Maria - Ina ng mga Kristiano?





"MARIA, INA NG MGA KRISTIYANO"

BY: Kuya adviser CFD

ILAN PO BA SA INYO DITO ANG NAKA ENCOUNTER NG TANONG MULA SA MGA TAGA IBANG SEKTA NA GANITO:

BAKIT NYO TINATAWAG NA MAMA MARY SI MARIA?? NANAY NYO BA CYA??

ALAM NYO PO BA ANG SAGOT SA KANILA? BAKIT NATIN NAGING INA SI MARIA? PAANO NATIN NAGING INA SI MARIA??

NARITO PO AKING I-REPOST ANG MENSAHENG IBINAHAGI NG ATING KAPANALIG NA SI...

Tatay Tony Zurbito

SHARE KO LANG:

Holy Mary, Mother of God, pray for us sinners now and at the hour of our death. Amen

Ganito ko kinikilala si Maria na tiyak na tiyak ko na hindi Niya ako iiwan hanggan sa huling sandali ng aking buhay.

Mapalad tayo sapagkat dahil sa "sakripisyo at pagsunod" ni Maria ay hindi lamang Siya naging "Ina ng Dios" kundi naging "Ina rin Siya ng Sanlibutan" sa pamamagitan ng "Salita" ni Jesus:

"HAYAN ANG IYONG ANAK"

Kaya ang sinumang di tatanggap na si Maria ay hindi nila "Ina" ay kaninong mga inanak sila? Katulad sila ng putok sa buho.

Kaya sila'y mga "ulila", kaya sinong kukupkop sa kanila? Gayung itinakwil nila ang "Salita ni Jesus" na:  "hayan ang iyong Ina"

Mapalad tayong nagmamahal at dumadakila kay Maria sapagkat hanggan sa "huling sandali" ni Jesus ay naroon si Maria, hindi Niya iniwan ang Kanyang Anak na Panginoon rin Niya.

Kaya umasa tayo na nagmahahal kay Maria na hinding hindi rin Niya tayo iiwan sa "huling sandali" ng ating buhay tulad ng ginawa Niya kay Jesus.

Natatakot ako para sa mga lumalapastangan at hindi kumikilala kay Maria bilang Ina sapagkat sa oras ng kanilang kamatayan ay walang Inang dadamay sa kanila. Kanino nila ihahabilin ang kanilang kaluluwa gayung itinakwil nila ang "Salita ni Jesus"?

Paano sila kikilalanin pagdating sa itaas?

"Hindi ang bawa't nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit. (Matthew 7:21)"

Kalooban ng Ama na maging Ina ng Sanlibutan si Maria sapagkat ang pahayag na ito ay bahagi ng huling "Pitong Wika" sa "punongkahoy ng Krus ni Jesus" . Marami ang hindi nakakaunawa sa "Malaking kaganapan" ng Kaligtasan sa simbolo ng Krus ni Jesus.

Hindi nalalaman ng marami na ang huling pahayag sa Krus ni Jesus ay isang tipan ng Dios para sa tao. Tipan ng kaligtasan.

Ang senaryong iyon ay punong-puno ng ispiritual na teolohiya para sa kaligtasan ng sanlibutan.

Una, sapagkat noong nagkasala ang ating ninunong si Adan at Eba ay taglay na natin ang "pagsilang sa laman" at ayon sa pangako ay kinakailangan na isilang na muli ang isang tao upang "makita" ang "Kaharian ng Dios"  at ang "Kaharian ng Dios"  naman ay di sinasabing naroon o narito bagkus ito ay sumasaatin.

"At palibhasa'y tinanong siya ng mga Fariseo, kung kailan darating ang kaharian ng Dios, ay sinagot niya sila at sinabi, Ang kaharian ng Dios ay hindi paririto na mapagkikita
Ni sasabihin man nila, Naririto! o Naririyan! sapagka't narito, ang kaharian ng Dios ay nasa loob ninyo. (Luke 17:20_21)"

Samakatuwid, magkaiba ang "kaharian ng Langit" sa "kaharian ng Dios" ang una ay naghahayag ng isang lugar samantalang ang pangalawa ay nasa katauhan natin o pagkakakilanlan.

