MARIA, INA NG DIYOS (THEOTOKOS)
.
.
.
.
.
BY: Kuya adviser CFD
ISA ITO SA KALIMITAN AT MAINIT NA IBINABATIKOS NG MGA SULPOT NA RELIHIYON.. O' MGA 90's CHURCH
MARAMING NALIGAW NA KATOLIKO DAHIL SA MALING PAGKAKAUNAWA NG PAGKA INA NG DIYOS NI MARIA..
MARAMING IBANG SEKTA AT Ex-CATHOLICS NA NAGTATANONG
"paano naging ina ng Diyos si Maria, eh wala pa ang sanlibutan meron ng Diyos?? Ibig sabihin mas nauna pa at mataas si Maria kaysa sa Diyos?"
MAY POINT NGA NAMAN SILA.. :) SA MGA HINDI NAKAKAUNAWA, TALAGANG GANYAN ANG KANILANG INIISIP.. KUNG SI MARIA AY INA NG DIYOS.. LALABAS DAW SI MARIA ANG LUMALANG SA DIYOS NA LUMIKHA NG SANLIBUTAN :) HE HE HE!
AT ISA SA UMUSIG AT HUMUSGA SA DOKRTINA NATIN PATUNGKOL SA THEOTOKOS O' PAGIGING "MOTHER OF GOD" NI MARIA AY SI "NESTORIUS"
SI NESTORIUS AY ISANG ARCHBISHOP SA "CONSTANTINOPLE"..
ISANG EREHE TUMUTUTOL SA PANINIWALANG KATOLIKO PATUNGKOL SA THEOTOKOS
DAHIL SI MARIA DAW AY "INA NI KRISTO" AT HINDI "INA NG DIYOS" :)
AT DAHIL DITO LALONG NAGING MAINGAY ITO.. AT MARAMING PROTESTANTE ANG PILIT ITONG IBINABATIKOS SA ATIN..
KAYA NAMAN .. NAGKAROON NG ISANG MEETING NOON O' ISANG PAG PUPULONG SA EFESO.. NA SA NGAYON AY "TURKEY"
ITO ANG "COUNCIL OF EPHESUS" NOONG 431 AD..
AT ITO'Y MASUSI NILANG PINAGUSAPAN AT MASINSINANG PINAGARALAN NG MGA OBISPO..
SA PAG PUPULONG NA IYON AY NILINAW AT PINAGTIBAY NG MGA OBISPO SA MGA TAO NA SI MARIA AY TALAGANG "MOTHER OF GOD" :)
AT ITO'Y TAAS NOONG TININDIGAN NG SANTA IGLESIA ANG TITOLO NI MARIA NA "MOTHER OF GOD"
SADYANG HINDI LANG TALAGA NAUUNAWAAN NG MGA PROTESTANTE AT HERETIKO ANG "MOTHER OF GOD" :)
NGUNIT ANO NGA BA ANG TOTOO SA PANINIWALA NATING MGA KATOLIKO PATUNGKOL DITO ?? AT DITO AY LILINAWIN NATIN :) ANO BIBLICAL BASIS NA PABORITO NG IBANG SEKTA.. SAAN BA MABABASA YAN??
************
ANG DOKTRINA NG ATING SANTA IGLESIA PATUNGKOL DITO... AY PANINIWALA NA NG MGA UNANG KRISTIANO BAGO PA ITO GAWING GANAP AT OPISYAL NA "DOGMA"
MERON NA PONG BUMABANGIT KAY MARIA NA "MOTHER OF GOD"
AT MERON NA PO TAYONG GANYANG DASAL NOON PA MAN..
