Pagkain ng baboy






PAG KAIN NG BABOY, MASAMA PA RIN BA AYON SA BIBLIYA?




MAY NAG TANONG:




"BAKIT KUMAKAIN NG BABOY ANG MGA KRISTYANO EH MALINAW NA IPINAGBAWAL ‘YAN NG BIBLE? (LEVITICUS 11:7-8.)













***********************




GANITO ANG SABI NG TALATANG BINABANGGIT

"ANG BABOY, SA KABILA NG PAGKAKAROON NG BIYAK NA KUKO, AY HINDI NGUMUNGUYA NG KINAKAIN; ITO AY HINDI MALINIS PARA SA INYO. HINDI KAYO DAPAT KUMAIN NG KARNE NG MGA ITO O HUMIPO NG KANILANG BANGKAY. HINDI SILA MALINIS."




NGAYON, PARA MASAGOT ANG TANONG, AY BASAHIN NAMAN NATIN ANG SINASABI NG (ACTS 10:10-15)




(ACTS 10:10-"NAKITA NIYA (PEDRO) NA BUMUKAS ANG LANGIT AT ISANG TULAD NG MALAKING KUMOT ANG IBINABA SA DAIGDIG SA PAMAMAGITAN NG APAT NA KANTO NITO.




"NILALAMAN NITO ANG LAAT NG URI NG HAYOP NA APAT ANG PAA, MAGING MGA GUMAGAPANG SA LUPA AT MGA IBON SA KALANGITAN. ISANG BOSES ANG NAGSABI SA KANYA, "TUMAYO KA, PEDRO. PUMATAY KA AT KUMAIN. HINDI, PANGINOON! SAGOT NI PEDRO. "KAHIT KAILAN AY HINDI AKO KUMAIN NG BAGAY NA MARUMI O HINDI MALINIS. "NAGSALITANG MULI ANG BOSES, "HUWAG MONG TAWAGING MARUMI ANG NILINIS NA NG DIYOS."

ANO ANG KAHULUGAN NG MGA TALATANG ITO. DITO PUMAPASOK ANG (MATTHEW 15:10-11)




(MATTHEW 15:10-11)

"TINAWAG NI HESUS ANG MGA TAO AT SINABI, "MAKINIG KAYO AT UMINTINDI. ANUMAN ANG PUMAPASOK SA BIBIG NG TAO AY HINDI SA KANYA NAKARURUMI. ANG NAKARURUMI SA KANYA AY KUNG ANO ANG LUMALABAS SA KANYANG BIBIG."




ANG IBIG SABIHIN LANG NIYAN , AY BINAGO NI HESUS ANG PAMANTAYAN NG MGA BAGAY NA NAKARURUMI SA TAO. MALINAW NA SINABI NI HESUS NA “NILINIS KO NA ANG BAGAY NA MARUMI” DAHIL SI HESUS ANG KATUPARAN SA OLD TESTAMENT, ULTIMO ANG KRUS NA GINAMIT PANG PATAY KAY HESUS, NA DATI AY KRUS NG MASASAMANG TAO AT MGA MAKASALANAN NGAYON AY SIMBOLO NA NG ATING KALIGTASAN




SA LUMANG TIPAN O LUMANG KAAYUSAN, ANG KALINISAN O KARUMIHAN AY "HIWALAY" SA TAO.




SA BAGONG TIPAN O BAGONG KAAYUSAN NA ITINALAGA NI KRISTO, ANG KARUMIHAN AY NAGMUMULA SA TAO AT HINDI SA MGA BAGAY NA NAKAPALIGID SA KANYA.




KUNG BABASAHIN PA NATIN ANG MGA TALATA NG MATTHEW MULA VERSE 1 HANGGANG 20, AY MAKIKITA NATIN NA SINABI IYON NI HESUS DAHIL BINABATIKOS NIYA ANG MGA MALING GAWAIN NG MGA PINUNO NG MGA HUDYO.

ANG MGA JEWISH LEADERS AY SUNOD NANG SUNOD SA KAUTUSAN TUNGKOL SA PAGKAIN (TULAD NG BINABANGGIT MO SA LEVITICUS) AT ANG PAGIGING MATUWID AY IBINABASE NILA RITO.




SA KABILA NAMAN NG KANILANG PAGSUNOD AY MALAYO NAMAN SA DIYOS ANG KANILANG MGA PUSO AT PUNO NG KASAMAAN ANG KANILANG SARILI.

