Katoliko - Magisterium- 3 Basehan ng Pananampalataya
BASEHAN NG KATOTOHANAN
--> MAGISTERIUM
--> SACRED TRADITION
--> BIBLE / SACRED SCRIPTURE
.
.
BY: Kuya Adviser CFD
ANG TATALAKAYIN NAMAN NATIN NGAYON AY ANG MGA BASEHAN NG KATOTOHANAN NG SIMBAHANG KRISTIYANONG TATAG NG ATING PANGINOONG JESUCRISTO.
ANG TUNAY NA SIMBAHANG KRISTIYANO NA TATAG NG ATING PANGINOONG JESUS AY MAYROONG 3 MAGKAKAISANG BASEHAN NG KATOTOHANAN. MAGKAKAISA SAPAGKAT HINDI PWEDE ITONG MAGHIHIWALAY SA ISA'T ISA. LAHAT NG 3 ITO AY KONEKTADO SA ISA'T ISA.
PARA ITONG ISANG UPUAN (stool) NA MAY TATLONG PAA. BALANSE AT NAKAKATAYO NG MATUWID KASAMA ANG BAWAT ISA.
KAPAG MAWALA ANG ISANG PAA NITO, SESEMPLANG ANG UPUAN DAHIL KULANG NA NG ISA O LALO NA KAPAG 2 PAA PA ANG KULANG NITO. TALAGANG HINDI MAKAKATAYO NG MATUWID ANG UPUAN NA ITO KAPAG KULANG NG MGA PAA. :)
GANITO PO NATIN MAIPAPALIWANAG ANG 3 BASEHAN NG KATOTOHANAN NG TUNAY NA SIMBAHANG KRISTIYANO NA TATAG NG ATING PANGINOONG JESUCRISTO.
●Magisterium
●Sacred Tradition
●Bible or Sacred Scriptures
NATAPOS KO NA PO ANG PAGTALAKAY TUNGKOL SA "BIBLIA", KUNG PAANO ITO NABUO.
SA MGA HINDI PA NAKAKABASA, NARITO PO ANG LINK:
BIBLE HISTORY PART 1
https://facebook.com/kuyaadviserpublicfigure/photos/a.799147303482431.1073741829.638273896236440/940875205976306/?type=1&source=48&ref=bookmark
BIBLE HISTORY PART 2
https://facebook.com/kuyaadviserpublicfigure/photos/a.799147303482431.1073741829.638273896236440/945181238879036/?type=1&source=48&ref=bookmark
MADALAS PO NATING MARIRINIG MULA SA IBA'T IBANG SEKTA NA ANG KANILANG BASEHAN NG KATOTOHANAN AY ANG BIBLIA LAMANG (Bible Alone)
KAPAG HINDI MABABASA SA BIBLIA AY HINDI TOTOO. KAPAG WALA SA BIBLIA AY MALI.
PERO KAPAG HAHANAPIN MO SA KANILA ANG SALITANG "Biblia" SA LOOB NG BIBLIA, AY WALA SILANG MAIPAPAKITA.
KUNG GANUN PALA, HINDI TOTOO ANG "Biblia" DAHIL HINDI ITO NAKASULAT SA BIBLIA. HE HE! :)
GANUN PO ANG LOGIC AT BALUKTOT NA KATWIRAN NA GINAGAMIT NG ATING MGA KAIBAYONG KAPATID NA NASA SEKTANG SUMULPOT LAMANG. :)
LALO NA KAPAG HAHANAPAN MO SILA
KUNG SAAN NAKASULAT NA INUTUSAN NI CRISTO NA "MAGTATAG" NG IGLESIA ANG KANILANG IBA- IBANG LIDER NG BAWAT SEKTA, ABA KUNG ANO ANONG PALUSOT ANG
GINAGAWA :)
IBA-IBANG HULA SA BIBLIYA AY IKOKONEKTA SA MGA LIDER NILA :)
GAYONG WALA NAMAN ITONG KONEKSYON.
