Rebulto at Inanyuan

MASAMA BA GUMAMIT NG REBULTO? ANG PAGLUHOD BA SA REBULTO NG SANTO AY PAGSAMBA AGAD?


una sabi ng Diyos sa -- EXODO 20:16
"HUWAG KA MAGBIBINTANG SA IYONG KAPWA"

sabi sa -- LUCAS 6:37
"HUWAG MONG HUHUSGAHAN ANG IYONG KAPWA"

sabi sa -- 10 utos ng diyos
"HUWAG KA SASAKSI SA HINDI KATOTOHANAN"

*********************************
so nagkakasala na po kayo.. kasi hinuhusgahan ninyo ang gawain ng simbahang katoliko

Diyos na mismo ang nag utos na GUMAWA ng REBULTO o' IMAGE para sa kabanalan ng tao.. kung kasalanan ang gumawa ng rebulto?? eh bakit ang diyos mismo ang nag utos na gumawa ng rebulto ??? edi sinasabi pala ng ibang sekta na mali ang DIYOS eh ilang beses nag pagawa ng diyos ng rebulto sa biblia..

BASA:
-- BILANG 21:7-9 "inutusan si moises na gumawa ng REBULTO ng mapaghimalang Ahas na gawa sa tanso"

-- EXODO 25:18-22
" nag PAGAWA ang diyos ng REBULTO ng DALAWANG ANGHEL na KERUBIN na yari sa GINTO.. ant nakalagay sa gitna ang ARK OF THE COVENANT"

-- EXODO 26:1
"nag pagawa ang diyos ng REBULTO

-- 2 KRONIKO 3:7, 10-14
nag pagawa din ng rebulto

-- 2 HARI 6:23-29, 23
nag pagawa din ng rebutlo..

-- BILANG 7:89
"kinausap ni moises ang diyos.. sa gitna ng mga rebultong kerubin"

****************************
so ang daming beses nag pagawa ang diyos ?? so kung mali gumawa ng rebulto.. bakit nag pagawa ang diyos ng mga yan?? so hindi lang yan.. eto pa ang mga patunay na hindi galit ang diyos o' hindi pinag bawal ng diyos na gumawa ng rebulto..

-- 1 HARI 7:29
"nag pagawa ang Diyos ng IMAGE o' INANYUAN ng LEON, BAKA, at KERUBIN"

-- EZEKIEL 41: 18-20, 25
"TEMPLO SA JERUSALEM"

-- 2 KRONIKO 3:5
"nag pagawa ng rebulto ng PUNONG PALMA (palm tree)"

--2 KRONIKO 4:5
"IMAGE ng bulaklak"

-- 2 KRONIKO 4:15
"IMAGE NG DAGAT DAGATAN"

-- 2 KRONIKO 4:3-4,15
"IMAHE NG BAKA"

at MARAMI PANG IBA.. KATULAD NG MGA TIGRE.. TAO.. HAYOP etc.. SA LOOB MISMO NG TEMPLO etc..

******************************************************ABOUT NAMAN SA PAGYUKO/ BOWING/ KNEELING o' LUHOD sa mga REBULTO AT IMAGE

ayon sa nakikita ninyong image sa baba.. na ang sabi ay ang PAG LUHOD daw ay PAGSAMBA napatunayan kong MALI siya.. dahil hindi lahat ng pag luhod ay PAGSAMBA.. eh ang DIYOS nga mismo lumuhod sa TEMPLO ng napapalibutan na mga LARAWAN, REBULTO, INUKIT, INANYUAN sa loob mismo ng templo ng diyos.. so sumasamba pala si JESUS sa mga rebulto ??

TIGNAN MUNA NATIN KUNG ANO ANG ICHURA NG TEMPLO NG DIYOS .. SABI SA BIBLIA

ang TEMPLO NG DIYOS AY PUNONG PUNO NG REBULTO AT IMAGES.. like ng nakikita ninyong image sa BABA basahin ninyo ang

-- EZEKIEL 41: 18-20, 25

*****************************
BASAHIN NATIN NG BUO ANG -- EZEKIEL 41: 18-20, 25

41:18 At ang pader ay niyaring may mga kerubin at may mga puno ng palma; at isang puno ng palma ay sa pagitan ng kerubin at kerubin, at bawa't kerubin ay may dalawang mukha;

41:19 Na anopa't may mukha ng isang tao sa dako ng puno ng palma sa isang dako, at mukha ng batang leon sa dako ng puno ng palma sa kabilang dako. Ganito ang pagkayari sa buong bahay sa palibot:

41:20 Mula sa lapag hanggang sa itaas ng pintuan ay may mga kerubin at mga puno ng palma na yari; ganito ang pader ng templo.

41:21 Tungkol sa templo, ang mga haligi ng pintuan ay parisukat; at tungkol sa harapan ng santuario, ang anyo niyao'y gaya ng anyo ng templo.

41:22 Ang dambana ay kahoy, na tatlong siko ang taas, at ang haba niyao'y dalawang siko; at ang mga sulok niyaon at ang haba niyaon, at ang mga pader niyaon, ay kahoy: at sinabi niya sa akin, Ito ang dulang na nasa harap ng Panginoon.

41:23 At ang templo, at ang santuario ay may dalawang pintuan.

41:24 At ang mga pintuan ay may tigdadalawang pinto, dalawang tiklop na pinto, dalawang pinto sa isang pintuan, at dalawang pinto sa kabila.

41:25 At mga niyari sa mga yaon, sa mga pintuan ng templo, mga kerubin at mga puno ng palma, gaya ng niyari sa mga pader; at may pasukan na kahoy sa harap ng portiko sa labas.

********************************************

-- LUCAS 2:46
ang batang si HESUS sa templo.. alam natin na ang templo ay puno ng IMAHE AT REBULTO na ayon sinasabe sa mga binigay kong verse sa taas.. si JESUS ay nagdadasal sa TEMPLO ng diyos.. marahil si jesus ay nag dadasal ng PALUHOD.. so kapag lumuhod ba si JESUS sa rebulto eh sinasamba niya na pala ang mga LARAWAN ng .. TAO, LEON, ANGHEL, DALAWANG ULONG HAYOP, PALAMA, BULAKLAK, DAGATDAGATAN, BAKA ETC.... ??

********************************

marahil noong nakita nila na ang katoliko ay LUMULUHOD sa rebulto sinasabe nila na sinasamba daw namin..

pinagbibintangan at hinusgahan agad nila.. eh malinaw na malinaw sa biblia na nag HUWAG MO HUHUSGAHAN, WAG SASAKSI SA HINDI KATOTOHANAN AT PAGBIBINTANGAN ANG IYONG KAPWA

--LUCAS 6:37
--EXODO 20:16
--at sampung utos ng Diyos

*************************************

ito ang nagpapatunay at ebidensya NA ULTIMO ANG MGA MAHAHALAGANG TAO SA BIBLIA EH.. LUMUHOD SA TAO AT REBULTO BILANG PAGALANG at HINDI PAGSAMBA ...