Unawain ninyo ito:  

"Nagkasala si Eva" sa pagsuway sa ilalim ng puno ng kaalaman ng mabuti at masama at dahil doon ay naging ina natin siya ayon sa kasaysayan, kaya ang lahat ng inanak buhat sa kanya ay taglay ang kasalanang orihinal at walang sinuman na isinilang sa mundo na hindi nagtataglay nito. Lahat ay isinilang sa laman.

"Ang ipinanganak ng laman ay laman nga; at ang ipinanganak ng Espiritu ay espiritu nga. (John 3:6)"

Kaya napakahalaga ng pahayag na iyon sa bundok ng Golgota:

Sapagkat naroon ang "punongkahoy ng buhay" na sumisimbolo sa Krus (puno) at si Jesus (buhay) at sa ilalim ng "puno at buhay" ay naroon ang "Babae".

At inihayag ng Buhay (Jesus) ang "second annunciation"

"Behold thy son" (Juan)

Sa pagkakataong iyun ang Babae (Maria) ay hindi lamang naging Ina ng Mananakop kundi naging Ina rin siya ng Sanlibutan sapagkat sa oras na yaon ay isinilang ni Maria sa pamamagitan ng Kanyang mapagpalang Puso ang kauna-unahang niyang anak "sa espiritu" na si Juan at buhat sa oras na iyun ay isisilang ng Kanyang Kalinis-linisang Puso ang milyon-milyong kristiano na tatawaging mga "anak ni Maria"(Catholic).

Kaya yaong tumatawag sa Panginoon subalit hindi naman kinikilala si Maria bilang INA nila ay maituturing na "putok sa buho" o "ulila"

Sino ngayon ang higit na kaawa-awa? Tayo na may INA o sila na mga "isinisilang sa laman"?

Paano ninyo makikita ang kaharian ng Dios? Gayung ang kaharian ng Dios ay yung mismong pagkatao natin o pagkakakilanlan?

Nasa atin ang kaharian ng Dios kung isisilang kang muli sapagkat nakikilala ng Dios ang nagsilang sa atin. Tulad ni Jesus na tiyak na tiyak ko na kapatid ko sapagkat iisa ang aming INA.

Kaya nagtataka ako sa mga taong nagpapahayag na kilalang kilala nila ang Panginoon gayung hindi naman nila nakikilala ang kanilang Ina?

Maari bang kilalanin lang ang isinilang at hindi ang nagsilang?

Kaya ang tanong ay si Jesus ba na pinangangaral ninyo ay yaong Anak ni Maria? Sapagkat baka ibang Kristo iyan?

Sapagkat pinag iingat tayo ayon sa sulat sapagkat darating ang mga anti-kristo at bulaang kristo na mangangaral din gamit ang katotohanan subalit ililigaw kayo.

Mabuti na itong Kristong pinangangaral ko sapagkat tiyak na tiyak kong totoong Kristo sapagkat isinilang ni Maria

~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤~

 SI MARIA PO AY NAGING INA NATIN DAHIL ITO'Y SINALITA NG PANGINOONG JESUS BAGO PA SIYA NALAGUTAN NG HININGA SA KANYANG PAGKABAYUBAY SA KRUS.
DITO INIHANDOG NG PANGINOON ANG KANYANG SARILING INA NA MAGING INA DIN NG KANYANG MGA ALAGAD AT MANANAMPALATAYA.

Juan 19:25-27
Ang mga bagay ngang ito ay ginawa ng mga kawal. Datapuwa't nangakatayo sa piling ng krus ni Jesus ang kaniyang ina, at ang kapatid ng kaniyang ina, na si Maria na asawa ni Cleopas, at si Maria Magdalena.

Pagkakita nga ni Jesus sa kanyang INA, at sa nakatayong alagad na kaniyang iniibig, ay sinabi niya sa kaniyang ina, BABAE, NARITO ANG IYONG ANAK!

Nang magkagayo'y sinabi niya sa alagad, NARITO ANG IYONG INA!

At buhat nang oras na yaon ay tinanggap siya ng alagad sa kaniyang sariling tahanan.

AT KATUNAYAN PO DITO AY ANG NAKASAAD SA AKYAT NG PAHAYAG...

Revelation 12:17
The dragon grew ANGRY WITH THE WOMAN, and went away to MAKE WAR WITH THE REST OF HER SEED, who keep God's commandments and HOLD JESUS' TESTIMONY.

SA TAGALOG...