ITO AT ANG "SUB TUUM PRAESIDIUM"
SA GREEK PO AY ITO AY "Ὑπὸ τὴν σὴν εὐσπλαγχνίαν;"
"Sub tuum praesidium ,confugimus,
Sancta Dei Genetrix. ,Nostras deprecationes ne despicias
in necessitatibus nostris, sed a periculis cunctis libera nos semper,
Virgo gloriosa et benedicta"
SA INGLES AY
Under thy protection ,we seek refuge,
Holy Mother of God; despise not our petitions
in our needs, but from all dangers
deliver us always, Virgin Glorious and Blessed"
KAYA NGAYON LILINAWIN NATIN KUNG BAKIT KINIKILALA SI MARIA NOON HANGANG NGAYON NA "INA NG DIYOS"
************************************
UNA PO SA LAHAT
SI MARIA PO AY HINDI INA NG "DIYOS AMA" :)
KUNG GANYAN ANG UNAWA NATIN SA PAGIGING MOTHER OF GOD NIYA... LALABAS ANAK NIYA ANG AMA AT SI KRISTO AY APO NA NI MARIA HE HE HE!
KAYA NILILINAW KO PO NA SI MARIA AY "HINDI INA" NA MAS NAKAKATAAS SA DIYOS AMA AT HINDI NAKAKATAAS SA SANTATLO..
AT SI MARIA AY HINDI PO INA O' INA NA MAS NAKAKATAAS SA PAGIGING DIYOS NI KRISTO.. :)
DAHIL SI KRISTO AY EXISTED NA.. SI KRISTO AY NASA PASIMULA NA ..
DAHIL WALA PA MAN SI MARIA AT ANG SANLIBUTAN AY NANDOON NA SI KRISTO
JOHN 8:58
"Bago pa ipanganak si Abraham, AKO AY AKO NA!"
EH KUNG SA NINUNO NIYANG SI ABRAHAM PA LANG AY EXISTED NA SIYA.. WHAT MORE KAY MARIA ?? :)
WALA PANG ABRAHAM NA UMIIRAL SA GENESIS SI KRISTO AY SI KRISTO NA .. NA KASAMA NG AMA SA PASIMULA AT SILA AY IISA :)
KUNG WALA SI KRISTO.. WALANG NALIKHANG BAGAY.. DAHIL SI KRISTO ANG KARUNUNGAN NG AMA, ANG KAPANGYARIHAN NG AMA AT IISA NG AMA :)
JOHN 1:1,14
"ng pasimula ay nandoon na ang SALITA, ang salita ay KASAMA ng Diyos at ang SALITA AY DIYOS"
14 - At ang SALITA ay naging LAMAN (tao)
JOHN 1:3
"Nilikha ang lahat ng bagay sa PAMAMAGITAN NIYA (jesus), at WALANG ANUMANG NALIKHA nang hindi sa pamamagitan niya."
1 CORINTHIANS 1:24
"si Cristo ang KAPANGYARIHAN ng Dios, at ang KARUNUNGAN ng Dios."
MALINAW NA SI KRISTO AY NASA PASIMULA NA AT SIYA AY TUNAY NA DIYOS, NA IISA NG AMA AT UMIIRAL NA SA PASIMULA
KAYA SI MARIA PO AY HINDI INA O' INA NA MAS NAKAKATAAS SA PAGIGING DIYOS NI KRISTO :)
DAHIL ANG "SALITA" NA SIYANG SI KRISTO AY UMIIRAL NA SA PASIMULA .. AT ANG SALITANG IYON AY TOTOONG DIYOS -- JOHN 1:1
"at ang SALITA ay DIYOS"
PERO SA PAMAMAGITAN NI BIRHENG MARIA ANG SALITA AY "NAGKATAWANG TAO" -- JOHN 1:14
"ang SALITA ay naging LAMAN"
AT DITO PAPASOK ANG TITOLO NI MARIA BILANG "INA NG DIYOS"
BAKIT INA NG DIYOS ??