NARITO PO AKING IPAPALIWANAG KONG PAPAANONG KULANG O HINDI SAPAT ANG BASEHAN NG KATOTOHANAN NG MGA SEKTANG ITINATAG LAMANG NG TAO NA NAGSILITAW LAMANG PAGKATAPOS NG PROTESTANT REFORMATION NI MARTIN LUTHER AGAINST CATHOLIC CHURCH AFTER YEAR 1517.
BIBLE ALONE IS NOT ENOUGH, INSUFFICIENT,
LACKING!
SA TAGALOG... "KULANG". :)
BIBLE ALONE IS UNBIBLICAL!
SA TAGALOG.. ANG SOLA SCRIPTURA OR BIBLE ALONE NA MANMADE DOCTRINE NI MARTIN LUTHER AY WALA SA BIBLIYA! :)
TANONG:
SINO ANG BUMUO NG BIBLIA?
SAGOT:
ANG MAGISTERIUM NG SIMBAHANG KATOLIKO, SA GABAY NG ESPIRITU SANTO AY SIYANG BUMUO NG BANAL NA BIBLIA.
****** MAGISTERIUM******
MATEO 16:18-19 (AB)
18 "At sinasabi ko naman sa iyo, na IKAW AY PEDRO, AT SA IBABAW NG BATONG ITO AY ITATAYO KO ANG AKING IGLESIA; at ANG PINTUAN NG HADES AY HINDI MAGSISIPANAIG LABAN SA KANIYA.
19 IBIBIGAY KO SAYO ANG MGA SUSI NG KAHARIAN NG LANGIT: at anomang iyong talian sa lupa ay tatalian sa langit; at anomang iyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit."
ITO PO ANG SANTA IGLESIA NA ITINAYO NG PANGINOONG JESUS MULA KAY SIMON NA KANYANG GINAWANG "PEDRO" IBIG SABIHIN AY "GINAWANG BATO" UPANG DITO SA BATONG ITO AY MAITAYO NA MATATAG ANG KANYANG SANTA IGLESIA. AT KANYANG PINAGKATIWALAAN NG KANYANG HOLY AUTHORITY NA MAGING KEYHOLDER AT GATEKEEPER NG KAHARIAN NG LANGIT.
AT VISIBLE LEADER O PASTOL NG KANYANG MGA TUPA DITO SA KANYANG SANTA IGLESYANG TATAG (Juan 21:15-17)
ANO BA ANG TINATAWAG NA MAGISTERIUM?
"MAGISTERIUM--- mula sa salitang Latin na ang ibig sabihin ay INSTRUCTOR, TEACHER, GOVERNANCE."
SAMAKATUWID ANG MAGISTERIUM AY ANG "Teaching Body of the Church" OR
"Teaching Authority of the Church"
TAGAPAGTURO... TEACHERS...
BAGO PO UMAKYAT PABALIK SA LANGIT
(Gawa 1:9-11) ANG ATING PANGINOONG JESUCRISTO, HINDI SIYA NAG-IWAN NG BIBLIA DITO SA LUPA :)
HINDI RIN NIYA INUTOS NA GUMAWA NG BIBLIA ANG MGA ALAGAD NIYA, AT LALONG HINDI NIYA SINABI NA MAGSULAT KAYO AT GAWING BIBLIA AT MAGING TANGING BASEHAN NG KATOTOHANAN.. HE HE!
WALA PONG GAYONG UTOS ANG ATING PANGINOON.
ANG INIWAN PO NG ATING PANGINOONG JESUS AY ANG KANYANG SANTA IGLESIA (Mateo 16:18) AT ANG KANYANG "Holy Authority" SA 12 KATAO NA SIYANG MAGING MGA SAKSI NIYA NA MAGPAPATOTOO AT MAGING "TAGAPAGTURO" (Magisterium) NG KANYANG EBANGHELYO DITO SA SANTA IGLESIYANG TATAG NIYA, AT MAGPALAGANAP NITO SA LAHAT NG MGA BANSA.
