Naitalikod ba ang tinatag ni kristo?






NATALIKOD BA ANG SIMBAHAN TINATAG NI KRISTO? GAYA NG PINAPALABAS NG MGA INC ??




****




ANG SIMBAHAN NG DIYOS AY TINATAG KAY SIMON NA "PEDRO" NA SI KRISTO ANG NAG BIGAY NG PANGALAN NA IBIGSABIHIN AY "BATO"


ANG BATO AY SUMISIMBOL SA KATATAGAN.. GAYA NG NG SINASABI SA (MATEO 7:25)

"Umulan nang malakas, bumaha, at binayo ng malakas na hangin ang bahay na iyon, ngunit hindi nagiba sapagkat nakatayo iyon sa BATO. "

MALINAW NA ANG BATO AY MATATAG.. GAYA NG SA SIMBAHAN.. MARAMING TAO ANG SUMUBOK GIBAIN ANG SIMBAHAN NG DIYOS NGUNIT WALANG NAG TAGUMPAY SAPAGKAT NAKATAYO IYON SA "BATO"

AT MALIWANAG ANG PAHAYAG NG MATTHEW 16:18 NA ANG IGLESIA AY ITINATAG KAY PEDRO (PETROS SA GRIEGO; CEPHAS SA ARAMAICO AT BATO SA PILIPINO).

SINABI RIN SA TALATA NA ANG "MGA TARANGKAHAN NG KAMATAYAN AY HINDI MANANAIG DITO." IBIG SABIHIN, AY HINDI ITO KAILAN MAN MAWAWALA.

SA MADALING SALITA, MULA NANG ITATAG NG PANGINOON ANG IGLESIA AY NANATILI ITONG BUHAY AT NAKATAYO HANGGANG NGAYON.

PERO MAYROONG NAGSABI SA ATIN NA HINDI RAW TOTOO NA "NANATILI" ANG IGLESIA DAHIL ITO RAW AY "NAITALIKOD," "NADAPA" O "NAWALA."

ANG MAY KAGAGAWAN DAW NG "PAGTALIKOD" NA ITO AY ANG MGA "HUWAD NA PROPETA" AT "HUWAD NA MANGANGARAL" NA TINUTUKOY SA MATTHEW 24:11.

GANITO ANG SINASABI NG TALATA, "AT MARAMING HUWAD NA PROPETA ANG LILITAW AT LILINLANG SA MARAMING TAO."

IBINIGAY DIN NIYA ANG MGA TALATANG ACTS 20:29-30 NA NAGSASABI NG "ALAM KO NA MATAPOS KONG UMALIS AY DARATING ANG MGA MABABANGIS NA ASO SA PILING NINYO AT HINDI PALILIGTASIN ANG KAWAN."

"KAHIT MULA SA INYONG BILANG AY TATAYO ANG ILAN AT BABALUKTUTIN ANG KATOTOHANAN PARA ILAYO ANG MGA DISIPULO AT MAPASUNOD SA KANILA."

"AYAN," SABI NIYA, "HINDI RAW PALILIGTASIN NG MGA LOBO ANG KAWAN."

TAPOS AY IGINIIT PA NG NAGSABI SA ATIN ANG 2 PETER 2:1-2. "PERO MAYROON DING MGA HUWAD NA PROPETA SA GITNA NG MGA TAO KUNG PAANONG MAGKAKAROON NG MGA HUWAD NA MANGANGARAL SA GITNA NINYO."

"LIHIM SILANG MAGPAPASOK NG MGA MALING ARAL AT IKAKAILA PA ANG NAGHAHARING PANGINOON NA BUMILI SA KANILA. AT IYON ANG MAGDADALA NG BIGLANG KAPAHAMAKAN."

"MARAMI ANG SUSUNOD SA NAKAKAHIYA NILANG MGA GAWI KAYA MASISIRAAN ANG DAAN NG KATOTOHANAN."

‘YAN DAW ANG MGA "PAHAYAG" NG MGA "MANGYAYARI" NA MAUUWI SA PAGKAKATALIKOD NG IGLESIANG ITINATAG NI KRISTO.

ANG SALITA PA NG NAGSASABI NITO AY "KAYA ANG UNANG IGLESIA AY NAWALA AT NAPALITAN NG SIMBAHANG KATOLIKO."

ANG LAYUNIN NIYA SA KANYANG SINABI AY PARA PASINUNGALINGAN NA ANG SIMBAHANG KATOLIKO ANG IGLESIANG ITINATAG NI KRISTO.

SA TOTOO LANG AY NATUWA AKO DAHIL BINANGGIT NIYA ANG SIMBAHANG KATOLIKO. AT LEAST KASI AY SINABI AT INAMIN NIYA NA MULA PA NOONG UNANG PANAHON AY NAROON NA ANG IGLESIA KATOLIKA.

PERO MAY KATWIRAN BA ANG SINABI NG TAONG ITO?

SA SIMPLENG PAGTINGIN SA MGA TALATA NA ITO AY WALA TAYONG MAKIKITA NA NAGSASABI NA "MATATALIKOD" ANG IGLESIA NA ITINATAG NI KRISTO.