KAYA NGA NASABI NI KRISTO SA VERSE 16-17,







"TINANONG SILA NI HESUS, ‘MAPUROL BA ANG INYONG PAG-IISIP? HINDI BA NINYO NAKIKITA NA ANO MAN ANG PUMAPASOK SA BIBIG AY PUMUPUNTA SA SIKMURA AT SAKA LUMALABAS SA KATAWAN?

"PERO ANG MGA BAGAY NA LUMALABAS SA BIBIG AY GALING SA PUSO AT ANG MGA ITO ANG NAGPAPARUMI SA TAO."

33 comments:

  1. w8 lang po hindi sa kumokontra ako ayon sa mga scientist daw ay marumi talaga ang baboy kahit na pakuluaan mo ito hindi namamatay ang bacteria.

    ang sa paliwanag naman po ng Seventh Day Adventist itoy ay nilikha bilang isang basurero oh scavenger at ang mga crabs shell itoy kumakain ng dumi sa dagat ang isang walang kaliskis naman ay marumi din dahil hindi nito nasasala ang dumidikit na dumi

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pa walang galang ho. Sa kapanahunan ni moises o sa lumang kasulatan naitala na ang baboy o ang maruming hayop ay hiwalay sa Tao.
      Para sakin. Di pa ipinanganak si jesus sa kapanahunanhon ni Moises . Mula nong ipinanganak si jesus at nagsasabi na hindi ang kinain ng Tao ang dumi sa pagkatao kundi ang lumabas mula sa bibig nito. Tataw na naipahayag sa itaas sir.

      Maraming salamat ho. Gdbless

      Delete
  2. bakit po ninyo dinugtong ang sinabi sa Gawa at sa Mateo? malinaw magkaiba ang konteksto ng talata. kung susuriin ninyo sa Gawa si Pedro ay walang malay at binigyan sya ng pangitain. nung nagising nga si Pedro eh hindi pa nya malaman ang kasagutan. kung ipagpapatuloy nyo ang pagbabasa ang nilinis ay ang TAO.wala kang mababasa na nilinis ang baboy.
    At sa MATEO, ang tinutukoy doon kung babasahin nyo ng buo iyon ang tungkol sa pagpuna ng mga Fariseo tungkol sa pagkain ng mga alagad ng tinapay na hindi nangaghugas ng kamay at ito'y narumihan.

    ReplyDelete
  3. bakit po ninyo dinugtong ang sinabi sa Gawa at sa Mateo? malinaw magkaiba ang konteksto ng talata. kung susuriin ninyo sa Gawa si Pedro ay walang malay at binigyan sya ng pangitain. nung nagising nga si Pedro eh hindi pa nya malaman ang kasagutan. kung ipagpapatuloy nyo ang pagbabasa ang nilinis ay ang TAO.wala kang mababasa na nilinis ang baboy.
    At sa MATEO, ang tinutukoy doon kung babasahin nyo ng buo iyon ang tungkol sa pagpuna ng mga Fariseo tungkol sa pagkain ng mga alagad ng tinapay na hindi nangaghugas ng kamay at ito'y narumihan.

    ReplyDelete
  4. Replies
    1. Kaninong kapanahunan naitala na marumi ang baboy.?????? Sa panahon na iyan ba ay ipinanganak na si jesus ?

      Kung ganon Naniniwala kaba kay jesus ? Sino Sina Mateo, Pedro?

      Delete
  5. itanong ninyo sa pagong mga anti catholic

    ReplyDelete
  6. "NILALAMAN NITO ANG LAAT NG URI NG HAYOP NA APAT ANG PAA, MAGING MGA GUMAGAPANG SA LUPA AT MGA IBON SA KALANGITAN. ISANG BOSES ANG NAGSABI SA KANYA, "TUMAYO KA, PEDRO. PUMATAY KA AT KUMAIN. HINDI, PANGINOON! SAGOT NI PEDRO. "KAHIT KAILAN AY HINDI AKO KUMAIN NG BAGAY NA MARUMI O HINDI MALINIS. "NAGSALITANG MULI ANG BOSES, "HUWAG MONG TAWAGING MARUMI ANG NILINIS NA NG DIYOS."

    tanung panu ang sa tubig na mga pagkain???


    tapusin mo pgbasa,,kung pagkain ba talga ang lman ng talata,,tuloy mu sa verse 28,,,,,dami mung naligaw,,,kc pinuputol mu ang talta,,,,

    ReplyDelete
    Replies
    1. baka ikaw ang naligaw kapatid..malinaw na nga diyan sa verse na yan...at sinabi pa ni kristo na ang pagkain ay deretso sa tiyan at tinatae din...

