Rapture - ano ito ? totoo ba ito ?



SECOND COMING OF CHRIST"... MARUMING TAKTIKA NA GINAGAMIT NG MGA IGLESYANG SUMULPOT PARA MAKAPANLINLANG...MAG-INGAT!
.
.
.

BY: Kuya Adviser

HINDI PO LINGID SA ATING KAALAMAN NA MARAMING MGA SEKTA NA SUMULPOT NITONG HULING PANAHON NA GINAGAMIT ANG USAPIN NG END TIMES PROPHECY O ANG KATAPUSAN NG MUNDO, THE SECOND COMING OF CHRIST.. PARA MAKAPANLINLANG NG MGA KATOLIKONG MAHIHINA.

●ISA NA PO DITO AY ANG SEKTANG "Iglesia Ni Cristo-1914" KUNG SAAN KARANIWAN NG ITINATANIM SA MGA KAISIPAN NG KANILANG MGA MIYEMBRO AT MGA INAAKAY ANG MGA KATAGANG:
"Malapit na ang Paghuhukom, kailangan nakapasok ka sa Iglesia Ni Cristo, sapagkat tayo lamang ang maliligtas!"

MARAMI PO ANG NALINLANG DITO. MGA KATOLIKONG KULANG SA KAALAMAN NG TUNAY NA PANANAMPALATAYANG KRISTIYANO AY NALINLANG SA TAKOT NA HINDI SILA MALILIGTAS KAPAG HINDI MAPASOK SA IGLESIANG TATAG NI G. FELIX MANALO NA INAANGKING KAY CRISTO. SAPAGKAT IPINANGAKO NG SEKTANG ITO SA KANILANG MGA MIYEMBRO ANG KASIGURADUHAN NA SILA LAMANG ANG MALILIGTAS.

● MAGING ANG SEKTANG JEHOVAH'S WITNESSES O MGA SAKSI NI JEHOVAH. BUKAMBIBIG NAMAN DITO ANG MGA KATAGANG..."Armageddon". MGA USAPIN TUNGKOL SA MATINDING PAGHIHIRAP SA KATAPUSAN NA NG MUNDO. ITO NAMAN ANG ITINATANIM NILA SA MGA KAISIPAN NG KANILANG MGA MIYEMBRO AT MGA MAAKAY PA, UPANG ANG ISANG KAWAWANG TAO AY MAGKAROON NG TAKOT AT MADADALA NILA SA PANGAKONG KALIGTASAN SA LOOB NG KANILANG SEKTA.

●AT ANG PINAKAPOPULAR... AY ANG SEKTA NG MGA EVANGELICALS/BORN AGAIN. ITINATANIM SA MGA KAISIPAN NG KANILANG MEMBERS ANG SANDAMAKMAK NA END TIMES PROPHECIES. KANILANG MGA BALUKTOT AT LITERAL NA INTERPRETASYON SA MGA HULA SA BIBLIYA. AT ANG PINAKASIKAT DITO AY ANG PANINIWALA NG "RAPTURE" NA NABUO NI John Nelson Darby, ISANG EX-ANGLICAN CLERGY AT TINAWAG NA "The father of Modern Dispensationalism and Futurism" NOONG 19th CENTURY.
ANG RAPTURE AY PANINIWALANG KUKUNIN AT AAGAWIN NI JESUS ANG KANYANG MGA TUNAY NA MANANAMPALATAYA DITO SA LUPA, AT ANG MAIIWAN AY MAKAKARANAS MUNA NG MID AT POST TRIBULATIONS.
1 Tesalonica 4:17
ITO PONG PANINIWALANG ITO AY MATAGAL NG DEBUNKED NG SIMBAHANG TUNAY- IGLESIA KATOLIKA. NGUNIT ANG NAKAKALUNGKOT, MARAMI ANG NALINLANG DITO... DAHILAN UPANG MAGING KAANIB ANG MGA KATOLIKONG MAHIHINA SA PANANAMPALATAYA TUNGO SA SEKTA NG MGA TAONG MAHILIG SA MGA KATAGANG:
"I accept Jesus as my PERSONAL Lord and Savior"..... ( Born Again)....
BUT HATED MARY, THE MOTHER OF JESUS!

