.
.
.
.
BY: Kuya Adviser CFD
"MAKINIG ang may PANDINIG!
(Mateo 11:15)
.
.
ISA SA MADALAS NA TINULIGSA NG MGA SEKTANG SUMULPOT NA TATAG NG TAO AT MGA PROTESTANTE NG SANTA IGLESIA KATOLIKA AY ANG BIRHENG MARIA.
ANG TURING PO NILA KAY MARIA AY ISA LAMANG BABAENG "Gamitan".
SAPAGKAT "ginamit" LAMANG UMANO SIYA NG DIYOS UPANG ILUWAL DITO SA MUNDO ANG CRISTO. TIPIKAL PO NATIN ITONG MARIRINIG MULA SA MGA BORN AGAIN SECTS (Evangelicals) AT MGA IBA PANG SEKTANG SULPOT.
HINDI PO BA AT NAPAKALAKING INSULTO NG MGA GANITONG KAISIPAN PARA SA MAHAL NA INA NG PANGINOONG HESUS??
AT PARA NA RIN SA DIYOS ITO AY ISANG KAPUSUNGAN SAPAGKAT GINAWA PA NILANG "manggagamit" LAMANG ANG DIYOS!
GANITO ANG PANG-UNAWA NG LIKONG UTAK NG MGA SEKTANG SULPOT NA ITO.
*****
PARA PO HIGIT NATING MAUNAWAAN ANG KAHALAGAHAN NG PARTISIPASYON NG BIRHENG MARIA SA PLANONG SALVATION AND REDEEMPTION NG DIYOS SA MGA TAO, AY ATIN PONG I-PICTURE OUT ANG ISANG MAHALAGANG SENARYO SA KASAYSAYAN NG SANGKATAUHAN.
SA KASAYSAYAN PO NG CREATION, GINAWA NG DIYOS ANG LAHAT NG BAGAY SA MUNDONG ITO. (Genesis 1)
PINAKAHULING NILALANG NG DIYOS ANG TAO, SI ADAN AT EBA...(Ika anim na araw) ANG ATING UNANG MGA MAGULANG,
NA PINAGKATIWALAAN SA LAHAT NG MGA BAGAY BILANG STEWARD O TAGAPAMAHALA NITO. SA KANILA NAGMUMULA ANG LAHAT NG LAHI SA MUNDONG ITO (Genesis 1:26-30)
SI EBA AT ADAN AY INILAGAY NG DIYOS SA "Eden" O ISANG HARDIN O PARAISO, KUNG SAAN NAROON ANG "Puno ng Buhay" AT ANG "Puno ng Kaalaman ng Mabuti at Masama" (Genesis 2:8-9, v15)
BINIGAY NG DIYOS ANG LAHAT NA KALAYAANG KUMAIN MULA SA BUNGA NG MGA PUNO SA LOOB NG HALAMANAN NG EDEN, MALIBAN SA PAGKAIN MULA SA BUNGA NG "Puno ng Kaalaman ng Mabuti at Masama"
(Genesis 2:16-17)
SA LOOB NG HALAMANAN NG EDEN AY MAPAYAPA AT MASAYANG NAMUHAY SI ADAN AT EBA.
HANGGANG SA DUMATING ANG MANUNUKSO... ANG AHAS!
DITO NA NATIN UMPISAHANG TINGNAN ANG SENARYO NA NAGAGANAP MULA SA UNANG BABAE... SI EBA.
●●●> ANG PAKIKIPAG-USAP AT PAGTUKSO NG AHAS KAY EBA!
(Alalahanin natin na si Satanas ay dating Anghel ng Dios na naging anghel ng kadiliman dahil nais niyang higitan ang Diyos)
AHAS:
Genesis 3:1
"Tunay bang sinabi ng Dios, Huwag kayong kakain sa alin mang punong kahoy sa halamanan?"
BABAE/EBA:
Genesis 3:2-3
2 "Sa bunga ng mga punong kahoy sa halamanan ay makakakain kami:
3 Datapuwa't sa bunga ng punong kahoy na nasa gitna ng halamanan ay sinabi ng Dios, Huwag kayong kakain niyaon, ni huwag ninyong hihipuin, baka kayo'y mamatay."
AHAS/SATANAS:
Genesis 3:4-5
4 "Tunay na hindi kayo mamamatay:
5 Sapagka't talastas ng Dios na sa araw na kayo'y kumain niyaon ay madidilat nga ang inyong mga mata, at kayo'y magiging parang Dios, na nakakakilala ng mabuti at masama."
