Katoliko - Si Constantine ba ang Founder?




SAGOT SA PARATANG NG MGA IBANG SEKTA NA SI CONSTANTINE DAW ANG FOUNDER NG CATHOLIC CHURCH
.
.

BY: Kuya Adviser CFD

ISA ITO SA MADALAS NA ATAKE NG MGA IBANG SEKTA NA NAGSISULPUTAN NITONG HULING PANAHON, NA SI CONSTANTINE UMANO ANG FOUNDER NG SIMBAHANG KATOLIKO :)
DAHILAN UPANG MAGPADALA NG TANONG ANG ATING KAPANALIG AT TAGASUBAYBAY:

"Kuya adviser gud afternoon, may tga born again po kasi nag sabi sa akin na hindi daw si JESUS CHRIST founder ng CATHOLIC KUNDI si EMPEROR CONSTANTINE.! ano po ba ang aking rebuttals sa kanya. Salamat kuya.
More power at GOD BLESS PO."
****

ANG LAHAT NG MGA SEKTANG NAGSIBANGON AT SUMULPOT NA MGA ANTI KATOLIKO,  IISA ANG PARATANG SA SIMBAHANG KATOLIKO:
"Itinatag  kayo ni Constantine!" :) :)

TINGNAN NGA PO NATIN KUNG TAMA ITONG PARATANG NILA :)

HISTORY PO MUNA TAYO!
AYAW PA NAMAN NG HISTORY NITONG MGA ANTI KATOLIKO NA ITO. :)
GUSTO LANG NILA YUNG IMBENTO NI MARTIN LUTHER NOONG 16th CENTURY
NA "Sola Scriptura/Bible Alone".
WALA NAMAN SA BIBLE ANG BIBLE ALONE!
:) :) :)
*****

SINO BA ITONG SI CONSTANTINE?

SI CONSTANTINE PO AY ISANG ROMANONG EMPEROR NA NAGSIMULANG MAMUNO NOONG EARLY 4TH CENTURY...
REIGNING FROM 306–337 A.D. TO BE EXACT.

DITO PO SA MGA TAON NA ITO AY MAHIGIT 3 SIGLO NANG NAMAMAYAGPAG ANG SIMBAHANG KATOLIKO NG ATING PANGINOONG JESUS BAGO PA DUMATING ANG PAMUMUNO NI EMPEROR CONSTANTINE SA ROMA :) :)

AT MARAMI NA ANG MGA MARTIR NG SIMBAHANG ITO NA  PINAGPAPATAY SIMULA PA SA JERUSALEM HANGGANG SA PAGANONG ROMANO SA ROMA, SIMULA PA NG UNANG SIGLO, 54-67 A.D. NANGYAYARI NA ANG EARLY CHRISTIAN PERSECUTION UNDER THE EMPEROR NERO AT MGA SUMUNOD PA NIYANG EMPEROR  SA ROMA.

KUNG SAAN DITO MISMO SA ROMA PINATAY SI SAN PEDRO AT SAN PABLO, AT MGA KASUNOD PANG EARLY POPES (Sucessors of St. Peter) AT MARAMI PANG OBISPO (Church Fathers) AT MGA MARTIR NA MANANAMPALATAYA NG SIMBAHANG KRISTIYANO NA ITO.

ANG PAPAL UNBROKEN APOSTOLIC SUCCESSION AY NASA 30 POPES NA MULA KAY ST. PETER, BAGO PA DUMATING SI CONSTANTINE SA PANUNUNGKULAN BILANG EMPEROR! :)

1.St. Peter (32-67)
2.St. Linus (67-76)
3.St. Anacletus (Cletus) (76-88)
4.St. Clement I (88-97)
5.St. Evaristus (97-105)
6.St. Alexander I (105-115)
7.St. Sixtus I (115-125)
8.St. Telesphorus (125-136)
9.St. Hyginus (136-140)
10.St. Pius I (140-155)
11.St. Anicetus (155-166)
12.St. Soter (166-175)
13.St. Eleutherius (175-189)
14.St. Victor I (189-199)
15.St. Zephyrinus (199-217)
16.St. Callistus I (217-22)
17.St. Urban I (222-30)
18.St. Pontain (230-35)
19.St. Anterus (235-36)
20.St. Fabian (236-50)
21.St. Cornelius (251-53)
22.St. Lucius I (253-54)
23.St. Stephen I (254-257)
24.St. Sixtus II (257-258)
25.St. Dionysius (260-268)
26.St. Felix I (269-274)
27.St. Eutychian (275-283)
28.St. Caius (283-296)
29.St. Marcellinus (296-304)
30.St. Marcellus I (308-309)

KITAMS??
30 POPES NA ANG NAGDAAN SA UNBROKEN SUCCESSION OF THE "SEE OF PETER/Papal Apostolic Authority" IN ROME BAGO PA DUMATING ANG PAMUMUNO NI EMPEROR CONSTANTINE NOONG 306 A.D. :)

TAPOS IPIPILIT NG MGA ANTI KATOLIKO NA TATAG NI CONSTANTINE ANG SIMBAHANG ITO??
KALOKOHAN PO YUN :)

NAMATAY SI EMPEROR CONSTANTINE NOONG 337 A.D.,
UNDER THE LEADERSHIP OF
ST. POPE JULIUS I - 337 A.D.
AT NG SI CONSTANTINE  AY MALAPIT NG MAMATAY SAKA PA LAMANG SIYA NA CONVERT AT NABAWTISMUHAN BILANG ISANG GANAP NA KRISTIYANO.