-- GENISIS 23:7
"si abraham ng nakiusap siya sa tao" (read the full verse)

--1 SAMUEL 24:8
"DAVID NIYUKURAN PARA MAG BIGAY GALANG SA HARI"

--GAWA 9:40
"SI APOSTOL SIMON PEDRO LUMUHOD MISMO SA HARAP NG ISANG BANGKAY"

--ISAIAS 38:2
"SI HEZEKIAS NAGDASAL NA NAKAHARAP AT NAKALUHOD SA PADER" (sinasamba niya pala ang pader?? )

--GENISIS 33:3 "SI JACOB NILUHURAN NG PITONG ULIT SA HARAP NI ESAU"

--1 HARI 2:19
"SI SOLOMON NIYUKURAN SA HARAP NG KANYANG INANG SI BATHSEBA" (kung ang pag luhod ay pag samba, so sinasamba pala ni solomon ang ina niya? )

*****************************************
PAG LUHOD SA HARAP NG REBULTO NA NAG PAPATUNAY NA HINDI LAHAT NG PAGLUHOD SA REBULTO AY PAG SAMBA

-- JOSUE 7:6
"SI JOSUE AT ANG MGA MATATANDA NG ISRAEL AY LUMUHOD SA HARAP NG KABAN NG TIPAN MAG HAPON"

( ano ang sinabe?? MAGHAPON NA NAKALUHOD ?? kung ang pag luhod ay pag samaba?? so sinasamba pala nila josue at ang matatanda ng israel ang  ARK OF THE COVENANT na yari sa ginto?? )

-- 1 HARI 8:54
"HARING SOLOMON AY LUMUHOD SA HARAP NG KABAN NG TIPAN"



**************************************

KELAN MAGIGING BAWAL ANG PAGLUHOD SA REBULTO ??

kapag ginawa mo ng DIYOS DIYOSAN ang rebulto.. yun mismong REBULTO at hindi ang nirerepresenta, kung ang dinu-DIYOS mo ay yun MISMONG REBULTO.. AS IN REBULTO LANG TALAGA.. na GAWA NG KAMAY at doon lang magagalit ang diyos, kapag sinamba mo na mismo ang LARAWAN LANG o' ang REBULTO lang..

BASA: -- EXODO 20:4-5

NOTE: (maraming protestante at ibang sekta ang iba ang pagkakaintindi sa verse na yan.. subukan mo basahin ang sumunod, pababa)

mula CCC "catechism of the catholic church" -- "the honor paid to sacred images is a RESPECTFUL VENERATION not the adoration due to god alone: religous worship is not direct images in themselves, considered as mere things, but under their distinctive aspect as images leading us on to god incarnate. the movement toward the images does not terminate in it as image, but tends toward that whose image it is"

malinaw sa LIBRO ng CCC or catechism of the catholic church.. na hindi sinasamba ng mga KATOLIKO ang mga rebulto ni jesus.. kundi ang DIYOS na nirerepresenta ng LARAWAN o' REBULTO.. about sa mga ibang santo sa simbahan ay HINDI NAMIN SINASAMBA, kundi pinaparangalan at ginagalang ang TAONG NIREREPRESENTA NG REBULTO..

47 comments:

  1. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Paki basa na lang yung mga tanong at sagot. Hindi dios-diosan ang mga rebulto ng simbahan

      Delete
    2. Paki unawa po muna ang nakasulat sa blog na ito. Salamat

      Delete
    3. Paki unawa po muna ang nakasulat sa blog na ito. Salamat

      Delete
    4. para po yan sa dyosdyosan. yan yung kinikilalang ibang dyos na hindi naman toong dyos. alam naman natin na hindi lahat ng rebulto pinagbawal. at ang mga larawan sa catholic ay hindi yan ibang Dyos. at ang mga santo ay naglilingkod sa tunay na Dyos. kaya tinuring namin sila na kapamilya o bayani.

      Delete
    5. mali po kayo mga responder d2 hindi lang nmn tumutukoy ang dios-diosan sa hindi tlaga dios tumutukoy din ito sa gumagawa ng wangis ni Hesus or anu pa man nasa langit sa pamamagitan ng pagukit sa Kahoy Bato. wung mga nanggagaya sa larawan ng Dios maituturing din iyon na Diosdiosan Gets nyo. ang Gusto ng Dios siya lamang ang Samabahin natin un ay nasa langit hindi ung nakikita kahit sabihin pa ntin si Hesus nmn yung rebulto Diosdiosan parin yun kasi hindi ito totoong Dios rebulto lang ito. diba ganun lang kasimple. kaya etong kuya adviser ninyo kulang sa kaalaman ligaw sa katuruan mula sa biblia magbasa kayo ng bible wag po kayo bumase sa inyong kaparian marami silang dinagdag na katuruan na wala sa biblia.

      Delete
    6. So ibig sabihin ang pagpapakita ni Jesus Divine mercy kay sister faustina sa Poland ay hindi sa Diyos? Inutusan niya si sister Faustina na ipinta ang kanyang imahe at ipakalat sa bansa ng sa gayon ay lubos Siyang igalang, at makilala na Si Hesus na Divine Mercy ay ibibigay niya ang walang hanggang awa sa mga gumagalang sa Kanyang larawan... tandaan po natin nakita na si Jesus ng mga apostoles atbp dahil ang Diyos ay nagkatawang tao... ano ba ang alam ng nagiinterpret ng bibliya sa sariling unawa lang, e ang simbahan niyo at bibliya di niyo alam kung pano binuo

      Delete
    7. ung templo nga ng diyos sa ezekiel tadtad ng rebulto bugok ka talaga Nashiene Marshal.. kung ung temple eh may mga rebulto at don pa mismo nag dasal si Hesus sa templo, eh malamang iisipin nyong mga sulpot na kulto sumamba si Hesus.. eh pano ung kaban ng tipan don nag dadasal sila Moises? naku nakoloko na kayo talaga ng kulto nyo.. tsk tsk.. kailan lang kayo sumulpot ang sekta nyo, wag kayo mag feeling na mas marunong pa kayo sa ilang daang taon ng relihiyon na tatag mismo ni Kristo.. tatag lang kayo ng pastor nyo at ministro.. mismong bible may rebulto, mismong Diyos nag pagawa ng rebulto... iba ang graven images, nakagaya nila baal, mga imahe ng mga baka na ginto, sa rebulto ni Hesus at rebulto ng mga alagad nya.. wag maging makitid utak!

      Delete
  2. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  3. Exert more effort or time to deeply understand the Catholic doctrine and please don't take it literally bro...

    Deo Gratias...

    ReplyDelete
  4. Kuya adviser, dati po, hindi po ako masyadong napaliwanagan diyan, pero nung nabasa ko po sa Bible yung tungkol sa mga rebulto na pinagawa mismo ng Diyos kina Moises, mas naiintindihan ko na po yung limitasyon nung pagkakaroon ng rebulto, ibang katoliko po ksi, na-oover do nila yung pagkakaroon ng rebulto. They must understand well the differences of representation only and not worshipping the images.. very well explanation kuya.

    ReplyDelete
    Replies
    1. may bawat tao lang ang inutusan ng Dios ayon sa binigay na verse ni adviser hindi ito sa lahat. ang utos satin wag gagawa ayan sabi ng Dios. pinagawa sila isang beses lang yun dahil sila lng mismo inutusan at itoy wala na ngayon. kinalulungkot ko pero ililigaw kayo ng kuya adviser ninyo kulang pa siya sa kaalaman at malimali po ang kanyang paliwanag sa bawat talata.