Pahayag 12:17
At NAGALIT ANG DRAGON SA BABAE, at umalis upang BUMAKA SA NALABI SA KANYANG BINHI, na siyang nagsisitupad ng mga utos ng Dios, at mga MAY PATOTO NI JESUS:

AYAN PO... MALINAW ANG SINASABI....BUMAKA SI SATANAS SA MGA NALABING BINHI NG BABAE.

 SINO ANG BABAE NA KAAWAY NI SATANAS???

Genesis 3:15
At PAG AALITIN ko ikaw at ang BABAE, at ang iyong binhi at ang kaniyang binhi: ito ang dudurog ng iyong ulo, at ikaw ang dudurog ng kaniyang sakong.

WALANG IBA KUNDI SI MARIA. SI MARIA NA SIYANG BABAENG NANGANAK KAY JESUS...ANG KANYANG BINHI NA SIYANG DUDUROG NG ULO NI SATANAS.

AT SINO NAMAN ANG MGA NALALABI PANG BINHI NI MARIA???

SAGOT: ANG MGA MGA NASA LOOB NG SANTA IGLESIA KATOLIKA NA SIYANG KATAWAN NI CRISTO NA ANAK NI MARIA.

TAYO PO YUN... :) :) :)

MARY IS OUR SPIRITUAL MOTHER IN HEAVEN!

“Let us run to Mary, and, as her little children, cast ourselves into her arms with a perfect confidence.”
---->ST. FRANCIS DE SALES

 “Only after the Last Judgment will Mary get any rest; from now until then, she is much too busy with her children.”
---->ST. JOHN VIANNEY

SANTA MARIA, INA NG DIYOS AT AMING INA...IPANALANGIN MO PO KAMI. AMEN

FOR MORE CATHOLIC APOLOGETICS KINDLY LIKE AND SHARE THIS PAGE
www.facebook.com/kuyaaadviserpublicfigure

12 comments:

  1. Si Maria ay hindi Ina ng Diyos ina siya ng ating Panginoong Hesukristo sa laman.
    Kung Si Cristo ang Dudurog ng ulo ni satanas, bakit walang natala na si satanas ang tutuklaw ng sakong ni Cristo.
    Hindi sinabi na si Cristo ang sanggol na lalaki ang ipapanganak ng babae sapagkat ang paghahari sa mga bansa nya ay sa pamamagitan ng kamay na bakal, na di tulad sa panginoong JesuCristo.

    ReplyDelete
  2. :) maling interpretasyon ng Juan 19,, maling hulog,,

    maling pagkaunawa din,,

    nd po si Maria ang nasa Pahayag 12,,

    nd po siya ang nanganak at inagaw agad sa langit ang anak niya,, :)

    maawa ka po sa kaluluwa ng mga niloloko mo,, pati sa kaluluwa mo..

    at wala ka pong mababasa sa bibliya na si Maria ang spiritual mother natin,, :)

    ReplyDelete
  3. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  4. Kuya adviser, may point ka po ron, dahil nung nabasa ko po yun nung una sa John, isa yun sa mga tanong ko at tumatak sa isip ko, sa revelation,nbasa ko na rin po yun kailan lang, at obviously si Mary ang tinutukoy rin don, kailangan din tlga basahin ng buo khit isang libro sa Bible para maliwanagan tayo,hndi kapirasong talata. Para sa mga di naniniwalang Diyos si Hesus. Di tlga nila yun mauunawaan, konklusion ng Biblia na sinamba ng mga taga sunod niya at mga pantas si Hesus na maraming nabanggit sa Biblia, di nila pa rin maunawaan. Kagaya rin sila ng mga Hudyo at saserdote noon na pinapako sa krus si Hesus dahil ayaw nila tanggapin na Siyay Diyos.. common sense lang, yun ang kulang sa kanila.

    ReplyDelete
    Replies
    1. WALANG IBANG INA NA NAKASULAT SA BIBLIYA. ANG BIBLIYA ANG MAG PAPATUNAY KUNG SINO ANG INA NG LAHAT NA NABUBUHAY HINDI ANG SALIT SALIT SABI NG TAO NGAYON DAPAT MAY BATAYAN.

      GENESIS 3:20 at tinatawag na Eva ng lalake ang kaniyang asawa, sapagka't siya ang naging INA NG LAHAT NG MGA NABUBUHAY.

