Rosaryo - Paguulit ng Dasal

PAGUULIT NG DASAL

UNA LILINAWIN KO NA ANG "PAGDADASAL NG ROSARY" AY HINDI DOKTRINA NG ATING SIMBAHAN, KUNDI ISA ITONG DEBOSYON LUMAGANAP ANG DEBOSYON NOONG 800 AD.. PERO MASAMA NGA BA ULITIN ANG DASAL NITO ??

BATO NG IBANG SEKTA:

(Mateo 6:5-7)
"At sa pananalangin ninyo ay huwag ninyong gamitin ang walang kabuluhang paulitulit, na gaya ng ginagawa ng mga Gentil: sapagka't iniisip nilang dahil sa kanilang maraming kasasalita ay didinggin sila"

OK.. MALINAW PERO ANO ANG KAHULUGAN NG SINASABI SA ORIHINAL NA SALIN NG (MATEO 6:5-7) ANG PAULIT ULIT BA NA PAGPUPURI AY MASASABING VAIN ?? KELAN MAGIGING VAIN ANG ISANG DASAL ALAMIN NATIN.. PERO BAGO YAN.. HISTORY TAYO ABOUT PAGUULIT NG DASAL

BUHAY KASI SA PUSO NG MARAMING KATOLIKO NOON ANG SINASABI SA (ISAIAH 42:10)

"umawit kay yahweh ng isang bagong awit, ang kanyang papuri mula sa dulo ng daigdig."

NOONG PANAHON NA IYON AY PABORITONG DASALIN NG MGA TAO ANG SALMO O AWIT. ANG PARTIKULAR NA GUMAGAWA NITO AY ANG MGA NASA MONASTERYO SA EUROPA KUNG SAAN ARAW-ARAW INAWIT ANG 150 SALMO MULA SA BANAL NA KASULATAN.

ANG PROBLEMA NOON AY MARAMING TAO ANG HINDI MARUNONG MAGBASA. HINDI RIN LAGANAP ANG KOPYA NG BANAL NA KASULATAN NA NAPAKAMAHAL KUNG BIBILHIN NG ORDINARYONG TAO.

ISA PA, MAS ABALA ANG MGA TAO NOON SA PAGTATRABAHO SA BUKID KAYSA PAGPUNTA SA MONASTERYO O SIMBAHAN PARA MAKI-AWIT.

SO, ANO ANG GINAWA NG MGA KATOLIKO PARA MAKAPAGDASAL AT MAKAPURI PA RIN SILA SA DIYOS?

ANG GINAWA NILA AY NAGDASAL SILA NG "AMA NAMIN" BILANG KATUMBAS NG BAWAT SALMO NA INAAWIT SA MGA MONASTERYO.

ANG NANGYARI AY 150 NA SUNOD-SUNOD NA AMA NAMIN ANG DINADASAL NG MGA KATOLIKO NOON.

KAYA MAKIKITA NINYO NA NOON PA MAN AY USO NA ANG PAULIT-ULIT NA PANALANGIN AT PAPURI SA DIYOS.

DUMATING ANG PANAHON NA NAGPUPURI NA SILA NANG HIWALAY SA GINAGAWA SA MGA MONASTERYO. INUULIT-ULIT LANG NILA ANG 150 AMA NAMIN.

PERO KUNG NGAYON AY GUMAGAMIT TAYO NG ROSARYO, NOON AY GUMAMIT SILA NG 150 MALILIIT NA BATO. ANG IBA AY GUMAMIT NG TALI NA MAY 150 BUHOL PARA MATIYAK NA NAKUMPLETO NILA ANG 150 AMA NAMIN. MAY ULAT NA ANG ILAN AY AVE MARIA, O HAIL MARY, ANG DANASAL.

SA ISANG TINGIN AY MAS MARAMING DASAL ANG PARA KAY MARIA SA LOOB NG ROSARYO. PERO KUNG SUSURIIN NATIN AY MAKIKITA NATIN ANG DAHILAN PARA RITO.

SABI NGA NATIN ANG ROSARYO AY PAGNINILAY O MEDITATION SA BUHAY NI HESUS. ITO AY GINAGAWA HABANG INULIT-ULIT ANG HAIL MARY.

KUMBAGA, ANG MGA LABI NG ISANG NAGRO-ROSARYO AY KAY MARIA PERO ANG PUSO AT ISIP NIYA AY NAKATUTOK KAY HESUS.

SA PAMAMAGITAN NG 10 HAIL MARY AY NABIBIGYAN NG PANTAY AT SAPAT NA PANAHON PARA SA PAGME-MEDITATE SA BAWAT MISTERYO SA BUHAY NG PANGINOON.