      Delete
    2. Tanungin kita nashlene, since mahilig kayo sa word by word sa bibliya, sinusunod niyo ba na magkaroon kayo ng larawan ng mga hayop, kerubin, palma o mga puno sa simbahan niyo? Ang palaspas ay meron sa bibliya, mismong Panginoong Hesus ay hindi tumanggi sa tradisyong yun bilang pagpupugay sa Diyos.. aba e dapat sumusunod ang pastor niyo

      Delete
    3. hanep kailangan pala iutos pa ng Diyos yaon.. anong klaseng palusot ito Nashlene Marshal parang sinabi mo na rin na ung sampung utos inuutos un sa mga taga esraelita lang para sa kanila lang un.. so di pede sa atin un? kasi sa kanila binigay un.. ang bobo naman talaga...

      Delete
    4. hindi ka tlaga nagbabasa no kung sino kausap ng Dios sa sinasabi mung nagpagawa tutukan mu maiigi ang bibliya wag puro self claiming lang

      Delete
  5. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  6. Brother tanong kulang paano sa New Testament sumasamba ba ang mga apostol ng Rebulto at Imahe?Utos din ba ni Hesus na magpagawa kayo ng Rebulto ni Maria upang luhuran at sambahin?Eh bakit wala na akong mababasa sa new testament na ang mga apostol gumawa sila ng imahen at rebulto?

    ReplyDelete
  7. Ang ipinagmamalaki at hawak ni San Pablo na krus ay isa rin pong imahe.

    ReplyDelete
  8. hahahaha nagkagulo gulo na hahahahaha bagamat maraming hindi tama o malabo doon sa mga verses na ibinigay mo eh hindi ko na lahat binasa yung mga sumunod pa na pinababasa mo.... ganun pa man deretso na lang tayo tungkol sa rebulto at sa pagsamba ng katoliko at pag luhod actually di lang naman niluluhuran ng katoliko ang rebulto hinahalikan pa nga eh pinupunusan ng mga panyo bimpo o kung ano pa ang ginagawa doon sa rebulto sige sabihin na natin yung inaangkin mong templo ng diyos eh lagyan na nating punong puno ng rebulto tapos lumuhod si hesus at nag dasal saan kaya sya nakaharap o sinuba yung kinakausap nya sa panalangin rebulto ba hindi syempre dahil may tinuturo si kristo tungkol sa pagsamba sa diyos at kung paano manalangin sa diyos EH punta naman tayo sa katoliko pag nagsisimba syempre maraming rebulto rin then makikita mo yung mga tao kung paano nila ginagawa yung pag simba nila DAHIL KATOLIKO RIN PO AKO DI NA LANG ACTIVE makikita mo sila di lang lumuluhod hinahalikan pinupunasan eh di ba may parada pa nga at makikita mo kung paano nila ninanais makalapit sa rebulto kahit mag kasakitan na sila basta makalapit at makapunas sa rebulto NGAYON dun sa mga nais mong ipabasa tungkol sa templo o pati na yung sinabi mong lumuhod si hesus PAGKUMPARAHIN MO SA MGA GINAGAWA NG MGA KATOLIKO SA LOOB NG SIMBAHAN PAREHAS BA SYEMPRE HINDI ANG GUSTO KO LANG SANANG MAINTINDIHAN MO NAG TURO NA KRISTO KUNG PAANO MANALANGIN KUNG PAANO SAMBAHIN ANG DIYOS GANYAN BA TINURO AT KAPAG MAY PUMUPUNA SA KATOLIKO SABIHIN DI NAMAN NAMIN SINASAMBA YUNG REBULTO PERO MAGTANONG KA DUN SA MISMONG TAO O MEMBER LANG NA GUMAGAWA NG PAG HALIK O PAG LUHOD O PAG PUNAS DI TUTUGMA YANG PINALILIWANAG MO NA DI SINASAMBA NG KATOLIKO ANG REBULTO BIGYAN KITA NG HALIMBAWA SA MGA KAKILALA KO NA SUMASAMA AT NAKIKIPAG SIKSIKAN SA PRUSISYON PINIPILIT NILANG MAKALAPIT MAKAPUNAS DUN SA NAZARENO DAHIL MAKAKAGAMOT DAW YUN SA KANYAN KARAMDAMAN MAY KASAMA PANG PAG IYAK GANYAN PO BA ANG ARAL NI KRISTO KUNG IKAW NAUUNAWAAN MO YUNG TUNGKOL SA REBULTO EH GOOD YUN PERO YUNG IBANG KATOLIKO NA GANYAN NGA ANG TINGIN NA SA REBULTO ANO NGAYON MASASABI MO SINO NAG KULANG SA PAGTUTURO O PAG GAGABAY EH SAMANTALANG HINAHAYAAN NAMAN TALAGA NA MAGING GANYAN ANG TRATO NG MGA TAO LALOT PRUSISYON HAHAHAHAHAHAHA GANYAN PO BA YUNG PAMAMARAAN NG SAMBAHIN ANG DIYOS SA ISPIRITO AT KATOTOHANAN HAHAHAHAHAHAHAHA

    ReplyDelete
  9. kuya adviser ang paliwanag mo sa mga verse

    for example si moses gumawa ng gintong ahas si moses lang ang pinagawa nito. ang utos satin mga tao wag gagawa. lumuhod nga si joshua sa arck of covenant dahil ito ay orihinal na pinagawa ng Dios at kasama nila sa kanilang lugar ang Dios. isang beses lang pinagawa ang mga rebulto na yan doon lng sa taong inutusan nya hindi ito pinagagawa ulit satin.

    ang rason nyong mga katoliko mali mali. hindi lang nmn sa gintong baka pinapahayag na dios-diosan kundi doon sa mga ginagaya ang panginoon Hesus sa pamamagitan ng pag ukit sa bato once na gumawa ka ng Hesus na rebulto ito ay hindi totoong Dios tawag diyan ay Dios-diosan mahahambing ito sa laruan na Kotse-kotsehan yan ay di totoong kotse ganun lang yun. tama ung sinasabi sa Exodus tumatawag ka sa buhay na Dios pero ang Kaharap mo ay Diosdiosan na inukit ng tao. ang gusto ng Dios siya lng ang Tunay na sambahin un ay totoong Dios sa langit hindi ung nakikita ng mata sa sanlibutan. ang representastion ay hindi rebulto kundi ang aklat eto ay biblia. mali ang katwiran mo na prang remebrance na picture ng magulang wala po gantong iniwan si Hesus sa pagkat ang sabi nya mapalad ang naniniwala saakin kahit hindi nila ako nakita.

    Kahit isa sa mga Apostol,
    Walang larawan ni Cristo sa loob ng kanilang sambahan.

    Gawa 17:29
    29 Yamang tayo nga'y lahi ng Dios, ay hindi marapat nating isipin na ang pagka Dios ay katulad ng ginto, o ng pilak, o ng bato, na inukit ng kabihasnan at katalinuhan ng tao.

    2 Corinto 11:4-5
    4 Sapagka't kung yaong paririto ay mangaral ng ibang Jesus, na hindi namin ipinangaral, o kung kayo'y nagsisitanggap ng ibang espiritu na hindi ninyo tinanggap, o ibang evangelio na hindi ninyo tinanggap, ay mabuting pagtiisan ninyo.
    5 Sapagka't inaakala kong sa anoman ay hindi ako huli sa lubhang mga dakilang apostol.

    1 Juan 5:21
    21 Mga anak ko, mangagingat kayo sa mga diosdiosan.

    Nagprosisyon ba ng mga rebulto ang mga unang Cristiano?

