BAPTISM OF INFANT (PAGBIBINYAG SA SANGGOL)
1) BAKIT BINIBIYAGAN ANG SANGGOL?
2) BAKIT BINUBUHUSAN AT HINDI NILULUBOG
**********
ISANG MALAKING ISYU PARA SA MARAMING HINDI KATOLIKO ANG GINAGAWANG PAGBIBINYAG NG SIMBAHANG KATOLIKO SA MGA BATA, PARTIKULAR SA MGA BABY.
HINDI RAW DAPAT BINYAGAN ANG MGA BATA DAHIL WALA PA NAMAN DAW KASALANAN ANG MGA ITO.
AYON SA MGA KUMUKONTRA SA TINATAWAG NA "INFANT BAPTISM," ANG PANAWAGAN DAW SA BIBLIYA AY PARA SA "PAGSISISI" SA ATING MGA KASALANAN.
BINABASA NILA ANG SINABI NI JOHN THE BAPTIST SA MATTHEW 3:2, "MAGSISI KAYO NG INYONG MGA KASALANAN, NALALAPIT NA ANG KAHARIAN NG LANGIT."
BINABANGGIT DIN NILA ANG ACTS 2:38 KUNG SAAN SINASABI, "MAGSISI AT MAGPABINYAG ANG BAWAT ISA SA INYO SA NGALAN NI HESU KRISTO PARA SA KAPATAWARAN NG INYONG MGA KASALANAN. AT TATANGGAPIN NINYO ANG ESPIRITU SANTO."
ANG LAYUNIN NG MGA VERSE NA ITO AY ANYAYAHAN ANG MGA TAO NA "MAGSISI" NG KASALANAN AT "MAGPABINYAG."
HINDI NILILIMITAHAN NG MGA VERSE NA ITO KUNG ANO ANG BINYAG.
ANG BINYAG NI JUAN .. AY BAPTISM OF REPENTANCE (MARK 1:4-ACTS 9:4). BUT THE BAPTISM OF JESUS IS NOT LIMITED TO REPENTANCE IT IS FOR THE SALVATION OF ALL HUMAN PERSONS
(JOHN 3:5)
"SUMAGOT SI JESUS, KATOTOHANAN, KATOTOHANANG SINASABI KO SA IYO, MALIBAN NA ANG TAO’Y IPANGANAK NG TUBIG AT NG ESPIRITU, AY HINDI SIYA MAKAPAPASOK SA KAHARIAN NG DIOS"
BAPTISM IS NECESSARY FOR SALVATION AND THEREFORE IT MUST BE GIVEN TO EVERY MAN, SA BAWAT TAO.
ANG BINYAG NI CRISTO AY HINDI KATULAD NG BINYAG NI JUAN BAUTISTA NA BAUTISMO NG PAGSISI O BAPTISM OF REPENTANCE. KAYA KAHIT NA ANG MGA TAONG HINDI MAKAPAGSALITA TULAD NG MGA SANGGOL O NG MGA COMATOSE AT ANG MGA TAONG MAY KOMPLIKASYON SA PAGIISIP AY MAARING BINYAGAN.
*************
TANONG:
KUYA BAKIT BININYAGAN SI HESUS NI JUAN? ANO ANG KASALANAN NI HESUS?
SA MATTHEW 3:13-16
AY MABABASA NATIN NA MISMONG ANG PANGINOONG HESUS AY BININYAGAN.
SABI RIYAN,
"THEN JESUS CAME FROM GALILEE TO THE JORDAN TO BE BAPTIZED BY JOHN. BUT JOHN TRIED TO DETER HIM, SAYING, “I NEED TO BE BAPTIZED BY YOU, AND DO YOU COME TO ME?”
"JESUS REPLIED, “LET IT BE SO NOW; IT IS PROPER FOR US TO DO THIS TO FULFILL ALL RIGHTEOUSNESS.” THEN JOHN CONSENTED.
"AS SOON AS JESUS WAS BAPTIZED, HE WENT UP OUT OF THE WATER. AT THAT MOMENT HEAVEN WAS OPENED, AND HE SAW THE SPIRIT OF GOD DESCENDING LIKE A DOVE AND ALIGHTING ON HIM. AND A VOICE FROM HEAVEN SAID, “THIS IS MY SON, WHOM I LOVE; WITH HIM I AM WELL PLEASED.”