"CONSTANTINE did not receive baptism until shortly before his death."
http://en.m.wikipedia.org/wiki/Constantine_the_Great_and_Christianity

NGAYON PO,
PAPAANO UMABOT SA KAISIPAN NG MGA SEKTANG TATAG NG TAO NA NAGSIPAGSULPUTAN NGAYON, NA SI CONSTANTINE ANG NAGTATAG NG SIMBAHANG KATOLIKO GAYONG MAHIGIT 3 SIGLO NA PALANG NAMAMAYAGPAG ANG SIMBAHANG KRISTIYANO NA ITO? :) :)

AT NA CONVERT LAMANG AT NA-BAPTISED SI EMPEROR CONSTANTINE BILANG GANAP NA KRISTIYANO NG MALAPIT NA SIYANG MAMATAY NOON 337 A.D.
PAPAANONG SI CONSTANTINE ANG NAGTATAG NG SIMBAHANG ITO, GAYONG MATAGAL NG ITINATAG ITO NG PANGINOONG JESUS 33 A.D SA JERUSALEM.

NATALAKAY KO NA DIN PO DITO NA ANG SIMBAHANG ITO NA TATAG NI CRISTO KAY PEDRO NA KANYANG GINAWANG
"Bato/Cephas/Pedro" UPANG SA KANYA ITINAYONG MATATAG ANG KANYANG SANTA IGLESIA NA MAGING ANG MGA PINTUAN NG HADES AY HINDI MAKAKAPANAIG DITO (Mateo16:18-19)

KUNG SAAN ANG IGLESIYANG ITO NA ITINATAG NG PANGINOONG JESUS AY UNANG TINAWAG NA MGA "Cristiano" SA LUGAR NG "Antiokya".
ANG ANTIOKYA ANG PINAKA-UNANG SIMBAHAN NAITAYO SA MGA HENTIL. AT ITO AY MULA RIN SA PAGPAPAGAL NI ST. PETER, THE FIRST BISHOP OF ANTIOCH.

                         GAWA 11:26
"At nang siya'y kaniyang masumpungan ay kaniyang dinala siya sa Antioquia. At nangyari, na sa buong isang taon sila'y nakisama sa iglesia, at nagsipagturo sa maraming tao; AT ANG MGA ALAGAD AY PINASIMULANG TAWAGING MGA CRISTIANO, SA ANTIOQUIA."

AT NAGMULA DIN SA LUGAR NG ANTIOKYA AY TINAWAG NA "Catholic Church" ANG SIMBAHANG KRISTIYANO NA ITO.
MULA SA SULAT NI ST. IGNATIUS, IKATLONG OBISPO NG ANTIOKYA (3rd Bishop from Peter) NOONG 110 A.D.
(written in his way to martyrdom in Rome)
NA NAKASAAD:

"WHERE THE BISHOP IS, there let the multitude of believers be;
even as WHERE JESUS IS, THERE IS THE "CATHOLIC CHURCH''
(Ignatius, Bishop of Antioch, Letter to
the Smyrnaeans 110 A.D.)
http://en.m.wikipedia.org/wiki/Letter_to_the_Smyrnaeans

KITAMS?? :)
PAPAANONG SI CONSTANTINE ANG NAGTATAG NG SIMBAHANG ITO, GAYUNG AS EARLY AS 110 A.D. AY TINAWAG NA NGA NA "CATHOLIC CHURCH" ANG SIMBAHANG KRISTIYANO NA ITO NG APOSTOLIC FATHER NA SI ST. IGNATIUS OF ANTIOCH??
(Si St. Ignatius of Antioch ay nakarinig pa mismo ng pagtuturo ni Apostol Juan Ebanghelista.)

SAAN NGAYON IPAPASOK NG MGA ANTI KATOLIKO ANG LOHIKO NG PARATANG NILA NA SI CONSTANTINE ANG FOUNDER NITONG CATHOLIC CHURCH MULA SA INILAHAD KONG MGA KATOTOHANAN? :)

BAKA PO INIISIP NG MGA IBANG SEKTA NA ITO, NA PORKE'T NASA ROMA ANG SENTRO NG SIMBAHANG KATOLIKO KAYA DUMATING SILA SA CONCLUSION NA SI EMPEROR CONSTANTINE SA ROMA, ANG UNANG EMPEROR NA ROMANO NA NAGBIGAY LAYA SA KRISTIYANISMO SA ROMA AY SIYA RING  NAGTATAG NITO.

MALABONG LOHIKO PO YUN :)
*****

SILIPIN PO NAMAN NATIN ANG BANAL NA BIBLIYA.
BAKIT NGA BA NASA ROMA ANG SENTRO NG SANTA IGLESIA NA ITINATAG NG ATING PANGINOONG JESUS NA MULA SA JERUSALEM?

SAGOT:
SAPAGKAT SI CRISTO AT ANG KANYANG SANTA IGLESIA AY "hindi" TINANGGAP NG MGA HUDYO NA KANYANG SARILING BAYAN SA JERUSALEM!

                        JUAN 1:11
Siya'y naparito sa sariling kaniya, at SIYA'Y HINDI TINANGGAP NG MGA SARILING KANIYA.