AT DITO SUMUNOD SI EBA, PUMITAS NG BUNGA MULA SA PUNO NG KAALAMAN NG MABUTI AT MASAMA, AT IBINAHAGI PATI SA ASAWA NIYANG SI ADAN. AT NAMULAT SILA SA KAALAMAN.
Genesis 3:6
6 "At nang makita ng babae, na ang bunga ng punong kahoy ay mabuting kanin, at nakalulugod sa mga mata, at kahoy na mananasa upang magpapantas sa tao, ay pumitas siya ng bunga niyaon at kinain; at binigyan din niya ang kaniyang asawang kasama niya, at ito'y kumain."
7 At nadilat kapuwa ang kanilang mga mata, at kanilang nakilalang sila'y mga hubad; at sila'y tumahi ng mga dahon ng puno ng igos, at kanilang ginawang panapi.
SA PAGSUNOD NI EBA SA SINABI NG ANGHEL NG KADILIMAN (ahas)... AY NAGDULOT NG KAMATAYAN!
SIMULA ITO NA NAGKAROON NG KAMATAYAN ANG TAO. ITO ANG SIMULA NA ANG UNANG TAO SI EBA AT ADAN AY PINALAYAS NG DIYOS SA HARDIN NG EDEN.
SILA AY NAGING ALIPIN NA NI SATANAS SA KASALANAN.
DAHIL SILA AY NAKINIG AT NATUKSO NI SATANAS.
SUMUWAY SA UTOS NG DIYOS AT SUMUNOD KAY SATANAS.
MULA DITO SA PANGYAYARING ITO AY ISINUMPA NG DIYOS ANG AHAS!
Genesis 3:14
"At sinabi ng Panginoong Dios sa ahas, Sapagka't ginawa mo ito, ay sumpain ka ng higit sa lahat ng hayop, at ng higit sa bawa't ganid sa parang; ang iyong tiyan ang ilalakad mo, at alabok ang iyong kakanin sa lahat ng mga araw ng iyong buhay:"
AT MULA RIN DITO GINAWA NG DIYOS ANG "Emnity" O PAGKAKAAWAY NG "babae" AT SA KANYANG BINHI LABAN SA AHAS NA SI SATANAS AT KANYANG MGA BINHI!
Genesis 3:15
"At papagaalitin ko IKAW at ang BABAE, at ang iyong binhi at ang KANIYANG BINHI: ITO ANG DUDUROG NG IYONG ULO, at ikaw ang dudurog ng kaniyang sakong."
ANG TALATA PONG ITO AY HINDI SIMPLE LAMANG ANG KAHULUGAN.
ITO PO MAY MALALIM NA MENSAHE. MAY MALALIM NA TEOLOHIYA.
DITO IPINAPAHIWATIG NG DIYOS ANG KANYANG "Divine Plan" NA MANGYAYARI SA HINAHARAP UPANG BAWIIN SA MGA KAMAY NI SATANAS ANG TAO NA NAGING ALIPIN NA NITO.
DITO PO, IPINAPAHIWATIG NG DIYOS NA MAY DARATING NA ISANG "Bagong Babae". AT MULA SA BAGONG BABAE NA ITO, AY ANG BINHI NA DUDUROG SA ULO NI SATANAS.
BAKIT BAGONG BABAE?
DAHIL ANG BABAENG ITO NA DARATING AY MALINIS."Immaculate, Perpetually Virgin". "Sinless", Pure", " Holy"... WALANG BAHID NG ANUMANG DUMI TULAD NG UNANG BABAENG SI EBA SA SIMULA NG PAGLALANG SA KANYA NG DIYOS.
MULA SA EMNITY NA ITO, ANG DIVINE PLAN NG DIYOS AY DARATING SA SANGKATAUHAN SA TAKDANG PANAHON.
PAPAANO NAIHAYAG ANG DIVINE PLAN NA ITO NG DIYOS TUNGKOL SA BAGONG BABAE NA DARATING?
SAGOT:
SA PAMAMAGITAN NG MGA PROPETA, ANG DIYOS AY NAGSALITA.
Isaiah 7:14
Therefore the Lord himself shall give you a sign; Behold, a VIRGIN shall conceive, and bear a son, and shall call his name Immanuel.
SA TAGALOG:
Isaias 7:14
Kaya't ang Panginoon nga ay magbibigay sa inyo ng tanda; narito, isang dalaga ay maglilihi, at manganganak ng isang lalake, at tatawagin ang kaniyang pangalan na Emmanuel.
