Maria - Hindi ba tinuturing ni Cristo na "ina" ?
SAGOT SA MGA SEKTANG SULPOT NA NAGSASABING HINDI INAANGKIN NI JESUS SI MARIA BILANG INA
.
.
BY: Kuya Adviser CFD
MADALAS PO BUKAMBIBIG NG MGA SEKTANG SULPOT PARTIKULAR NA ANG MGA SEKTANG
BORN AGAIN (Evangelicals)
IGLESIA NI CRISTO- 1914 (Felix Manalo)
IGLESYA NG DIYOS/MCGI- ADD (Eliseo Soriano)
NA SI MARIA UMANO AY HINDI INANGKIN NI JESUS NA KANYANG INA.
KAYA NAGPADALA PO NG TANONG ANG ISA NATING TAGASUBAYBAY:
"Kuya Adviser, sabi po ng mga ibang sekta hindi daw inamin ni Jesus na ina niya si Maria?"
****
KUNG ATIN PONG SUSURIIN ANG KATWIRAN NG MGA ANTI KATOLIKO, SA PAGSASABI NILA NA SI JESUS AY HINDI AMINADO NA SI MARIA AY INA NIYA DAHIL HINDI NIYA RAW ITO TINATAWAG NA "Nanay" BAGKUS TINAWAG LAMANG NA "Babae",
MAKIKITA NATIN NA ANG JESUS NA KINIKILALA NG MGA SEKTANG SULPOT NA ITO AY ISANG ANAK NA WALANG MODO AT WALANG GALANG SA KANYANG INA. :)
UNANG TANONG:
Bakit BABAE ang tawag ni Jesus sa kanyang ina?
SAGOT:
Pagpapakita po ito na si Maria ang BABAE, na katuparan sa salita ng Diyos mula sa Lumang Tipan:
GENESIS 3:15
At papagaalitin ko ikaw at ang BABAE, at ang iyong binhi at ang kaniyang binhi: ito ang dudurog ng iyong ulo, at ikaw ang dudurog ng kaniyang sakong.
*****
AT GINAMIT PA NILA ANG TALATA NG LUCAS 11:27-28,
NA PARA SA KANILA AY TUWIRAN UMANONG HINDI PAG-AMIN NI JESUS KAY MARIA NA SIYANG NAGSILANG SA KANYA.
ATIN PONG TUNGHAYAN:
LUCAS 11:27-28
27- Habang nagsasalita si Jesus, may isang babaing sumigaw mula sa karamihan, “MAPALAD ANG BABAENG NAGBUNTIS AT NAG-ALAGA SA IYO.”
28- Ngunit sumagot siya, “HIGIT NA MAPALAD ANG MGA NAKIKINIG SA SALITA NG DIYOS AT TUMUTUPAD NITO!”
AYAN PO...
AYUN SA MGA ANTI KATOLIKO NA MAINIT ANG ULO KAY MARIA, ANG TALATANG ITO RAW AY MATIBAY NA PATUNAY NA HINDI INAAMIN NI CRISTO NA ANG NAGBUNTIS AT NAG-ALAGA SA KANYA AY ANG MAPALAD NA BIRHENG MARIA (Blessed Virgin Mary).
PINALALABAS PO NG MGA ANTI KATOLIKO AT SEKTANG SULPOT NA ITO NA SI CRISTO AY ISANG WALANG MODONG ANAK.
NA HINDI KUMIKILALA AT GUMAGALANG SA KANYANG INANG NAGLUWAL SA KANYA.
DITO PO NATIN MAKIKITA NA ANG CRISTONG KINIKILALA NG MGA SEKTANG ANTI KATOLIKO NA LABAN KAY MARIA AY ISANG CRISTONG HUWAD :)
DAHIL ANG TUNAY NA CRISTO AY MAGALANG AT MASUNURIN SA KANYANG AMA AT INA.