ITO PO AY IILAN PA LAMANG SA MGA SEKTA NA NAGTATANIM NG TAKOT AT PANGAMBA SA KAISIPAN NG MGA TAO TUNGKOL SA END TIMES, SA PAMAMAGITAN NG KANILANG MGA MALI AT SARILING LITERAL NA INTERPRETASYON SA MGA PROPESIYA SA BIBLIYA.

**********

ANO PO BA ANG DAPAT ISAISIP NG NG BAWAT KATOLIKO?

1•• NANINIWALA ANG SIMBAHANG KATOLIKO NA PAPARITO AT BABABANG MULI ANG PANGINOONG JESUS MULA SA LANGIT (Gawa1:11)

2•• SA MULING PAGPARITO NA YAON NG ATING PANGINOONG JESUS, ANG MGA PATAY AY BABANGONG MULI. RESURRECTION OF THE DEAD
(1 Tesalonica 4:13-18, John11:25)
(Rom 8:11; cf. 1 Thess 4:14; 1 Cor 6:14; 2 Cor 4:14; Phil 3:10-11.)

3•• ANG PAGPARITONG MULI NG PANGINOONG JESUS AY ANG HULING PAGHUHUKOM.. FINAL JUDGEMENT. ANG PAGBUBUKOD NIYA SA MGA TUPA AT KAMBING.
(Mateo 25:31-46, Mateo 24:36-51)

4•• AT KUNG KAILAN MAGAGANAP ANG LAHAT NG ITO?
WALA PONG NAKAKAALAM.. MALIBAN SA "AMA"
(Mateo 24:36)

5•• KAYA ANG TUNAY NA SIMBAHAN NI CRISTO- IGLESYA KATOLIKA AY "HINDI" NAGTATANIM NG TAKOT SA MGA MANANAMPALATAYA NITO TUNGKOL SA END TIMES... BAGKUS NAGTUTURO ITO NG "PAG-ASA" KAY CRISTO AT "PAGHAHANDA" PARA SA MAGALAK NA PAGSALUBONG SA MULING PAGDATING NI CRISTO.
AT NAGTUTURO NG "KAPANATAGAN" SA PUSO NG MGA TAO. HUWAG MABAHALA. MAGTIWALA KAY CRISTO.
HINDI DAPAT MATAKOT SA DARATING NA PAGHUHUKOM. BAGKUS IKATUWA AT IKAGALAK ITO SAPAGKAT HAHARAP TAYO SA ATING HARI (Cristo) NA PUNO NG PAG-ASA NA MAGING KASAMA NIYA TAYO DOON SA KALUWALHATIAN NIYA SA LANGIT.

MULA PO SA CCC- (Catechism of the Catholic Church)

#681 ON THE JUDGEMENT DAY AT THE END OF THE WORLD, CHRIST WILL COME IN GLORY to achieve the definitive triumph of good over evil which, like the wheat and the tares, have grown up together in the course of history.

#682 WHEN HE COMES AT THE END OF TIME TO JUDGE THE LIVING AND THE DEAD, the GLORIOUS CHRIST WILL REVEAL THE SECRET DISPOSITION OF HEARTS and will render to each man according to his works, and according to his acceptance or refusal of grace.

NARITO PO... ATING BASAHIN ANG IBINAHAGING MENSAHE NG ATING
KAPANALIG AT TAGASUBAYBAY...
"TATAY TONY ZURBITO".
NAPAKAGANDA PO NG MENSAHENG ITO NA DAPAT PAGNINILAYAN NG BAWAT ISA...

FROM: Tatay Tony Zurbito

"Share lang po:
Nais ko lang pong ihayag ang aking saloobin tungkol dito sa pamamagitan ng aking diwa at puso, ayon sa karunungang dumating sa akin. (kasihan nawa ako ng Espiritu Santo).