AT NATUPAD ITO SA BAGONG TESTAMENTO:
Mateo 1:22-23
22 Nangyari nga ang lahat ng ito upang matupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta,
23 “Tingnan ninyo; ‘Maglilihi ang isang birhen at magsisilang ng isang sanggol na lalaki, at tatawagin itong Emmanuel.’” (Ang kahulugan nito'y “Kasama natin ang Diyos”.)
AT ANG BABAENG ITO AY SIYANG MAGDADALA NG EMMANUEL. ANG DIYOS NA KASAMA NATIN.
ANG BINHI NA ITO NG BABAE AY BUGTONG NA ANAK NG DIYOS NA SIYANG DUDUROG SA ULO NI SATANAS.
*****
NGAYON NAMAN, I PICTURE OUT NATIN ANG SENARYO SA BAGONG BABAE NA KATUPARAN SA MGA SALITA NG DIYOS SA Genesis 3:15, NA INIHAYAG NI PROPETA ISAIAH, AT NAISAKATUPARAN SA BAGONG TESTAMENTO.
AT ATING IHAMBING SA SENARYONG NAGAGANAP SA UNANG BABAENG SI EBA, :
●●●> KINAUSAP NI ARKANGHEL GABRIEL ANG BABAE:
(Note: Si Gabriel ay Anghel ng kaliwanagan/Diyos)
ANGHEL GABRIEL:
Lucas 1:28
"Lumapit ang anghel sa dalaga at binati ito, “Magalak ka! Ikaw ay lubos na kinalulugdan ng Diyos. Sumasaiyo ang Panginoon!”
Lucas 1:30-33
30 Sinabi sa kanya ng anghel, “Huwag kang matakot, Maria, sapagkat naging kalugud-lugod ka sa Diyos.
31 Makinig ka! IKAW AY MAGLILIHI AT MANGANGANAK NG ISANG SANGGOL NA LALAKI, at siya'y papangalanan mong Jesus.
32 Siya'y magiging dakila at tatawaging ANAK NG KATAAS-TAASANG DIYOS. Ibibigay sa kanya ng Panginoong Diyos ang trono ng kanyang amang si David upang
33 maghari sa angkan ni Jacob magpakailanman. Ang kanyang paghahari ay pangwalang hanggan.”
BABAE/MARIA:
Lucas 1:34
34 “Paano pong mangyayari ito gayong ako'y isang birhen?” tanong ni Maria.
ANGHEL GABRIEL:
Lucas 1:35-36
35 “Sumagot ang anghel, “Sasaiyo ang Espiritu Santo at mapapasailalim ka sa kapangyarihan ng Kataas-taasang Diyos. Dahil dito, ANG ISISILANG MO'Y BANAL AT TATAWAGING ANAK NG DIYOS.
BABAE/MARIA:
Lucas 1:38
"Sumagot si Maria, “AKO'Y ALIPIN NG PANGINOON. MANGYARI NAWA SA AKIN ANG IYONG SINABI.” Pagkatapos, umalis na ang anghel."
ANG PAGTANGGAP NI MARIA SA SINABI NG ANGHEL AY SIYANG MAGBIBIGAY NG BUHAY. DAHIL ITINATANIM NG DIYOS SA KANYANG SINAPUPUNAN ANG "BINHI" NA SIYANG DUDUROG KAY SATANAS. ANG IMMANUEL. ANG MESIYAS... ANG TAGAPAGLIGTAS...ANG CRISTO, ANG BUHAY!
DAHIL SA PAGSUNOD NI MARIA SA SINABI NG ANGHEL MAGKAKAROON ULI NG BUHAY NA WALANG HANGGAN. MABABAWI NA ANG MGA TAO MULA SA PAGKAALIPIN NI SATANAS SA KASALANAN AT KAMATAYAN.
PANSININ PO NINYO ANG SINABI NG BAGONG EBA (Maria):
"Ako'y alipin ng Panginoon"
DITO NAIPAKITA NA SI MARIA AY "HINDI ALIPIN NI SATANAS!
SIYA ANG BAGONG BABAE NA BUMAWI SA GINAWA NG UNANG BABAE (Eba).
NOTE:
EBA ~~~> Alipin ni Satanas.