DAHIL ANG PINAGLILIHI NIYA AY TUNAY NA DIYOS ! :) THE SECOND PERSON OF THE TRINITY O' ANG "WORD OF GOD" NA NAGING LAMAN..SI KRISTO
ANG ISANG DIYOS AY PUMASOK SA SINAPUPUNAN NI MARIA AT NAGKATAWANG TAO.. KAYA ITO AY NAGING INA NG DIYOS :)
INUULIT KO.. HINDI INA O' INA NA MAS NAKAKATAAS SA PAGIGING DIYOS NI KRISTO :)
KUNDI ISANG INA AS A "GOD-BEARER" SI MARIA NA SIYANG NAG DALA SA SINAPUPUNAN NIYA NG ISANG KRISTO NA TUNAY NA DIYOS.. NA SINASAMBA NG MGA TAO.. KAYA ITO AY "MOTHER OF GOD"
KAYA YUNG PINAG LILIHI NI MARIA AY "TUNAY NA DIYOS"
KAYA NG NAGKATAWANG TAO ANG "SALITA" NA SI HESUS.. ITO AY TINAWAG NA "SON" :) O' ANAK NG AMA
KAYA SI HESUS AY TOTOONG TAO AT TOTOONG DIYOS
DAHIL YUNG AMA NIYA AY DIYOS .. KAYA SI KRISTO AY DIYOS DIN
HINDI NAMAN PWEDE.. FOR EXAMPLE
ANG ISANG BABOY MANGANAK NG ISANG TUTA :)
KUNG ANO ANG PUNO ITO RIN ANG BUNGA.. :)
PERO DAHIL TAO SI MARIA.. DUMAAN SIYA KAY MARIA.. KAY MARIA KINUHA ANG LAMAN O' YUNG.. DNA.. MGA GENE.. DUGO NI HESUS AS A HUMAN ..NA KANYANG GINAMIT DITO SA SANLIBUTAN PARA MAGKATAWANG TAO AT IPANG TUBOS SA SANGKATAUHAN
YUNG LAMAN LANG ANG KINUHA KAY MARIA.. HINDI YUNG PAGKA DIYOS NI KRISTO
SO KUNG TAO SI MARIA.. ANO SI HESUS??..KAYA ITO AY TAO RIN :)
KAYA ANG PANGINOONG HESUS AY TOTOONG TAO AT TOTOONG DIYOS..
SA KATAYUAN NG BILANG ISANG "PAGKAKATAWANG TAO" SI KRISTO AY NAKAKARANAS NG:
-NAGUGUTOM
-UMIIYAK
-TUMATAWA
-NAGAGALAK
-NATATAKOT
-NAGAGALIT
-NAKAKARAMDAM NG PHYSICAL PAIN
-DUMAAN DIN SA PAGKABATA AT TUMATANDA
-NAG DADASAL
-TINUTUKSO NI SATANAS
ETC...
PERO SA KATAYUAN NIYA BILANG "TUNAY DIYOS" SI KRISTO AY
-BUMUBUHAY NG PATAY
-NAGPAPALAKAD NG LUMPO
-MAG PAKAIN NG LIBO LIBO
-KAYA GAWING ALAK ANG TUBIG
-PINAPAGALING LAHAT ANG MAY SAKIT
-LUMALAKAD SA DAGAT
-NAGPAPATIGIL NG BAGYO
-KUMAKAUSAP SA PATAY O' KALULUWA NG YUMAO
-OMNIPOTENT (MAKAPANGYARIHAN, ALL POWERS)
-OMNISCIENT (ALL KNOWING)
-KAYA TUMAWAG NG ANGHEL
-KAYA NIYA MAGPADALA NG TAO SA PARAISO
-UMAKYAT BABA.. AKYAT BABA SA LANGIT
-BUHAYIN ANG SARILI
-HINDI NADADAIG NI SATANAS O' TUKSO
-THE AUTHOR OF LIFE (KUNG WALA SIYA WALANG BUHAY) Acts 3:15
-OMNIPRESENT (NASA LAHAT NG DAKO)
MATEO 18:20
Ito ay sapagkat kung saan ang dalawa o tatlo ay nagkakatipon sa aking pangalan, naroon ako sa kanilang kalagitnaan.