MAKIKITA NATIN DIYAN NA SINUBUKAN PANG PIGILAN NI JUAN BAUTISTA ANG PAGBIBINYAG SA PANGINOONG HESUS. KASI NGA AY WALANG KASALANAN ANG PANGINOON.
PERO ANG SABI NI HESUS AY "LET IT BE SO NOW" O "HAYAAN MO NA ITO NGAYON."
KAYA ANG WALANG KASALANAN AT WALANG DAPAT IPAG-REPENT NA SI HESUS AY NABINYAGAN.
ANO ANG KASALANAN NG PANGINOONG HESUS PARA SIYA AY BINYAGAN?
WALA. TULAD SIYA NG ISANG BABY O SANGGOL NA WALA PA RING SALA.
AT IYAN DIN ANG DAHILAN KUNG BAKIT TULAD NI HESUS ANG ISANG BATA O BABY NA WALA PANG KASALANAN AY PUWEDE NANG BINYAGAN.
*****************
DAHILAN NG IBANG SEKTA.. ANG SAGOL DAW WALA PANG PANANAMPALATAYA PARA BINYAGAN
PERO MERON SILANG PANANAMPALATAYA. SA KATUNAYAN KAYA NILANG MAG-ALAY SA DIOS NG “PERFECT PRAISE”. THAT’S RIGHT: “DALISAY NA PAPURI”. ITO ANG SABI NG BIBLIA:
(MATEO 21:16) AND SAID UNTO HIM, HEAREST THOU WHAT THESE SAY? AND JESUS SAITH UNTO THEM, YEA; HAVE YE NEVER READ, OUT OF THE MOUTH OF BABES AND SUCKLINGS THOU HAST PERFECTED PRAISE?
ABA, MATINDI YAN. ANG PERFECT PRAISE AY PROPER ONLY SA MGA TAONG MAY PANANAMPALATAYA AT CAPABLE OF WORSHIPPING GOD.
ITO PA
2 TIM 3:15 AND THAT FROM A CHILD THOU HAST KNOWN THE HOLY SCRIPTURES, WHICH ARE ABLE TO MAKE THEE WISE UNTO SALVATION THROUGH FAITH WHICH IS IN CHRIST JESUS.
SEE.. SI ST. TIMOTHY DAW AY ALAM NA ANG HOLY SCRIPTURES MULA PAGKA-SANGGOL. ABA, MATALINO SIYA. HE HE HE
(MATEO 11:25) AT THAT TIME JESUS ANSWERED AND SAID, I THANK THEE, O FATHER, LORD OF HEAVEN AND EARTH, BECAUSE THOU HAST HID THESE THINGS FROM THE WISE AND PRUDENT, AND HAST REVEALED THEM UNTO BABES.
**************
PAGSUNOD SA KATUWIRAN
PERO BAKIT BA KINAILANGAN NG BINYAG KUNG WALA NAMAN PALANG KASALANAN?
AYON KAY KRISTO, ANG BINYAG AY BAHAGI NG PAGSUNOD SA "RIGHTEOUSNESS" O KATUWIRAN. BAHAGI O PARTE ITO NG PAGIGING MATUWID.
DIYAN NATIN MAITATANONG KUNG BAKIT ANG MGA BAGONG LITAW AY HINDI SUMUSUNOD SA KATUWIRAN NA HINIHINGI NG DIYOS. KUNG TUNAY SILANG ALAGAD NG DIYOS AY BAKIT KONTRA SILA SA KATUWIRAN NG PANGINOON?
ANG IGLESIA KATOLIKA AY NAGBIBINYAG NG MGA BATA DAHIL SUMUSUNOD ITO SA HINIHINGING KATUWIRAN NG DIYOS.
LANGIT PAG-AARI NG MGA BATA
PERO HINDI BA PAG-AARI NA NG MGA BATA ANG LANGIT, BAKIT PA SILA BIBINYAGAN E KANILA NA NGA ANG LANGIT?
MALI NA NAMAN PO ANG UNAWA NG MGA BAGONG LITAW SA SINASABI NG PANGINOON KAUGNAY DIYAN.
