PURGATORYO - PART 2
BY: Kuya adviser CFD
ITO PO ANG PANGALAWANG YUGTO NG AKING TOPIC ABOUT PURGATORY :) DAHIL MARAMI AKONG HINDI NASAMA DOON SA NA UNA KONG POST ABOUT PURGATORY.. ISA NA ANG PREMISE SA "BOOK OF MACABEO" AT SA JEWISH TRADITION
AT KUNG NAALALA NIYO, NAG POST DIN AKO ABOUT "DEUTEROCANONICAL BOOKS" O' APOCRYPA..
O YUNG MGA LIBRO NA WALA SA PROTESTANT BIBLE..
ITO PO AY KONEKTADO SA ATING TOPIC NGAYON.. :) KAYA MAS MAKAKABUTI PO BASAHIN MUNA AKING POST ABOUT DEUTEROCANONICAL BOOKS
*********
TOTOO BA NA MAY "PURGATORYO" ?? :)
KUNG MAALALA NIYO SA NAUNA KONG POST ABOUT PURGATORY.. ITO AY PAG DADALISAY.. SA TAGALOG AY "PURGA".. O' PURIFICATION SA MGA KALULUWANG NAMATAY NA NASA GRASYA AT AWA NG DIYOS NGUNIT MAY NAIWANG VENIAL SIN.. MGA TAONG NAMATAY NA MAY NAIWAN PAGKAKASALA SA LUPA..
FOR EXAMPLE:
NAKAAWAY MO NA HINDI MO NAPATAWAD BAGO KA MAMATAY.. MGA KASALANANG VENIAL NA HINDI MO PA NAHIHINGI NG TAWAD O' NAKUKUMPISAL BAGO KA MAMATAY...
NA SIYANG NAG "PAPARUMI" SA ATING KALULUWA :) DAHIL ANG BAWAT KASALANAN AY SIYANG TUNAY NA NAG "PAPARUMI" SA KALULUWA NG TAO :)
SO MAKAKAPASOK BA SILA AGAD SA LANGIT ???
(Apocalipsis 21:27)
“Ngunit hindi makakapasok doon (sa langit) ang anumang bagay NA MARUMI sa paningin ng Diyos.”
O' KITA MO NA.. :) KAHIT KATITING NA DUMI AY HINDI MAKAKAPASOK SA LANGIT HE HE HE! SO KUNG BAWAL ANG MARUMI SA LANGIT.. PANO YUNG MGA KRISTIANO NA KAHIT PAPANO AY GUMAGAWA NG MABUTI PERO MAY NAIWANG PAGKAKASALA BAGO SILA MAMATAY ?? ANO GAGAWIN SA KANILA ??
DITO PAPASOK ANG "PURGATORYO" O' "PURIFICATION" :)
ANG PAG DAAN NATIN SA PROSESO NG "PURGATORYO" O' "PAG DADALISAY" AY MAHAHALIN-TULAD NATIN SA ISANG BATA NA KAKATAPOS LANG "MAG LARO"
PAG UWI NIYA SA BAHAY.. HINDI SIYA PWEDENG MATULOG SA NAPAKA PUTING HIGAAN ., HANGAT SIYA AY HINDI PA NALILINIS O' NALILIGO :)
KUNG MAKUKUNEKTA NATIN SA KAHARIAN NG DIYOS.. HINDI TAYO BASTA BASTA MAKAKAPASOK DOON LALO'T MAY MGA NAIWAN TAYO SA LUPA NA HINDI PA NATIN NAAYOS BAGO TAYO MAMATAY..
