Birheng Maria - Walang Pagkakasala at Ang Kaban ng Tipan






"BIRHENG MARIA AT ANG KABAN NG TIPAN"
         [The Immaculate Conception]

By: Kuya adviser CFD

ISA SA MADALAS NA TINUTULIGSA NG MGA TAGA IBANG SEKTA AY ANG PANINIWALA NATING MGA KATOLIKO NG IMMACULATE CONCEPTION NI BIRHENG MARIA. NA SI MARIA AY KALINIS-LINISAN AT WALANG BAHID NG KASALANAN.

UNA SA LAHAT, ANG SIMBAHANG KATOLIKO AY NANINIWALA NA SI MARIA AY ANG KABAN NG BAGONG TIPAN...ARK OF THE NEW COVENANT. PAANO NATIN ITO MAPAPATUNAYAN?

PATUNAY MULA SA BIBLIYA:

LUKE 1:28
And the angel being come in, said unto her: HAIL, FULL OF GRACE, the Lord is with thee: blessed art thou among women.

ANG SALITANG "FULL OF GRACE" AY TRANSLATION MULA SA GREEK WORD NA "kecharitomene". ITO AY NAGPAPAHIWATIG NG PERFECTION AND ABUNDANCE. SI MARIA AY PUNO NG GRASYA MULA SA DIYOS. WALANG IBANG TAO SA KASAYSAYAN NG SANGKATAUHAN NA TINATAWAG NA FULL OF GRACE, KUNDI SI MARIA LAMANG. ITO AY ISANG MAKAPANGYARIHANG PAGBATI NI ARKANGHEL GABRIEL SA BIRHEN NA SI MARIA.

KAPAG PUNO BA NG GRASYA MULA SA DIYOS, AY NAGKAKASALA PA RIN SI MARIA? PAPAANO SIYA PUPUNUIN NG GRASYA NG DIYOS KUNG SIYA AY MARUMI? AT PAPAANO SIYA MAGKAKASALA PA KUNG SIYA PINUPUNO NA NG GRASYA NG DIYOS?

DAPAT NATING MAUNAWAAN NA ANG TAO AY NAGKAKASALA DAHIL TAYO AY NAWAWALA SA GRASYA NG DIYOS [fallen away from God's Grace].

HEBREWS 12:15
See to it that NO ONE FAIL TO OBTAIN THE GRACE OF GOD; that no root of bitterness, spring up and cause trouble, and by it THE MANY BECOME DEFILED.

SI MARIA AY IMPOSIBLE NA MAGING MARUMI O MAGING MAKASALANAN, LALO PA AT SIYA AY PUNO NG GRASYA MULA SA DIYOS.

LUKE 1:35
And the angel answering, said to her: The HOLY GHOST shall come upon thee, and the power of the most High shall OVERSHADOW thee. And therefore also the HOLY which shall be born of thee shall be called the SON OF GOD.

ITO ANG NAGPAPAKITA KAY MARIA BILANG "ARK OF THE NEW COVENANT O KABAN NG BAGONG TIPAN.

ANG SALITANG "OVERSHADOW" MULA SA GREEK WORD NA "episkiasei" MEANING LUMILILIM.
MAKIKITA NATIN SA TALATA NA LUMILILIM KAY MARIA ANG HOLY SPIRIT. AT PINANAHANAN NG DIYOS SI MARIA.
ANO BA ANG KABAN NG TIPAN SA OLD TESTAMENT? ITO AY ISANG KABAN KUNG SAAN PINANAHANAN NG DIYOS. SIYA ANG NASA LUKLUKAN NG AWA Exodus 22:25
ANG NASA LOOB NG KABAN AY ANG 2 TABLET NG 10 KAUTUSAN NG DIYOS NA BINIGAY KAY MOISES. ANG KABAN NG TIPAN AY SAGRADO, BANAL AT MALINIS, DAHIL PINANAHANAN ITO NG DIYOS. DAHIL SA KASAGRADUHAN NITO ANG MGA TAONG NAGTANGKA NA LUMALAPIT DITO AY NAMAMATAY. KATULAD NG NANGYARI SA 2 ANAK NI AARON Leviticus 16:1.
KAYA ANG MGA JEWISH HIGH PRIEST AY MAKAKAPASOK LAMANG SA HOLY OF HOLIES, ANG KINALAGYAN NG KABAN NG TIPAN, ISANG BESES SA ISANG TAON AYON SA JEWISH TRADITION Leviticus 16:2-4.