PARA PO MAUNAWAAN NATIN NG HUSTO, ATIN PONG SUSURIIN ANG TALATA NG LUCAS 11:27-28, NA GINAGAMIT NG MGA ANTI KATOLIKO NA PATUNAY SA KANILANG PARATANG AT BALUKTOT NA PANG-UNAWA NA SI MARIA AY HINDI INANGKIN NA INA NI JESUS.
LUCAS 11:27-28
27- Habang nagsasalita si Jesus, may isang babaing sumigaw mula sa karamihan, “MAPALAD ANG BABAENG NAGBUNTIS AT NAG-ALAGA SA IYO.”
28- Ngunit sumagot siya, “HIGIT NA MAPALAD ANG MGA NAKIKINIG SA SALITA NG DIYOS AT TUMUTUPAD NITO!”
DITO PO SA MGA PANANALITA NA ITO NI CRISTO, AY ISANG "Indirect" NA PAG-AMIN NIYA NA MAPALAD NGA ANG BABAE NA NAGBUNTIS AT NAG-ALAGA SA KANYA AT IYUN AY SI BIRHENG MARIA.
BAKIT "Indirect"?
DAHIL PO NOON, SA BAWAT PANGANGARAL NI CRISTO SIYA AY MADALAS GUMAGAMIT NG FIGURE OF SPEECH O KAYA MGA PARABULA. HINDI SIYA TUWIRANG NAGSASALITA NG MGA SALITANG DIREKTA ANG PAKAHULUGAN. :)
NGUNIT KUNG MAYROON TAYONG BUKAS NA KAISIPAN AT LIWANAG NG ESPIRITU SANTO, PARA MAKAUNAWA AT MAKAKUHA NG TAMANG MENSAHE NITO AY MAKIKITA PO NATIN NA...
---> UNANG-UNA NA TINUTUKOY NI JESUS NA MAS MAPALAD AY ANG INA NIYA MISMO NA SI MARIA!
PAPAANO AT BAKIT??
HINDI BA AT SI MARIA ANG PINAKAUNANG TAO NA TUMALIMA, SUMUNOD, AT TUMUPAD SA SALITA AT KALOOBAN NG DIYOS??
HINDI TAYO MAGKAKAROON NG ISANG CRISTONG TAGAPAGLIGTAS KUNG HINDI NAGING MASUNURIN ANG BABAENG ITO NA SI MARIA SA SALITA AT SA PLANO NG DIYOS!
ANO BA ANG ISINALITA NG DIYOS KAY MARIA SA PAMAMAGITAN NG KANYANG MENSAHERONG ANGHEL?
BASAHIN NATIN:
LUCAS 1:28-33
28 At pumasok siya sa kinaroroonan niya, at sinabi, Magalak ka, ikaw na totoong pinakamamahal, ang Panginoon ay sumasa iyo.
29 Datapuwa't siya'y totoong nagulumihanan sa sabing ito, at iniisip sa kaniyang sarili kung anong bati kaya ito.
30 At sinabi sa kaniya ng anghel, Huwag kang matakot, Maria: sapagka't nakasumpong ka ng biyaya sa Dios.
31 At narito, MAGLILIHI KA SA IYONG TIYAN, AT MANGANGANAK KA NG ISANG LALAKE, AT TATAWAGIN MO ANG KANIYANG PANGALANG JESUS.
32 SIYA'Y MAGING DAKILA, AT TATAWAGING ANAK NG KATAAS-TAASAN: AT SA KANYA'Y IBIBIGAY NG PANGINOONG DIOS ANG LUKLUKAN NI DAVID NA KANYANG AMA:
33 At siya'y maghahari sa angkan ni Jacob magpakailan man; at hindi magkakawakas ang kaniyang kaharian.
ANG MGA SALITA NA ITO NG DIYOS NA SINALITA NG ANGHEL AY IKINABIGLA NI MARIA SAPAGKAT SIYA AY BIRHEN.
PAPAANO SIYA MABUBUNTIS EH HINDI PA SIYA NAGALAW NG ISANG LALAKI?
LUCAS 1:34 (ANG BIBLIA)
At sinabi ni Maria sa anghel, Paanong mangyayari ito, sa ako'y hindi nakakakilala ng lalake?