**********BILANGGUAN********
MATEO 5:25-26
"Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Sa anumang paraan ay HINDI KA MAKAKALABAS DOON hanggang hindi mo nababayaran ANG HULING SENTIMO"
ANG ATING PANGINOON HESUS AY BUMABANGGIT NG "BILANGGUAN"
O' "MGA KALULUWANG NAKABILANGGO" :) SABI NIYA HINDI DAW TAYO MAKAKALABAS DOON SA BILANGGUAN HANGGANG HINDI NATIN NABABAYARAN ANG HULING SENTIMO
ETO PA
1 PEDRO 3:18-19
“Sapagkat si Cristo na walang kasalanan ay namatay nang minsan para sa inyo na mga makasalanan, upang iharap kayo sa Diyos. Siya’y namatay ayon sa laman, at muling binuhay ayon sa espiritu. Sa kalagayang ito, NAGPUNTA SIYA AT NANGARAL sa mga ESPIRITUNG NAKABILANGGO.”.
KITA NIYO PO :) MGA ESPIRITUNG "NAKAKULONG" O' "BILANGGO" ??
HINDI NAMAN IMPYERNO ITO.. DAHIL NASA PRESENSYA SILA NI KRISTO AT SILA AY PINAPANGARALAN PA ???.. AT LALONG HINDI NAMAN KAHARIAN NG DIYOS IYON ?? DAHIL SABI AY NAKABILANGGO SILA.. :)
KUNG BABALIKAN NATIN ANG -- MATEO 5:26.. SABI NI KRISTO.. HINDI DAW TAYO MAKAKALABAS DOON SA BILANGGUAN "HANGANG" HINDI NATIN NABABAYARAN ANG HULING SENTIMO :)
*****JUDAS MACABEUS****
BAGO KO GAMITIN ANG "BOOK OF MACABEUS"..
THROWBACK MUNA TAYO HE HE HE! :) ↓↓↓
DOON SA POST KO ABOUT "DEUTEROCANONICAL BOOKS"
ITO PO YUNG "7 BOOKS" NA INALIS NG PROTESTANTENG SI MARTIN LUTHER SA OLD TESTAMENT..
KASAMA PO ANG "BOOK OF MACABEUS" SA INALIS NA BOOK..
ANG "BOOK OF MACABEUS" PO AY NASA KASULATAN NG (SEPTUAGINT - LXX).. SA MGA HINDI PO NAKAKAALAM NG (SEPTUAGINT - LXX)
ITO PO YUNG GREEK OLD TESTAMENT MANUSCRIPT.. NG BANAL NA KASULATAN NOONG "FIRST CENTURY" TO "SECOND CENTURY"
HINDI PA PINAPANGANAK ANG NINUNO NI MARTIN LUTHER NAKASULAT NA ANG (SEPTUAGINT - LXX)
http://en.wikipedia.org/wiki/Septuagint#mediaviewer/File:TextsOT.PNG
SA MADALING SALITA PO, ANG (SEPTUAGINT - LXX).. ITO PO YUNG PINAKA UNANG SALIN NG LUMANG TIPAN NATING MGA KRISTIANO :)
AT ANG DEUTEROCANONICAL BOOKS PO AY KASAMA DOON :)
http://en.wikipedia.org/wiki/Septuagint#Table_of_books
SO ALIN PO ANG KAPANI-PANIWALA :)
DINAGDAGAN NG MGA KATOLIKO ANG BIBLIYA ???
O' BINAWASAN NG PROTESTANTE ANG BIBLIYA ?? :)
SO BALIK NA PO TAYO SA ATING TOPIC ↓↓↓
2 MACABEO 12:43-45
“Nagpalikom siya ng mga kaloob na umabot sa halagang apat na librang pilak at ipinadala ito sa Jerusalem upang ihandog na pantubos sa kasalanan. GINAWA ITO NI JUDAS sapagkat naniniwala siya sa muling pagkabuhay ng mga patay. Kung hindi siya umaasa na ang mga patay ay muling mabubuhay, magiging kahangalan lamang ang ipanalangin pa ang mga namatay na.Dahil buo ang kanyang paniniwala na ang lahat ng namamatay na nanatiling maka-Diyos ay tatanggap ng dakilang gantimpala, GINAWA NIYA ANG PAGHAHANDOG na iyon upang ang PAGKAKASALA NG MGA NAMATAY na ito ay PATAWARIN.”