      Delete
  7. Nilinis ba ni kristo ang mga maruming hayop?
    “At tayo’y hindi niya itinangi sa kanila, na nilinis sa pamamagitan ng pananampalataya ang kanilang mga puso.” Gawa 15:9 TAB.
    Ang mga hayop po ay walang kakayanang sumampalataya kaya ang paglilinis ay hindi para sa maruming hayop. Ang nilinis po ng Dios ay ang kasalanan ng tao.
    Ang lahat ng nilalang ng Diyos sa sanlibutan ay mabuti. Lahat ng hayop ay mabuti, may mga kanya-kanya po silang purpose. Hindi lahat ng hayop ay nilikha ng Diyos para kainin. Malinaw sa Bibliya na mayroon po talagang mga maruming hayop na ipinagbabawal ng Dios na kainin ng isang tao.
    Ang pagkamatay ng ating Panginoong Jesu-Cristo ay hindi para linisin ang mga karumaldumal na hayop, kundi para linisin ang tao sa kasalanan upang ang lahat ng tao ay magkaroon ng kaligtasan, maging Hudyo ka man o Hentil.

    ReplyDelete
    Replies
    1. ANG BABOY BA HINDI TINATAWAG NA PAGKAIN? PAG BA SINABI LAHAT MAY MATITIRA PA?

      Delete
    2. hindi lahat isinusulat letra por letra sa kapal na nga ng bibliya hindi na mabasa hahanapin mo pa letra ang word na baboy,, kung ganyan ka maghanap letra por letra ibig mong sabihin hindi bawal ang shabo, sigarilyo etc dahil hindi nakasulat...

      marcos 7:19 sapagkat hindi pumapasok sa kaniyang puso, kundi sa kaniyang tiyan, at lumalabas sa dakong daanan ng dumi? Sa salitang ito'y NILILINIS niya ang LAHAT ng pagkain.


      TANUNG BROD ANO BANG PAGKAIN NA MARUMI NUONG UNANG PANAHON AT PAG SINABI BANG LAHAT MAY MATITIRA BA?

      GAWA 11:9 nguni't sumagot na ikalawa ang tinig mula sa langit, ANG NILINIS NG DIOS AY HUWAG MONG IPALAGAY NA MARUMI

      Delete
  8. Marcos 7:19 “Sapagka’t hindi pumapasok sa kaniyang puso, kundi sa kaniyang tiyan, at lumalabas sa dakong daanan ng dumi? Sa salitang ito’y nililinis niya ang lahat ng pagkain.” TAB
    Ito ang paboritong talata ng mga Kristianong nagsasabing pwede ng kainin ang mga ipinagbawal ng Dios noon. Ano ang katotohanan sa likod ng mga paliwanag nila?
    Ang mga Kristianong nagtataguyod na pwede ng kainin ang mga pinagbawal noon ay sila rin ang naniniwalang hindi sakop ang Kristiano sa pagbabawal na iyon ng Dios sa panahon ng Lumang Tipan.
    Sagot #1:
    Kung hindi sakop ang Kristiano sa pagbabawal na iyon ng Dios ay bakit kelangang “linisin pa” para sa mga Kristiano? Ano ang lilinisin para sa Kristiano samantalang hindi naman pala pinagbawalan ang mga Kristiano (ayon sa paliwanag nila)?
    Sagot #2:
    Ang mga katagang “Sa salitang ito’y nililinis niya ang lahat ng pagkain” ay hindi tamang pagdaragdag ng mga translators ng Tagalog Ang Biblia. Sa King James Version ay mababasa natin ang ganito:
    Mark 7:19 “Because it entereth not into his heart, but into the belly, and goeth out into the draught, purging all meats?” KJV
    Sa KJV ay makikitang “ang pinatutunguhan ng pagkain (tiyan at bituka) ang syang tumutunaw (purge) sa mga kinain.” Wala dito ang pahayag na “Sa salitang ito’y nililinis niya..“. Ito po ay idinagdag na lamang ng mga modern translators.
    Sagot #3:
    Sa Biblia po ay may ibang mga katawagan para sa mga pagkain na dapat at sa mga itinuturing na pagkain ng tao ngunit mga karumaldumal ayon sa Dios.
    “akatharton” (Gk. ακαθαρτον) – foul, unclean, forbidden (Acts 11:8)
    “bromah” (Gk. βρῶμα) – allowed meat, clean, food (1 Corinthians 10:3)
    Sa Mark 7:19, ang ginamit na salitang Griego ay βρῶμα (bromah) at hindi ακαθαρτον (akatharton). Tingnan po nating muli kung ano ang implication nito sa talata.
    Mark 7:19 “Because it entereth not into his heart, but into the belly, and goeth out into the draught, purging all βρῶμα?” KJV
    Mark 7:19 “Because it entereth not into his heart, but into the belly, and goeth out into the draught, purging all clean food?” KJV
    Tingnan naman po natin sa saling tagalog:
    Marcos 7:19 “Sapagka’t hindi pumapasok sa kaniyang puso, kundi sa kaniyang tiyan, at lumalabas sa dakong daanan ng dumi? Sa salitang ito’y nililinis niya ang lahat ng βρῶμα.” TAB
    Marcos 7:19 “Sapagka’t hindi pumapasok sa kaniyang puso, kundi sa kaniyang tiyan, at lumalabas sa dakong daanan ng dumi? Sa salitang ito’y nililinis niya ang lahat ng pagkaing malinis.” TAB
    Nakita na po ba natin kung bakit mali ang idinagdag ng mga modern translators? Kaya ang tanong natin