LUCAS 1:34 (MBB)
“Paano pong mangyayari ito gayong ako'y isang birhen?” tanong ni Maria.
SUMAGOT MULI ANG ANGHEL:
LUCAS 1:35
Sumagot ang anghel, “SASAIYO ANG ESPIRITU SANTO AT MAPAPASAILALIM KA SA KAPANGYARIHAN NG KATAAS-TAASANG DIYOS. Dahil dito, ang ISISILANG MO'Y BANAL at TATAWAGING ANAK NG DIYOS.
ATIN PONG I CONSIDER ANG GANITONG SENARYO SA KASAYSAYAN NA ITO NG PAGTALIMA NI MARIA SA MGA SALITA AT PLANO NG DIYOS:
BIRUIN NINYO, ANG ISANG 14 NA TAONG BIRHENG BABAE AY MABUBUNTIS NG BIGLA BIGLA, NA NAKATAKDA PA NAMAN MAPAPANGASAWA NG ISANG LALAKING SI JOSE... HINDI BA'T ISANG MAHIRAP NA KALAGAYAN ITO?
ISA ITONG MALAKING KAHIHIYAN SA MGA MATA NG MGA JUDIO NOON NA MABUBUNTIS ANG ISANG BABAE NA HINDI PA INAASAWA.
AT LALONG MAHIRAP SA ISANG LALAKING TULAD NI JOSE NA MALAMANG BUNTIS ANG BABAENG AASAWAHIN NIYA SANA.
(Kaya nga ng malaman ni Jose na buntis si Maria ay pinaplano niyang hiwalayan ito ng lihim, ngunit gumawa ng paraan ang Diyos at kinausap si Jose sa kanyang panaginip)
(MATEO 1:19)
NGUNIT ANO ANG GINAWA NI MARIA?
WALANG DALAWANG ISIP, PAGKATAPOS IPINAALAM NG ANGHEL KAY MARIA ANG BAGAY NA MANGYAYARI,
TUMALIMA PO SI MARIA SA MGA SINALITA NG ANGHEL NA SIYANG PLANO NG DIYOS NA MANGYAYARI SA KANYA.
KAYA ANG SAGOT NI MARIA AY..??
LUCAS 1:38
At sinabi ni Maria, NARITO, ANG ALIPIN NG PANGINOON; MANGYARI SA AKIN ANG AYON SA IYONG MGA SALITA. At iniwan siya ng anghel.
KITAMS??
ITO PO ANG UNANG PINAMAHALAGANG BAHAGI SA SIMULA NG KASAYSAYAN NG ATING KALIGTASAN,
ANG PAGTALIMA AT PAGSUNOD NI MARIA SA SALITA NG DIYOS UPANG MAISAKATUPARAN ANG PLANO NG DIYOS NA MAISILANG ANG MANUNUBOS DITO SA MUNDO. AT MATUBOS NIYA TAYO!
NGAYON..
ANG TANONG...
"SINO ANG PINAKAUNANG TAO NA TUMALIMA AT TUMUPAD SA MGA SALITA NG DIYOS??
SAGOT:
WALA NG IBA KUNDI..
ANG BIRHENG BABAE NA SI MARIA!
AT ANO ANG SAGOT NI CRISTO SA BABAENG SUMISIGAW NA NAGSASABI KAY CRISTO NA
"MAPALAD ANG BABAENG NAGBUNTIS AT NAG-ALAGA SA KANYA?"
LUCAS 11:28
Ngunit sumagot siya, “HIGIT NA MAPALAD ANG MGA NAKIKINIG SA SALITA NG DIYOS AT TUMUTUPAD NITO!”
SI MARIA AY ANG PINAKAUNANG NAKIKINIG AT TUMUTUPAD SA SALITA NG DIYOS, KAYA MULA SA MGA SALITANG ITO AY PAG-AMIN NI JESUS NA:
"Opo! HIGIT ngang MAPALAD ANG BABAENG nagbuntis at nag-alaga sa akin sapagkat siya ang unang-unang tao na nakinig at tumupad sa mga salita ng aking Ama!"