SA PAMAMAGITAN NI MARIA BINIGAY ANG ISANG HESUS, TUWING BINIBIGKAS NATIN ANG SINABI NG ANGHEL NA "MARIA NAPUPNO KA NG GRASYA ANG PANGINOONG DIYOS AY SUMASAIYO"

INAALALA NATIN ANG PANGYAYARING PAGPARITO NG ATING TAGAPAGLIGTAS AT ATING PANGINOON


****************************************
SI HESUS BA UMILIT NG DASAL ? AT ANG MAY PAGUULIT BA NG DASAL SA BIBLIYA ?

GANITO ANG SINASABI NG TALATA, KUNG SAAN ITO ANG BINABATO SA MGA KATOLIKO, PERO HINDI NILA ALAM ANG SINASABI PATUNGKOL DITO.. BASA

"at kung kayo ay magdarasal, huwag kayong dumaldal na parang mga pagano na nag-iisip na sila ay maririnig sa pamamagitan ng kanilang maraming salita."

SA MGA GUMAGAMIT NG KING JAMES VERSION (KJV) O ANG MAGANDANG BALITA BIBLIYA (MBB), ANG MABABASA NILA SA TALATANG ITO AY "AT KUNG KAYO AY MAGDARASAL, HUWAG KAYONG GUMAMIT NG WALANG KABULUHANG PAULIT-ULIT NA MGA PANALANGIN TULAD NG MGA HENTIL..."

KUNG PAPANSININ NINYO AY MAGKAIBA ANG SALIN.

ANG UNA AY GALING SA NEW INTERNATIONAL VERSION (NIV) NA MAS KATIWA-TIWALANG SALIN KAYSA KJV O MBB NA MALI-MALI ANG TRANSLATION MULA SA ORIHINAL NA GRIEGO.

HETO ANG ISANG PATUNAY, SA ORIHINAL NA TALATA SA GRIEGO, ANG SALITA NA MAKIKITA SA TALATA AY "BATTOLOGEO" NA ANG IBIG SABIHIN AY "DUMALDAL" O GUMAMIT NG MARAMING SALITA NA WALANG KATUTURAN. ITO AY MAS MALAPIT SA SALIN NG NIV.

NGAYON, ANO ANG PUNTO? ANG PUNTO AY GINAGAMIT NG MGA KONTRA SA ROSARYO AT SA NOBENA ANG MALING SALIN NG BIBLIYA.

ANG ROSARYO AT NOBENA RAW ANG "WALANG KABULUHANG PAULIT-ULIT NA PANALANGIN" NA BINABANGGIT SA MALING TRANSLATION NG BIBLE.

TAMA BA ‘YON? KUNG MALI BA ANG TRANSLATION AY MAGIGING TAMA ANG PAGKAKAINTINDI AT ANG PANINIWALA NA MAGMUMULA RITO?

SIYEMPRE, MALI RIN. KAYA NGA MAY MGA TAO NA NALILIGAW SA PANINIWALA NA ANG ROSARYO AT NOBENA AY WALANG KATUTURANG PAULIT-ULIT NA DASAL.

KUNG PUPUNAHIN NINYO, HINDI ANG PAULIT-ULIT NA DASAL ANG IPINAGBABAWAL KUNDI ANG MGA DASAL NA MARAMING SALITA ANG GINAGAMIT.

ISANG "KEY WORD" SA ORIHINAL NA GRIEGO NG (MATTEO 6:7) AY "POLYLOGIA." ANG IBIG SABIHIN NITO AY "POLY" O MARAMI AT ANG "LOGIA" AY SALITA. IN SHORT, "MARAMING SALITA."

SA ROSARYO AT NOBENA AY ILANG SALITA LANG ANG GINAGAMIT DAHIL INUULIT-ULIT ANG AMA NAMIN, ABA GINOONG MARIA AT ANG LUWALHATI.

*******************************
MGA DASAL NG ROSARYO AT MGA PAGUULIT NG DASAL SA BIBLIYA..

ANG AMA NAMIN AY ANG MISMONG DASAL NA ITINURO NI HESUS SA MT 6:9-13.

MATEO 26:44 – TATLONG BESES INULIT NI HESUS ANG IISANG DASAL.. in the garden of Gethsemane, saying the exact same words again.

"'At muli niya silang iniwan, at umalis, at nanalangin bilang ikatlo, na sinabing muli ang gayon ding mga salita." MATEO 26:44

1 Thess. 5:17 – “MANALANGIN NG WALANG TIGIL”

Rev. 4:8 – HOLY! HOLY! HOLY!