PAREHONG PAREHO KAY MARIA. NILILIMAN NG HOLY SPIRIT. DAPAT LAMANG NA SI MARIA AY MALINIS AT BANAL DAHIL NAKALILIM SA KANYA ANG DIYOS. ANG DIYOS AY SAGRADO, MALINIS AT BANAL. ANG NASA LOOB NG KANYANG SINAPUPUNAN AY SI JESUCRISTO, ANG "NEW COVENANT". ANG "HOLY SON OF GOD" NA IBINIGAY NG DIYOS SA MUNDO UPANG MAGING KORDERO NA TUTUBOS SA MGA KASALANAN NG MUNDO.

GENESIS 3:15
 -I will put ENMITY between you and the WOMAN, and between your seed and HER SEED: HE shall bruise you head, and you shall bruise HIS heel.

SIGURO MAITATANONG NYO, "ANO ANG KINALAMAN NG AKLAT NG GENESIS SA PAGIGING KALINIS-LINISAN NI MARIA???

ANG GENESIS 3:15 AY ANG UNANG PAHAYAG NG BIBLIYA NA NAGPAPAHIWATIG NG PAGKATALO KAY SATANAS NI CRISTO SA KRUS.
ITO RIN ANG UNANG SITAS SA BIBLIYA NA NAGPAPAHIWATIG KAY MARIA BILANG "BAGONG EBA" PAGKATAPOS NAGKASALA ANG UNANG EBA... ANG BINHI NG BABAE AY SI JESUCRISTO NA SIYANG DUDUROG SA AHAS. [Satanas] AT ANG BABAE NA MAGKAKAAWAY NG AHAS AY SI MARIA.

PAGKATAPOS NAGKASALA AT SUMUWAY SA DIYOS ANG UNANG EBA, ITINAKDA NG DIYOS NA ANG BABAE AY MAGING MAGKAKAAWAY SA AHAS, PATI ANG BINHI NITO...SI EBA BA ANG BABAENG ITO NA TINAKDA NG DIYOS NA MAKAKAAWAY NG AHAS AT MAY BINHI NA DUDUROG SA ULO NG AHAS???... HINDI!...HINDI MAARI DAHIL SI EBA AY ALIPIN NA NG
AHAS [satanas]. SI EBA AY ALIPIN NA NG KASALANAN. KAYA HINDI MAAARI NA SI EBA AT ANG AHAS ANG TINUTUKOY DITO.
KUNG UUNAWAIN NATING MABUTI ANG GENESIS 3:15, PAREHO ANG BABAE AT ANG KANYANG BINHI AY SIYANG MAKAKAAWAY NI SATANAS.