Maselan ang topic na Second Coming, una: maliwanag ang sinabi ni Jesus tungkol dito na "wala sinuman ang makakabatid ng "araw at oras" na yaon, kundi ang "Ama" lamang.

Samakatuwid, ang mga katwiran o pananaw natin ay maaaring kakaiba sa tunay na kaunawaan o kahulugan sa ibig ipahiwatig ni Kristo tungkol dito, sapagkat ang Salita ng Dios ay may hiwaga o misteryo at may "buhay", ibig sabihin, ang Salita Niya ay naglalaman ng Kahapon, Ngayon at Bukas. Walang pagbabago o nananatili sa "lahat ng panahon". Sapagkat ang Dios ay ang Alpha at Omega, ang Simula at Wakas.

Samakatuwid, ang Second Coming ay isang "pangako" na ang layunin nito ay para sa ating kaligtasan at hindi dapat magbunga ng "takot", na tulad ng mga pinaliliwanag ng mga ibang sekta.

Sapagkat kung papaano dumating ang "Emmanuel" na pinakahihintay noon ayon sa pangako ay gayundin naman ang pangako sa Second Coming sapagkat ang makakatagpo o dadatnan ng salitang ito ay mapapabilang sa "kaharian ng Dios", kaya walang dapat ikatakot.

Kaya tama ang ating Simbahang katoliko, na ating hangarin ang napapaloob na pangako sa Second Coming, tama ang Simbahan sa kanyang ginagawa na pinaghahanda tayo upang kong dumating ang kaganapan tungkol dito (anuman man ito) ay makamit natin ang biyayang napapaloob dito.

Walang dahilan upang matakot tayo sa Second Coming sapagkat ang biyayang napapaloob dito ay ang kaligtasan pa rin natin/ Anuman ito, ayon sa unawa natin ay dapat na kasabikan ito ng bawat isa, sapagkat naglalayon ito ng "pakikiisa" natin kay Kristo.

Kaya para sa akin ay ang dapat nating paghandaan ay ang "PAGSALUBONG", sapagkat para sa aking kaunawaan ay matagal na Siyang dumating, at ang dapat paghandaan ay Manatili ang "Kabutihang-asal" at ang "Katotohanan"

Sa isang bahagi ng ating Misa: sinasabi doon na "Si Kristo'y namatay, si Kristo'y nabuhay, si Kristo'y darating sa wakas ng panahon"

Kaya sa tatlong bahagi na inihahayag natin sa Misa ay dalawa pa lamang ang nakita o natupad na at ito ay ang "Siya ay Namatay at Nabuhay para sa atin". Ang ika-tatlo ay ang "Second Coming" na pinakahihintay natin. Ito ay selebrasyon para sa atin, dapat maging masaya tayo para dito. Subalit hindi inihahayag doon ang araw at oras, tulad ng iniaaral ng mga ibang Sekta na detalyado pa na animo'y siguradong sigurado na sila gayong maliwanag na sinabi na ang araw na iyon ay "walang nakakaalam" kundi ang "Ama" lamang. Mas higit pa ba sila (sekta) keysa sa Ama?"

Kaya nga, sinabi ni Jesus: "sa panahong iyon, kung may magsabi sa inyo: Ang Cristo ay narito o naroon, ay huwag kayong maniwala. Sapagkat lilitaw ang mga bulaang Cristo at mga bulaang propeta na magpapakita ng malalaking tanda at mga kababalaghan, upang iligaw, kung maaari lamang kahit na ang mga hinirang" (Mateo 24: 23-24)

Maliwanag na ang tinutukoy ni Jesus ay ang mga bulaang Cristo at bulaang propeta, at maliwanag na gagamitin ang konsepto ng "Second Coming" upang linlangin ang mga tao, higit sa lahat pati yung mga hinirang. Sino-sino ba sa panahon natin ang gumagamit ng konseptong ito? At ginagamit pa nilang ang konseptong ito upang makaakit sa ating mga Katoliko at kung mahina ang pundasyon mo bilang Katoliko ay maaakit ka nga.