KULANG NA LANG PO ITO ANG SASALITAIN NG PANGINOONG JESUS SA KANYANG PAGSASABI NG MGA SALITANG ITO SA TALATA NG LUCAS 11:28 :)
ISANG "Indirect" NA PAG-AMIN NA MAS MAPALAD NGA ANG KANYANG INANG SI MARIA SAPAGKAT NAKINIG ITO SA SALITA NG DIYOS AT SUMUNOD!
KAYA NGA PO... WALA NG IBANG BABAENG TATAWAGING "Mapalad at Pinagpala sa babaeng lahat (Blessed)",
SA LAHAT NG HENERASYON KUNDI SI BIRHENG MARIA LAMANG!
LUCAS 1:42
At sumigaw siya ng malakas na tinig, at sinabi, PINAGPALA KA SA MGA BABAE, at pinagpala ang bunga ng iyong tiyan.
LUCAS 1:48
Sapagka't nilingap niya ang kababaan ng kaniyang alipin. Sapagka't, NARITO, MULA NGAYON AY TATAWAGIN AKONG MAPALAD NG LAHAT NG MAGHAHALI-HALILING LAHI.
SA ENGLISH:
LUKE 1:42
And she spoke out with a loud voice, and said, BLESSED ARE YOU AMONG WOMEN, and blessed is the fruit of your womb.
Luke 1:48
For he has regarded the low estate of his handmaiden: for, BEHOLD, FROM HENCEFORTH ALL GENERATIONS SHALL CALL ME BLESSED.
KITA NIYO PO?? :)
MALINAW NA IPINAHIHIWATIG SA ATIN NG KATOTOHANAN MULA SA BANAL NA BIBLIYA NA TUNAY NA MAPALAD SA LAHAT NG BABAE ANG ISANG NAGBUNTIS AT NAG-ALAGA KAY JESUS CRISTO!
TUNAY NA MAPALAD ANG BABAENG ITO NA SIYANG PINAKAUNANG NAKINIG AT TUMUPAD SA MGA SALITA NG DIYOS KAYA NAISAKATUPARAN ANG PLANO NG DIYOS NA MATUBOS ANG MUNDO DAHIL ANG BABAENG ITO, AY SIYANG BAGONG EBA NA DUMATING NA KATUPARAN MULA RIN SA SALITA NG DIYOS SA LUMANG TIPAN:
GENESIS 3:15
At papagaalitin ko ikaw at ang BABAE, at ang iyong binhi at ANG KANIYANG BINHI: ITO ANG DUDUROG NG IYONG ULO, at ikaw ang dudurog ng kaniyang sakong.
SINO ANG DUDUROG SA ULO NI SATANAS NA AHAS??
SI CRISTO PO!
ANG BINHI NG BABAENG SI MARIA!
NGAYON NA NILILINAW NATIN ANG KATOTOHANANG ITO..,
MASASABI PA RIN KAYA NG MGA SEKTANG SULPOT NA SI MARIA AY HINDI INANGKIN NA INA NI CRISTO??
KAPAG SASABIHIN NILA NA "Oo, hindi talaga inangkin ni Cristo na ina niya si Maria"
IISA LAMANG PO ANG MALINAW NA PATUNAY SA KANILA... SILA AY KUMIKILALA SA ISANG HUWAD NA CRISTO NA SIYANG ISANG MALAKING PANLILINLANG NI SATANAS SA MGA TAO SA MUNDONG ITO.
MATEO 24:23
23 Kung magkagayon, kung may magsabi sa inyong sinomang tao, Narito ang Cristo, o, Nariyan; huwag ninyong paniwalaan.
*****
PARA PO SA MGA TAONG NASA TUNAY NA KALIWANAGAN, NA MAY GABAY NG BANAL NA ESPIRITU, ANG SANTA IGLESIA KATOLIKA!
SI CRISTO AY UNANG UNA NG KUMIKILALA AT GUMAGALANG SA KANYANG MAHAL NA INA.