(Mateo 28:19-20)
ANG ISA (Simon) AY ANG GINAWA NIYANG BATO O PEDRO" NA PINAGTAYUAN MISMO NG KANYANG SANTA IGLESIA AT PINAGKATIWALAAN NIYA NG MGA SUSI NG KAHARIAN NG LANGIT (Mateo 16:18-19)
ANG ISANG ITO AY ANG PINAG-KATIWALAAN NIYA NG KANYANG MGA TUPA UPANG MANGALAGA AT MAGPATIBAY SA MGA ITO.
(Juan 21:15:17, Lucas 22:31-32)
AT ANG 12 APOSTOL NA ITO AY PAREHONG BINIGYAN NG OTORIDAD NA MAGKALAG AT MAGTALI AT MAGPATAWAD NG MGA KASALANAN (power to forgive and retain sins) AT KANYANG MGA ISINUGO SILA.
(Mateo 16:19, Mateo 18:18, Juan 20:21-23)
ITO ANG PUNDASYON NG KANYANG SANTA IGLESIA DITO SA LUPA (Efeso 2:20)
MULA SA 12 APOSTOL NA HINIRANG NIYANG MAGISTERIUM NG KANYANG SIMBAHAN NA KANYANG HINIPAN NG KANYANG ESPIRITU SANTO:
JUAN 20:21-23
21 Sinabi ngang muli sa kanila ni Jesus, Kapayapaan ang sumainyo: KUNG PAANONG PAGKASUGO SA AKIN NG AMA, AY GAYON DIN NAMAN SINUSUGO KO KAYO.
22 At nang masabi niya ito, SILA'Y HININGAHAN NIYA, AT SA KANILA'Y SINABI, TANGGAPIN NINYO ANG ESPIRITU SANTO:
23 SINOMANG INYONG PATATAWARIN NG MGA KASALANAN, AY IPINATAWAD SA KANILA; sinomang hindi ninyo patawarin ng mga kasalanan, ay hindi pinatatawad.
KITA NIYO PO?
SANTA IGLESIA AT MAGISTERIUM NITO ANG INIWAN NG PANGINOONG JESUS. HINDI PO BIBLE. :)
ANG MAGISTERIUM NA ITO AY KANYANG HININGAHAN NG KANYANG ESPIRITU SANTO.
KAYA ITO AY MAYROONG BUHAY MAGPASA HANGGANG WAKAS NG SANLIBUTANG ITO.
ANG PAMUMUNO NG "Teaching Body of the Church or Magisterium" AY MAY BUHAY DAHIL SA ANG ESPIRITU NG DIYOS AY INIHINGA SA KANILA.
DALAWANG BESES LAMANG PO NANGYAYARI ANG PAGHINGA NG DIYOS NG KANYANG ESPIRITU SA KASAYSAYAN NG SANGKATAUHAN:
●UNA PAGHINGA NG DIYOS NG KANYANG ESPIRITU NA SIYANG HININGA NG BUHAY KAY ADAN NA UNANG TAO NA GINAWA NIYA UPANG MAGING KALULUWANG MAYBUHAY. (Genesis 2:7)
●PANGALAWA ANG PAGHINGA NG DIYOS (Anak) NG KANYANG ESPIRITU SANTO SA KANYANG MGA ALAGAD, AT ITO ANG BUHAY NG SANTA IGLESIA SIMULA SA MAGISTERIUM NITO NA MANANATILI HANGGANG WAKAS NG PANAHON.
(Juan 20:22, Juan 14:16, Mateo 28:20 )
SINO SINO ANG MAGISTERIUM O ANG TAGAPAGTURO NG BANAL NA SIMBAHANG ITO NA HINIRANG NG ATING PANGINOON?