SEE :) KUNG ANG NAPUPUNTA SA IMPYERNO AY WALA NG KAPATAWARAN.. EH ANO ITONG SINASABI NI MACABEO NA IPINAGDADASAL NIYA ANG MGA KALULUWA PARA SILA AY PATAWARIN ?? :)
HINDI NAMAN LUGAR NG IMPYERNO ITO.. DAHIL ANG NASA IMPYERNO AY WALA NG KAPATAWARAN
AT LALONG HINDI ITO KAHARIAN NG DIYOS.. DAHIL WALANG MARUMI NA NAKAKAPASOK SA KAHARIAN NG DIYOS KAYA ANG NANDOON AY WALA NG DAPAT PANG IPATAWAD DAHIL LAHAT SILA AY BANAL :)
EH ANONG LUGAR IYON ?? :)
AT MAKIKITA SA TALATANG IYAN.. SI MACABEO AY NAGDADASAL SA PATAY DAHIL NANINIWALA SIYA SA PAGKABUHAY NG MGA PATAY.. KAYA NAMAN GUMAGAWA SIYA NG PAGHAHANDOG SA DIYOS PARA ANG PAGKAKASALA NG MGA NAMATAY AY PATAWARIN NG DIYOS :)
ITO PO AY KONEKTADO SA SINABI NI KRISTO.. NA KAPAG ANG ATING KAPATID AY NAKAGAWA NG PAGKAKAMALING "HINDI NAKAKAMTAY" O' "VENIAL SIN" SIYA AY DAPAT IPANALANGIN NATIN SA DIYOS AT SIYA AY PAPATAWARIN :)
BASA
1 JUAN 5:16-17
"Kung makita ninuman na ang kanyang kapatid ay GUMAGAWA ng KASALANANG HINDI NAKAKAMTAY, ay dapat IPANALANGIN NIYA ANG KAPATID NA IYON sa Diyos na magbibigay sa kanya ng BAGONG BUHAY."
KITA NIYO PO :) NAPAKA LINAW NG TALATA.. KAYA ANG MGA KAPATID NATIN NA NAKAGAWA NG "KASALANANG HINDI NAKAKAMATAY" BAGO SIYA MAMATAY.. AY IPINAPANALANGIN NATIN PARA ITO AY PATAWARIN SA MGA NAIWAN NIYANG PAGKUKULANG :)
KAYA PO ANG MGA KALULUWA NA NASA PURGATORYO AY IPINAPANALANGIN NATIN PARA SILA AY AGARANG MAPATAWAD NG DIYOS.. DAHIL SILA YUNG MGA KALULUWANG NASA GRASYA AT AWA NG DIYOS PERO MAY MGA PAGKAKAMALI O' DUMI PA SILANG HINDI PA NAAYOS AT NALILINIS SA LUPA NG SILA AY NABUBUHAY PA :)
ETO PA
MALAQUIAS 3:2-3
"Ngunit sino ang makakatagal pagdating ng araw na iyon? Sino ang makakaharap kapag napakita na siya? PARA SIYANG APOY na NAGPAPADALISAY SA BAKAL at parang sabon na may matapang na sangkap. Darating siya at mauupong tulad ng isang TAGAPAGDALISAY NG PILAK. Dadalisayin niya ang mga anak na lalaki ni Levi katulad ng ginto at pilak at sa pamamagitan nito'y MAGIGING KARAPAT-DAPAT ang kanilang handog kay Yahweh."