    Jeremias 10:3-5,8,11,14
    3 Sapagka't ang mga kaugalian ng mga bayan ay walang kabuluhan: sapagka't may pumuputol ng punong kahoy sa gubat, na siyang gawa ng mga kamay ng manggagawa sa pamamagitan ng palakol.
    4 Kanilang ginagayakan ng pilak at ng ginto; kanilang ikinakapit ng mga pako at ng mga pamukpok, upang huwag makilos.
    5 Sila'y gaya ng puno ng palma, na binilog, at hindi nagsasalita: kinakailangang pasanin, sapagka't hindi makalakad. Huwag ninyong katakutan ang mga yaon, sapagka't hindi makagagawa ng kasamaan, ni wala ring magagawang mabuti.
    8 Kundi sila'y pawang tampalasan at hangal turo ng mga dios-diosan, yao'y kahoy lamang.
    11 Ganito ang inyong sasabihin sa kanila, Ang mga dios na hindi gumawa ng langit at ng lupa, ang mga ito ang mangalilipol sa lupa, at sa silong ng langit.
    14 Bawa't tao ay naging tampalasan at walang kaalaman; bawa't panday ay nalagay sa kahihiyan sa kaniyang larawang inanyuan; sapagka't ang kaniyang larawang binubo ay kabulaanan, at hindi humihinga ang mga yaon.


    Baka ang katwiran mo nanaman rebulto lng ng gintong baka. eh saan nmn niwangis ang rebulto ni Hesus na ginagawa nila basahin ntin sa talatang ito.

    Isaiah 44:13
    13 Naguunat ang anluwagi ng isang pising panukat; kaniyang tinatandaan ng lapis; kaniyang inaanyuan sa pamamagitan ng mga katam, at kaniyang tinatandaan ng mga kompas, at inaanyuan ng ayon sa anyo ng tao, ayon sa kagandahan ng tao, upang tumahan sa bahay.

    ano hayop bayan? ayan ung ginagawa ng mga katoliko ngayon mga rebulto na niwangis sa langit un ay korteng tao tulad ni Hesus maria at iba pa.

    ReplyDelete
  10. Sa daming imahe na yan, tiyak maliligaw kana kung sino ang totoo dyan.

    Kahit isa sa mga Apostol ni Cristo walang gumawa ng larawan ni Cristo.
    Dahil BAWAL NG DIOS YAN.

    1 Juan 5:20-21
    20 At nalalaman natin na naparito ang Anak ng Dios, at tayo'y binigyan ng pagkaunawa, upang ating makilala siya na totoo, at tayo'y nasa kaniya na totoo, sa makatuwid ay sa kaniyang Anak na si Jesucristo. Ito ang tunay na Dios, at ang buhay na walang hanggan.
    21 Mga anak ko, mangagingat kayo sa mga diosdiosan.

    Juan 20:29
    29 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Sapagka't ako'y nakita mo ay sumampalataya ka: MAPAPALAD YAONG HINDI NANGAKITA, at gayon ma'y nagsisampalataya.

    1 Pedro 1:8-9
    8 Na HINDI NINYO NAKITA ay inyong iniibig; na bagama't ngayon ay hindi ninyo siya nakikita, gayon ma'y inyong sinasampalatayanan, na kayo'y nangagagalak na totoo na may galak na di masayod at puspos ng kaluwalhatian:
    9 Na inyong tinatanggap ang layunin ng inyong pananampalataya, ang pagkaligtas ng inyong mga kaluluwa.

    Roma 8:24-25
    24 Sapagka't tayo'y iniligtas sa pagasa: datapuwa't ang pagasa na nakikita ay hindi pagasa: kaya't sino nga ang umaasa sa nakikita?
    25 Datapuwa't kung nagsisiasa tayo sa hindi natin nakikita, kung magkagayo'y hinihintay nating may pagtitiis.(2 Timoteo 4:8)

    Hindi magagamit ng Katoliko ang mga verse na ito, dahil hindi tutugma sa kanila.

    1 Juan 5:21
    21 Mga anak ko, mangagingat kayo sa mga diosdiosan.

    Isaias 42:8
    8 Ako ang Panginoon; na siyang aking pangalan: at ang aking kaluwalhatian ay hindi ko ibibigay sa iba, o ang akin mang kapurihan sa mga larawang inanyuan.

    Gawa 17:29
    29 Yamang tayo nga'y lahi ng Dios, ay hindi marapat nating isipin na ang pagka Dios ay katulad ng ginto, o ng pilak, o ng bato, na inukit ng kabihasnan at katalinuhan ng tao.

    Isaias 8:16,20
    16 Talian mo ang patotoo, tatakan mo ang kautusan sa gitna ng aking mga alagad.
    20 Sa kautusan at sa patotoo! kung hindi sila magsalita ng ayon sa salitang ito, tunay na walang liwanag sa kanila.


    ReplyDelete
    Replies
    1. kahit isa sa apostol ni kristo wala din gumamit ng bibliya kaya palpak ka na naman Nashlene

      Delete
  11. Hindi mo matatanggi samin mga Cristiano ang mga maling tradisyon ng katoliko dahil kami ay galing diyan 10 taon na kaya wag mo sila ilagaw sa maling katuruan maawa ka sakanila ang Dios ay Buhay hindi Rebulto kundi espiritu.

    ReplyDelete


  12. ANG TUNAY NA PANANAMPALATAYA ay ang PAGTITIWALA sa HINDI NAKIKITA.



    *HEBREO 11:1

    1 Ngayon, "ang pananampalataya" ay siyang kapanatagan sa mga bagay na hinihintay, ANG KATUNAYAN ng mga bagay na HINDI NAKIKITA.



    *JUAN 20:29

    29 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Sapagka't ako'y nakita mo ay sumampalataya ka:

    mapapalad yaong HINDI nangakakita, at gayon ma'y nagsisampalataya.



    *1 TIMOTEO 1:17

    17 Ngayon sa Haring walang hanggan, walang kamatayan, DI NAKIKITA, sa iisang Dios, ay ang kapurihan at kaluwalhatian magpakailan kailan man. Siya nawa.





    Patunay po ito na HINDI po kelangan ng anumang sinasabing larawan o rebulto o anumang gawa ng kamay ng tao dahil "ang mga gawa ng kamay ng tao ay tinatawag na diosdiosan sa biblia".

    MAG-INGAT PO KAYO.



    DELIKADO PO PINAPAGAWA SAINYO AYON SA BIBLIA.

    Mababasa po ito sa lahat ng salin ng Biblia.





    *ISAIAH 42:8

    8 AKO ANG PANGINOON; na siyang AKING PANGALAN : at ang aking kaluwalhatian ay HINDI KO IBIBIGAY SA IBA, o ang akin mang kapurihan SA MGA LARAWANG INANYUAN.





    *DEUTERONOMIO 27:15,26

    15 SUMAPAIN ang TAONG GUMAWA ng LARAWANG INANYUAN o binubo, bagay na KARUMALDUMAL sa Panginoon, na GAWA NG MGA KAMAY ng manggagawa, at inilagay sa dakong lihim. At ang buong bayan ay sasagot at magsasabi, Siya nawa.

    26 SUMAPAIN yaong HINDI UMAYON sa mga salita ng KAUTUSANG ITO upang gawin. At ang buong bayan ay magsasabi, Siya nawa.





    *DEUTERONOMIO 4:16

    16 Baka kayo'y MANGAG-PAKA'SAMA, at KAYO'Y GUMAWA sa inyo ng isang LARAWANG INANYUAN NA KAWANGIS NG ALIN MANG LARAWAN, NA KAHAWIG NG LALAKE O BABAE.