-CREATOR O'
LUMILIKHA NG PARTE NG KATAWAN (TENGA, MATA, KATAWAN ETC.)
JOHN 9:6 (kumuha siya ng alabok o' putik at pinahid sa mukha at nagkaroon ng paningin ang taong pinanganak ng walang mata)
AT MADAMI PANG IBA.. :) KAYA SI KRISTO AY TOTOONG DIYOS AT TOTOONG TAO
HINDI KATULAD NG IBANG SEKTA NA .. NA TAO LANG DAW! AT ANG SUGO NILA AY ANGHEL .. MAS MATAAS PA SA TAO :)
INGAT KAYO SA MGA GANYANG ARAL..
HINDI TAO LANG.. EH DIYOS NGA ANG PINAGMULAN NIYA EH! SALITA NG DIYOS YON! :)
MALINAW SA TALATA! NA ANG SALITA AY DIYOS!! DIYOS ANG SALITA ! NASA PASIMULA NA, AT IISA LANG SILA NG DIYOS :) WALANG NALIKA KUNG WALANG SALITA :) BAWAT LIKHA.. GINAMITAN NG HESUS O' SIYANG SALITA, KARUNUNGAN AT KAPANGYARIHAN NG DIYOS
JOHN 1:1
ANG SALITA AY KASAMA NG DIYOS SA PASIMULA, AT ANG SALITA AT DIYOS"
JOHN 1:3
"Nilikha ang lahat ng bagay sa PAMAMAGITAN NIYA (jesus), at WALANG ANUMANG NALIKHA nang hindi sa pamamagitan niya."
KAYA PO ANG NAGSASALITA SA OLD TESTAMENT AY SI KRISTO DIN..
ISAIAH 43:10
"Kayo’y aking mga saksi, SABI NG PANGINOON"
FIRST LINE: “Sabi ng Panginoon…” SINO ANG PANGINOON NA IYAN?
ITO PO AY SI HESU-CRISTO :)
FILIPOS 2:11
"At upang ipahayag ng lahat ng mga dila na si Jesucristo AY PANGINOON"
1 Corinthians 8:6
"there is but ONE LORD JESUS CHRIST, through whom ALL THINGS CAME and through whom WE LIVE."
AYAN KITANG KITA.. NA SI KRISTO ANG TANGING DIYOS.. SA KANYA DIN NAG MULA ANG LAHAT.. KAYA ANG LORD NA NAGSASALITA SA OLDTESTAMENT AY HIDNI LANG ANG AMA.. KUNDI PATI SI HESU-CRISTO :)
Ephesians 4:5
"one Lord, one faith, one baptism"
KAYA ANG SANTA IGLESIA.. KUMIKILALA SA IISANG PANANAMPALATAYA PATUNGKOL PAGIGING IISANG DIYOS NG AMA AT ANAK.. :)
ITO AY ARAL NA NOONG UNA.. HINDI 1914 NABUO HE HE HE! :)
KAYA PO KAPAG TINANONG NINYO SI HESUS KUNG SINO SIYA..