      Delete
    2. Tama ang bibliya ang magpapatunay kung sino ang Ina ng mga taong nabubuhay dito sa mundo.

      tanong:

      makapagsalita ba ang bibliya kung walang magtuturo nito? Sigurado hindi? kaya sino ang magtuturo kung walang magtuturo kaya ang may karapatan kung sino ang magturo ng totoo kundi ang totoong Simbahan na tatag ni Cristo,dahil ang mga Protestante ay Hindi nila tinuturo si Maria na Ina ng mga tao sa pananampalataya sa halip ay kinakalaban pa nila ito.ngayon kaninong lahi ang NASA Kay Cristo iyong kumilala Kay Maria na siya ang Ina ni Cristo at Ina rin ng mga Cristiyano o ang mga taong kumukuntra sa turo ni Cristo na kilalanin bilang Ina ng mga Cristiyano.sana maunawaan ng ibang mga mananampalataya na iisa lang ang tunay na Iglesia na magpapatunay sa totoong katuruan ni Cristo.

      Delete
  5. Si Maria ay isang babae na inilarawan ng Diyos bilang isang babaeng Kanyang "kinalugdan" (Lukas 1:28). Ang salitang kinalugdan ay mula sa isang salitang Griyego na nangangahulugan na "binigyan ng maraming biyaya." Ang biyaya ay isang "walang bayad na kaloob." Tinatanggap natin ito sa kabila ng katotohanan na hindi tayo karapatdapat. Nangailangan si Maria ng biyaya ng Diyos, gaya nating lahat. Naunawaan ito ni Maria gaya ng sinabi niya sa Lukas 1:46-47,"At sinabi ni Maria, "Ang puso ko'y nagpupuri sa Panginoon, at nagagalak ang aking espiritu dahil sa Diyos na aking Tagapagligtas." Kinilala ni Maria na kailangan niya ang kaligtasan at nangangailangan siya ng Tagapagligtas. Hindi ipinakilala sa Bibliya si Maria bilang isang hindi pangkaraniwang babae kundi bilang isang ordinaryong babae na pinili ng Diyos upang gamitin sa isang hindi pangkaraniwang gawain. Oo, Si Maria ay isang babaeng makadiyos na biniyayaan ng Diyos (Lukas 1:27-28), ngunit, si Maria ay isa ring makasalanang tao na gaya ng bawat isa sa atin — na nangangailangan kay Hesus bilang kanyang Tagapagligtas (Ecclesiastes 7:20; Roma 3:23; 6:23 1 Juan 1:8).

    Hindi ipinaglihi ng walang kasalanan si Maria (immaculada concepcion) — wala sa Bibliya ang katuruang ito tungkol kay Maria. Ang kanyang pagsilang ay gaya rin ng pagsilang ng lahat ng tao sa mundo. Birhen si Maria ng ipanganak niya si Hesus (Lukas 1:34-38), ngunit ang katuruan na nanatili siyang birhen magpakailanman ay hindi ayon sa Bibliya. Sinabi sa Mateo 1:25, tungkol sa relasyon nila ni Jose bilang mag-asawa, "Ngunit hindi ginalaw ni Jose si Maria hanggang sa maipanganak nito ang isang sanggol na lalaki na pinanganlan nga niyang Jesus." Ang salitang "hanggang" ay malinaw na nagpapahiwatig na sinipingan ni Jose si Maria pagkatapos na ipanganak si Hesus. Nagkaroon ng iba pang mga anak si Jose at Maria pagkatapos na ipanganak si Hesus. May apat na kapatid na lalaki sa ina si Hesus: si Santiago, Jose, Simon at Judas (Mateo 13:55). Mayroon ding mga kapatid na babae sa ina si Hesus na hindi pinangalanan at hindi tinukoy sa Bibliya kung ilan (Mateo 13:55-56). Pinagpala at biniyayaan ng Diyos si Maria sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanya ng mga anak, na sa kanilang kultura ay pagpapala para sa mga babae.