    *DEUTERONOMIO 11:16

    16 Mangagingat kayo, baka ang inyong puso ay madaya, at kayo'y maligaw, at maglingkod SA IBANG mga dios, at sumamba sa kanila;





    *ISAIAH 2:8-9

    8 Ang kanila namang lupain ay puno ng mga diosdiosan; kanilang sinasamba ang GAWA ng kanilang sariling mga KAMAY, na GINAWA ng kanilang sariling MGA DALIRI.

    9 At ang taong hamak ay yumuyuko, at ang mataas na tao ay nabababa:

    kaya't HUWAG MONG PATAWARIN SILA.





    *APOCALIPSIS 21:8

    8 Nguni't sa mga duwag, at sa mga hindi mananampalataya, at sa mga kasuklamsuklam, at sa mga mamamatay-tao, at sa mga mapakiapid, at sa mga manggagaway, AT SA MGA MAPAGSAMBA SA DIOSDIOSAN, at sa lahat na mga sinungaling, ANG KANILANG BAHAGI AY SA dagatdagatang nagniningas sa apoy at asupre; NA SIYANG IKALAWANG KAMATAYAN.





    *1 CORINTO 8:7

    7 Gayon ma'y wala sa lahat ng mga tao ang kaalamang iyan: KUNDI ANG ILAN na HANGGANG NGAYON ay nangamimihasa sa diosdiosan, ay kumakain na parang isang bagay na inihain sa diosdiosan; at ang kanilang budhi palibhasa'y mahina ay nangahahawa.





    *1 TIMOTEO 2:4

    4 Na siyang may ibig na ang LAHAT NG MGA TAO'Y MANGA-LIGTAS, at MANGAKA-ALAM ng KATOTOHANAN.





    *1 Juan 5:21

    21 MGA ANAK KO, MANGAG-INGAT KAYO SA MGA diosdiosan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Iha unang una, hindi Diyos diyosan ang Panginoong Hesus. NAGPAKITA NA SIYA, NAGKATAWANG TAO na Siya at marami ng nakakita sa Kanya, kulang ka ng pananaliksik, mlamang pagdating sa. History ng bibliya at katoliko bagsak ka na... pag aralan mo muna at makinig sa cathilic faith defender... tinmangin mo, do your own investigation at lawakan ang pangunawa... Ang bibliya sy hindi gays ng subject na english o araling panlipunan n a kailangan mong kabisaduhin ang verse. See the neighboring passages or other context because hindi porket narinig mo letra po letra yun ang kahulugan non...

      Delete
  13. Dalawang beses inulit sa biblia na HUWAG MAGKAKAROON AT HUWAG GAGAWA NG ANUMANG LARAWAN. Pero ang mga bulag nilang taga turo ay PINAPAYAGAN SILANG GAWIN ITO. SA dami ng namatay na tao sa maling Relihiyon na ito na HINDI nila alam na impierno ang bagsak ng mga taong ito.
    GISING NAMAN KAYO!!! Bago mahuli lahat sainyo.
    Huwag kayong magalit sa mga taong nagmamalasakit sainyo para sabihin sainyo ang totoo. MAGBASA KAYO!!!!

    DEUTERONOMIO 4:16

    16 Baka kayo'y mangagpakasama, AT KAYO'Y GUMAWA sa inyo ng isang larawang inanyuan na kawangis ng alin mang larawan, NA KAHAWIG ng lalake o babae,

    EXODO 20:3-5

    3 Huwag kang magkakaroon ng ibangmga dios sa harap ko.
    4 Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan o ng kawangis
    man ng anomang anyong nasa itaas sa langit, o ng nasa ibaba sa lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa:
    5 Huwag mong yuyukuran sila, o paglingkuran man sila; sapagka't akong Panginoon mong Dios, ay Dios na mapanibughuin, na aking dinadalaw ang katampalasanan ng mga magulang sa mga anak, hanggang sa ikatlo at ikaapat na salin ng lahi ng mga napopoot sa akin;

    DEUTERONOMIO 5:7-9

    7 Huwag kang magkakaroon ng ibang mga Dios sa harap ko.
    8 Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan na kawangis ng anomang anyong nasa itaas sa langit, o ng nasa ibaba sa lupa, o ng
    nasa tubig sa ilalim ng lupa:
    9 Huwag mong yuyukuran sila o paglilingkuran man sila: sapagka't akong Panginoon mong Dios ay mapanibughuing Dios, na aking dinadalaw ang kasamaan ng mga magulang sa mga anak, sa ikatlo at sa ikaapat na salin ng nangapopoot sa akin;

    APOCALIPSIS 21:8

    8 Nguni't sa mga duwag, at sa mga hindi mananampalataya, at sa mga kasuklamsuklam, at sa mga mamamatay-tao, at sa mga
    mapakiapid, at sa mga manggagaway, at SA MGA MAPAGSAMBA SA DIOSDIOSAN, at sa lahat na mga sinungaling, ANG KANILANG BAHAGI AY SA dagatdagatang nagniningas sa apoy at asupre; na siyang ikalawang kamatayan.

    AMEN

    ReplyDelete
  14. Una ang inutusan na gumawa ng kaban ng tipan ay si moses para sa bayang israel si moses rin ag inutusan na gumawa ng tansong ahas para iligtas ang kanyang mga kababayan israelita na natuklaw ng ahas na ang sino mang tumingin sa tansong ahas na yaon ay tatanggap ng kagalingan.

    pero dumating ang panahon na sinamba ng mga israelita ang tansong ahas kaya nagalit ang Dios kaya ipinawasak nya ito haring Ezechias.

    “Kaniyang inalis ang mga taas na dako ,at sinira ang mga haligi ,at ibinagsak ang mga asera;at kaniyang pinagputol putol ang AHAS na TANSO na ginawa ni Moses sapagkat hanggang sa mga araw na yaon ay pinagsusunugan ng kamangyan ng mga anak ni israel ;at pinanganlang Nehustan.(2 kings 18:4)

    dyan makikita natin kahit “Veneration” o adoration ito nahuhulog parin sa Idolatriya ,nung pagpatirapaan ni Juan ang anghel hindi nya naman sinamba yon na parang dios kundi yon ay “veneration”pero sinaway cia ng anghel kasi kahit veneration “dulia”hindi pumapayag ang Dios.(Apoc.22:8-9)bawal sambahin ang mga anghel.(Col. 2:18,Acts 7:42)ano mang higit na pagpaparangal na higit kay sa Dios na parangal ay hindi kinaluluguran ng Panginoon.(1 Sam.2:29)at ito ay nahuhulog sa idolatriya.

    Ngayon kung ginagamit man ng mga katoliko para ipangatuwiran ang kanilang paggawa ng Imahen ,ito po ay mali kasi hindi angkop ang paggamit at saka hindi naman sinunud ng mga katoliko ito nakakita naba kayo ng kaban ng tipan at larawan ng tansong ahas sa bahay sambahan at altar ng mga katoliko diba “wala” naman kung ano utos yon dapat ang isasagawa huwag dagdagan o bawasan .(deut.12:32) eh “Wala” naman tayong mabasa na iniutos ng Dios na gumawa ng imahen ni Cristo o ni Maria o kung cno-cnong SANTO at SANTA.at lalong hindi tayo ang inutusan dyan at hindi para sa atin ang utos na yan.

