Palaspas - Biblical ba?

LINGGO NG PALASPAS
by: Kuya adviser CFD

***
NGAYON AY PINAGDIDIWANG NATING MGA KATOLIKO ANG LINGGO NG PALASPAS.. ITO AY HUDYAT O' SIGN NG PAGSISIMULA NG SEMANA SANTA (HOLY WEEK) ITO AY TRADITION NA NG MGA KATOLIKO NG MATAGAL NG PANAHON.. KUNG SAAN AY GINAGAMIT NATIN ANG MGA "PALAPA NG PALMA".. O' PALASPAS BILANG PAG PBIBIGAY PUGAY SA PAGDATING NI HESUKRISTO..

SA PAGPASOK NG HOLY WEEK.. PINAPALALIM NATIN ANG PAGNINILAY O' PAGALALA SA PAGSASAKRIPISYO NG ATING PANGINOONG HESUKRISTO

NGUNIT NAKAKALUNGKOT ISIPIN.. BAKIT LAGI ITONG TINUTULIGSA NG MGA IBANG SEKTA, HALOS LAHAT NALANG NG GAWAIN NG KATOLIKO LAGING MAY PANGUNGUTYA AT PAMBABATIKOS..  LIKE NG "IMBENTO NIYO LANG YAN!" AT ANG PABORITO NG MGA SOLA SCRIPTURA NA
"WALANG GANYAN SA BIBLIYA!"

HE HE HE! WAG NIYO SILANG PANSININ MGA KAPATID KO SA KATOLIKO.. KASI MGA INGGIT LANG YAN SILA.. KASI YUN SIMBAHAN NILA ANG IMBENTO AT WALA SA BIBLIYA MGA 90'S NA CHURCH KAYA WALANG ALAM SA APOSTOLIC TRADITION ..

***
DIYAN SILA NAGKAKAMALI.. DAHIL ITO AY MAKIKITA AT MABABASA NATIN SA BIBLIYA :)

ITO AY ANG ARAW NA DUMATING SI KRISTO SA HERUSALEM, GINAMITAN SIYA NG PALASPAS UPANG SIYA AY BIGYAN NG PUGAY, PURIHIN AT SAMBAHIN..
BASAHIN NATIN ANG MGA NGYARI (JUAN 12:12-15.)

12 - Nang kinabukasan ang isang malaking karamihan na nagsiparoon sa pista, pagkabalita nila na si Jesus ay dumarating sa Jerusalem,

13 - Ay nagsikuha ng MGA PALAPA ng mga puno ng PALMA, at nagsilabas na sumalubong sa kaniya, na nagsisigawan, Hosanna: Mapalad ang pumaparito sa pangalan ng Panginoon, sa makatuwid baga'y ang Hari ng Israel (HOSANNA = ILIGTAS MO KAMI)

14 - At si Jesus, pagkasumpong sa isang batang asno, ay sumakay doon, gaya ng nasusulat,

15 - Huwag kang matakot, anak na babae ng Sion: narito, ang iyong Hari ay pumaparito, na nakasakay sa isang anak ng asno

***
SEE.. KATULAD NG NAKIKITA NIYO SA LARAWAN.. SI HESUS AY NAKASAKAY SA BATANG ASNO. NA KUNG SAAN BINIBIGYAN SIYA NG PUGAY .. DAHIL ANG PAGPAPALASPAS AY PAGPAPAKITA NG

"PAG PUPUGAY SA DIYOS"

KAYA NAMAN ANG DIYOS NA SI KRISTO AY PINAPAKITAAN NG PAGPUPUGAY SA PAMAMAGITAN NG PAGAMIT NG PALASPAS O' PALAPA NG PALMA

DAHIL SA OLD TESTAMENT.. ANG PALASPAS AY PAGBIBIGAY PUGAY AT PAGPUPURI SA DIYOS..

ITO AY PANGYAYARI SA LANGIT.. BASAHIN NATI ANG
(REVELATION 7:9-10,)

9 - Pagkatapos ng mga bagay na ito ay tumingin ako, at narito, ang isang lubhang karamihan na di mabilang ng sinoman, na mula sa bawa't bansa at lahat ng mga angkan at mga bayan at mga wika, na nakatayo SA HARAP NG LUKLUKAN at sa harapan ng CORDERO, na nangadaramtan ng mapuputing damit, at may MGA PALMA sa kanilang mga kamay;

 10 - At nagsisigawan ng tinig na malakas, na nangagsasabi, ANG PAGLILIGTAS AY SUMAAMING DIYOS na nakaupo sa luklukan, at sa Cordero.

KITAMS.. ANG MGA ANGHEL SA PALIGID NG AMA AT NG ANAK..

AY NAPAPALIGIRAN NG MGA PUTI AT ANGHEL NA MAY HAWAK NA PALASPAS O' PALAPA NG PALMA.. BILANG PAGPUPUGAY AT PAG PUPURI SA DIYOS..

KAYA ANG PAGGAMIT NG PALASPAS NG MGA KATOLIKO AY PAGBIBIGAY NAMIN NG PUGAY SA ATING PANGINOONG DIYOS :)

******

www.facebook.com/kuyaadviserpublicfigure
LIKE AND SUPPORT THIS PAGE
FOR MORE CATHOLIC APOLOGETICS (y)
LIKE AND SHARE

No comments:

Post a Comment

Click here

Click here
Facebook Apologetic Fanpage