISTO SA "araw na nauna sa Sabbath" AY ANG "paghahanda" PARA SA SABBATH. AT BIYERNES PO YUN, NAGHAHANDA NA ANG MGA JUDIO SA KANILANG PINAKABANAL NA ARAW, ANG SABBATH.
MARCOS 15:42
"At nang kinahapunan, sapagka't noo'y PAGHAHANDA, sa makatuwid baga'y ang ARAW NA NAUNA SA SABBATH,"
BANAL ANG ARAW NG SABBATH PARA SA MGA JUDIO KAYA HINDI MAARI NA ANG MGA PATAY AY AABUTIN PA SA ARAW NG SABBATH NG HINDI PA ITO MAILILIBING.
JUAN 19:30-31
30 "Nang matanggap nga ni Jesus ang suka, ay sinabi niya, Naganap na: at iniyukayok ang kaniyang ulo, at NALAGOT ANG KANYANG HININGA.
31 Ang mga Judio nga, sapagka't noo'y PAGHAHANDA, UPANG ANG MGA KATAWAN AY HUWAG MANGATIRA SA SABBATH (sapagka't dakila ang araw ng sabbath na yaon), ay hiniling nila kay Pilato na mangaumog ang kanilang mga hita, at upang sila'y mangaalis doon."
KAYA... MULA SA ARAW NG PAGHAHANDA (Biyernes) HANGGANG SA PAGKALUBOG NG ARAW AY PAPASOK NA ANG SABBATH.
● FRIDAY ---> DAY 1 (namatay si Jesus)
● SABBATH ---> DAY 2
(Friday sunset to Sabbath sunset)
● SUNDAY ---> DAY 3
(Sabbath sunset to next day-Sunday sunset)
SA IKATLONG ARAW NGA ( on the first day of the week/Sunday) AY NABUHAY NA MAG-ULI ANG PANGINOONG JESUS.
LUCAS 18:33
"At kanilang papaluin at papatayin siya: at sa IKATLONG ARAW AY MULING MAGBABANGON SIYA."
KAILAN ANG IKATLONG ARAW NA IYUN NA NABUHAY MAG-ULI SI CRISTO?
SAGOT:
NG MAGTAPOS ANG ARAW NG SABBATH NG MGA JUDIO..
SA UNANG ARAW NG SANLINGGO.
MATEO 28:1
"Nang MAGTAPOS ANG ARAW NG SABBATH, nang nagbubukang liwayway na ang UNANG ARAW NG SANLINGGO, ay nagsiparoon si Maria Magdalena at ang isa pang Maria upang tingnan ang libingan."
MARCOS 16:2
"At PAGKAUMAGANG- UMAGA- nang UNANG ARAW NG SANLINGGO, ay nagsiparoon sila sa libingan nang sikat na ang araw."
MARCOS 16:9
"Nang SIYA NGA'Y MAGBANGON nang UNANG ARAW NG SANLINGGO, ay napakita muna siya kay Maria Magdalena, na sa kaniya'y pitong demonio ang pinalabas niya."
JUAN 20:1
"Nang UNANG ARAW NGA NG SANLINGGO ay naparoong maaga sa libingan si Maria Magdalena, samantalang madilim pa, at nakita ang bato na naalis na sa libingan."
ANONG ARAW BA ANG KASUNOD NG SABBATH (Shabbat) NG MGA JUDIO?
LINGGO (Sunday) PO IYUN SA ATING KALENDARYO. KAYA SI CRISTO AY NABUHAY SA ARAW NG SUNDAY, ANG UNANG ARAW NG SANLINGGO SA ATING KALENDARYO.
KAYA ANG RESURRECTION OF THE LORD AY TINAWAG NA...
"Easter Sunday" O
"Linggo ng Pagkabuhay"
Linggo ng Pagbangon muli"
AYAN PO. :)
NAWA'Y NAKAPAGBIGAY LINAW NA SA ATING LAHAT ITO.
SANA AY ALAM NA NG MGA KATOLIKO ANG PALIWANAG DITO SA USAPIN NG BILANG NG ARAW NG PAGKABUHAY NA MAG ULI NG ATING PANGINOONG JESUCRISTO. :)
************
MARAMING SALAMAT PO SA INYONG PAGBABASA.
LIKE AND SHARE...
GOD BLESS YOU!
FOR MORE, KINDLY LIKE THIS PAGEwww.facebook.com/kuyaadviserpublicfigure
Salamat sa iyong napaka-detailed ba explanation. Dahil ang sagot ko sa tanong na ito ay napakaikli man lamang. Talatang Juan 11:9 lang ginamit ko. Marami pong salamat.
ReplyDelete