SINO ANG BABAE AT KANYANG BINHI?...
WALANG IBA KUNDI SI "MARIA" AT ANG ANAK NIYANG SI "JESUCRISTO."
SILANG DALAWA, "MARIA AT JESUCRISTO" ANG ITINAKDA NG DIYOS NA MAKAKAAWAY NI SATANAS. MANGYAYARI BANG MAKAKAAWAY NI SATANAS SI MARIA KUNG ITO AY MAKASALANAN?... NAPAKALAKING HINDI!
KAYA NAGKAKAAWAY SI SATANAS AT SI MARIA DAHIL SI MARIA AY MALINIS...FREE OF SIN, PRESERVED FROM SIN BY THE FULL GRACE OF GOD. AT DAHIL SA KANYANG PAGSAGOT NG "YES" SA PLANO NG DIYOS, NABAWI ANG "NO" NG UNANG EBA.
DAHIL SA YES NA GINAWA NI MARIA, NAGKAROON TAYO NG BUHAY NA WALANG HANGGAN SA PAMAMAGITAN NG ANAK NIYANG SI JESUS, ANG ATING TAGAPAGLIGTAS. NOONG NAGKASALA AT SUMUWAY SA DIYOS ANG UNANG EBA AY NAGKAROON NG KAMATAYAN. DAHIL SA PAGTALIMA SA DIYOS NG BAGONG EBA NA SI MARIA, NAGKAROON NG BUHAY NA WALANG HANGGAN. AT DITO TINALO SI SATANAS.

ISA PANG MALINAW NA PATUNAY NG GALIT NI SATANAS SA BABAENG SI MARIA...

Pahayag 12:13-17 MBB05

13 Nang makita ng dragon na itinapon siya sa lupa, hinabol niya ang BABAENG NAGSILANG NG SANGGOL NA LALAKI.

14 Ngunit ang BABAE ay binigyan ng mga pakpak ng malaking agila upang makalipad papunta sa ilang. Doon siya itatago sa loob ng tatlo't kalahating taon upang maligtas sa pananalakay ng ahas.

15 Kaya't ang ahas ay nagbuga ng tubig na parang ilog upang tangayin ang babae.

16 Subalit bumuka ang lupa at hinigop ang tubig na ibinuga ng dragon, kaya't naligtas ang BABAE.

17 Sa GALIT NG DRAGON, BINALINGAN NIYA ANG NALALABING LAHI NG BABAE UPANG DIGMAIN. Ito ang mga taong sumusunod sa utos ng Diyos at nananatiling tapat sa katotohanang inihayag ni Jesus.

SINASABI NG MGA TAGATULIGSA NG SIMBAHANG KATOLIKO NA ANG PANINIWALA NG KALINIS LINISAN NI MARIA AY "IMBENTO LAMANG"...MARAMI ANG NASA MALING PANINIWALA NA NABUO LAMANG DAW ANG DOGMA NG "IMMACULATE CONCEPTION" NI MARIA NOONG 1854, KUNG KELAN ITO NAPAGTIBAY.
HINDI NILA ALAM NA ANG PANINIWALANG ITO AY NAG-UGAT PA MULA SA MGA EARLY CHURCH FATHERS NG SIMBAHAN. MAY MATIBAY NA BATAYAN MULA SA MGA CHURCH WRITINGS WAYBACK ABOUT 4TH CENTURY...

NARITO ANG ILAN SA MGA EARLY CHURCH WRITINGS:

"Every personal sin must be excluded of the Blessed Virgin Mary, for the sake of the Honor of God."--- ST. AUGUSTINE, 390 AD

"Mary, a virgin not only undefiled but a virgin whom grace has made inviolate, free from every stain.--- ST. AMBROSE OF MILAN, 340-370 AD

"You and your Mother are alone in this. You are wholly beautiful in every respect. There is in You, Lord, no stain nor any spot in your Mother."
------ ST. EPHRAEM, 350 AD

IN FACT, MARAMING PAGKAKATAON NA PATUNAY MULA SA MGA CHURCH FATHERS ANG PAGBANGGIT KAY MARIA BILANG WALANG BAHID NG DUMI O KASALANAN...TULAD NG BANGGIT NA..
"ALL-HOLY ONE, ALL-SINLESS ONE, AT IMMACULATE"...
DITO NAPAPATUNAYAN NA ANG PANINIWALANG SI MARIA AY SINLESS O WALANG BAHID NG KASALANAN AY NAG-UGAT PA MULA SA MGA UNANG SIGLO NG SIMBAHAN.