KITA NIYO NA.. :) MERON TALAGANG PURIFICATION PARA TAYO AY MAGING KARAPAT-DAPAT SA PANINGIN NG DIYOS :) DADALISAYIN TAYO GAYA NG PAGDADALISAY SA ISANG PILAK O' BAKAL
ALAM NAMAN NATIN.. NA PARA MAGING MAGANDA ANG ISANG PILAK O' BAKAL.. KAILANGAN ITONG LINISIN O' DALISAYIN :)
KAYA BAGO TAYO MAGING KALUGOD LUGOD SA DIYOS.. TAYO AY KANYANG DADALISAYIN NA PARANG PILAK MAGING GANAP NA MALINIS, MAKINTAB AT PURO :)
***PANANAW NG MGA HUDYO***
ALAM NAMAN NATIN NA ANG RELIHIYON NG HUDYO ANG SINUSUNOD NG TAO NOONG LUMANG TIPAN..
PERO ANO BA ANG PANANAW NG HUDYO SA "PURGATORY" ?? :)
ALAM NIYO BA NA ANG MGA HUDYO AY NANINIWALA DIN SA "PURIFICATION" O' "PAGDADALISAY SA MGA KALULUWA" KATULAD NG PURGATORY.. :) BAGAMAT HINDI MISMONG PANGALANG "PURGATORY" ANG TAWAG SA KANILA.. PERO ANG KAHULUGAN NG PURGATORY NA PAG "DADALISAY" AY IISA : AT ANG KOSEPTO NILA SA PAGDADALISAY SA MGA KALULUWA.. AY PAREHONG PAREHO SA PANINIWALA NG MGA KATOLIKO SA MGA KALULUWANG DINADALISAY..
http://www.jewishencyclopedia.com/articles/12446-purgatory
AT ANG MGA HUDYO PO AY NAG DADASAL DIN SA MGA PATAY PARA PATAWARIN SILA SA KANILANG KASALANAN.. NA TINATAWAG NA QADDISH MULA SA HEBREW WORD NA "BANAL" ANG PANALANGIN ITO AY GINAGAMIT NILA UPANG PARA KAUSAPIN ANG DIYOS UPANG DALISAYIN O' PATAWARIN ANG KALULUWA NG ISANG TAO
ANG PRACTICES NG PAGDADASAL SA MGA YUMAO.. AY GINGAWA NA SINCE EARLY TIME.. MATATANDAANG SA BOOK OF MACABEUS SA LUMANG TIPAN.. SI JUDAS MACABEO AY NAGDADASAL NA SA PATAY :) NA KONEKTADONG KONEKTADO SA PANINIWALA NG MGA HUDYO :) NA NAG PAPATUNAY NA TOTOONG MAY PAGDADALISAY SA PATAY O' PURGATORYO :)
ITO PO AY NASA JEWISH ENCYCLOPEDIA.. :)
*********
FOR MORE VISIT THIS PAGE ↓↓↓
www.facebook.com/kuyaadviserpublicfigure
LIKE AND SHARE (y)
GODBLESS!
https://esoriano.wordpress.com/2011/10/10/a-failed-attempt-to-defend-the-doctrine-of-purgatory/
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteNaniniwala akong meron, because we fell to a sinful world, and impossoble to say that we cannot sin even the smaller sin, sabi nga ni Jesus sa MATEO 5:26.. HINDI DAW TAYO MAKAKALABAS DOON SA BILANGGUAN "HANGANG" HINDI NATIN NABABAYARAN ANG HULING SENTIMO. At walang makakapasok sa kaharian ng Diyos kung ikaw ay may bahid ng kasalanan, dahil ang heaven ay isang banal.. patunay yan ng aking lolo na may gift sa spiritual power that even my auntie she's in the purgatory and asking for help to pray for her, para madali na siyang makaalis sa purgatory, if im not mistaken She's in the level 1 and room 14. Theres a level depende sa mga nagawa sa lupa. hard to believe pero wala nmng namimilit sa inyo kung ayaw niyong maniwala. But if you broaden ur understanding, even leader of the churches do sin even the slightest sin, at base sa mga gawa natin at sa salita ng Diyos, doon tayo huhusgahan ng Diyos.
ReplyDelete