MALINAW PO YAN :)
HINDI TINANGGAP SI CRISTO SA KANYANG SARILING BAYAN NG MGA HUDYO SA JERUSALEM.

AT DAHIL SA HINDI TINANGGAP NG MGA HUDYO ANG SIMBAHAN AT TAGASUNOD NI CRISTO NA UNANG TINAWAG NA
MGA "Nasa Daan" OR "in this Way/followers if the Way)
PINAGPAPATAY NILA ANG MGA ITO.
AT ANG NUMERO UNONG PERSECUTOR SA MGA "Nasa Daan"
 AY SI "Saulo" NA NAGING "Pablo" NA GINAWA DING APOSTOL NG PANGINOON.

                         GAWA 9:1-2
1 Datapuwa't si SAULO, NA SUMISILAKBO PA NG MGA PAGBABANTA AT PAGPATAY LABAN SA MGA ALAGAD NG PANGINOON, ay naparoon sa dakilang saserdote,

2 At humingi sa kaniya ng mga sulat sa Damasco sa mga sinagoga, UPANG KUNG SIYA'Y MAKASUMPONG NG SINOMAN SA MGA **NASA DAAN**, maging mga lalake o mga babae, ay kaniya silang MADALANG GAPOS sa Jerusalem.

SINOMANG MGA "nasa Daan"
IBIG SABIHIN SINOMANG MGA ALAGAD NI CRISTO (Si Cristo ang Daan--Juan 14:6 ) AY KANILANG HUHULIHIN AT IGAPOS AT DALHIN SA JERUSALEM.

NOTE:
"MGA NASA DAAN", ito ay isa sa unang itinawag sa mga alagad at tagasunod ng iglesyang tatag ng ating Panginoong Jesus noong una. Kaya iyung claim po na inaangkin ng sektang INC-1914, ni Felix Manalo,  na "Iglesia ni Cristo" umanong ang official name ng iglesia noon ay walang katotohanan :) Wala pong ganun. Walang official na pangalan ang Santa Iglesia noon. Ito ay tinatawag lamang sa kanyang "DESCRIPTIVE" na katawagan tulad ng:
●KANYANG MGA ALAGAD
(His Disciples--John 6:66)

●MGA NASA DAAN
(in the Way--Gawa 9:1-2, 24:14)

● CRISTIANO
(Christians--Gawa 11:26)

●MGA IGLESIA
(churches--like churches in Galacia-- 1 Cor 16:1)

●IGLESIA NG DIOS
(church of God-- 2 Cor. 1:1)

●MGA IGLESIA NI CRISTO (churches of Christ), (Roma 16:16)

●MGA IGLESIA NG MGA BANAL (churches of the saints -- 1 Cor 14:33)

● ECCLESIA KATH'OLES
(Acts 9:31 of the Greek Bible, which means CHURCH THROUGHOUT ALL (nations) , OR UNIVERSAL CHURCH OR
IGLESIA KATOLIKA (Catholic Church) in the letter to the Smyrnaeans of St. Ignatius 110 A.D" ( this epistle is not included in the Bible Canon, but present in the Sacred Tradition/Deposits of Faith of the Early Christian Church)

                           GAWA 24:14
Nguni't ito ang ipinahahayag ko sa iyo, na AYON SA DAAN na kanilang tinatawag na sekta, ay gayon ang paglilingkod ko sa Dios ng aming mga magulang, na sinasampalatayanan ang lahat ng mga bagay na alinsunod sa kautusan, at nangasusulat sa mga propeta;

SA ENGLISH:

                            ACTS 24:14
But this I will say openly to you, that I do give worship to the God of our fathers after THAT WAY, which to them is not the true religion: but I have belief in all the things which are in the law and in the books of the prophets:

AYAN PO:)
HINDI PO IGLESIA NI CRISTO ANG UNA AT OFFICIAL NA  TAWAG SA MGA TAGASUNOD AT SIMBAHAN NG PANGINOONG JESUS :) :)
KAYA PALPAK PO ANG CLAIM NG INC-1914 NI G. FELIX MANALO (Iglesia ni Cristo)
MAGING NG MGA ADD NI ELISEO SORIANO
(Iglesia ng Diyos) :)
****

IPAGPATULOY  PO NATIN...

AT DAHIL SA HINDI TINANGGAP SI CRISTO AT ANG KANYANG MGA TAGASUNOD SA JERUSALEM, ANO ANG SINABI NG PANGINOONG JESUCRISTO SA SARILING KANIYA ( mga Hudyo)??

                       MATEO 21:41-44
"41 Sinabi nila sa kaniya, Pupuksaing walang awa ang mga tampalasang yaon, at IBIBIGAY ANG UBASAN SA MGA IBANG MAGSASAKA, NA SA KANYA'Y MANGAGBIBIGAY NG MGA BUNGA SA KANILANG KAPANAHUNAN.

42 Sinabi sa kanila ni Jesus, Kailan man baga'y hindi ninyo nabasa sa mga kasulatan, ANG BATONG ITINAKUWIL ng nangagtatayo ng gusali, ANG SIYA RING GINAWANG PANGULO SA PANULOK ; ITO'Y MULA SA PANGINOON, At ito'y kagilagilalas sa harap ng ating mga mata?