*****
FOR MORE KINDLY LIKE THIS PAGE
www.facebook.com/kuyaadviserpublicfigure
AND ALSO VISIT THIS BLOG
www.kuyaadviser.blogspot.com






LIKE AND SHARE (y)

PART - 2
BIRHENG MARIA AT ANG KABAN NG TIPAN
           [Ikalawang Bahagi]

By: Kuya adviser CFD

NARITO NA PO ANG IKALAWANG BAHAGI NG ATING PAGTALAKAY KAY BIRHENG MARIA BILANG KABAN NG BAGONG TIPAN.. SA MGA HINDI PA PO NAKAKABASA NG PART 1.. MAS MAIGI PONG BASAHIN NIYO MUNA, ITO PO ANG LIK ↓↓↓

https://www.facebook.com/kuyaadviserpublicfigure?fref=photo

 SA UNANG BAHAGI ATIN PONG NATALAKAY ANG PAGIGING  KALINIS-LINISAN NI MARIA O IMMACULATE CONCEPTION. NGAYON NAMAN AY PUPUNTA PO TAYO SA PAGLALAHAD NG MGA PATUNAY NA SI BIRHENG MARIA NGA AY ANG KABAN NG BAGONG TIPAN.

UNAHIN NA PO NATING TALAKAYIN KUNG PAPAANO NAGKAKATULAD ANG LUMANG KABAN NG TIPAN AT SI MARIA.

FAMILIAR PO BA SA INYO ANG TINATAWAG NA "Typology"??? SIGURO YUNG IBA EH MEDYO ALAM ITO...:) AT ANG IBA NAMAN  AY NGAYON LANG SIGURO ITO NAENCOUNTER. HE HE HE :):)

AYON PO SA Meriam Webster Dictionary, THE MEANING OF TYPOLOGY IS...

TYPOLOGY---means a doctrine of theological
                        TYPES, especially: one holding
                        that things in Christian belief and
                        PRE-FIGURED or SYMBOLIZED"
                        by things in the Old Testament.

ALAM PO NATIN NA ANG OLD TESTAMENT AY PUNO NG MGA KWENTO NG MGA TAO, NG HISTORY, AT NG MGA PANGYAYARI. KATULAD NG NAUNA KUNG BINANGGIT ANG TYPOLOGY...TYPES... AY NAGSASAAD NG MGA TAO, BAGAY, O PANGYAYARI MULA SA Old Testament NA NAGPAPAHIWATIG NG MGA BAGAY NA DARATING O MANGYAYARI SA New Testament.
PARA BAGA ITONG ISANG PATIKIM O HINT/CLUE SA ISANG BAGAY NA MAGIGING KATUPARAN SA HINAHARAP, SA BAGONG TIPAN.
AYON NGA PO KAY...

ST. AUGUSTINE, 390 AD
      "The Old Testament is the New concealed, but
         the New Testament is the Old revealed.
                    [Cathecizing of the Uninstructed 4:8]

NARITO ANG MGA PANGYAYARI SA OLD TESTAMENT KAUGNAY SA LUMANG KABAN NG TIPAN AT ANG PAGKAKATUPAD NITO KAY BIRHENG MARIA BILANG BAGONG KABAN NG BAGONG TIPAN....

SA OLD TESTAMENT, NAGPAGGAWA ANG DIYOS KAY MOISES NG ISANG TABERNAKULO AT ISANG KABAN MULA SA KAHOY NA ACACIA NA NABABALUTAN NG GINTO SA LOOB AT LABAS. PINAGAWAN DIN NG "LUKLUKAN NG AWA O MERCY SEAT" KUNG SAAN MAY 2 INUKIT NA KERUBIN SA BAWAT DULO NITO NA MAGKAKAHARAP...NAKABUKA ANG MGA PAKPAK NITO NA NAKALILIM SA LUKLUKAN NG AWA SA IBABAW NG KABAN.[Exodus 25]

ANG NASA LOOB NG KABAN AY ANG MGA ITO:

Mga Hebreo 9:4
Naroon ang gintong altar na sunugan ng insenso at ang Kaban ng Tipan, na nababalutan ng ginto. NASA LOOB NG KABAN ANG SISIDLANG GINTO NA MAY MANNA, ANG TUNGKOD NI AARON NA NAGKAROON NG USBONG, AT ANG MGA TAPYAS NG BATO NA KINASUSULATAN NG TIPAN.