    ReplyDelete
    Replies
    1. TAWA AKO SAYO ATE PAG BA MALINIS NA KAILANGAN PA LINISIN MARCOS 7:19 INIIBA NALNG MAKALUSOT BAWAL YAN TEH?

      Delete
    2. hindi lahat isinusulat letra por letra sa kapal na nga ng bibliya hindi na mabasa hahanapin mo pa letra ang word na baboy,, kung ganyan ka maghanap letra por letra ibig mong sabihin hindi bawal ang shabo, sigarilyo etc dahil hindi nakasulat...

      marcos 7:19 sapagkat hindi pumapasok sa kaniyang puso, kundi sa kaniyang tiyan, at lumalabas sa dakong daanan ng dumi? Sa salitang ito'y NILILINIS niya ang LAHAT ng pagkain.


      TANUNG BROD ANO BANG PAGKAIN NA MARUMI NUONG UNANG PANAHON AT PAG SINABI BANG LAHAT MAY MATITIRA BA?

      GAWA 11:9 nguni't sumagot na ikalawa ang tinig mula sa langit, ANG NILINIS NG DIOS AY HUWAG MONG IPALAGAY NA MARUMI

      Delete
    3. hindi nmn po tinutukoy sa marcos ang mga pagkaing karumaldumal eh, kung babasahin po natin ang buong konteksto ng marcos 7 ay malalaman po natin na ang tinutukoy dyan na hindi nagpaparumi sa tao ay ung hindi paghuhugas ng kamay kapag kakain ksi may tradition ang mga pariseo na kailangan maghugas muna ng kamay kapag kakain kaya nung nakita nila ang mga alagad ni Kristo na kumain ng hindi naghugas ng kamay ay kanilang inusig ang mga alagad ni Kristo at si Kristo dahil hindi sila naghugas ng kamay kaya nga ang sagot ni Jesus "Nothing outside a person can defile them by going into them. Rather, it is what comes out of a person that defiles them.” So in short hindi po ito tumutukoy sa mga pagkaing bawal kundi sa hindi paghuhugas ng kamay :)

      Delete
  9. Nasabi na nga, mahirap bang intindihin ang sinabi ng P. JESUS, sadyang mahirap ipaintindi sa mga sarado ang isip, tanda na di pa kayo nagpapasakop sa katuruan ng P. Hesus. MATTHEW 15:10-11

    "TINAWAG NI HESUS ANG MGA TAO AT SINABI, "MAKINIG KAYO AT UMINTINDI. ANUMAN ANG PUMAPASOK SA BIBIG NG TAO AY HINDI SA KANYA NAKARURUMI. ANG NAKARURUMI SA KANYA AY KUNG ANO ANG LUMALABAS SA KANYANG BIBIG."

    ReplyDelete
  10. "TINANONG SILA NI HESUS, ‘MAPUROL BA ANG INYONG PAG-IISIP? HINDI BA NINYO NAKIKITA NA ANO MAN ANG PUMAPASOK SA BIBIG AY PUMUPUNTA SA SIKMURA AT SAKA LUMALABAS SA KATAWAN?