43 Kaya nga SINASABI KO SA INYO, AALISIN SA INYO ANG KAHARIAN NG DIOS, at IBIBIGAY SA ISANG BANSANG NAGKAKABUNGA.

44 AT ANG MAHULOG SA IBABAW NG BATONG ITO AY MADUDUROG: datapuwa't sinomang kaniyang malagpakan, ay PAPANGALATING GAYA NG ALIKABOK."

AYAN PO :)
MALINAW ANG SINABI NG PANGINOON, AALISIN MULA SA MGA HUDYO ANG KAHARIAN NG DIYOS, ANG UBASAN NG DIYOS, AT IBIBIGAY SA IBANG MAGSASAKA, SA ISANG BANSANG MAGKAKABUNGA!
ITO ANG ANG KANYANG SANTA IGLESIA.
(His Church, the New Jerusalem, His Bride)
(Revelation 21:2)

AALISIN MULA SA SARILING KANIYANG BAYAN AT IBINIBIGAY NIYA SA ISANG BANSA KUNG SAAN ITO MAGKAKABUNGA.

SAANG BANSA BA ITO IBINIGAY NI CRISTO?

SAGOT:
SA BANSANG ROMA!

                        GAWA 23:11
 "At nang sumunod na gabi ay lumapit sa kaniya ang Panginoon, at sinabi, Laksan mo ang iyong loob: sapagka't KUNG PAANO ANG PAGKAPATOTOO MO TUNGKOL SA AKIN SA JERUSALEM, ay KAILANGANG PATOTOHANAN MO RIN GAYON SA ROMA."

AT PINAPATUNAYAN DIN ITO MULA SA SULAT NI PEDRO NA SIYANG  UNANG NAROON SA LUGAR NG ROMA SA KANYANG PAGPAPALAGANAP NG SANTA IGLESIA AT PANGANGARAL DOON.
TINAWAG NIYA ANG BANSANG ROMA SA CODE NAME NA "Babilonia". UPANG HUWAG SIYANG MAHULI, SAPAGKAT SI PEDRO MISMO AY NAGTATAGO MULA SA MGA ROMAN AUTHORITIES NOON NA PUMAPATAY SA MGA KRISTIYANO UNDER EMPEROR NERO.
 (54-68 A.D.)

                     1 PEDRO 5:13
Binabati kayo ng NASA BABILONIA, na kasamang hinirang; at ni Marcos na aking anak.

SAPAGKAT NANGARAL NGA SI SAN PEDRO SA "Lahat ng dako".

                        GAWA 9:32
At nangyari, na sa PAGLALAKAD NI PEDRO SA LAHAT NG DAKO, siya'y naparoon naman sa mga banal na nangananahan sa Lidda.

AT ISA ANG ROMA SA MGA DAKO NG MGA HENTIL NA KANYANG PINALAGANAPAN NG SANTA IGLESIA.
AT DITO SA PAGPAPALAGANAP NI PEDRO NG  KRISTIYANISMO SA ROMA, DAHILAN UPANG SIYA MULI ANG NAGING UNANG BISHOP SA IGLESIA SA ROMA (Bishop of Rome), TULAD NG IGLESIA SA ANTIOKYA.
KUNG SAAN NAROON NGA SA ROMA NAITALAGA ANG KANYANG PAPAL HOLY OFFICE (Holy Chair of St. Peter).

DITO RIN SIYA PINAGPAPATAY NG MGA PAGANONG ROMANO UNDER EMPEROR NERO SI SAN PEDRO.
KASAMA DIN SI SAN PABLO NA NANGANGARAL DIN SA MGA BANAL SA ROMA. (Roma 1:7)

PINATUTUNAYAN ITO NG MARAMING MGA  SULAT MULA SA MGA EARLY CHRISTIAN WRITINGS AND EARLY CHURCH FATHERS.

" The death of Peter is attested to by TERTULLIAN at the end of the 2nd century, and by ORIGEN in Eusebius, Church History III.1.
Origen wrote: "PETER WAS CRUCIFIED AT ROME WITH HIS HEAD DOWNWARDS, as he himself had desired to suffer." The CROSS OF ST. PETER INVERTS the Latin cross based on this refusal, and claim of unworthiness, to die the same way as his Saviour."
http://en.m.wikipedia.org/wiki/Saint_Peter

 AYON SA HISTORY AT SACRED TRADITION (Deposits of Faith) NG SANTA IGLESIA, SI PEDRO AY "Ipinako din sa KRUS" NG MGA ROMANO TULAD NI CRISTO, NGUNIT HINILING NIYA NA SIYA AY IPAKO SA PATIWARIK NA KRUS (inverted cross) SAPAGKAT AYON SA KANYA, HINDI SIYA KARAPAT DAPAT NA IPAKONG TULAD NG SA ATING PANGINOONG JESUCRISTO.

KATUPARAN PO ITO SA ISINALITA NI CRISTO KUNG PAPAANONG MAMATAY SI PEDRO:

                         JUAN 21:18-19
Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, Nang ikaw ay bata pa, ikaw ay nagbibihis, at ikaw ay lumalakad kung saan mo ibig; NGUNIT PAGTANDA MO'Y IUUNAT MO ANG IYONG MGA KAMAY, AT BIBIGKISAN KA NG IBA, at DADALHIN KA KUNG SAAN HINDI MO IBIG.