TAMA PO NA ANG LANGIT AY PAG-AARI NG MGA BATA. PARA YANG BAHAY NA PAG-AARI NG ISANG TAO.
AT TULAD NG ISANG BAHAY, KAHIT ANG MAY-ARI AY HINDI MAKAPAPASOK SA KANYANG TIRAHAN KUNG WALA SIYANG SUSI DOON.
SA LANGIT PO, ANG SUSI AY ANG BINYAG.
HETO PO ANG SABI NG PANGINOONG HESUS KAUGNAY RIYAN:
(JOHN3:5),
"JESUS ANSWERED, “VERY TRULY I TELL YOU, NO ONE CAN ENTER THE KINGDOM OF GOD UNLESS THEY ARE BORN OF WATER AND THE SPIRIT."
KITA PO NINYO? WALA RAW MAKAPAPASOK SA KAHARIAN NG DIYOS, ANG LANGIT, MALIBAN NA SILA AY ISILANG SA "WATER" O "TUBIG" AT ESPIRITU. ANG PAGSILANG SA TUBIG AY ANG BINYAG.
SO, PARA MAKAPASOK ANG MGA BABY O BATA SA LANGIT NA PAG-AARI NILA AY KAILANGAN NILA NG SUSI, KAILANGAN NILA NG BINYAG.
PANLOLOKO NG BAGONG LITAW
AT MULI AY MAKIKITA NATIN ANG PANLILINLANG NG MGA BAGONG LITAW NA MANGANGARAL. SINASABI NILA NA ANG LANGIT AY PAG-AARI NG MGA BATA PERO AYAW NAMAN NILANG IBIGAY SA MGA ITO ANG SUSI PARA MAKAPASOK DOON.
ANO PO ANG SILBI NA SABIHIN SA ATIN NA ATIN ANG ISANG BAHAY KUNG HINDI NAMAN TAYO BIBIGYAN NG SUSI PARA MAKAPASOK DOON? NONSENSE, DI PO BA?
SA PAGPIGIL NG MGA BAGONG LITAW SA PAGBINYAG SA MGA BATA AY NINANAKAW NILA ANG LANGIT SA MGA ITO. ANG MGA MAY-ARI NG LANGIT AY INALISAN NILA NG PAGKAKATAON NA MAKAPASOK DOON.
KAYA PO NAKAKAAWA ANG MGA ANAK NG MIEMBRO NG MGA GRUPONG TULAD NG ADD. IPINAGKAKAIT SA KANILA ANG LANGIT NA PAG-AARI NILA.
************NEXT************
TANONG:
BAKIT DAW SA SIMBAHANG KATOLIKO AY “BINUBUHUSAN” NG TUBIG ANG BINIBINYAGAN, SAMANTALANG ANG PARAAN DAW SA BIBLIYA AY ANG “PAGLULUBOG” SA TUBIG.
DITO PA LANG DAW AY “MALI” NA ANG GINAGAWA NG MGA KATOLIKO.
DOBLE-DOBLENG KAMALIAN NA RAW DAHIL IMBES NA “ILUBOG” AY “BINUBUHUSAN.” SA HALIP DIN DAW NA MAGBINYAG NG “MATANDA” NA AY “SANGGOL” ANG BINIBINYAGAN.
ANG TANONG NGAYON AY SINO BA ANG TAMA? ANG MGA KATOLIKO NA SANGGOL PA LANG AY PINABIBINYAGAN NA ANG KANILANG MGA ANAK O ANG MGA NAGSASABI NA PUWEDE LANG BINYAGAN ANG ISANG TAO KAPAG SIYA AY MATANDA NA?
TAMA RIN BA NA “MATANDA” LANG ANG BINIBINYAGAN O PUWEDE RIN ANG MAGBINYAG NG BATA.
GUSTO BA NINYONG MAINTINDIHAN ANG BAGAY NA ITO? EH ‘DI PAG-ARALAN NATIN NANG MAAYOS. AT PARA MAAYOS AY SIMULAN NATIN SA SIMULA.
ISA SA MGA PANG-ATAKE NG MGA KONTRA SA “INFANT BAPTISM” AY ANG SINASABI NILANG IBIG SABIHIN NG SALITANG “BAPTIZO.” SA “BAPTIZO” KASI NAGMULA ANG SALITANG “BAPTISM” NA ANG TRANSLATION NA SA FILIPINO AY “BINYAG.”