    Wala pong utos ang Panginoong Jesu Cristo o ang mga Apostol na gumawa ng Imahen o gawan cla ng Imahen “wala” nun.bagkus ganito ang tagubilin sa mga kristiano

    “Samantala kami ay nagsisitingin hindi sa mga bagay na NANGAKIKITA ,kundi sa mga bagay na HINDI NANGAKIKITA;sapagkat ang mga bagay na nangakikita ay may katapusan ;datapuwat ang mga bagay na hindi nangakikita ay walang katapuasan.(2 Cor.4:18)

    a nagsisilakad sa panampalataya hindi sa pamamagitan ng Paningin.(2 Cor.5:7)

    “Sinabi sa kaniya ni Jesus “Mapalad yaong hindi nangakikita ,at gayon ma’y nagsisampalataya.(Juan 20:29)Kailagan pa ba ng Paalala o Imahen yan “HINDI” na

    PANGALAN ang pinasasamba HINDI IMAHEN.(Mat.6:9)

    ReplyDelete
  15. Thanks Kuya Adviser, may libro ho ba kau neto?

    ReplyDelete
  16. Noong panahon nina Moses, nagpakilala ang Diyos pero walang nakakakita sa kanya.. Marami naglipanang false gods worshipping animals, make their own gods kaya ito diniin sa kautusan ng Diyos na kasama sa ten commandments... pero nitong panahon na ni Jesus, pinadala Siya ng Ama upang tayo ay maligtas at atin na Siyang makita.. tinanong ng isang apostol si Jesus kung puwede ba nilang
    makita ang Ama... Ngayon tanong ko sa mga kritiko, bakit niya sinabi na Siyay matagal ng nakikita at nakakasama, bakit hinahanap pa rin sa Kanya ang Ama? Kung nakita na Siya ay nakita na nila ang Ama.. isa pa sinasabi sa bibliya na Si Hesus ang imahe ng di nakikitang Diyos... Ngayon, ang mga larawang na nakikita sa simbahan ng Panginoong Hesus ay nararapat na lubos na paggalang, tama na ang pagluhod ay akma sa pagsamba, pero di niyo rin maitatanggi na ang pagluhod ay isang uri ng respeto.. dinadagdagan niyo nlng ng ibang kulay na ang larawan lang an sinasamba... Diyos lamang ang nakakakita sa puso nmin kung aming sinasamba ang larawan o mismong Diyos in spirit.

    ReplyDelete
  17. Verse by verse lang ng Bibliya ang pinag aaralan kasi,
    alam mo ba ate Nashlene na hindi mo mahuhulaan ang isang puzzle kung hindi pa ito buo at hindi mo rin matututunan ang isang bagay kung hindi ka dadaan sa pinakamababa.

    ReplyDelete
  18. Ate Nashlene “Sinabi sa kaniya ni Jesus “Mapalad yaong hindi nangakikita ,at gayon ma’y nagsisampalataya.(Juan 20:29).

    Ang Pag-aalinlangan ni Tomas
    24Ngunit si Tomas, na tinatawag na Kambal at kabilang sa Labindalawa, ay wala roon nang dumating si Jesus. 25Kaya't sinabi sa kanya ng ibang mga alagad, “Nakita namin ang Panginoon!”

    Sumagot si Tomas, “Hindi ako maniniwala hangga't hindi ko nakikita at nahahawakan ang butas ng mga pako sa kanyang mga kamay, at hangga't hindi ko naisusuot ang aking daliri sa mga sugat na iyon at sa kanyang tagiliran.”

    26Makalipas ang isang linggo, muling nagkatipon sa loob ng bahay ang mga alagad at kasama nila si Tomas. Nakasara ang mga pinto, ngunit nakapasok si Jesus at tumayo sa kalagitnaan nila. Sinabi niya, “Sumainyo ang kapayapaan!” 27At sinabi niya kay Tomas, “Tingnan mo ang aking mga kamay. Ilagay mo ang iyong kamay sa aking tagiliran at huwag ka nang mag-alinlangan pa, sa halip ay maniwala ka.”

    28Sumagot si Tomas, “Panginoon ko at Diyos ko!”

    29Sinabi sa kanya ni Jesus, “Naniniwala ka na ba dahil nakita mo ako? Mapalad ang mga naniniwala kahit hindi nila ako nakita.”

    Alam mo ba na mas hihigit ang pananampalataya natin kung ating makikita ang ating sinasampalataya. Kung Pangalan lang ang iyong rason para siya ay sambahin higit ka pa kay Thomas na mismong nakasama ni Jesus na isa sa labing dalawang apostol. Kung ang mismong alagad ni Jesus ay nag alinlangan na nagpakita si Jesus. Tayo pa kaya.

    ReplyDelete
  19. Kuya adviser, ask lang po, did God gave the designs nung mga images s loob ng temple o si solomon lng ang ngdesign?

    Jesus at the temple, san verse n nkaluhod sya at sumasamba?

    S tingin nyo po ba need ni God ng isang bagay or image to represent Him?

    Moses and the bronze serpent: lumuhod b sila dto?o tumingin lng, dba pra lng to dun s mga ntuklaw pra hnd sila mamatay.

    Pagluhod : tama yun, hnd lhat ng pgluhod ay pagsamba.. Yung mga illustrations mo po ay tradition nila, to give respect and to show humbleness, pero yung pgluhod s rebulto na sabi nyo po e representation lng, sino ang nirirepresent nya? Si God? Si Jesus? How come? Alam nila ang image ni God?

    Thanks

    ReplyDelete
  20. bawal naman talaga ang imahe

    GAWA 17:24-25,29

    24 Ang Dios na gumawa ng sanglibutan at ng lahat ng mga bagay na naririto, siya, palibhasa'y Panginoon ng langit at ng lupa, ay HINDI TUMATAHAN sa mga templong GINAWA NG MGA KAMAY;
    25 Ni hindi rin naman pinaglilingkuran siya ng mga kamay ng mga tao, na para bagang siya'y nangangailangan ng anomang bagay, yamang siya rin ang nagbibigay sa lahat ng buhay, at ng hininga, at ng lahat ng mga bagay;
    29 Yamang TAYO NGA'Y LAHI NG DIOS, ay HINDI MARAPAT NATING ISIPIN NA ang pagka Dios ay KATULAD ng ginto, o ng pilak, o ng BATO,
    na INUKIT NG KABIHASNAN AT KATALINUHAN NG TAO.

    (Exodo 20:3)
    3 Huwag kang magkakaroon ng ibang mga dios sa harap ko.

    (Levitico 26:1)
    1 Huwag kayong gagawa para sa inyo ng mga diosdiosan, ni magtatayo kayo ng larawang inanyuan o haligi, ni huwag kayong maglalagay ng batong inanyuan sa inyong lupain, upang inyong yukuran yaon: sapagka't ako ang Panginoon ninyong Dios.