(Lucas 11:28)
SAPAGKAT SI CRISTO JESUS AY ISANG MAGALANG, MASUNURIN, AT MAPAGMAHAL NA ANAK NG KANYANG AMA (God)
AT KANYANG INA (Maria)
●--> PAGTUPAD NI JESUS SA KANYANG AMA:
JUAN 15:10
Kung tinutupad ninyo ang aking mga utos, ay magsisipanahan kayo sa aking pagibig; GAYA NG AKING PAGTUPAD SA MGA UTOS NG AKING AMA, at ako'y nananatili sa kaniyang pagibig.
●--> PAGTUPAD NI JESUS SA KANYANG INA:
(Juan 2:1-10)
JUAN 2:3-5, 7-8
3- Kinapos ng handang alak, kaya't sinabi ng ina ni Jesus sa kanya, “ANAK, NAUBUSAN SILA NG ALAK.”
4- Sinabi ni Jesus, “Huwag po ninyo akong pangunahan, Ginang. Hindi pa po ito ang tamang panahon.”
5- SINABI NG KANYANG INA sa mga naglilingkod, “GAWIN NINYO ANG ANUMANG SASABIHIN NIYA SA INYO.”
7- Sinabi ni Jesus sa mga tumutulong doon, “PUNUIN NINYO NG TUBIG ANG MGA BANGA.” At pinuno nga nila ang mga banga.
8- Pagkatapos, sinabi niya, “Kumuha kayo ng kaunti at dalhin ninyo sa namamahala ng handaan.”
Dinalhan nga nila ang namamahala ng handaan,
9- at tinikman nito ang tubig na naging alak.
Hindi niya alam kung saan nanggaling iyon, subalit alam ng mga sumalok ng tubig. Kaya't tinawag niya ang lalaking ikinasal
KITAMS??
AKALAIN PO NINYO? :)
HINDI PA TAKDANG ORAS NI JESUS UPANG MAGPAKITA NG KANYANG KAPANGYARIHAN :)
NGUNIT DAHIL SA UDYOK NG KANYANG INANG SI MARIA,
AY NAGAWA NI JESUS ANG PINAKAUNANG HIMALA NA NAIPAMALAS NIYA, :)
TURNING WATER INTO WINE. (Juan 2:1-10)
GANITO PO BA ANG GAWAIN NG ISANG ANAK NA AYON SA MGA SEKTANG SULPOT AY "hindi kumikilala kay Maria bilang ina niya?"
ANG SUMUNOD SA UTOS AT SALITA NG BABAENG SI MARIA?
NA AYON SA MGA SEKTANG SULPOT AY HINDI MAN LANG INANGKIN NI JESUS NA SIYANG KANYANG INA?
MALINAW PO, NA ANG CRISTO NG MGA SEKTANG SULPOT AY ISANG HUWAD AT WALANG MODO!
ANG CRISTONG KINIKILALA NAMAN NG SIMBAHANG KATOLIKO AY ANG CRISTO NA NAGMAMAHAL SA KANYANG INANG MARIA.
ANG CRISTONG TOTOO!
DAHIL SA PAGMAMAHAL NG TUNAY NA CRISTO SA KANYANG INANG MARIA,
NOONG SIYA AY NASA DAAN NG KANYANG KALBARYO PATUNGO SA KANYANG KAMATAYAN, INIHAHABILIN NIYA ANG KANYANG MAHAL NA INA SA KANYANG MINAMAHAL NA ALAGAD NA SI "JUAN".
JUAN19:25-27
25 Ang mga bagay ngang ito ay ginawa ng mga kawal. Datapuwa't NANGAKATAYO SA PILING NG KRUS NI JESUS ANG KANYANG INA, at ang kapatid ng kaniyang ina, na si Maria na asawa ni Cleopas, at si Maria Magdalena.
26 PAGKAKITA NGA NI JESUS SA KANYANG INA, at sa nakatayong alagad na kaniyang iniibig, ay SINABI NIYA SA KANYANG INA, BABAE, NARITO, ANG IYONG ANAK!