Psalm 136 – PAULIT ULIT SINABI ANG " love endures forever

Dan. 3:35-66 – PAULIT ULIT BINANGIT ANG "Bless the Lord"

LUCAS 18:13
PAULIT ULIT KINAKABOG NG TAX COLLECTOR ANG KANYANG DIBDIB NG "AKO AY MAKASALANAN. KAAWAAN AKO NG DIYOS"

ROMA 1:9
SINABI NI PABLO NA LAGI NIYA PINAGDADASAL ANG MGA TAO, MEANS.. PAGUULIT NG DASAL

GAYUN DIN ANG MGA PROTESTANTE SA KANILANG WORSHIP PAULIT ULIT NILA KINAKANTA HALOS TUWING SABADO ANG IISANG WORDS NA "HALELUYA" O' "PRAISE THE LORD".. "PURIHIN ! PURIHIN! PURIHIN!"

**************************
ANG MGA SALITANG BINIBIGKAS NATIN PATUNGKOL KAY MARIA KATULAD NG "INA NG DIYOS".. "PINAGPALA SA LAHAT" ... "NAPUPUNO NG GRASYA" AY HINDI INIMBENTO KUNDI NAKASAAD DIN ITO SA BIBILIYA NA ANGHEL NG DIYOS PA ANG NAGSABI O' MENSAHERO NG DIYOS

"MARIA NAPUPUNO KA NG GRASYA ANG PANGINOONG DIYOS AY SUMASAIYO" (Luke 1:28)

BUKOD KANG PINAGPALA SA BABAENG LAHAT AT PINAGPALA NAMAN ANG IYONG ANAK NA SI HESUS (Luke 1:42)

SANTA MARIA (Ephesians 3:5. Mary is the PERFECT Apostle of Christ)

INA NG DIYOS (Luke 1:43)

IPANALANGIN MO KAMING MAKASALANAN, NGAYON AT KUNG KAMI MAMATAY (James 5:16, 19-20)
**********************************

PANGWAKAS: HINDI PINAGBAWAL ANG PAULIT ULIT NA PAGPUPURI SA DIYOS AT MALINAW NA ANG PINAGBAWAL AY WALANG KABULUHAN NA DASAL NA LUMALABAS LANG SA BIBIG AT WALANG KAHULUGAN.. GAYA NG SINASABI SA (Corinto 13:1)

"Kung magsalita ako ng mga wika ng mga tao o ng mga anghel at wala akong pag-ibig, ako ay parang tansong tumutunog o kumakalansing na pompiyang"

MEANS WALANG KABULUHAN AT USELESS DIBA? KUNG 1000 KA PA MAGDASAL KUNG HINDI NANGAGALING SA PAGMAMAHAL O PUSO AT KUNG SINASABI LANG NG BIBIG MO.. WALANG TALAGANG KABULUHAN

15 comments:

  1. 1 Corinto 10: 19 Anong ibig kong sabihin? Sinasabi ko bang ang diyus-diyosan, o ang pagkaing inihandog sa mga diyus-diyosan ay may kabuluhan? 20 Hindi! ANG IBIG KONG SABIHIN, ANG MGA PAGANO AY NAG-AALAY NG KANILANG HANDOG SA MGA DEMONYO, AT HINDI SA DIYOS. KAYA'T AYAW KONG MAGING KAISA KAYO NG MGA DEMONYO. 21 HINDI KAYO MAKAKAINOM NG SABAY SA KOPA NG PANGINOON AT SA KOPA NG MGA DEMONYO. HINDI RIN KAYO MAAARING MAKISALO NG SABAY SA HAPAG NG PANGINOON AT SA HAPAG NG MGA DEMONYO. 22 Nais ba nating manibugho ang Panginoon? Akala ba ninyo'y mas makapangyarihan tayo kaysa sa kanya?

    ReplyDelete
  2. Mateo 6:7
    “.. Huwag kayong manalangin nang paulit-ulit, na gaya ng ginagawa ng mga pagano. Akala
    nila’y diringgin sila dahil sa marami nilang salita. [New International Version]

    ReplyDelete
  3. may punto ka kuya, pag kumakanta para sa Dyos ay paulit ulit, posible nga na pati sa dasal ay pwede paulit ulit na dapat galing sa puso ang pagdarasal, saka masasabing may kabuluhan ang panalangin.

    ReplyDelete
  4. Mapanglinlang ang mga sagot mo... ?magkaiba ang pagkanta sa pagdadasal... ang pagdadasal anytime yan pwede mo baguhin kung ano nasa puso at isip mo..walang sukat.walang haba...nasa sayo yan..ang pagkanta iisa ang lyrics nyann..kung iba ang kanta natural iba ang mga salitang kakantahin... binabaligtad mo ang Bibliya kahit napaka linaw nito..iniinterpret mo sa mali... God Bless U

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ano ba ang ibig sabihin ng pagdadasal? Diba ito ay ang pagkausap sa Panginoon. Kung ang isang kanta ay patungkol sa Panginoon o pagkausap sa Panginoon o maaaring pagsamba sa Panginoon. Ito ay maiuuri natin bilang isang dasal. Kaya ang iyong sinasabi na ang pagkanta ay nalalayo sa pagdadasal ito ay mali. Ang pagkanta na may patungkol sa Diyos ay isang uri ng pagdadasal.