19  ITO NGA'Y SINALITA NIYA, NA IPINAALAM KUNG SA ANONG KAMATAYAN ANG ILULUWALHATI NIYA SA DIOS. At pagkasalita niya nito, ay sinabi niya sa kaniya, Sumunod ka sa akin.

MALINAW PO YAN :)
SI PEDRO AY NAROON SA ROMA
AT DUN NAMATAY SA ROMA. AT NATUPAD ANG SALITA NI CRISTO NA SI PEDRO AY MAMAMATAY DIN NA NAKAUNAT ANG MGA KAMAY SA KRUS.

BIBLICALLY AND HISTORICALLY ALL COINCIDES.
ALL WILL POINT TO THE "TRUTH." :)

GANYAN PO ANG MGA NANGYAYARI SA MGA TAGASUNOD NG PANGINOONG JESUS SA PANAHON NG KABATAAN PA NG SANTA IGLESIA KATOLIKA. DUMAAN SA MATINDING PERSEKUSYON AT DUMANAK ANG DUGO NG MGA MARTIR AT MULA RITO NANATILING NAKATAYO NA MATATAG ANG SANTA IGLESIA.
****

ANO BA ANG NAGING PAPEL NI EMPEROR CONSTANTINE SA PAGTAYONG MATATAG NG SIMBAHANG KRISTIYANO??

SAGOT:
SA PAMUMUNO NI EMPEROR CONSTANTINE NAGSIMULANG BINIGYAN NG "Kalayaan" ANG PANANAMPALATAYANG KRISTIYANO SA ROMA.

AYON SA TRADISYON, MULA NG SI EMPEROR CONSTANTINE AY PINAKITAAN NG DIYOS NG PANGITAIN SA LANGIT NG ISANG IMAHE NG KRUS, NA MAY INSCRIPTION NG
 "Chi and Rho", the first two letters (ΧΡ) of "Christ" in Greek ΧΡΙΣΤΟΣ. (Christos)
IYAN PONG LOGO NG AKING PAGE PHOTO :)

NARITO ANG NAKASAAD SA HISTORY:
" The historian bishop Eusebius of Caesaria states that Constantine was marching with his army (Eusebius does not specify the actual location of the event, but it is clearly not in the camp at Rome), when he looked up to the sun and SAW A CROSS OF LIGHT above it, and with it the Greek words "(ἐν) τούτῳ νίκα" ("In this, conquer"), a phrase often rendered into Latin as IN HOC SIGNO VINCES ( "in this sign, you will conquer").
At first, Constantine did not know the meaning of the apparition, but on the following night, he had a dream in which Christ explained to him that he should use the SIGN OF THE CROSS of against his enemies."
http://en.m.wikipedia.org/wiki/In_hoc_signo_vinces

ITO PO ANG SIMULA NG PAGBIBIGAY NG KALAYAAN NG SIMBAHANG KRISTIYANO NA ITO SA ROMA NA TINAWAG NG CATHOLIC CHURCH 110 A.D. PA.
NAGKAROON NG KALAYAAN  ANG SIMBAHANG KRISTIYANO KATOLIKO SA ROMA SA PANAHON NG PAMUMUNO NI EMPEROR CONSTANTINE THE GREAT!
AT ITO AY PINAGTITIBAY NIYA SA KANYANG "Edict of Milan".

"The EDICT OF MILAN"  refers to the February 313 A.D. AGREEMENT TO TREAT CHRISTIANS BENEVOLENTLY within the Roman Empire. Western Roman Emperor Constantine I, and Licinius, who controlled the Balkans, met in Milan and among other things, agreed to change policies towards Christians following the Edict of Toleration by Galerius issued 2 years earlier."
http://en.m.wikipedia.org/wiki/Edict_of_Milan

"The EDICT OF MILAN was a letter signed by the Roman emperors Constantine and Licinius, that PROCLAIMED RELIGIOUS TOLERATION IN THE ROMAN EMPIRE. The letter was issued in 313, shortly AFTER THE END OF THE PERSECUTION OF CHRISTIANS by the emperor Diocletian.
(Edict of Milan - Simple English Wikipedia, the free encyclopedia)

KITA NIYO NA??
PROCLAIMATION OF RELIGIOUS TOLERATION ANG NANGYAYARI.
HINDI PO FOUNDING OF THE CATHOLIC CHURCH!
PAGBIBIGAY KALAYAAN SA MGA MANANAMPALATAYANG KRISTIYANO SA ROMA. AT MGA KATOLIKO PO IYUN.. :)
WALA PANG MGA PROTESTANTENG SEKTA AT MGA SULPOT NA IGLESIA DAHIL LUMITAW SILA NOON LAMANG 16TH CENTURY SA PASISIMULA NI MARTIN LUTHER-PARING APOSTATE, NG PROTESTANT REFORMATION :) :)

SO, MULA KAY EMPEROR CONSTANTINE, AY ANG SIMULA NG PAGLABAS NG MGA MANANAMPALATAYANG KRISTIYANO MULA SA KANILANG PAGTATAGO SA MGA KATAKOMBA (Catacombs) KUNG SAAN DOON SILA  NAGSASAGAWA NG MISA AT BANAL NA EUKARISTIYA, SA PANAHON NG PERSECUTION.

AT KALAUNAN AY SIMULA DIN NA NAGING RELIGION OF THE STATE ANG KRISTIYANISMO SA ROMA, SA MGA SUMUNOD PANG EMPEROR :)
DITO PO ANG SIMULA NG PAGBAGSAK NG PAGANONG ROMA AT NAGING "KRISTIYANONG ROMA" ITO.