ANG “BAPTIZO” AY SALITANG GRIEGO NA ANG IBIG SABIHIN AY “TO IMMERSE” O “ILUBOG.” ISANG TALATA SA BIBLIYA NA NAGPAKITA NITO AY ANG PANGYAYARI SA 2 KINGS 5:14 KUNG SAAN PINAGALING NG DIYOS ANG KETONG NG HENERAL NA SI NAAMAN.
SABI SA TALATA, “LUMUSONG SI NAAMAN AT INILUBOG (BAPTIZO) ANG KANYANG SARILI NG PITONG ULIT SA ILOG JORDAN.” ANG “BAPTIZO” AY ISINALIN NA “INILUBOG.”
IBIG SABIHIN, ANG “BAPTIZO” NGA AY “PAGLULUBOG!” KUNG GANOON AY “MALI” NGA ANG MGA KATOLIKO NA “NAGBUBUHOS” NG TUBIG SA BINIBINYAGAN.
PERO BAGO KAYO MAGLULUNDAG AT GUMAWA NG KONKLUSYON, BASAHIN DIN MUNA NINYO ITO. SA MARK 7:4 GANITO ANG SINASABI,
“SA PAG-UWI NILA MULA SA PAMILIHAN HINDI SILA KUMAKAIN HANGGANG HINDI SILA NAGHUHUGAS NG KANILANG SARILI.”
SA ORIHINAL NA GRIEGO, ANG GINAMIT NA SALITA NA KATUMBAS NG “NAGHUHUGAS” AY “BAPTIZO.”
ANO ANG IBIG SABIHIN NITO?
ISA LANG, HINDI LANG “ILUBOG” ANG IBIG SABIHIN NG SALITANG “BAPTIZO.” ANG ISA PANG KAHULUGAN NITO AY “HUGASAN.”
MARAMI SA MGA NAGPUPUMILIT NA ANG NAG-IISANG KAHULUGAN NG “BAPTIZO” O “BAPTISM” AY “ILUBOG” ANG MAHILIG DIN SA PAGSASABI NG “BAPTISM IN THE HOLY SPIRIT.”
KINUHA NILA ITO SA MARK 1:8 KUNG SAAN SINASABI NI JUAN BAUTISTA, “BINIBINYAGAN (BAPTIZO) KO KAYO NG TUBIG PERO BIBINYAGAN (BAPTIZO) NIYA (HESUS) KAYO NG ESPIRITU SANTO.”
SA ACTS 1:5 AY MISTULANG INULIT ANG TALATANG ITO NANG SABIHIN NG PANGINOONG HESUS SA KANYANG MGA ALAGAD NA “BININYAGAN (BAPTIZO) KAYO NI JUAN NG TUBIG PERO SA LOOB NG ILANG ARAW AY BIBINYAGAN (BAPTIZO) KAYO NG ESPIRITU SANTO.”
MASDAN NINYO NA PAREHONG “BAPTIZO” ANG GINAMIT NA SALITA RITO NA ANG KATUMBAS SA FILIPINO AY “PAGBIBINYAG.”
NGAYON, PAANO BA NAGANAP ANG “BAPTISM OF THE HOLY SPIRIT?”
SA MGA TALATANG ACTS 2:17-18 AT VERSE 33, TATLONG ULIT SINABI NA “IBINUHOS” (EKCHEO SA GRIEGO) NG DIYOS ANG KANYANG ESPIRITU SA SANGKATAUHAN.
“INILUBOG” BA NG DIYOS ANG SANGKATAUHAN SA ESPIRITU SANTO?
HINDI. ANG GINAWA NG DIYOS AYON SA BIBLIYA AY “IBINUHOS” NIYA ITO SA MGA TAO. SO, ANG SINASABING “BAPTISM” O “PAGBIBINYAG” (BAPTIZO) AY PUWEDE RING MAGING KASING KAHULUGAN NG “PAGBUBUHOS” (EKCHEO).
ANO ANG NAKIKITA NATIN DITO?
