Jehovah's witness - Pole ba ang ginamit kay kristo?

REPOST

TANONG: May kaklase po akong Saksi na nagsabi na mali po daw ang krus natin hindi daw po sa krus namatay si kristo kundi sa tulos o poste po. Sabi niya ang salitang stauros sa greek ibig sabihin ay stake o poste. Ano po ba ang totoo? Salamat po.
-------------------------------

SAGOT: Ang salitang Griyegong "stauros" (σταυροσ), kung ang pagbabasehan ay Classical Greek, ay nangangahulugan ngang "stake" o "pole". Ngunit ang New Testament ay hindi sinulat sa Classical Greek, sinulat ito sa Koine Greek. At sa Koine Greek, ang stauros na ito ay maaaring isang stake na may "beam" sa gitna upang maging anyong krus ito, gaya nga ng isang latin or Roman cross, na ginagamit ng mga Romano sa pag-eexecute ng kanilang mga kriminal. Halimbawa din ay ang salita nating "poste" ng kuryente, may beam man ito sa itaas o wala, poste pa rin ang tawag natin dito.

Sa Bibliya, ang INRI ay inilagay sa taas ng ulo ni Hesus, nasusulat: "Isinulat nila sa kanyang ulunan ang paratang laban sa kanya, "Ito'y si Jesus na Hari ng mga Judio." (Mateo 27:37) Sana'y isinulat nalang na inilagay "sa itaas ng mga kamay" kung talagang sa isang stake o tulos pinatay si Hesus, ayon sa makikita mo sa larawan nila kay Hesus.

Makikita din sa larawan nila na isa lang ang ginamit na pako sa pagtusok sa kamay ni Hesus. Sa Bibliya, hindi isang pako lang. Nasusulat:

"Sumagot si Tomas, Hindi ako maniniwala hangga't hindi ko nakikita at nahahawakan ang butas ng mga pako sa kanyang mga kamay, at hangga't hindi ko naisusuot ang aking daliri sa mga sugat na iyon at sa kanyang tagiliran." (Juan 20:25)

"Mga pako" ang nakasulat sa Bibliya. Dalawang pako nga ang ipinukpok sa mga kamay niya. Mas malapit ito sa katotohanan na ang ating Panginoon ay ipinako sa isang krus <†> gaya ng nakikita natin sa ating mga simbahan ngayon.

(c) 100% KATOLIKONG PINOY!

No comments:

Post a Comment

Click here

Click here
Facebook Apologetic Fanpage