SAGOT:
ANG MGA APOSTOL SA PANGUNGUNA NI ST. PETER NA SIYANG UNANG SANTO PAPA
(Isaiah 22:20-23, Mateo 16:18-19, Juan 21:15-17)
AT ANG KANYANG SUCCESSORS, KASAMA NG LAHAT NG MGA SUMUNOD NA KAOBISPOHAN "Church Fathers" NG BUONG SANTA IGLESIA KATOLIKA MULA SA WALANG PATID NA HOLY APOSTOLIC AUTHORITY SUCCESSION NG SANTA IGLESIA.
NG MAWALA ANG MGA APOSTOL NG PANGINOON, NAIPASA SA MGA SUMUNOD NA SANTO PAPA ANG HOLY APOSTOLIC AUTHORITY NA ITO NG SANTA IGLESIA. MULA KAY ST. PETER HANGGANG SA KASALUKUYAN KAY POPE FRANCIS.
UNBROKEN LINK ITO NA MATI-TRACE UP NATIN MULA SA KASALUKUYAN PABALIK SA SIMULA.., KAY PEDRO HANGGANG KAY CRISTO.
ANG MAGISTERIUM AY ANG NAGTUTURO, TAGAPAG-INGAT NG MGA EBANGHELYO NI CRISTO AT NAG-AAYOS NG MGA BAGAY BAGAY TUNGKOL SA "Pananampalataya (Faith), Moral at Disiplina" NG BUONG SANTA IGLESIA, SA GABAY NG ESPIRITU SANTO, SA GABAY NI CRISTO.
AT MALINAW PO NATIN ITONG MAKIKITA SA SIMULA PA LAMANG NG KASAYSAYAN NG SIMBAHAN.
ANG COUNCIL OF JERUSALEM KUNG SAAN SA PAMUMUNO NI PEDRO ANG UNANG SANTO PAPA NG SIMBAHANG KRISTIYANO AY INAAYOS ANG HINDI PAGKAKAUNAWAAN NA NANGYARI SA SIMBAHAN KAUGNAY SA DISIPLINANG DAPAT NILANG SUNDIN SA MGA NASA PAGTUTULI (Hudyo) AT SA MGA HINDI SA PAGTUTULI O MGA SUMASAMPALATAYANG HENTIL (hindi Hudyo--Gawa 15)
GAWA 15:5-6
5 Datapuwa't nagsitindig ang ilan sa sekta ng mga Fariseong nagsisampalataya na nangagsasabi, Kinakailangang sila'y tuliin, at sa kanila'y ipagbiling ganapin ang kautusan ni Moises.
6 At NANGAGKATIPON ANG MGA APOSTOL AT ANG MGA MGA MATANDA upang pag-usapan ang bagay na ito.
SI PEDRO, ANG UNANG SANTO PAPA
(Isaiah 22:20-23, Mateo 16:19, Juan 21:15-17)
NG SIMBAHANG ITO AY SIYANG NAMUMUNO AT UMAAYOS SA GUSOT NA ITO KASAMA NG IBA PANG MGA APOSTOL AT MGA MATANDA NG SIMBAHAN.
GAWA 15:7
At PAGKATAPOS NG MARAMING PAGTATALO, AY NAGTINDIG SI PEDRO, AT SINABI SA KANILA, Mga kapatid, nalalaman ninyo na nang unang panahong nakaraan ay humirang ang Dios sa inyo, upang sa pamamagitan ng aking bibig ay mapakinggan ng mga Gentil ang salita ng Evangelio, at sila'y magsisampalataya.
SI PEDRO DIN ANG NAMUNO UPANG PALITAN ANG PWESTO NI JUDAS ESCARIOTE UPANG MAYROONG GANAP NA 12 BILANG NG MGA APOSTOL NA UNANG HINIRANG NI CRISTO.