NANG MATAPOS ANG PAGGAWA NG TABERNAKULO AT NG KABAN, ANG KALUWALHATIAN NG DIYOS SA ANYO NG ISANG "ulap" O TINATAWAG NA "Shekinah Glory" AY LUMILIM AT BUMALOT SA BUONG TABERNAKULO.

Exodo 40:34-35
34 Nang magkagayo'y TINAKPAN NG ULAP ang tabernakulo ng kapisanan, at pinuno ng Panginoon ng kaluwalhatian ang tabernakulo.

35 At si Moises ay hindi makapasok sa tabernakulo ng kapisanan, sapagka't lumagay sa ibabaw niyaon ang ULAP, at pinuspos ng Panginoon ng kaluwalhatian ang tabernakulo.

ANG SALITANG "tinakpan" O SA ENGLISH AY "cover/overshadow" MULA SA GREEK WORD NA "episkiasei" AT GAMIT ANG METAPHOR NA "ulap/cloud"...... ITO AY SUMISIMBOLO SA PRESENSIYA AT KALUWALHATIAN NG DIYOS.

TINGNAN NATIN ANG MGA TAGPONG ITO SA NEW TESTAMENT...

------> MATEO 17:5,
Habang nagsasalita pa si Pedro, NILILIMAN sila ng napakaliwanag na ULAP. Mula rito'y may tinig na nagsabi, “Ito ang minamahal kong Anak na lubos kong kinalulugdan. Pakinggan ninyo siya!”

------> Mga Gawa 1:9
Pagkasabi nito, si Jesus ay iniakyat sa langit habang ang mga alagad ay nakatingin sa kanya, at NATAKPAN SIYA NG ULAP.

ANG PAGLILIM NG DIYOS SA KABAN NG TIPAN SA LUMANG TESTAMENTO AY SIYA RING MAKIKITA NA PAGLILIM NG DIYOS KAY BIRHENG MARIA.
------> Lucas 1:35
At sumagot ang anghel, at sinabi sa kaniya, BABABA SA IYO ANG ESPIRITU SANTO, at LILILIMAN ka ng kapangyarihan ng Kataastaasan: kaya naman ang banal na bagay na ipanganganak ay tatawaging Anak ng Dios.

KITA NYO PO?? :)... MALINAW NA SI MARIA AY SIYANG BAGONG KABAN NG TIPAN NA NILILIMAN NG DIYOS UPANG MAILAGAY SA KANYANG SINAPUPUNAN SI JESUCRISTO, ANG BAGONG KAUTUSAN,...KATULAD NA LAMANG NG PAGLAGAY NG MGA TAPYAS NA BATO NG 10 KAUTUSAN NG DIYOS SA LOOB NG KABAN NG OLD TESTAMENT.

TINGNAN PO NATING MABUTI...

OLD ARK----> The dwelling place of God
MARY-------> The new dwelling place of God
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
NGAYON AY DADAKO NAMAN TAYO SA PAGHAHAMBING SA MGA PANGYAYARI SA OLD TESTAMENT KAUGNAY NG "Lumang  Kaban ng Tipan" NA SIYA RING NANGYAYARI SA "Bagong Kaban na si Maria" SA NEW TESTAMENT.

★★★ ANG KABAN NG UNANG TIPAN AY NAGLAKBAY PATUNGO SA BAHAY NI OBED-EDOM SA BULUBUNDUKING BAYAN NG JUDEA.
----> 2 Samuel 6:10
Hindi niya ito mapangahasang dalhin sa Lunsod ni David, kaya't doon na niya inihatid sa bahay ni Obed-edom na taga-Gat.