    (Mateo 15:14)
    14 Pabayaan ninyo sila: sila'y mga bulag na tagaakay. At kung ang bulag ay umakay sa bulag, ay kapuwa sila mangahuhulog sa hukay.

    eto ang sabi sa Church na may mga Dios Diosan

    2 Corinthians 6:16
    16 At anong pakikipagkaisa mayroon ang templo ng Dios sa mga diosdiosan? sapagka't tayo'y templo ng Dios na buhay; gaya ng sabi ng Dios, Mananahan ako sa kanila, at lalakad ako sa kanila; at ako'y magiging kanilang Dios, at sila'y magiging aking bayan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. sir tanong ko lang bakit ung templo ng diyos puno ng imahe at mga rebulto? sa Ezekiel 41? kung bawal ang rebulto talaga eh dapat wala ni isang rebulto don sa templo... research ka ng graven images yan po ang malinaw na pinag babawal ng Diyos, specially itong sila Zeus, Baal yan ang sample ng graven images na ayaw nya, yan ung mga gawa rin ng tao na binabangit sa mga verses na sinabi mo.. kasi kung rebulto dapat lahat, pero nag allow sya ng rebulto ng anghel, rebulto ng kerubin, pati si Haring Solomon nag pagawa pa ng rebulto ng anghel at ang templo nya tadtad ng rebulto... pati mga inukit na rebulto sa lana.. kame lang Katoliko ang may ganyan kagaya ng templo ng Diyos, kaya po ung katoliko ilang daang taon na nandito pa rin tinupad ngDiyos ang pangako nya na di nya iiwan at ni pinto ng impiyerno di makakapanaig dito.. research mo din sir si Saint Luke may painting ni Virgin Mary patunay na ung imahe eh di bawal.. uulitin ko po di po namin sinasamba ang rebulto... viva katolika Romana!

      Delete
  21. sabi ng iba nag reply marami daw rebulto sa templo sadyang hindi nyo naiintindihan ang binabasa sa verse na ito ok linawin natin maiigi.

    Ezekiel 41:18-20,25
    18 At ang pader ay niyaring may mga kerubin at may mga puno ng palma; at isang puno ng palma ay sa pagitan ng kerubin at kerubin, at bawa't kerubin ay may dalawang mukha;
    19 Na anopa't may mukha ng isang tao sa dako ng puno ng palma sa isang dako, at mukha ng batang leon sa dako ng puno ng palma sa kabilang dako. Ganito ang pagkayari sa buong bahay sa palibot:
    20 Mula sa lapag hanggang sa itaas ng pintuan ay may mga kerubin at mga puno ng palma na yari; ganito ang pader ng templo.
    25 At mga niyari sa mga yaon, sa mga pintuan ng templo, mga kerubin at mga puno ng palma, gaya ng niyari sa mga pader; at may pasukan na kahoy sa harap ng portiko sa labas.

    sagot:
    Yang ginawa na yan, hindi yan pwede makita ng mga Israel, maliban sa Levita.
    Ibig sabihin, bawal gumawa nyan pagkatapos maipagawa yan. Dahil yan ang tinatawag na dakong banal. Kung saan. Wasak na ngayon yan.
    Wala na utos na itayo o gumawa pa ulit nyan.

    Bilang 1:48-51,53-54
    48 Sapagka't sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
    49 Ang lipi lamang ni Levi ang hindi mo bibilangin, ni di mo ilalahok ang bilang nila sa mga anak ni Israel:
    50 Kundi ipamamahala mo sa mga Levita ang tabernakulo ng patotoo, at ang lahat ng kasangkapan niyaon, at ang lahat ng nauukol doon; kanilang dadalhin ang tabernakulo, at ang lahat ng kasangkapan niyaon; at kanilang pangangasiwaan at sila'y hahantong sa palibot ng tabernakulo.
    51 At pagka ililipat ang tabernakulo ay pagtatanggaltanggalin ng mga Levita: at pagka itatayo ang tabernakulo ay paguugnay-ugnayin ng mga Levita: at ang taga ibang bayan na lumapit ay papatayin.
    53 Datapuwa't ang mga Levita ay magsisitayo sa palibot ng tabernakulo ng patotoo, upang huwag magtaglay ng galit sa kapisanan ng mga anak ni Israel: at ang mga Levita ay mamahala ng tabernakulo ng patotoo.
    54 Gayon ginawa ng mga anak ni Israel; ayon sa lahat na iniutos ng Panginoon kay Moises, ay gayon nila ginawa.

    Bilang 3:5-10
    5 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
    6 Ilapit mo ang lipi ni Levi, at ilagay mo sila sa harap ni Aaron na saserdote, upang pangasiwaan nila siya.
    7 At kanilang gaganapin ang kaniyang katungkulan, at ang katungkulan ng buong kapisanan sa harap ng tabernakulo ng kapisanan upang isagawa ang paglilingkod sa tabernakulo.
    8 At kanilang iingatan ang lahat ng kasangkapan ng tabernakulo ng kapisanan at ang katungkulan ng mga anak ni Israel upang isagawa ang paglilingkod sa tabernakulo.
    9 At iyong ibibigay ang mga Levita kay Aaron at sa kaniyang mga anak: sila'y tunay na ibinigay sa kaniya sa ganang mga anak ni Israel.
    10 At iyong ihahalal si Aaron at ang kaniyang mga anak, at kanilang gaganapin ang kanilang pagkasaserdote: at ang taga ibang bayan na lumapit ay papatayin.

    ReplyDelete
  22. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  23. pinasusunog nga ng Dios yan mga rebulto

    Deuteronomy 7:25
    Ang mga larawang inanyuan na kanilang mga dios ay iyong susunugin sa apoy: huwag mong iimbutin ang pilak o ang ginto na nasa mga yaon, ni huwag mong kukunin para sa iyo, baka sa iyo'y maging silo: sapagka't ito'y isang karumaldumal sa Panginoon mong Dios.

    ReplyDelete
  24. Haay naku, papasunog tlga kung ginawa mong Diyos.. out of context ka na nmn nashlene, walang binanggit sa context tungkol sa mga imahe. E ano mmn ang masasabi mo sa templo na pinagawa ni haring solomon? Bat di natigil don?... ang mahirap kc sa inyo, pang unawang literal, pag mamalaki niyo na wala sa bibliya, pag nilatagan kayo, wala pa rin... Aba e, ano ba sa tingin niyo ang problema sa inyo? Pang-unawa ang kasagutan..andaming figures of speech sa bibliya, aminin man natin o hindi, hindi bibliya ang mag eexplain sa atin, kundi ang simbahang katoliko na siyang dahilan kung bakit tayo may bibliya. Samakatuwid ang Catholic church ang may karapatan na magpaliwanag ng content nito. The bible is the catholic book, hindi niyo mababale ang katotohanan khit anong twist ninyo sa mga nakalipas na... Marami ang hindi nasulat sa bibliya gaya ng sabi ni Juan sa huling bersikulo ng libro niya kaya ang magpapaliwanag ng bibliya ay Catholic church lamang, hindi ng mga nkikibasa

    ReplyDelete
  25. Bakit maraming Anti-Katoliko ang naliligaw ng unawa sa mga talata laban sa mga larawan/rebulto? Hindi nila makuha na nililinaw sa Biblia ang inagbabawal gawan ng larawan/rebulto. Ano iyon? Mga IBANG DIOS (Exodus 20:3). Ngayon, kung gagamitin nila ang mga talata laban sa mga larawan upang atakihin ang mga larawan ni Jesus, lalabas batay sa MALI NILANG UNAWA, SI JESUS AY KABILANG SA MGA IBANG DIOS (Exodus 20:3) na binabanggit ng Biblia.