      Delete
  5. May God give you more time and wisdom to relay these messages in our own language.

    ReplyDelete
  6. Simple lang ang comment ko kung tama ang turo ng mga saserdote o pari noon sa mga tao dina siguro namatay sa crus ang ating mahal na panginoong Jesu-Cristo.

    ReplyDelete
  7. Bro. nakalimutan mo na sabihin ang psalters of mary pagkatapos na dasalin nila 150 pater noster at may mga deboto sa mahal na ina na ginawa nila ang 150 hail mary.

    ReplyDelete
  8. Bro. ang origin ng rosary at galing sa psalters of mary na dapat malaman ng mga deboto sa mahal na ina 2 dalawang sandata ang binigay niya sa atin ang 150 psalters of mary.

    ReplyDelete
  9. Dapat bang sambahin din si maria, si pedro, at iba pang mga rebulto ng yumao na nilagay sa simbahan

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mali amg salitang sambahin. Ang tamang term ay paghingi ng tulong kay Maria at pagtanaw sa mga santo. Hindi natin sila sinasamba. More on We honored them.

      Delete
  10. IPANALANGIN MO KAMING MAKASALANAN, NGAYON AT KUNG KAMI MAMATAY (James 5:16, 19-20)

    Sino po ang mananalangin po sa inyo? si MAry po ba?
    kc sa Kanya po kayo nagdarasal,

    tapos nagbigay po kayo ng Supporting verse sa Santiago,
    post ko po ah,

    pero bago po tayo pumunta sa Verse 16, balikan po natin ung verse 14 para malaman natin kung sino ung dapat manalangin at kung sino po ung tinutukoy dyan. para malaman din po natin ung context.
    sabi sa
    Jamess 5:14 Kung kayo ay may sakit, ipatawag ninyo ang mga pinuno ng iglesya upang ipanalangin kayo at pahiran ng langis sa pangalan ng Panginoon.
    Jas 5:15 Pagagalingin ng Diyos ang maysakit dahil sa panalanging may pananampalataya; palalakasin siyang muli ng Panginoon at patatawarin ang kanyang mga kasalanan.
    Jas 5:16 Kaya nga, ipagtapat ninyo sa inyong mga kapatid ang inyong mga kasalanan at ipanalangin ninyo ang isa't isa, upang kayo'y gumaling. Malaki ang nagagawa ng panalangin ng taong matuwid.
    Jas 5:17 Si Elias ay isang tao na tulad din natin; nang mataimtim siyang nanalangin na huwag umulan, hindi nga umulan sa loob ng tatlong taon at anim na buwan.
    Jas 5:18 At nang siya'y nanalangin para umulan, bumagsak nga ang ulan at namunga ang mga halaman.
    Jas 5:19 Mga kapatid, kung may kapatid kayong nalilihis ng landas at may isa namang umakay sa kanya upang magsisi,
    James 5:20 ito ang tandaan ninyo: sinumang makapagpabalik sa isang makasalanan tungo sa wastong pamumuhay ay nagliligtas ng isang kaluluwa sa kamatayan at nakakapawi ng maraming kasalanan,

    tanong po si Mary po ba ung tinutukoy po ba dyan?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Iba yung pray for us o ipanalangin mo kmi...ito ay dumadaan sa ating mga kapatid o mga banal (santo) na tao na minsang nabuhay sa mundo... magulo yung mga konteksto mo at dinawit mo pa si Virgin Mary...pag ikaw ay pumunta sa catholic church upang magsimba, mapapansin mo na ang sentro ng pagsamba ay para sa Diyos Ama, Anak, at Espiritu Santo lamang...Makarinig ka man ng pangalan ni Maria at iba pang mga naging alagad ng Diyos, ang tangi mong maririnig ay "ipanalangin mo kami". Ang tanong, sa termino bang yan ay sinasamba mo ba si Maria at iba pang santo? Sana sa simpleng halimbawa ay maintindihan mo ang patungkol sa terminong "ipanalangin mo kami"

      Delete
  11. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  12. Kuya adviser, meron po akong MBB na Bible pero Catholic po ako, pusung Katoliko. Pwede po ba basahin yung MBB?

    ReplyDelete

Click here

Click here
Facebook Apologetic Fanpage