GAWA 1:15-16 (AB)
15 At nang mga araw na ito'y NAGTINDIG SI PEDRO SA GITNA NG MGA KAPATID, at nagsabi (at nangagkakatipon ang karamihang mga tao, na may isang daa't dalawangpu),
16 MGA KAPATID, KINAKAILANGANG MATUPAD ANG KASULATAN, na nang una ay sinalita ng Espiritu Santo, sa pamamagitan ng bibig ni David TUNGKOL KAY JUDAS, na siyang pumatnugot sa nagsihuli kay Jesus.
GAWA 1:20 (AB)
Sapagka't nasusulat sa aklat ng Mga Awit, Bayaang mawalan nawa ng tao ang kaniyang tahanan, At huwag bayaang manahan doon ang sinoman; at, Bayaang kunin ng iba ang kaniyang katungkulan.
AYAN :)
MALINAW PO NATING MAKIKITA DITO NA SI PEDRO AY MAYROONG "PRIMACY" AMONG THE APOSTLES KAYA SIYA ANG NANGUNGUNA SA PAGPILI NG KAPALIT NI JUDAS ESCARIOTE KUNG SAAN SA TULONG NG ESPIRITU SANTO AY MAPALAD NA NAPILI SI SAN MATIAS, AT NAGING KABILANG SA LABING-ISA.
Gawa 1:26
At SILA'Y PINAGSAPALARAN NILA; at NAGKAPALAD SI MATIAS; at siya'y ibinilang sa labing-isang apostol.
ANG GANITONG GAWAIN NG MAGISTERIUM NG SANTA IGLESIYANG ITO AY NAIPRESERBA MULA SA WALANG PATID (unbroken) NA SUCCESSION NG HOLY APOSTOLIC AUTHORITY MULA KAY ST. PETER HANGGANG SA MGA SUMUNOD SA KANYA HANGGANG SA KASALUKUYANG SANTO PAPA, POPE FRANCIS NA SA TUWING MAYROONG NARARAPAT NA PAGDEDESISYONAN TUNGKOL SA PANANAMPALATAYA, MORAL, AT DISIPLINA NG SIMBAHAN AY NAGKAKAROON NG MGA PAGTITIPON/COUNCIL ANG MAGISTERIUM/ MGA OBISPO/CHURCH ELDERS AND THEOLOGIANS.
TULAD NA LAMANG NG COUNCIL OF NICEA 325 A.D.
ANG UNANG CHURCH ECUMENICAL COUNCIL OR GENERAL COUNCIL NG SIMBAHANG KRISTIYANO PAGKATAPOS MAWALA ANG MGA APOSTOL. ITO AY SA PAMUMUNO NI ST. POPE SYLVESTER I .
SA MGA PANAHON NA ITO, WALA PANG SEKTANG SULPOT NA NAGLIPANA :)
DITO SA COUNCIL OF NICEA AY PINAG-USAPAN NG MGA OBISPO NG SANTA IGLESIA AT GINAWAN NG SOLUSYON ANG "Arianism", HERETICAL TEACHING NA IPINAKAKALAT NG HERETIC PRIEST NA SI ARIUS FROM LIBYA AT SUPPORTER NIYANG SI BISHOP EUSEBIOS NA SIYANG UNANG NAGPAPAKALAT NG HERETIKONG KATURUAN NA UMAATAKE SA PAGKADIYOS NI CRISTO.
PARA KAY ARIUS, SI CRISTO AY HINDI DIYOS!
DITO MAHIGPIT NA NILALABANAN NG MGA MAGIGITING NATING MGA CHURCH FATHERS TULAD NI ST. ATHANASIUS AT ST. ALEXANDER ANG HERETIKONG PANINIWALA NI ARIUS NA SI CRISTO AY HINDI DIYOS AT HINDI CONSUBSTANTIAL NG AMA.
MULA SA KONSELYONG ITO NG MAGISTERIUM AY NAPAGTIBAY (Defined) ANG DATI NG PANANAMPALATAYA NG SANTA IGLESIA SA PAGKADIYOS NI CRISTO NA SIYANG ITINUTURO NG MGA APOSTOL HANGGANG SA MGA APOSTOLIC FATHERS AT EARLY CHURCH FATHERS NG SIMBAHANG KRISTIYANO.