BAGAMA'T SI CONSTANTINE AY NAGING "OFFICIAL" CONVERT LAMANG BILANG KRISTIYANO NG SIYA AY MALAPIT NG MAMATAY.
AT ANG NAKAPAG BAPTISE PA SA KANYA AY ISANG OBISPONG "ARIAN" NA SI "EUSEBIUS" OF NICOMEDIA.

"In reality, Constantine was baptized (nearing his death in May 337) by Eusebius of Nicomedia, who, unlike the pope, was an ARIAN BISHOP."
http://en.m.wikipedia.org/wiki/Bishops_of_Rome_under_Constantine_I

"Eusebius of Nicomedia (died 341) was the man who baptised Constantine the Great"
http://en.m.wikipedia.org/wiki/Eusebius_of_Nicomedia

 "ARIAN HERESY-- Named after Bishop ARIUS, early century HERETIC of the Church who first spread his heretic belief denying the deity of Christ. Early heretic na nagpasimula ng pagtuturo na si Cristo ay HINDI DIYOS sa simula kundi siya ay isang CREATED BEING din at hindi kapantay ng Diyos Ama.
Si Arius ang taong SINAPAK ng ating Santa Claus-- ST. NICHOLAS, sa Council of Nicea 325 A.D. Si Arius ay nasapak ni St. Nicholas dahil sa kanyang paniniwalang heretiko na ito na isang blasphemy to the Son of God--Christ"

BAGAMA'T NAPAKALAKING PAGHIHIRAP SA SANTA IGLESIA ANG IDINULOT NITONG ARIANISM.. SA PAGLIPAS NG MGA PANAHON AT SA PAKIKIPAGTUNGGALI NG ATING MGA MAGITING NA EARLY CHURCH FATHERS TULAD NI ST. ATHANASIUS (Bishop of Alexandria)..
NAGLAHO DIN ANG PANINIWALANG ARIANO.

NGUNIT SA KALAUNANG PANAHON IBINANGON PO NG MGA SEKTANG SUMULPOT ANG PANINIWALANG ITO NI ARIUS, NA SI CRISTO AY HINDI DIYOS AT MGA HINDI NANINIWALA SA HOLY TRINITY.

UNA NA ITONG IBINANGON NG SEKTANG TATAG NI " Charles Taze Russel" NA "Saksi ni Jehovah/Jehovah's Witness" NOONG 1872, NA NANINIWALANG ANG AMA LAMANG ANG SUMPREME GOD AT SI CRISTO AY KANYANG UNANG CREATION. NANINIWALA SILA NA SI CRISTO AY "Begotten Son of God" NGUNIT HINDI KASAMA SA TRINITY O HINDI IISA SUBSTANCE NG AMA AT GINAMIT LAMANG UMANO SI CRISTO NG AMA.
HINDI "God", KUNDI ISA LAMANG "god". IBIG SABIHIN HINDI KAPANTAY NG KANYANG AMA SA PAGKA DIYOS.

SINUNDAN DIN ITO NG "Iglesia Ni Cristo" NA TATAG NI "Felix Manalo" NOONG 1914, NA NANINIWALANG SI CRISTO AY TALAGANG GINAWA LANG NG DIYOS AMA NA TAO LANG "mere man", AT HINDI DIYOS.

PATI  MCGI-ADD NI ELI SORIANO AY SUMUNOD NA RIN SA PANINIWALANG ITO :)
GUMAYA ANG ADD SA MGA JEHOVAH'S WITNESS SA PANINIWALANG SI CRISTO AY "Mighty god" LAMANG AT HINDI "Almighty God" DAHIL AMA LAMANG DAW ANG ALMIGHTY :)

ARIUS:
His teachings about the nature of the Godhead, which emphasized the Father's divinity over the Son, and his opposition to Homoousian Trinitarian Christology, made him a primary topic of the First Council of Nicea, convened by Roman Emperor Constantine in AD 325."
http://en.m.wikipedia.org/wiki/Arius

AYAN PO! :)
ANG COUNCIL OF NICEA 325 A.D. AY IPINATAWAG NI CONSTANTINE PARA MAPAG-USAPAN  NG MGA OBISPO NG SIMBAHANG KRISTIYANO AT MA SOLUSYONAN ANG PINAPAKALAT NA ARIAN HERETIC TEACHINGS, DITO NGA NASAPAK NI ST. NICHOLAS SI ARIUS. :)

DITO SA COUNCIL OF NICEA 325, OUT OF 318 BISHOPS NA KASALI SA KONSELYO NA ITO INCLUDING ARIUS AND EUSEBIUS, MALIBAN SA KANILANG DALAWA, WALA NG IBANG SUMUPORTA SA HERETIKONG ARAL NA NABUO NI ARIUS :)
KAYA MULA RITO, SA COUNCIL OF NICEA NAPAGTIBAY "defined" ANG "Paniniwala sa Holy Trinity"
NG MGA KAOBISPOHAN NG SANTA IGLESIA NG PANGINOON JESUS, AT NAGKAROON TAYO NG NICENE CREED, THE PROFESSION OF OUR CHRISTIAN FAITH!
BELIEVING IN ONE GOD IN THE HOLY TRINITY.