MARIA~~~> Alipin ng Panginoon
NABAWI DI PO BA ! :):)
NGAYON PO... NAKIKITA NYO NA BA ANG PAGKAKAHALINTULAD NG NAGANAP SA SENARYO NG UNANG BABAENG SI EBA...AT ANG BAGONG BABAE NA SI MARIA?
●●The "YES" of Eve to the Angel of Darkness (SATAN) brought "DEATH" to humanity.
●● The "YES" of Mary to the Angel of God brought "LIFE" to humanity through Jesus.
NGAYON PO... MASASABI NYO PA RIN BA NA SI MARIA AY "Ginamit" LAMANG NG DIYOS UPANG ISILANG ANG ANAK NIYANG SI JESUS?
ANONG AKALA NINYO SA DIYOS, ISANG MANGGAGAMIT LAMANG? PAGKATAPOS NIYANG GINAMIT SI MARIA AY BALEWALA NA ITO?
GANUN ANG PAGKAKAUNAWA NG MGA MAKIKITID ANG UTAK NA MGA TAGA IBANG SEKTA. GANUN KABABA ANG TINGIN NILA KAY MARIA. BILANG ISANG BABAENG "gamitan lamang". KAYA NGA BA HINDI MAN LAMANG NILA MABIGYAN NG KAUKULANG PAGGALANG AT PAGMAMAHAL SI MARIA BILANG INA NG PANGINOONG JESUS.
SI JESUS NA TINAWAG DING "Anak ng Tao" DAHIL SIYA AY ANAK NI MARIA.
SI JESUS AY TINAWAG DING "Anak ng Diyos"
DAHIL SIYA ANG BUGTONG ANAK NG DIOS AMA.
SI MARIA PO AY PARTE NA NG PLANO NG DIYOS SA SIMULA PA LANG NG KASAYSAYAN NG SANGKATAUHAN.
SI MARIA AY ANG BAGONG BABAE NA IPINAHIWATIG NG DIYOS NA MAKAKAAWAY NI SATANAS.
BAKIT MAKAKAAWAY? DAHIL ANG BABAENG ITO AY MALINIS AT HINDI KAYANG TUKSUHIN AT ALIPININ NI SATANAS DAHIL NADADAMITAN SIYA NG LIWANAG NG KALUWALHATIAN NG ANAK NIYANG SI JESUS. NAKAPUNLA SA KANYA ANG DIYOS NA SUMASAATIN. ANG EMMANUEL!
ANG BANAL NA BATA. ANG CRISTO. ANG MAG AALIS SA MGA KASALANAN NG MUNDO NA NAGMUMULA KAY SATANAS.
SI MARIA AY BANAL SAPAGKAT SIYA ANG BAGONG KABAN NG BAGONG TIPAN!
DINADALA NG BAGONG KABAN NA ITO ANG " "Highpriest, Tinapay mula sa Langit/Mana, at Bagong Kautusan/New Covenant na si JESU-CRISTO".
(Hebrews 5:10, John 6:41, Mateo 26:26-28)
KATUPARAN ITO MULA SA LUMANG KABAN NG TIPAN!
Hebreo 9:4
Na may isang gintong dambana ng kamangyan at KABAN NG TIPAN, at ang paligid ay nakakalupkupan ng ginto, na siyang kinaroroonan ng sisidlang-ginto na may lamang MANA, at TUNGKOD NI AARON na namulaklak, at mga TAPYAS NA BATO NG TIPAN;
AT MALIWANAG PA NATIN ITONG MAKIKITA. MULA SA SIMULA SA AKLAT NG Genesis, HANGGANG SA KATAPUSAN SA AKLAT NG Revelation, SA MGA SALITA NG DIYOS
( Banal na Bibliya)
MAKIKITA NATIN ANG KATUPARAN NG LAHAT NG ITO.
Pahayag 12:1, 5
1 At ang isang dakilang tanda ay nakita sa langit: ISANG BABAE NA NARARAMTAN NG ARAW, at ang buwan ay nasa ilalim ng kaniyang mga paa, at sa kaniyang ulo ay may isang putong na labingdalawang bituin;
5 At SIYA'Y NANGANAK NG ISANG LALAKE, NA MAGHAHARI NA MAY PANGHAMPAS NA BAKAL SA LAHAT NG MGA BANSA: at ang kaniyang anak ay inagaw na dinala hanggang sa Dios, at hanggang sa kaniyang luklukan.