ANG IBIG LANG SABIHIN NITO AY HINDI IISA ANG IBIG SABIHIN NG “BAPTIZO” NA PINAGKUNAN NG SALITANG “BAPTISM.” ANG “BAPTIZO” AY PUWEDE RING MANGAHULUGAN NG “PAGHUHUGAS” AT “PAGBUBUHOS.”
SA MADALING SALITA, ANG PAGBIBINYAG AY HINDI LANG SA PARAAN NG “PAGLULUBOG.” ANG BINYAG AY MAAARI RING SA “PAGBUBUHOS.”
Amen...
ReplyDeleteWalang sanggol na nagpabautismo
ReplyDeleteHebreo 5:13
13 Sapagka't bawa't tumatanggap ng gatas ay walang karanasan sa salita ng katuwiran; sapagka't siya'y isang sanggol.
Yang ibinigay na verse na yan, na nagsasabing pwedeng sanggol magpabautismo ay walang unawa.
Iangat lang ang basa tiyak na di sanggol ang tatanggap ng bautismo.
Juan 3:4-5
4 Sinabi sa kaniya ni Nicodemo, Paanong maipanganganak ang tao kung siya'y matanda na? makapapasok baga siyang bilang ikalawa sa tiyan ng kaniyang ina, at ipanganak?
5 Sumagot si Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, Maliban na ang tao'y ipanganak ng tubig at ng Espiritu, ay hindi siya makapapasok sa kaharian ng Dios.
Kalakip ng bautismo ay ang pagsisisi.
Hindi kailangan ng sanggol magsisi dahil sa kanila ang kaharian ng Dios.
Marcos 10:13-14, 16
13 At dinadala nila sa kaniya ang maliliit na bata, upang sila'y kaniyang hipuin: at sinaway sila ng mga alagad.
14 Datapuwa't nang ito'y makita ni Jesus, ay nagdalang galit siya, at sinabi sa kanila, Pabayaan ninyong magsilapit sa akin ang maliliit na bata; huwag ninyo silang pagbawalan: sapagka't sa mga ganito nauukol ang kaharian ng Dios.
16 At kinalong niya sila, at sila'y pinagpala, na ipinapatong ang kaniyang mga kamay sa kanila.
Kahit walang bautismo ang maliit na bata sa kanila ang kaharian ng Dios.
ReplyDeleteDoon naman sa mga matatanda na, kailangan ng bautismo para maipanganak sila mula sa pagsisisi.
Juan 3:3-7
3 Sumagot si Jesus at sa kaniya'y sinabi, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, Maliban na ang tao'y ipanganak na muli, ay hindi siya makakakita ng kaharian ng Dios.
4 Sinabi sa kaniya ni Nicodemo, Paanong maipanganganak ang tao kung siya'y matanda na? makapapasok baga siyang bilang ikalawa sa tiyan ng kaniyang ina, at ipanganak?
5 Sumagot si Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, Maliban na ang tao'y ipanganak ng tubig at ng Espiritu, ay hindi siya makapapasok sa kaharian ng Dios.
6 Ang ipinanganak ng laman ay laman nga; at ang ipinanganak ng Espiritu ay espiritu nga.
7 Huwag kang magtaka sa aking sinabi sa iyo, Kinakailangan ngang kayo'y ipanganak na muli.
So bakit si jesus nag pa bautismo? Anong kasalanan o pinagsisihan nya?
Deletekalokohan mo.. wag mong dalhin ang mga tao sa pandaraya nyong mga kampon ng demonyo gumamit ka pa ng talata para lang ituwid ang unbiblical nyong paniniwala...ADVICER KA NA KINASANGKAPAN NG DEMONYO..
ReplyDeleteSo bakit pa ba pumunta sa Ilog si Juan kung pabuhos lang naman???
ReplyDeleteKawawa po pala ang mga baby na namamatatay na wala pang binyag.
ReplyDeleteAMEN... KUNG ILULUBOG ANG SANGGOL BAKA MAGAYA TAYO SA ORTHODOX CHURCH. NILULUBOG ANG BATA. PERO DAHIL ALAM NAMAN NATIN NA ANG BATIZO DIN AY NANGANGAHULUGANG PAGBUHOS.
ReplyDeleteBAKIT PA NATIN ILULUBOG ANG BATA, BAKA MALUNOD.