KITAMS??
NAPAKASARAP MALAMAN ANG KATOTOHANAN MULA SA HISTORY NG TUNAY NA SIMBAHANG KRISTIYANO NA ITINATAG NG ATING PANGINOONG JESUCRISTO.
SAPAGKAT ANG HOLY SPIRIT ANG GABAY NG SIMBAHANG ITO--- ANG ESPIRITU NG KATOTOHANAN,
KAYA NANAIG ANG KATOTOHANAN AT NADAIG ANG PANINIWALA NI ARIUS NA UNANG HERETIKO NG SANTA IGLESIA KATOLIKA.
AT NANAIG ANG KATOTOHANAN NA ANG IISANG DIYOS AY MAYROONG 3 BANAL NA PERSONA AMA, ANAK, AT ESPIRITU SANTO.
(Mateo 28:19)

                          JUAN 14:16-18
"16 At ako'y dadalangin sa Ama, at KAYO'Y BIBIGYAN NG MANG-AALIW, UPANG SUMASAINYO MAGPAKAILANMAN,

17 Sa makatuwid baga'y ANG ESPIRITU NG KATOTOHANAN: na hindi matatanggap ng sanglibutan; sapagka't hindi nito siya nakikita, ni nakikilala man siya: SIYA'Y NAKIKILALA NINYO; sapagka't SIYA'Y TUMATAHAN SA INYO, AT SASA INYO.

18 HINDI KO KAYO IIWANG MAG-ISA: AKO'Y PARIRITO SA INYO."

KITAMS?? :)
ANG PANGINOONG JESUS MISMO AT ANG BANAL NA ESPIRITU KASAMA NG AMA ANG GABAY NG SANTA IGLESIA KATOLIKA. KAYA PALAGING MANANAIG ANG KATOTOHANAN DITO, AT MANANATILI ANG KATOTOHANAN HANGGANG SA WAKAS NG SANLIBUTAN!

                        MATEO 28:20
Na ituro ninyo sa kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo: at NARITO, AKO'Y SUMASAINYONG PALAGI, HANGGANG SA KATAPUSAN NG SANGLIBUTAN.
*****

AYAN PO :)
NAILAHAD KO NA ANG KATOTOHANAN TUNGKOL KAY EMPEROR CONSTANTINE THE GREAT.

SI EMPEROR CONSTANTINE THE GREAT, AY SIYANG GINAMIT NG PANGINOONG JESUS UPANG MAGING INSTRUMENTO NG PAGKAKAROON NG KALAYAAN NG KANYANG SANTA IGLESIA.
AT SIMULA ITO NG PAGBAGSAK NG PAGANONG ROMA AT NAGIGING "KRISTIYANONG ROMA" NA ITO, MAGPASA HANGGANG NGAYON AT HANGGANG SA WAKAS NG PANAHON.

MULA SA ROMA... AY NAGING BANTOG SA BUONG SANLIBUTAN ANG PANANAMPALATAYANG KRISTIYANO!

                         ROMA1:8
"Kaunaunahan, ay nagpapasalamat ako sa aking Dios sa pamamagitan ni Jesucristo TUNGKOL SA INYONG LAHAT, NA ANG INYONG PANANAMPLATAYA AY BANTOG SA BUONG SANGLIBUTAN."

                         ROMA 16:19
SAPAGKA'T SA INYONG PAGTALIMA AY NAGING BANTOG SA LAHAT NG MGA TAO. KAYA'T NAGAGALAK AKO SA INYO: datapuwa't ibig ko na kayo'y maging marunong sa kabutihan, at musmos sa kasamaan.

MALIWANAG PA SA SIKAT NG ARAW! :)
ANG PANANAMPALATAYA NG IGLESIA NA NASA ROMA AY...

● BANTOG SA BUONG SANLIBUTAN!
●NAGING BANTOG SA LAHAT NG MGA TAO!

BANTOG SA BUONG SANLIBUTAN... UNIVERSAL CHURCH...CATHOLIC CHURCH!
ITO ANG SIMBAHANG KRISTIYANO NA NASA ROMA.

KAYA KAPAG BABANGGITIN ANG SALITANG "CHRISTIANS" IISA LAMANG PO ANG MAIISIP NG BAWAT TAO SA BUONG MUNDO LALO NA NG MGA HINDI PA KRISTIYANO.... YAN AY ANG SIMBAHANG KRISTIYANO SA ROMA, SA VATICAN... ANG BANSA KUNG SAAN IPINAGKATIWALA NI CRISTO ANG KANYANG SANTA IGLESYANG BANAL.
[Hindi po nila maiisip ang Iglesia ni Cristo na tatag ni Felix Manalo, o ang Iglesia ng Diyos na  ni Eli Soriano at iba pang sulpot, sapagkat hindi nila kilala ang mga ito :) ]

DITO SA BANSANG ROMA KONG SAAN DINALA NG PANGINOONG JESUS ANG KANYANG ALAGAD NA SI ..