♥♥♥ NAGLAKBAY SI MARIA PATUNGO SA BAHAY NI ZACARIAS SA BULUBUNDUKING BAYAN NG JUDEA.
----> Lucas 1:39-40
Makalipas ang ilang araw, gumayak si Maria at nagmamadaling pumunta sa isang bayang bulubundukin sa Judea, sa bahay ni Zacarias. Pagdating doon ay binati niya si Elisabet.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
★★★ SI HARING DAVID NAGSUOT NG DAMIT SASERDOTE/PARI, AT SUMASAYAW, SA HARAPAN NG KABAN.
----> 2 Samuel 6:14
At nagsayaw si David ng kaniyang buong lakas sa harap ng Panginoon; at si David ay nabibigkisan ng isang epod na lino.

♥♥♥ SI JUAN BAUTISTA, LAHI NG MGA SASERDOTE/PARI BIGLANG GUMALAW SA TIYAN NI ELISABET PAGKADATING NI MARIA.
----> Lucas 1:41
Nang marinig ni Elisabet ang pagbati ni Maria, biglang gumalaw ang sanggol sa kanyang sinapupunan at siya ay napuspos ng Espiritu Santo.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
★★★ TANONG NI HARING DAVID...
----> 2 Samuel 6:9
At natakot si David sa Panginoon sa araw na yaon; at kaniyang sinabi, Paanong madadala rito ang kaban ng Panginoon sa akin?

♥♥♥ TANONG NI ELISABET...
----> Lucas 1:43
At ano't nangyari sa akin, na ang ina ng aking Panginoon ay pumarito sa akin?
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
★★★ SUMISIGAW SI HARING DAVID AT ANG MGA ISRAELITA SA PRESENSIYA NG KABAN.
----> 2 Samuel 6:15
Habang lumalakad ang mga Israelita, nagsisigawan sila sa tuwa at hinihipan ang mga trumpeta.

♥♥♥ SUMIGAW SI ELISABET SA PRESENSIYA NI MARIA.
----> Lucas 1:42
Napasigaw siya sa galak, “Pinagpala ka sa mga babae, at pinagpala rin ang dinadala mo sa iyong sinapupunan!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
★★★ NANANATILI SA BAHAY NI OBED-EDOM ANG KABAN NG 3 BUWAN.
-----> 2 Samuel 6:11
 At ang kaban ng Panginoon ay natira sa bahay ni Obed-edom na Getheo na tatlong buwan: at pinagpala ng Panginoon si Obed-edom, at ang kaniyang buong sangbahayan.

♥♥♥ SI MARIA AY NANANATILI SA BAHAY NI ZACARIAS AT ELISABET NG 3 BUWAN.
----> Lucas 1:56
Tumira si Maria kina Elisabet nang may tatlong buwan bago siya umuwi.

AT DAHIL SI MARIA AY PINAGPALA PATI ANG BATANG NASA KANYANG SINAPUPUNAN NA SI JESUS,,,ANG SANGBAHAYAN NI ELISABET AY NATURAL NA PINAGPALA DIN. :)
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
★★★ IBINALIK ANG KABAN SA TAHANAN NITO...NAPUNTA SA TEMPLO SA JERUSALEM AT ANG PRESENSYA AT KALUWALHATIAN NG DIYOS AY NAIHAYAG.
----> 2 Samuel 6:12
At nasaysay sa haring kay David, na sinasabi, Pinagpala ng Panginoon ang sangbahayan ni Obed-edom, at ang lahat ng nauukol sa kaniya, dahil sa kaban ng Dios. At yumaon si David at iniahon ang kaban ng Dios mula sa bahay ni Obed-edom, hanggang sa bayan ni David, na may kagalakan.

---->1 Mga Hari 8:10-11
Pagkalabas ng mga pari, ang Templo'y napuno ng ulap; kaya't hindi sila makapagpatuloy ng gawain sa loob. Ang Templo'y napuno ng kaluwalhatian ni Yahweh.

