Holy week - ano ang Easter triduum?

Image may contain: 1 person, text






EASTER TRIDUUM
(Kaalaman para sa mga Katoliko)
.
.
.

BY: Kuya adviser CFD

ANO BA ITONG TINATAWAG NG ATING SANTA IGLESIA KATOLIKA NA TRIDUUM?

triduum
[trij-oo-uh m, trid-yoo-]

"a series of special religious observances over a three-day period, in preparation for a great feast."

http://dictionary.reference.com/browse/triduum
*****

ANG TRIDUUM PO AY MULA SA LATIN WORD NA ANG IBIG SABIHIN AY SUNOD SUNOD NA TATLONG ARAW NG PANANALANGIN SA PAGGUNITA SA MAHALAGANG 3 ARAW NG PASYON NG ATING PANGINOONG JESUS.

TINATAWAG DIN ITONG "Paschal Triduum, Holy Triduum, O Easter Triduum"

ANG TRIDUUM AY ANG 3 HULING ARAW NG KWARESMA AT SEMANA SANTA.

MAGSISIMULA PO ANG PASCHAL TRIDUUM SA BANAL NA MISA NG "Lord's Supper O Last Supper" SA MAUNDY THURSDAY NG GABI, HANGGANG SA EASTER VIGIL NG BLACK SATURDAY NG GABI (Sabado de Gloria) PAGSALUBONG SA EASTER SUNDAY O LINGGO NG PAGKABUHAY AT MAGTATAPOS SA PANANALANGIN SA GABI NG EASTER SUNDAY.

ANG EASTER SUNDAY O LINGGO NG PAGKABUHAY ANG GRAND FEAST DAY NG LITURGICAL YEAR NG BUONG SANTA IGLESIA.
TINAWAG PO ITO NI POPE ST. LEO I
NA "Festum Festurom" O THE GREATEST FEAST.

***** MAUNDY THURSDAY*****

MAUNDY, MULA SA SALITANG LATIN NA "Mandatum" NA IBIG SABIHIN AY COMMAND O UTOS.

SA GABI NG MAUNDY THURSDAY AY GINUGUNITA ANG "Institution of the Eucharist"
O ANG PAGPASIMULA NI CRISTO NG EUKARISTIYA (Pasasalamat) ANG PAGBIBIGAY NG KANYANG KATAWAN (tinapay) AT DUGO (alak) UPANG KANIN AT INUMIN, NA KANYANG INIUTOS SA KANYANG MGA ALAGAD NA GAGAWIN ITO BILANG PAG-ALAALA SA KANYA.

ITO ANG SELEBRASYON NG PASSOVER.

Lucas 22:19-20

19 At siya'y dumampot ng tinapay, at nang siya'y makapagpasalamat, ay kaniyang pinagputolputol, at ibinigay sa kanila, na sinasabi, Ito'y aking katawan, na ibinibigay dahil sa inyo: GAWIN NINYO ITO SA PAG-ALAALA SA AKIN.

20 Gayon din naman ang saro, pagkatapos na makahapon, na sinasabi, Ang sarong ito'y ang bagong tipan sa aking dugo, na nabubuhos nang dahil sa inyo.

DITO RIN GINUGUNITA ANG PAGHUHUGAS NI CRISTO SA PAA NG KANYANG MGA ALAGAD, NA INIUTOS NIYANG GAGAWIN DIN NG MGA ALAGAD NIYA. ITO PO AY PAGPAPAHIWATIG NG KABABAANG LOOB, PAGSISILBI, AT PAGMAMAHAL SA ISA'T ISA NG KANYANG MGA ALAGAD AT TAGASUNOD.

Juan 13:6, 14-15

6 Sa gayo'y lumapit siya kay Simon Pedro. Sinabi niya sa kaniya, Panginoon, huhugasan mo baga ang aking mga paa?
14 Kung ako nga, na Panginoon at Guro, ay naghugas ng inyong mga paa, KAYO MAN AY NARARAPAT NA MANGAGHUGASAN NG MGA PAA SA ISA'T ISA.

15 Sapagka't KAYO'Y BINIGYAN KO NG HALIMBAWA, UPANG GAWIN NAMAN NINYO ayon sa ginawa ko sa inyo.

DITO PO ANG MGA HULING HABILIN NI CRISTO BAGO SIYA IPINAKO AT MAMATAY SA KRUS.

Juan 13:34-35

34 ISANG BAGONG UTOS SA INYO'Y IBINIBIGAY KO, NA KAYO'Y MANGAG-IBIGAN SA ISA'T ISA: NA KUNG PAANONG INIIBIG KO KAYO, AY MANGAG-IBIGAN NAMAN KAYO SA ISA'T ISA.

35 Sa ganito'y MANGAKILALA NG LAHAT NG MGA TAO NA KAYO AY AKING MGA ALAGAD, kung KAYO'Y MAY PAG-IBIG SA ISA'T ISA."

DITO PO SA PAGGUNITA NG HULING HAPUNAN NG ATING PANGINOON, MAGSISIMULA ANG EASTER TRIDUUM.

*******

MARAMING SALAMAT PO SA INYONG PAGBABASA

LIKE AND SHARE...

MAPAGPALANG PAGGUNITA NG PASYON NG ATING PANGINOONG JESUCRISTO!

FOR MORE: KINDLY LIKE THIS PAGEwww.facebook.com/kuyaadviserpublicfigure

No comments:

Post a Comment

Click here

Click here
Facebook Apologetic Fanpage