27 Nang magkagayo'y SINABI NIYA SA ALAGAD, NARITO, ANG IYONG INA!
At BUHAT NG MGA ORAS NA YAON AY TINANGGAP SIYA NG ALAGAD SA KANIYANG SARILING TAHANAN.
AYAN PO. :)
INIHABILIN NI JESUS ANG MINAMAHAL NIYANG INANG SI MARIA SA KANYANG MINAMAHAL NA ALAGAD NA SI JUAN.
ANG MGA SALITA RING ITO NI CRISTO NA PAGHAHABILIN SA KANYANG INA AY PARA MAGING INA RIN NG KANYANG MGA TAGASUNOD, ANG KANYANG SANTA IGLESIA
(Pahayag 12:17)
BAKIT KAY JUAN INIHABILIN SI MARIA NI CRISTO?
SAPAGKAT WALA NG IBANG MAG-AALAGA AT MAKAKASAMA ANG MAHAL NIYANG INA!
PATAY NA SI SAN JOSE NA KANYANG KABIYAK.
TAPOS SASABIHIN PA NG MGA SEKTANG SULPOT NA MAYROON PANG MGA ANAK SI MARIA MALIBAN KAY JESUS :)
KUNG GAYON BAKIT WALA SA KANILA INIHABILIN NI JESUS ANG INA NIYA?
BAKIT DOON PA KAY JUAN NIYA INIHAHABILIN KUNG MAYROON NAMAN PALA ITONG IBA PANG MGA ANAK NA BLOOD BROTHERS AND SISTER NI JESUS?
AYAN PO ANG BALUKTOT AT PALPAK NA PANG-UNAWA NG MGA TAONG WALA SA TAMANG LIWANAG NG KATOTOHANAN!
TANGING ANG SIMBAHANG KATOLIKO ANG MAKAKAPAG PALIWANAG NG MALINAW SA MGA BAGAY NA ITO, NA SIYANG TUNAY NA KATOTOHANAN, SAPAGKAT NARIRITO SA SIMBAHANG ITO IBINUHOS NG DIYOS KANYANG ANG MANG-AALIW!
ANG KANYANG ESPIRITU SANTO...
ANG ESPIRITU NG KATOTOHANAN!
GAWA 2:18
Oo't sa aking mga lingkod na lalake at sa aking mga lingkod na babae, sa mga araw na yaon IBUBUHOS KO ANG AKING ESPIRITU; at magsisipanghula sila.
JUAN 14:16-18
16 At ako'y dadalangin sa Ama, at kayo'y bibigyan niya ng ibang MANG-AALIW, UPANG SIYANG SUMA INYO MAGPAKAILAN MAN,
17 Sa makatuwid baga'y ang ESPIRITU NG KATOTOHANAN: na hindi matatanggap ng sanglibutan; sapagka't hindi nito siya nakikita, ni nakikilala man siya: SIYA'Y NAKIKILALA NINYO; sapagka't SIYA'Y TUMATAHAN SA INYO, AT SASA INYO.
18 HINDI KO KAYO IIWANG MAG-ISA: AKO'Y PARIRITO SA INYO.
KAYA ANG KATOTOHANAN AY NAKIKITA NG MGA TAONG NARIRITO SA TAMANG KAWAN NA PINAGBUHUSAN NG DIYOS NG KANYANG BANAL NA ESPIRITU.., DAHIL NARITO KATOTOHANAN, ANG BANAL NA ESPIRITU. ANG LIWANAG, NARITO SI CRISTO!
JUAN14:6
Sinabi sa kaniya ni JESUS, AKO ang daan, AT ANG KATOTOHANAN, at ang buhay: sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko.
ANG KATOTOHANANG ITO (Cristo)
AY NAGMAMAHAL AT GUMAGALANG SA KANYANG AMA AT INA!
GAYA NG INIUUTOS NG DIYOS!
MATEO 15:4
Sapagka't sinabi ng Dios, IGALANG MO ANG IYONG AMA AT ANG IYONG INA: at, Ang manungayaw sa ama at sa ina, ay mamatay siyang walang pagsala.