MAY SINASABI NGANG LILITAW NA "HUWAD NA PROPETA" SA MT 24:11 PERO KUNG BABASAHIN LANG NATIN ANG SINASABI NG MGA SUSUNOD NA TALATA, PARTIKULAR ANG VERSE 24, AY LALABAS NA WALANG PAGTALIKOD NA MANGYAYARI.

GANITO KASI ANG SINASABI NG MT 24:24, "LILITAW ANG MGA HUWAD NA KRISTO AT HUWAD NA PROPETA AT MAGPAPAKITA NG NAKAKAMANGHANG TANDA AT HIMALA PARA LINLANGIN ANG MGA PINILI -- KUNG IYON MAN AY POSIBLE."

PANSININ NINYO, ANG MGA SALITANG "KUNG IYON MAN AY POSIBLE."

SA IBANG SALITA, HINDI POSIBLE NA MALINLANG ANG MGA ALAGAD NG DIYOS NA KANYANG PINILI AT TINAWAG SA IGLESIA NA KANYANG ITINATAG.

AT KUNG HINDI ITO POSIBLE, PAANO MAITATALIKOD ANG IGLESIA?

SA SINASABI NG ACTS 20:29-30, HINDI PORKE SINABI NA "HINDI PALILIGTASIN NG MGA LOBO ANG KAWAN" AY NANGANGAHULUGAN NANG MASISILA NILA ANG BUONG KAWAN.

ANG IBIG LANG SABIHIN NG "HINDI PALILIGTASIN" AY LULUSUBIN NG MGA "LOBO" ANG KAWAN AT MAAARING MAKAPINSALA SILA PERO HINDI NILA MAUUBOS ANG MGA TUPA RITO O MALILIPOL ANG KAWAN.

PAANO NATIN NALAMAN ITO? BASAHIN NATIN ANG TALATA ACTS 20:28 NA SINUSUNDAN NG VERSE 29 AT 30.

HETO ANG SABI, "BANTAYAN NINYO ANG INYONG MGA SARILI AT ANG BUONG KAWAN NA IBINIGAY NG ESPIRITU SANTO PARA INYONG PANGALAGAAN."

"MAGING PASTOL KAYO NG IGLESIA NG DIYOS NA BINILI NIYA NG KANYANG SARILING DUGO."

ANG TALATA AY ISANG BABALA SA MGA MANGYAYARI PARA MAPANGALAGAAN ANG KALIGTASAN NG KAWAN.

AT DAHIL ESPIRITU SANTO ANG NAGBIGAY NG RESPONSABILIDAD SA MGA PINUNO NG UNANG IGLESIA, NAKATITIYAK TAYO NA NAGAWA NILA ANG KANILANG DAPAT GAWIN AT NALIGTAS ANG KAWAN.

SAMANTALA, MALINAW NA SINASABI SA 2 PETER 2:1-2 NA "MARAMI" ANG SUSUNOD SA MALING ARAL PERO HINDI LAHAT AY SUSUNOD. KAYA WALANG PAGTALIKOD NA NANGYARI.

PERO BAKA SABIHIN NINYO NA SARILI KO LANG PALIWANAG ANG MGA ITO. PARA MAKATIYAK KAYO, TINGNAN NATIN ANG MATITIBAY NA BASEHAN NA HINDI KAILAN MAN NAITALIKOD ANG IGLESIANG ITINATAG NI KRISTO.

*********************

PAANO MATITIYAK ANG TUNAY NA IGLESIA NG DIYOS?

MATTHEW 16:18 NA "HINDI MANANAIG ANG MGA TARANGKAHAN NG HADES (O IMPIYERNO)" SA IGLESIA NA KANYANG ITINATAG.

KUNG TOTOO KASING NATALIKOD O NAWALA ANG IGLESIA AY LALABAS NA PUMALPAK ANG SABI NI HESUS. AT KUNG PUMAPALPAK ANG MGA SALITA NI HESUS, SINO PA ANG MANINIWALA SA KANYA? TAMA BA?

AT SAKA KUNG TOTOONG NANINIWALA TAYO SA DIYOS AT SA BIBLIYA AY HINDI TAYO KAILANMAN MANINIWALA NA MALILIGAW ANG SIMBAHAN.

BAKA ANG ILANG MIYEMBRO NITO PUWEDE PANG MALINLANG AT MAILAYO SA TUNAY NA PANANAMPALATAYA (TULAD NGA NG NANGYAYARI NA NGAYON) PERO ANG MISMONG IGLESIA AY HINDI.

PERO PAANO BA TAYO NAKAKASIGURO?

KUNG NASUNDAN NINYO ANG MGA COLUMN KO AY ALAM NA NINYO NGAYON NA KAYA TINAWAG ITO NA IGLESIA NI KRISTO AY DAHIL SI KRISTO ANG MAY TATAG NITO. KLARO ‘YON.

AT KAYA NAMAN HINDI ITO PUWEDENG MALIGAW AY SINABI NI HESUS SA JOHN 10:27-29, "ANG AKING MGA TUPA AY NAKIKINIG SA AKING BOSES. KILALA KO SILA AT SUMUSUNOD SILA SA AKIN. BINIBIGYAN KO SILA NG BUHAY NA WALANG HANGGAN AT HINDI SILA MAPAPAHAMAK."