    ReplyDelete
  6. Isang araw, samantalang nagsasalita si Jesus, may isang babaing sumigaw mula sa karamihan at nagsabi, "Mapalad ang babaing nagdala sa inyo sa kanyang sinapupunan, at nagpasuso sa inyo!" (Luke 11:27). Wala ng ibang mas magandang pagkakataon para ipakita kung talagang karapatdapat si Maria sa pagsamba at pagpupuri higit sa pagkakataong iyon. Kung totoo ang sinabi ng babae dapat sana'y sinangayunan iyon ni Hesus. Ngunit ano ang sagot ni Hesus? "Higit na mapalad ang mga nakikinig sa Salita ng Diyos at tumutupad nito!" (Lukas 11:28). Para kay Hesus, ang sumusunod sa Salita ng Diyos ay HIGIT NA MAPALAD kaysa sa babaeng nagsilang sa Kanya. Hindi makikita saanman sa Bibliya na sinabi na maaaring sambahin, papurihan at luwalhatiin si Maria. Isang kamag anak ni Maria na si Elizabeth ang pinuri si Maria sa Lukas 1:42-44, ngunit ang kanyang pagpuri ay base sa katotohanan na magsisilang si Maria kay Hesus. Hindi niya pinuri si Maria dahil sa taglay nitong kaluwalhatian.

    Nasa tabi ng krus ni Hesus si Maria ng mamatay si Hesus sa Krus (Juan 19:25). Kasama din siya ng mga apostol noong araw ng Pentecostes (Gawa 1:14). Ngunit hindi na siya nabanggit pa pagkatapos ng unang kabanata ng Gawa. Hindi kailanman binigyan ng mataas na katungkulan ng mga apostol si Maria. Hindi rin itinala sa Bibliya ang kanyang kamatayan. Walang sinabi ang Bibliya tungkol sa pag-akyat niya sa langit o o kung binigyan siya ng pangunahing posisyon sa langit. Dapat na igalang si Maria bilang ina ni Hesus sa laman, ngunit hindi siya karapatdapat sa anumang pagsamba. Hindi kailanman ipinahiwatig sa Bibliya na naririnig ni Maria ang panalangin ng mga tao sa langit o maaari siyang mamagitan sa mga tao sa harap ng Diyos. Si Hesus lamang ang ating Tagapagtanggol at Tagapamagitan sa langit sa harap ng Diyos (1 Timoteo 2:5). Kung paguukulan ng pagsamba, paghanga at pagpupuri, sasabihin din ni Maria sa mga tao gaya ng sinabing ito ng mga anghel: "Ang Diyos ang sambahin mo!" (Pahayag 19:10; 22:9). Si Maria mismo ang nagbigay ng halimbawa para sa atin ng kanyang sabihin na tanging sa Diyos lamang dapat iukol ang ating pagsamba at pagpupuri, "At sinabi ni Maria, "Ang puso ko'y nagpupuri sa Panginoon, At nagagalak ang aking espiritu dahil sa Diyos na aking Tagapagligtas. Sapagkat nilingap niya ang kanyang abang alipin! At mula ngayon, ako'y tatawaging mapalad ng lahat ng salinlahi, Dahil sa mga dakilang bagay na ginawa sa akin ng Makapangyarihan — Banal ang kanyang pangalan!" (Luke 1:46-49).

    ReplyDelete
    Replies
    1. Excuse me po, we do not worship Mary, we ask her to pray for us.

      Delete
  7. WALANG IBANG INA NA NAKASULAT SA BIBLIYA. ANG BIBLIYA ANG MAG PAPATUNAY KUNG SINO ANG INA NG LAHAT NA NABUBUHAY HINDI ANG SALIT SALIT SABI NG TAO NGAYON DAPAT MAY BATAYAN.

    GENESIS 3:20 at tinatawag na Eva ng lalake ang kaniyang asawa, sapagka't siya ang naging INA NG LAHAT NG MGA NABUBUHAY.

    ReplyDelete
  8. MAKONTENTO TAYO SA NAKASULAT HUWAG NG DAGDAGAN PA NG KWENTO NG SAGING kUYA ADVISER MAAWA KA SA KALULUWA MO .

    ISA LANG ANG INA NG LAHAT NA NABUBUHAY SA MUNDO KUNDI SI EVA

    ReplyDelete
  9. Ang Pagka Ina ni Maria sa mga tao dahil Ina siya sa Pananampalataya sa mga Cristiano,dahil si Maria ay naging Ina ni San Juan sa pananampalataya dahil iyon po ang kagustuhan ni Jesus sa kanyang Ina,iyan ang kanyang kabilin kay San Juan sa kanyang nalalabing hininga.

    ReplyDelete

Click here

Click here
Facebook Apologetic Fanpage