    ReplyDelete
  26. Catesismo:FR.Luiz de Amezquita
    Page 85 "Pagbangon mo sa banig ay agad kang manikluhod sa isang cruz o mahal na Larawan"

    Exodo 20:5 "Huwag kayong yuyukod o maglilingkod sa mga diyus-diyusang iyan sapagkat akong si YAHWEH ay mapanibughuin Parurusahan ko ang lahat ng aayaw sa akin pati ang kanilang mga Anak hanggang sa ikaapat na saling lahi."

    Cathechism of Christian Doctrine No.3
    Nina: A.G. Casas at Rufino Santos
    "Ang 'pagsamba' ba sa mga santo ay ukol lamang sa kanilang katauhan? Hindi; sumasaklaw din ito sa kanilang mga relikya at mga larawan."

    Exodo 25:18
    "At gagawa ka ng dalawang querubing ginto; na yari sa pamukpok iyong gagawin, sa dalawang dulo ng luklukan ng awa. " Note:Walang binabanggit sa talata na ipinag-utos na dapat luhuran ang kerubing ginto.

    II Hari 18:3-5
    3 At siya'y gumawa ng matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon, ayon sa lahat na ginawa ni David na kaniyang magulang.

    4 Kaniyang inalis ang mga mataas na dako, at sinira ang mga haligi, at ibinagsak ang mga Asera: "AT KANYANG PINAGPUTOLPUTOL ANG AHAS NA TANSO NA GINAWA NI MOISES"; sapagka't hanggang sa mga araw na yaon ay pinagsusunugan ng kamangyan ng mga anak ni Israel; at pinanganlang Nehustan.

    5 Siya'y tumiwala sa Panginoon, na Dios ng Israel; na anopa't nang mamatay siya ay walang naging gaya niya sa lahat ng hari sa Juda, o sa nangauna man sa kaniya.
    Note:nagpagawa nga ang Diyos ng ahas kay Moises pero hindi rin ipinag-utos na sambahin ito at nung pinagsunugan na iyon ng kamanyang na isang tanda ng pagsamba noon ay ginawa niyang pagputul-putulin ito.

    Pasion Genesis:Aniceto De La Merced Page 16
    "LALONG DAKILA ang "SALA" tanaang anak ni EVA anakin ay idolatria na ano ma'y SINASAMBA 'PINAPARANG DIYOS NILA."

    Hay naku! tsk tsk

    Roma 1:21
    "Sapagkat kahit kilala nila ang Diyos,siya'y hindi niluwalhati nilang tulad sa Dios,pinasalamatan man;kundi bagkus ay niwalang kabuluhan sa kanilang mga pagmamatuwid at ang mangmang nilang puso ay pinadilim."

    Roma 1:25"Sapagkat pinalitan nila ang katotohanan ng Dios ng Kasinungalingan,at sila'y nagsisamba at naglingkod sa nilalang kaysa lumalang."

    Roma 1:23"Pinalitan nila ang kaluwalhatian ng Dios na hindi nasisira,ng isang tulad ng larawan ng tao na nasisira,at ng mga ibon,at mga hayop na may apat na paa,at ng mga hayop na nagsisigapang."

    Note:Sa loob ng simbahang katoliko ay punung-puno sila ng mga larawan ng tao o ng mga rebulto na may kasamang mga hayop tulad halimbawa ng larawan sa salamin sa itaas ng tinatawag nilang San Francisco De Assisi ng Italy na may kasamang mga ibon parang si Snow White,karagdagan pa sina San Roque na ang kasama ay Aso uri ng hayop na may "APAT NA PAA",Isidro Labrador na ang kasama ay Kalabaw o Baka na uri rin ng hayop na may APAT NA PAA,hindi lang iyan di papahuli si La Purisima Concepcion na may kasamang AHAS isang uri ng hayop na GUMAGAPANG!
    Hay naku! kayo na ang bahala shinare ko lang

    ReplyDelete
  27. @Nashlene Marshal

    ito po question ko saan po ba mababasa sa biblia na Bawal umukit sa kahoy, bato at ginto ng kawangis ng DIOS

    kailangan po letra por letra na pinagbabawal ang paggawa ng imahe ng DIOS

    ReplyDelete
  28. tama nga may pinagawa ang Dios na rebulto, that true, pero ito ay isang kerubin na may dalawang mukha at puno ng palma, pero ang rebultong ito ay hindi niyuyukoran ng pumapasok doon, kundi ang niyuyukoran doon ay ang Dios na buhay.

    ReplyDelete
  29. bakit ba sinasambit ba ng taong sumasamba doon ang pangalan ng kerubin at palma diba hindi, kundi ang sinasambit na pangalan ay pangalan ng Dios na buhay c Yahweh...eh sa catholic ang dami sinasambit na pangalan,,may mama mary, may apostol pedro lahat ng apostole, o lahat ng saint o santo na hinalal ng catholico...hinalal ng tao na maging santo, hindi ng Dios..isa pa ang Biblia na sabi pag tayo kay Jesus tayo mag dasal dahil he is the way the thruth and the life no one come to the father except through me...kaya hindi na natin kilangan tumawag sa ibang sant, kundi only jesus Christ dahil siya ang daan papunta sa ama...

    ReplyDelete
  30. sabi jan Bible kahit ang mga anghel man ay di pumayag na silay yukoran ng tao,,sapagkat ang sagot ng anghel, sila rin ay mga alipin at mang gagawa ng Dios....pero ang rebulto ay pwede palang yukoran,,,mas righteous pa pala sila sa mga anghel...

    ReplyDelete
  31. NAKALIMUTAN MO PO UNG EXODUS 20:3 “Huwag kang sasamba sa ibang diyos, maliban sa akin.

    4 “Huwag kang gagawa ng imahen ng anumang nilalang na nasa langit, nasa lupa, o nasa tubig upang sambahin. 5 Huwag mo silang yuyukuran ni sasambahin sapagkat akong si Yahweh na iyong Diyos ay mapanibughuing Diyos. Ang kasalanan ng mga magulang ay sinisingil ko sa kanilang mga anak hanggang sa ikatlo at ikaapat na salinlahi. 6 Ngunit ipinadarama ko ang aking pag-ibig sa libu-libong salinlahi ng mga umiibig sa akin at tumutupad sa aking mga kautusan. - KAHIT ANO PA KATWIRAN MO MALI ANG GINAGAWA NYO AT TINUTURO SA TAO

    ReplyDelete
  32. Satanismo din tong Kuya adviser na to. Napakalayo ng mga ibinigay Niyang halimbawa sa mga ginagawang rebulto ngayon ng mga katoliko. Tandaan ninyo ang mga rebulto na ginawa nila noon ay iniutos po yun ng DIYOS. Detalyado ang pagkautos nun kaya ok lang Yun kung doon sila haharap para sumamba sa Dios. Ang problimahin niyo ay yung mga rebultong ginagawa niyo dahil naman ang DIYOS ang nag-utos niyan ang mga rebulto ng katoliko ay kusang ginawa ng tao na hindi iniutos ng Diyos upang doon sila lumuhod sa harapan.walang pinagkaiba yan si ginawang guyang baka ng mga Israelita noong araw na sa pag-aakala nila na makalugod sila sa DIYOS ay nagsariling kalooban sila sa paggawa ng rebulto ng baka at doon sila humarapa at magsamba kaya nagalit ang DIYOS sa kanila.

    ReplyDelete
  33. Saan po sa new testament mga Aposto na niluhura nila ang mga santo?

    ReplyDelete

Click here

Click here
Facebook Apologetic Fanpage