♥♥♥ UMUWI SI MARIA SA KANYANG TAHANAN AT PAGKAPANGANAK NIYA AY NAPUNTA SA TEMPLO SA JERUSALEM AT INIHANDOG ANG ANAK NG DIYOS, ANG BATANG JESUS.
----> Lucas 1:56
At si Maria ay natirang kasama niya na may tatlong buwan, at umuwi sa kaniyang bahay.

---->Lucas 2:21-22
21 At nang makaraan ang walong araw upang tuliin siya, ay tinawag na JESUS ang kaniyang pangalan, na siyang itinawag ng anghel bago siya ipinaglihi sa tiyan.

22 At nang maganap na ang mga araw na kanilang paglilinis alinsunod sa kautusan ni Moises, ay kanilang dinala siya sa Jerusalem, upang iharap siya sa Panginoon.

AYAN...NAKIKITA NA NATIN... NAPAKALINAW PO NA SI MARIA AY SIYANG KABAN NG BAGONG TIPAN. NAPAKAGANDA DI PO BA? :):):)
LAHAT NG NANGYARI NOONG OLD TESTAMENT KAUGNAY NG KABAN NG TIPAN, AY SIYA RING NANGYAYARI KAY BIRHENG MARIA.

COINCIDENCE LANG BA??? HE HE HE... HINDI PO...ITO'Y KATUPARAN...FULFILLMENTS...:):)
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

NGAYON NAMAN DADAKO TAYO SA MGA NILALAMAN NG KABAN NG TIPAN...

★★★ ANG LAMAN SA LOOB NG LUMANG KABAN AY ANG:
---->Hebreo 9:4
Na may isang gintong dambana ng kamangyan at kaban ng tipan, at ang paligid ay nakakalupkupan ng ginto, na siyang kinaroroonan ng...

1----> SISIDLANG GINTO NA MAY LAMANG MANA  [tinapay na mula sa langit]

2----> at TUNGKOD NI AARON NA NAMUMULAKLAK, [tanda ng pagka high priest]

3---->at mga TAPYAS NA BATO NG TIPAN.
         [ Ang 10 kautusan, Salita ng Diyos na inukit
            sa bato]

♥♥♥ ANG LAMAN SA SINAPUPUNAN NI MARIA, ANG BAGONG KABAN AY...

1----> BATANG JESUS...ANG TINAPAY NA
            BUMABA MULA SA LANGIT.
 Juan 6:41
Ang mga Judio nga ay nagbulongbulungan tungkol sa kaniya sapagka't kaniyang sinabi, AKO ANG TINAPAY NA BUMABA GALING SA LANGIT.

2----> JESUSCHRIST...THE TRUE AND ETERNAL
             HIGH PRIEST.

Hebrews 5:10
Called of God a HIGH PRIEST after the order of Melchizedek.

3---> JESUSCHRIST...THE WORD OF GOD IN THE
           FLESH. John 1:1,14

MAY DUDA PA BA TAYO NA SI MARIA NGA ANG ARK OF THE NEW COVENANT???

KUNG SINOMAN ANG MAY DUDA PA AT HINDI PA RIN MANINIWALA SA ATING INILAHAD TUNGKOL KAY INANG MARIA BILANG ARK OF THE NEW COVENANT...SILA AY TUNAY NA WALA SA KATOTOHANAN!

MARAMING SALAMAT PO SA INYONG PAGBABASA.

★★★TO GOD BE ALL THE GLORY... AMEN!

FOR MORE APOLOGETICS KINDLY LIKE THIS PAGE
www.facebook.com/kuyaadviserpublicfigure

OR VISIT MY BLOGSITE
 www.kuyadviser.blogspot.com

PLEASE LIKE AND SHARE...








1 comment:

Click here

Click here
Facebook Apologetic Fanpage