ANG ISASAGOT NIYA AY "I AM" O' "AKO AY AKO NGA" -- JOHN 8:58
NA SINABI NG DIYOS AMA SA LUMANG TIPAN.. TINANONG NI MOSES ANG PANGALAN NITO AT SINABI NIYA AY "I AM" O' "I AM WHO AM"
NA BINIBIGKAS NATIN SA ORIGINAL NA SALIN AS "YHWH" O' "YAHWEH"
KAYA HINDI NIYO PWEDE ITANGI NA SI KRISTO AY TOTOONG DIYOS! :)
DAHIL KALAPASTANGANAN PO NOONG PANAHON PO NI KRISTO.. ANG PAGPAPANGGAP NA KAPANTAY NG DIYOS.. PERO SI KRISTO PINAPATUNAYAN NIYA KUNG SINO SIYA
KAYA NAMAN SI MARIA AY NAG DALA NG ISANG TOTOONG DIYOS O' YUNG SECOND PERSON OF THE TRINITY NA SI HESUS.. KAYA SIYA AY KILALA NG MGA KRISTIANO BILANG "INA NG DIYOS" HINDI BILANG NAKAKATAAS SA DIYOS PERO BILANG TAGAPAG DALA NG DIYOS O' GOD-BEARER DAHIL SA KANYANG SINAPUPUNAN AY DINALA NIYA ANG ISANG HESUS NA TUNAY NA DIYOS.. ANG DINALA NIYA AY ANG THE SECOND PERSON OF THE TRINITY.. SI HESUS PO :)
**********BANAL NA KASULATAN*****
SAAN BA MABABASA ANG "INA NG DIYOS" O' "INA NG ATING PANGINOON"
IYAN PO ANG BUKANG BIBIG NG PROTESTANENG SOLA SCRIPTURA HE HE HE!
ITO PO AT ATING BASAHIN SA LUCAS 1:43
LUCAS 1:43
"Papaano nangyari ito sa akin na ang INA NG AKING PANGINOON ay pumunta sa akin?"
SA INGLES AY
LUKE 1:43
"and whence is this to me, that the MOTHER OF MY LORD should come to me?"
ANG NAGSASALITA PO SA TALATA AY SI SANTA ELISABETH :) LUBOS NIYANG PINURI AT NAGALAK DAHIL SA BIRHENG MARIA
"SINO AKO, PARA DALAWIN NG INA NG AKING PANGINOON"
DAHIL SA LOOB NI SANTA ELISABETH.. HINDI SIYA KARAPAT DAPAT PARA DALAWIN NI BIRHENG MARIA.. :)
AT TINAWAG NIYA PANG INA NG "AKING" PANGINOON! :)
ITO AY KAGALAKAN AT EPIRITU NIYA ANG ANG UDYOK UPANG SABIHIN ITO :)
FOR SURE.. MAY MAG TATANONG:
"oh kuya adviser! ina ng Panginoon.. hindi naman sinabi na ina ng Diyos!"
SI SANTA ELISABETH PO AY ISANG HUDYO ! :)
ALAM KO PONG ALAM DIN NG IBANG PROTESTANTE NA ANG MGA HUDYO PO AY HINDI BUMABANGIT NG PANGALAN NG "DIYOS" O' "YAHWEH"
DAHIL LALABAG SA KAUTUSAN ANG BUMANGIT NG PANGALAN NG DIYOS ..
KAYA BILANG SUBSTITUTE SA WORD NA DIYOS O' KAY YAHWEH.. BINUO NILA ANG WORD NA "ADONAI" KAPAG TRINANSLATE MO AY YUNG WORD NA "LORD" KAYA YUN ANG DAHIL KUNG BAKIT MERON TAYONG "LORD"
KAYA KAPAG BINIBIGKAS NG HUDYO ANG WORD NA LORD SA OLD TESTAMENT..
DIYOS ANG TINUTUNGKULAN NILA.. O' SI YAHWEH ! :)
KAHIT NGA HANGANG NGAYON.. HINDI TAYO NAKAKASIGURADO KUNG "YAHWEH" BA TALAGA ANG PAG PRONOUCE NG "YHWH" .. NA WALANG VOWELS..KAYA ITO AY NILALAGYAN LANG NATIN NG LETTER NA "A" AT "E" PARA MABIGKAS NA "YAHWEH"
DAHIL ISANG BESES LANG ITO BINABANGIT SA ISANG TAON.. NOON SA TEMPLO.. AT ANG BUMABANGIT LANG NITO AY ANG HIGH PRIEST SA TEMPLO.. GANUN KA SAGRADO ANG PANGALAN NG DIYOS NOON SA PANAHON NG MGA HUDYO.. LALABAG KA SA KAUTUSAN KAPAG BINIGKAS MO ITO
KUNG HINDI PO KAYO NANINIWALA.. MAS MABUTING MAG TANONG KAYO SA HUDYO :) HE HE HE!