"SIMON-PEDRO, ANG UNANG SANTO PAPA"

● GINAWANG BATO/CEPHAS/PEDRO NA PINAGTAYUAN NG KANYANG SANTA IGLESIA
 (Mateo 16:18)

● GINAWANG GATEKEEPER AT KEYHOLDER NG SAMBAHAYAN NG DIYOS
  ( Isaias 22: 22, Mateo 16:19)

● GINAWANG VISIBLE LEADER, PASTOL AT AMA NG SANGBAHAYAN NG DIYOS DITO SA LUPA
(Isaiah 22:21, Juan 21:15-17)

● GINAWANG HALIGI NG SANTA IGLESIA NA NAKATAYONG MATATAG SA
ISANG LUGAR (Roma) AT MAGPAPATIBAY SA MGA TUPA/MANANAMPALATAYA
 ( Isaias 22:23, Lucas 22:32)

ITO ANG TUNAY NA KATOTOHANAN MULA SA SANTA IGLESIANG ITINATAG NG ATING PANGINOONG JESUCRISTO 33 A.D.

"ONE, HOLY, APOSTOLIC, CATHOLIC CHURCH"
MULA SA JERUSALEM---> IBINIGAY SA ROMA!

KAYA NAPAKALAYO PO SA KATOTOHANAN ANG AKUSASYON NG MGA ANTI KATOLIKO NA SI CONSTANTINE ANG FOUNDER NG SIMBAHANG KATOLIKO. :)

MAY IMPOSIBLE BA SA DIYOS?? :) :)

WALA PO!
LAHAT NG ITO AY SALITA AT KALOOBAN NG PANGINOONG DIYOS NA NAGAGANAP SA KANYANG BANAL NA SIMBAHANG KATOLIKO.

                       MARCOS 10:27
"Pagtingin ni Jesus sa kanila'y nagsabi, HINDI MAARI ITO SA MGA TAO, DATAPUWA'T HINDI SA DIOS, SAPAGKA'T  LAHAT NG MGA BAGAY AY MAY PANGYAYARI SA DIOS."

"And Jesus looking upon them said, With men it is impossible, but not with God: for WITH GOD ALL THINGS ARE POSSIBLE."

                       LUKE 1:37
"For with God nothing shall be impossible."
*****

KAYA PARA SA LAHAT NG MGA SEKTANG ANTI KATOLIKO NA NAGSASABING SI CONSTANTINE ANG FOUNDER NG CATHOLIC CHURCH....

ITO LAMANG PO ANG AKING MASASABI SA INYO:

"DENYING THE TRUTH OF HISTORY IS A GREAT PRIDE!
AND PRIDE IS ONE OF THE GREAT AND DEADLY SINS."

                        1 JOHN 2:16
For all that is in the world, the lust of the flesh, and the lust of the eyes, and the PRIDE of life, IS NOT OF THE FATHER, but is of the world.

ITO PO ANG TUNAY NA KATOTOHANAN!

AD MAJOREM DEI GLORIAM!

******

MARAMING SALAMAT PO SA INYONG PAGBABASA. NAWA ITO AY NAKAKAPAGBIGAY LINAW SA ATING LAHAT.

LUWALHATI AT PAPURI SA DIYOS SA KAITAASAN!

LIKE AND SHARE (y) (y) (y)

FOR MORE, KINDLY LIKE THIS PAGE:
www.facebook.com/kuyaadviserpublicfigure

AND VISIT MY BLOG: www.kuyaadviser.blogspot.com

7 comments:

  1. isang napakahusay na blog na ito marami akung natutunan at ngayoy na toto na akung ipaglaban ang aking sarili laban sa mga bagong sekta na patuloy na tumotuligsa sa simabahang katoliko salamat kuya,,,,,

    ReplyDelete
  2. Sa totoo lang marami akong natutunan sa blog mo. Salamat!

    ReplyDelete
  3. Hindi po ako anti katoliko pero nakita ninyo ang mga itinuro sa inyo.Mali po ang paniniwala ninyo sumamba po kayo sa mga rebolto sa na ayaw sa Dios na sumamba kayo sa mga iyon mabasa po sa Bible (Exodus 20:3-5) at dami po mga verses na mabasa sa bible sana mag basa kayo ng maayos

    ReplyDelete
  4. kung mighty God si Jesus bakit ang Catholics ay hindi nakasunod sa banal na utos namg almighty sa panahon ni moses. na huwag sumamba sa mga dyos dyosan na gawa ng tao. sa diba inside catholic churches ay maramong santo na gawa ng tao na sinasamba ng mga tao.? the images of almighty and mighty ay nasa puso mo.hindi yung santo na Gawa ng tao. malinaw po na wla pang nakakita Kay God at kay Jesus malinaw po ba? Godbless po.

    ReplyDelete
  5. kaya nga po my new testament kasi unang mga religion dito sa mundo ay ang mga romano na iniligtas ni moses nung wala pa si Jesus. My binigay na sampong utos qng Dios pero pag baba ni moses puro na kahalayan ang gininawa ng tao. my mga rebulto na ayon sa sampung utos isa doon ang nakasulat na bawal sambahin ang gawa ng tao. kaya my new testament para iligtas ang mga tao..ayun sa naka sulat si Pedro namatay patiwarik dihil hindi sya karapat dapat n ipakao katulad ni Jesus.. pero bakit ang ang mga Catholics church pag simana santa my nagpapa paku sa cruz? ano sabi ni Jesus kay pedro diba humayo ka Pedro at babaguhin natin ang mundo.. diba gusto ni God mabuting gawa at aral..pero ano? alak doon sabong doon haha.. yan ba ang tinatag ni Jesus?haha Jesus is not catholic..

    ReplyDelete

Click here

Click here
Facebook Apologetic Fanpage