AT NARITO ANG KATIYAKAN, "WALANG MAKAKAAGAW SA KANILA MULA SA AKING KAMAY. ANG AKING AMA NA NAGBIGAY SA KANILA SA AKIN AY HIGIT SA LAHAT. WALANG MAKAKAAGAW SA KANILA SA KAMAY NG AMA."

NABASA NINYO ‘YON?

HINDI RAW MAPAPAHAMAK ANG MGA TUPA NG PANGINOON. WALA RIN DAW MAKAKAAGAW SA MGA TUPA MULA SA KAMAY NIYA AT SA AMA. KAYA ANO ITONG SINASABI NA "MALILIGAW" ANG MGA TUPA?
SINO ANG NAGSASABI NG TOTOO? SI HESUS O ANG NAGSASABI NA NALIGAW ANG SIMBAHAN? KAYO NA ANG MAGSABI.

HINDI LANG ‘YON, SA MATTHEW 28:20 AY SINABI NI KRISTO, "TIYAK, AKO AY KASAMA NINYO HANGGANG SA DULO NG PANAHON."

ANG SINASABI BA NG NANINIWALA NA "NATALIKOD" ANG IGLESIA AY NAGPABAYA SI HESUS O INIWAN NI HESUS ANG KANYANG IGLESIA KAYA ITO AY "NAWALA?"

KUNG TOTOO ANG SINASABI NILA, TINATANGGALAN NILA NG KREDEBILIDAD HINDI LANG SI KRISTO KUNDI MAGING ANG BIBLIYA NA PINAGBABATAYAN NILA NG KANILANG SINASABI.

KUNG KULANG PA ‘YAN AY MAY SINASABI SA EPHESIANS 5:23 NA "SI KRISTO ANG ULO NG SIMBAHAN, ANG KANYANG KATAWAN."

ISIPIN NINYO, KUNG TOTOO NA "NALIGAW" ANG IGLESIA, KASAMANG NALIGAW SI KRISTO. PUWEDE BANG MALIGAW ANG KATAWAN NA HINDI NALILIGAW ANG ULO?

KUNG "NADAPA" O "NATALIKOD" ANG IGLESIA, PUWEDE BANG HINDI MADAPA O MATALIKOD ANG ULO NA SI KRISTO?

KAYA KUNG MAY MAGSASABI SA INYO NA "NALIGAW" O "NADAPA" O "NATALIKOD" ANG IGLESIA AY TIYAK NA NILOLOKO KAYO NOON.

HINDI ‘YON NANINIWALA KAY KRISTO AT BAKA IYON PA AY ANTI-KRISTO.

MAY MGA TAO NA NAGSASABI NAMAN NA HINDI NGA NALIGAW ANG SIMBAHAN PERO "NAPASUKAN" NAMAN DAW ITO NG ARAL NA MALI.

TOTOONG MAY SINASABI SA 2 PETER 2:1-2 NA GANITO, "PERO MAYROON DING MGA HUWAD NA PROPETA SA GITNA NG MGA TAO KUNG PAANONG MAGKAKAROON NG MGA HUWAD NA MANGANGARAL SA GITNA NINYO."

"LIHIM SILANG MAGPAPASOK NG MGA MALING ARAL AT IKAKAILA PA ANG NAGHAHARING PANGINOON NA BUMILI SA KANILA. AT IYON ANG MAGDADALA NG BIGLA NILANG KAPAHAMAKAN."

ANG TANONG AY MANANAIG BA ANG MALING ARAL NA ITO?

ANG SABI NG JOHN 16:13, "PERO PAGDATING NIYA, ANG ESPIRITU NG KATOTOHANAN, GAGABAYAN NIYA KAYO SA LAHAT NG KATOTOHANAN."

ANO ANG IBIG SABIHIN KUNG NANAIG ANG KAMALIAN? IBIG SABIHIN AY NATALO NG KASINUNGALINGAN NG DEMONYO ANG KATOTOHANAN NG ESPIRITU.

HIGIT SA LAHAT HINDI PUWEDENG MAGKAMALI ANG IGLESIA DAHIL AYON SA 1 TIMOTHY 3:15, "KUNG AKO AY MATATAGALAN, SINUSULATAN KO KAYO PARA MALAMAN NINYO KUNG PAANO KUMILOS SA TAHANAN NG DIYOS, ANG IGLESIA NG BUHAY NA DIYOS, ANG HALIGI AT SALIGAN NG KATOTOHANAN."

DAHIL DIYAN, KAHIT ANO PA ANG SABIHIN NG IBANG TAO AY NAKATITIYAK TAYO NA KUNG KASAPI TAYO SA IGLESIA NA ITINATAG NOON NI HESUS AY NASA KATOTOHANAN TAYO AT KASAPI TAYO SA TUNAY NA IGLESIA NI KRISTO.

No comments:

Post a Comment

Click here

Click here
Facebook Apologetic Fanpage