ITO PO: http://en.wikipedia.org/wiki/Yahweh
MISMONG HUDYO ANG MAG PAPATOTOO SA INYO
http://judaism.about.com/od/judaismbasics/a/Why-Do-Some-Jews-Spell-God-G-D.htm
AT SA LIBROAT ITO PA PO
http://www.bibliotecapleyades.net/biblianazar/esp_biblianazar_jehovah04.htm
NA ANG SINASABI KO PO AY HINDI KO IMBENTO :)
ANG WORD NA "LORD" AY GINAGAMIT NILA AS SUBSTITUTE SA PANGALAN NG "DIYOS" O' "GOD"
KAYA ANG DIYOS AY TINATAWAG NILA NA "LORD" O' "ADONAI"
SA PANAHON NATIN.. HINDI NA MAHALAGA KUNG TAMA BA ANG PAG PRONOUNCE NATIN ITO, HINDI TAYO NAKAKASIGURADO KUNG "YAHWEH" BA TALAGA.. PERO ANG MAHALAGA ANG DIYOS ANG TINUTUKOY NATIN :)
KAYA SI SANTA ELISABETH PO NA TUMAWAG KAY MARIA NA "MOTHER OF MY LORD" ISA LANG TINUTUKOY NIYA.. ANG KATUMBAS AY "MOTHER OF MY GOD" O' PAGIGING "INA NG DIYOS" NI MARIA..
KAYA SI KRITO PO AY TINATAWAG NG HUDYO NA KUMIKILALA SA KANYA NA "ADONAI" O' PANGINOON.. NA ANG IBIGSABIHIN AY "DIYOS"
KAYA MALINAW NA ANG GUSTO LANG PATUNGKULAN NI SANTA ELISABETH.. ITO AY
"MOTHER OF MY GOD" O' "INA NG AKING DIYOS!" :)
KAYA ANG MGA APOSTOL AY TUMATAWAG KAY KRISTO BILANG "DIYOS"
2 PETER 1:1
Simon Peter, a servant and apostle of JESUS CHRIST, To those who through the righteousness of OUR GOD and SAVIOT Jesus Christ"
JOHN 20:28
"Thomas said to him, "MY LORD and MY GOD!""
TITUS 2:13
"the appearing of the glory of our GREAT GOD and SAVIOR, Jesus Christ"
KAYA SI MARIA PO AY "INA DIN NG ATING PANGINOON" O' INA NG ATING DIYOS".. MARAPAT LANG SIYANG TAWAGING "INA NG DIYOS" AMEN !?? :)
--> LOGIC:
SI HESUS AY DIYOS
AT SI MARIA AY INA NI HESUS
SAMAKATUWID SI MARIA AY INA NG DIYOS :)
***************************
www.facebook.com/kuyaadviserpublicfigure
KINDLY LIKE THIS PAGE ↑↑↑
FOR MORE CATHOLIC APOLOGETICS
SPREAD THE TRUTH (y) (y) (y)
Sa dogmang ito Ina ng Dios si Maria dahil ipinanganak niya si Jesus, pero di kasama Dios Ama.
ReplyDeleteSa Trinidad: ang Ama at ang Anak ay iisa? He he he ka rin :)
Nasaan na ang Check and balance sa aral ninyo kasi sa Bibliya mayroon po nito o ganitong prinsipyo.
Nakakapagtaka lang, bakit iginigiit ninyo na ina ng Dios si Maria, kabawasan ba kay Maria na tawagin siyang " Ina ni Hesu- Kristo sa laman"? Kabawasan ba yun, masyadong mahaba, hindi naayon sa bibliya? He he he kapatid :) Sana maunawaan mo kapatid kung ano at sino ang ipinagtatangol mo.