Pahayag 12:13
13 At nang makita ng dragon na siya'y inihagis sa lupa, ay INUUSIG NIYA ANG BABAENG NANGANAK NG SANGGOL NA LALAKE.
Pahayag 12:17
AT NAGALIT ANG DRAGON SA BABAE, at umalis UPANG BUMAKA SA NALABI SA KANIYANG BINHI, na siyang nagsisitupad ng mga utos ng Dios, at MGA MAY PATOTOO NI JESUS:
MALINAW NA MALINAW PO PARA SA MGA TAONG NASA LIWANAG....
ANG BABAE NA MULA SA SIMULA AY SALITA NA NG DIYOS Genesis 3:15, Isaiah 7:14
AY SI MARIA!
ANG BAGONG EBA!
ANG MAGIGING BAGONG INA NG MGA KAPATID NI CRISTO DITO SA KANYANG TUNAY NA SANTA IGLESIA KATOLIKA.
MARY IS NOT JUST BEING USED!
AS WHAT THE ANTI-CATHOLICS BELIEVED.
MARY IS PART OF THE DIVINE PLAN OF GOD FROM THE VERY BEGINNING. THE DIVINE PLAN OF SALVATION FOR THE WORLD.
KAYA NAPAKAPALAD PO NG MGA KATOLIKO.
SAPAGKAT NAKIKILALA NATIN NG HUSTO ANG ATING BAGONG INA. SI INANG MARIA...
AT TAYO AY TUNAY NA NAKIKINIG SA BOSES AT SALITA NG ATING PANGINOONG JESUS.
Mateo 19:19
IGALANG MO ANG IYONG AMA AT INA; at, Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili.
Juan 10:27
DINIRINIG NG AKING MGA TUPA ANG AKING TINIG, at sila'y aking nakikilala, at SILA'Y MAGSISUNOD SA AKIN:
BINIGAY NI JESUS SA ATIN ANG KANYANG INA UPANG MAGING INA RIN NATIN NA KANYANG MGA TUPA DITO SA KANYANG SANTA IGLESYANG TATAG.
Juan 19:26-27
26 Pagkakita nga ni Jesus sa KANYANG INA, at sa nakatayong alagad na kaniyang iniibig, ay sinabi niya sa kaniyang ina, BABAE, NARITO ANG IYONG ANAK!
27 Nang magkagayo'y sinabi niya sa alagad, NARITO, ANG IYONG INA! At buhat nang oras na yaon ay tinanggap siya ng alagad sa kaniyang sariling tahanan.
KAYA KAPAG HINDI MO TINANGGAP SI MARIA BILANG BAGONG INA.... IKAW AY HINDI TUNAY NA KAPATID NI CRISTO JESUS!
IBANG CRISTO IYANG KINIKILALA AT SINASAMBA NIYO!
ANG CRISTONG BULAAN!
NA ISANG PANLILINLANG NI SATANAS!
*****
DI BA AT PALAGING TANONG NG MGA SEKTANG SULPOT NA BAKIT "Babae" LAMANG ANG TAWAG NI JESUS SA KANYANG INA? HINDI DAW INAAMIN NI JESUS NA SI MARIA AY NANAY NIYA DAHIL HINDI DAW ITO TUMATAWAG KAY MARIA NA "Nanay o Ina". :)
MALINAW AT SIMPLENG SAGOT:
TINAWAG NI JESUS ANG INA NIYA SA SALITANG "Babae"
PAGPAPAHIWATIG NA ANG KANYANG INA AY ANG "Babae" NA SINALITA NG KANYANG AMA SA Genesis 3:15.
ANG "Babae" NA MAGLULUWAL SA KANYA SA MUNDONG ITO.
QUESTION ANSWERED!
LOUD AND CLEAR! :) :)
KATULAD NGA PO NG PALAGING SINASABI NG PANGINOONG JESUS...
"MAKINIG ang may PANDINIG!
(Mateo 11:15)
******
MARAMING SALAMAT PO SA INYONG PAGBABASA.
PATULOY PO NATING MAHALIN ANG ATING INANG MARIA.
MAY ISANG HIGIT PANG NAGMAMAHAL SA KANYA... SI JESUS... ANG KANYANG KAISA ISANG ANAK, NA ATING PANGINOON AT TAGAPAGLIGTAS!
AVE MARIA!
GLORY TO GOD IN THE HIGHEST!
GOD BLESS EVERYONE!
PLS. LIKE AND SHARE...
FOR MORE: KINDLY LIKE THIS PAGEwww.facebook.com/kuyaadviserpublicfigure
No comments:
Post a Comment