    "PERO ANG MGA BAGAY NA LUMALABAS SA BIBIG AY GALING SA PUSO AT ANG MGA ITO ANG NAGPAPARUMI SA TAO."

    ReplyDelete
  11. Ang mga biblia sa kasalukuyan ay nababago ng mga akda di po ninyo napapansin na mayroong mga samahang espirituwal at mga kung ano-anong mga pagtuturo ang nagaganap ngunit kung kayo o tayo ay isinilang na isang katoliko o isang katutubo ay yun ang ating panindigan na pananampalataya.

    ReplyDelete
  12. kung titignan po natin ng mabuti yung kontexto malinaw na di binabanggit yung utos sa lupang tipan ang pinag uusapan dyan kung ano ba yung maruming pinag-uusapan? tanong anu nga ba yun?Nang uusap po si Jesus, ang eskriba at mga Fariseo pinuna nila si Jesus bakit nagsisikain ng tinapay ang mga alagad n'ya ng marumi ang mga kamay?marcos 7:1-39

    ReplyDelete
  13. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  14. saan po sa bibliya tinutukoy na puwede na o nakasulat mismo na pwede nang kainin ang baboy

    ReplyDelete
    Replies
    1. hindi lahat isinusulat letra por letra sa kapal na nga ng bibliya hindi na mabasa hahanapin mo pa letra ang word na baboy,, kung ganyan ka maghanap letra por letra ibig mong sabihin hindi bawal ang shabo, sigarilyo etc dahil hindi nakasulat...

      marcos 7:19 sapagkat hindi pumapasok sa kaniyang puso, kundi sa kaniyang tiyan, at lumalabas sa dakong daanan ng dumi? Sa salitang ito'y NILILINIS niya ang LAHAT ng pagkain.


      TANUNG BROD ANO BANG PAGKAIN NA MARUMI NUONG UNANG PANAHON AT PAG SINABI BANG LAHAT MAY MATITIRA BA?

      GAWA 11:9 nguni't sumagot na ikalawa ang tinig mula sa langit, ANG NILINIS NG DIOS AY HUWAG MONG IPALAGAY NA MARUMI

      Delete
  15. nakakatuwa itong si mr adviser.hehehe..pinagconnect connect mo yung act 10,mateo 7 at mateo 15.hehe halatang di alam ang context ng bawat talata...kawawa sa maliligaw mo....kong sasabayan.yang haka haka mo,.technical ka pagdating sa isaiah 66:15-17

    ReplyDelete
  16. Hahaha kakatawa na mga paliwanag, saan dun ang sinabe ni hesus na word by word na baboy pwede kainin. Puro klang pasakalye e, wla nman nka tumbok na pwede kainin at iniutos sa mga tao.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kung magkaiba ang pinaniwalaan . Hindi talaga makaintindi . Pero malinaw.na malinaw ang pahayag. May tanong kang ho. Diba si jesus ay matalinghagang magsalita?

      Delete
  17. Sang ayon ho ako Dyan kuya. Malinaw nman ang pahayag. Ang kinakailangan ang tanong sa kasagutan kaya agree kuya .

    ReplyDelete
    Replies
    1. Madaming nalilinlang pag hindi tinapos ang istorya..tuloy nyo hanggang matapos ang chapter..Act 11..pabasa po mga kaibigan

      Delete
  18. Pakitapos po ang Chapter hanggang ikwento ni Pedro ang kanyang nalaman, na hindi nagtatangi ang Diyos maging Judio at Gentil man..hindi ang pagkain ang punto dito...

    ReplyDelete
  19. Gawa 11 pakituloy...hindi natin mauunawaan kapag hindi tinapos ang chapter...si Pedro ay pinadala ng Diyos para sa sambahayan ni Cornelio na isang Gentil at pinuno ng Senturion..Si Pedro po ay isang Judio at ang iba pang Apostles na alam nilakarumaldumal ang pagkain ng Baboy..Huwag nating bigyan ng katwiran para lang makakain ng baboy

    ReplyDelete
  20. Matanong lang po kelan pinag bawal sa mga judyo ang pag kaing baboy sa saang talata sa biblya mababasa neto salamat at God Bless

    ReplyDelete

Click here

Click here
Facebook Apologetic Fanpage