NGUNIT ANG CRISTONG HUWAD NA KINIKILALA NG MGA SEKTANG SULPOT AY WALANG GALANG SA KANYANG INA :)
DAHIL AYON SA MGA SEKTANG SULPOT NA ITO, ANG CRISTONG KILALA NILA AY HINDI KUMIKILALA KAY MARIA BILANG KANYANG INA!
MALINAW PA SA CRYSTAL CLEAR :)
KAYA MULA PO SA PANINIWALANG ITO NG MGA MYEMBRO NG IBA'T IBANG SEKTANG SULPOT NA ANTI-KATOLIKO,
MAKIKITA NATIN NA HINDI NILA NAMAMALAYAN NA ANG SINUSUNOD NA PALA NILANG AMA... AY ANG DIABLO! (Juan.8:44)
ANG AMA NG KASINUNGALINGAN AT KAHUWARAN!
HINDI PO NILA NAMAMALAYAN NA SA MGA GINAGAWA NILANG PANUNULIGSA SA "BABAE" NA SI MARIA,
SILA NA PALA ANG TINUTUKOY NA MGA
"binhi ng Ahas/Satanas". NA NAGKAKAALIT SA BABAE AT SA MGA NALALABI PANG BINHI NG BABAENG ITO.
GENESIS 3:15
At PAPAG-ALITIN KO IKAW (ahas) at ang babae, at ANG IYONG BINHI (Satanas)
at ang kaniyang binhi: ito ang dudurog ng iyong ulo, at ikaw ang dudurog ng kaniyang sakong.
MAYROONG MGA BINHI SI SATANAS!
AT ITO AY SIYANG MGA TUMUTULIGSA SA BABAE/MARIA NA KAAWAY NI SATANAS!
PAHAYAG 12:13
"At nang makita ng DRAGON na siya'y inihagis sa lupa, ay INUSIG NIYA ANG BABAENG NANGANAK NG SANGGOL NA LALAKE."
PAHAYAG 12:17
At NAGALIT ANG DRAGON SA BABAE, at UMALIS UPANG BUMAKA SA NALABI SA KANYANG BINHI, na siyang nagsisitupad ng mga utos ng Dios, at MGA MAY PATOTOO NI JESUS.
SINO ANG MGA NALALABING BINHI NA ITO NG BABAENG SI MARIA??
WALANG IBA KUNDI ANG SANTA IGLESIA NG KANYANG ANAK NA SI JESUS!
ANG MGA KAPATID NG KANYANG ANAK NA SI JESUS AT KANYA RING MGA ANAK (adopted children)
ANG SIMBAHANG KATOLIKO, ANG SIYA NGAYONG TINUTULIGSA, KINAKALABAN, PINARARATANGAN NG MGA KASINUNGALINGAN NI SATANAS AT KANYANG MGA BINHI NA NAGLILIPANA SA MUNDONG ITO.
AT ISA PO SA PABORITONG TULIGSAIN NG MGA NA BINHI NI SATANAS AY ANG MAHAL NA INA NA BIRHENG MARIA!
INA NI JESUS AT INA NG MGA KRISTIYANO!
AVE MARIA!!
HETO PO ANG KATOTOHANAN!
NAWA AY MAKAPAGPAGISING AT MAKAPAGPAMULAT SA MGA MATA NG MGA TAONG NASA KADILIMAN ANG PANG-UNAWA AT NASA KONTROL NG ANGHEL NG KADILIMAN ANG MGA KAISIPAN..
SA PANGALAN NI JESUS NA SIYANG KATOTOHANAN...SIYA NAWA...AMEN!
*****
MARAMING SALAMAT PO SA INYONG PAGBABASA. NAWA'Y NALIWANAGAN ANG LAHAT.
AD MAJOREM DEI GLORIAM!
LIKE AND SHARE (Y) (Y) (Y)
FOR MORE: KINDLY LIKE THIS PAGE
www.facebook.com/kuyaadviserpublicfigure
AND VISIT MY BLOG: www.kuyaadviser.blogspot.com
Subscribe to:
Posts (Atom)
No comments:
Post a Comment