Sa katotohanan, ang pinag-iingat ng Panginoon ay tayong mga nasa Kawan ni Pedro (Katoliko) baka tayo malinlang ng kanilang mga kasinungalingan. (Pati nga mga hinirang ayon sa sulat)

Pagnilayan ninyo ito, "Kung ang Ama lamang ang nakakaalam ng "araw at oras" na ito, samakatuwid tama ang ginagawa ng Simbahang Katoliko sapagkat ang aral tungkol dito ay "Paghahanda" lamang at hindi detalyado na iniaaral ang "araw at oras" kundi ang "paglilinis" ng ating mga sariling kaluluwa sa pamamagitan ng mga Sakramento.

Kaya papaano mo malalaman ang Second Coming, gayung maging noong una pa man na inihahayag ng Propeta Isaias na may isang "Birhen na isisilang ang Emmanuel" ay itinakwil pa ng marami at hindi pinaniwalaan, at ngayon ay ibig pa ninyo (sekta) ipaliwanag na darating si Jesus gayung hindi pa ninyo nakikilala si Kristo? Papaano mo mamamalayan na si Kristo nga ang tinutukoy mong babalik? Gayung maging noong una pa man ay hindi na ninyo pinaniwalaan na ang Emmanuel ay isinilang ng Birhen at ang pangalan ng bata ay Jesus at ang pangalan ng nagsilang ay Maria?

Samakatuwid, ang makakakilala o makalakita o dadatnan ng salitang ito: "Second Coming" ay yaong totoong Maka-Cristo, mga taong naniwala na yung "Emmanuel ay isinilang ng Birhen" kaya walang karapatan ang ibang sekta na ipaliwanag ang mga bagay tungkol sa "Second Coming" sapagkat ibang "Kristo" ang kanilang nakilala. At tiyak na tiyak ako na "bulaang-Kristo" ang dala-dala nila.

At pang-huli po ay maliwanag sa aking pagbabasa (ng Biblia) tungkol dito (Second Coming) ay pinahihiwatig ng Panginoon ay ang "PAG-IINGAT AT PAGHAHANDA" at wala sa atin ang "PAGHAHAYAG" sapagkat ang "araw at oras" ay tanging ang AMA lamang ang nakakaalam.

Kaya ang tanong ko sa lahat: "Ang totoong Kristo ba ay dumating na sa iyo?

Salamat po.

***********
SALAMAT PO TATAY TONY ZURBITO.
MARAMING SALAMAT PO SA INYONG PAGBABASA.
PLS. LIKE AND SHARE...
GOD BLESS YOU ALL!

FOR MORE: KINDLY LIKE www.facebook.com/kuyaadviserpublicfigure

4 comments:

  1. Salamat po sa katotohanan...I am very inspire God BLess us All..

    ReplyDelete
  2. Wag niyo pong i judge kaming mga born again.. maari po na mali yung itinuturo namin pero hanggat wala pa pong nang yayaring raptured wag niyo po kaming huhusgahan baka magulat nalang kayo bigla na totoo at na raptured na kayo... Nakaka hurt lang po kasing isipin na baluktot ang mga itinuturo namin.. tandaan niyo may kasalanan din yung katoliko dahil may sinuway kayo sa ten commandments of Gods sumasamba kayo sa mga rebulto parang sila yung sinasamba ninyo kesa sa tunay na diyos.. gawa pang naman sila sa kahoy diba... Kung ano man ang himalang ng yayari hindi yun galing sa anumang rebulto kundi galing yun sa diyos..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Makapagsabi ka ng hindi eh judge eh nang judge ka nga, hindi po kamisumasamba sa rebulto kami na nagsasabi, sinong matinong tao na sasamba sa rebulto? Kami na nagsasabi huwag na kayo mag akusa

      Delete
  3. Kawawa ka naman,nagbatay kalang din sa kwento kwento ng tao bulag din na kagaya mo, pagkaka alam ko aty walang maliligtas na taong katoliko na aabutan ni Cristo(Mateo7:21-23, Apoc.21:)

    ReplyDelete

Click here

Click here
Facebook Apologetic Fanpage