Felix manalo - hindi ba nag aral?

2-PASUGO Enero 1953, p. 10:
“Ito'y natupad sa ating Panginoong Jesu-Cristo. Siya'y marunong bagama't hindi nag-aral kailanman. At ang kanyang dunong ay humihiya sa mga kumakaaway sa kanya. Natupad din ito kay kapatid na Felix Manalo. Siya'y walang katangian ayon sa laman. Natupad gaya ng dunong, kayamanan, o kaya'y kapangyarihan. Hindi siya nag-aral sa paaralan ng tao. Ngunit kung si Kapatid na Felix Manalo man ay mangmang sa karunungan ng sanlibutan, gayunman ay marunong siya ng mga salita ng Dios."


Ang mga sinasabi nilang ito ay pawang kayabangan at kasinungalingan. At dito natin sila ngayon puputulan ng dila upang huwag magpalalo sa pagmamayabang, sapagkat nasusulat sa kanilang PASUGO Hulyo 27, 1964,

p. 180, 182; (Ika-50 Anibersaryo) na si Felix Manalo'y nag-aral sa paaralan nga tao gaya nitong mga sumusunod:
Pahina 180: “Noong 1904, ay nag-aral si Felix Manalo sa paaralan ng Methodist Theological Seminary.” (Hindi pa naitatag ang kanyang Iglesia).

Pahina 182: sinasabing nagpunta si Manalo sa Amerika noong 1919, at nag-aral sa Pacific School of Religion sa California, USA.

Dahil diyan ay maliwanag na kasinangilan at kayabangang sabihing hindi nag-aral sa paaralan ng tao si G. Felix Manalo. At gamundong pagmamapuri kay Manalo na kusang pinagkalooban ng Dios ng mga karunungan sapagkat sinugo siya ng Dios. Ang lahat ng mga sinasabi nilang ito ay isang nagdudumilat na katotohanan, na hindi sugo ng Dios si Felix Manalo; kundi ang ipinangangalat ay maling aral, at pikit mata namang sinusunod ng kanilang mga manunulat sa PASUGO o ng mga kaanib na Iglesiang itinayo niya at pag-aari. O paano ito mga kababayan? Sumagot na kayo.

2 comments:

Click here

Click here
Facebook Apologetic Fanpage