DITO, NAPAGTIBAY ANG PANANAMPALATAYA SA HOLY TRINITY.
AT NAGKAROON TAYO NG "Nicene Creed" NA SIYANG BASIC PROFESSION OF FAITH NG SIMBAHANG KRISTIYANO.
AT MULA RIN DITO SA KONSELYONG ITO AY INAYOS ANG PAGKUHA NG PETSA NG "Easter/Holy Week)
O NG LINGGO NG PAGKABUHAY.
KASUNOD NA MGA ECUMENICAL COUNCILS NG MAGISTERIUM AY ANG PAG-AARAL SA MGA KASULATAN MULA SA SACRED TRADITION NA NAI-DEPOSITO SA SIMBAHAN.
AT ANG PAGBUO NG CANON NG BIBLIA
-Council of Rome 382 AD
-Council of Hippo 393 AD
-Council of Carthage 397 AD
-Council of Trent 1545 AD
ANG MGA ECUMENICAL COUNCILS NA NAIPALIWANAG KO NA SA PAGTALAKAY KO SA "HISTORY OF THE BIBLE."
MAYROON NG 21 ECUMENICAL COUNCILS ANG BUONG SANTA IGLESIA KATOLIKA.
ANG MAGISTERIUM O TEACHING AUTHORITY NA ITO NG SANTA IGLESIA AY ANG INUTUSAN NG ATING PANGINOONG JESUS UPANG "MAGTURO" NG LAHAT NG BAGAY NA INIUTOS NI JESUS SA KANILA.
ANG MAGISTERIUM NA ITO AY SIYANG INUTUSAN NG PANGINOONG JESUS UPANG
MAGPALAGANAP NG MABUTING BALITA AT GAWING MGA ALAGAD ANG LAHAT NG MGA BANSA (CATHOLIC/UNIVERSAL)
MATEO 28:18-20
18 At lumapit si Jesus sa kanila at sila'y kaniyang kinausap, na sinasabi, ANG LAHAT NG KAPAMAHALAAN NG LANGIT AT SA IBABAW NG LUPA AY NAIBIGAY NA SA AKIN.
19 DAHIL DITO MAGSIYAON KAYO, at GAWIN NINYONG ALAGAD ANG LAHAT NG MGA BANSA, na sila'y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo:
20 NA ITURO NINYO SA KANILA NA KANILANG GANAPIN ANG LAHAT NG MGA BAGAY NA INIUTOS KO SA INYO: at narito, AKO'Y SUMAINYONG PALAGI, hanggang sa katapusan ng sanglibutan.
KITAMS?? :)
ANG UTOS PO NG PANGINOON AY "ITURO" ANG LAHAT NG MGA BAGAY NA KANIYANG INIUTOS.
ANG AUTHORITY NA ITO AY MULA MISMO KAY CRISTO. MULA SA DIYOS!
PANSININ ANG KANYANG SINABI SA TALATANG MATEO 28:18,
"Ang lahat ng kapamahalaan sa langit at sa ibabaw ng lupa ay naibigay na sa akin"
IBIG SABIHIN, NASA KAY CRISTO ANG BUONG DIVINE AUTHORITY NG PAMAMAHALA NG LANGIT AT LUPA SAPAGKAT SIYA AY DIYOS! NA IBINIGAY NA SA KANYA NG AMA ANG LAHAT NG KAPAMAHALAAN
(Mateo 11:27, Lucas 10:22)
AT MULA SA KANYA AY IBINIGAY NIYA RIN ANG KANYANG AUTHORITY SA KANIYANG MGA HIRANG NA APOSTOL AT MAGISTERIUM UPANG MAGING VISIBLE TEACHERS NG KANYANG SANTA IGLESIA.
(KATULAD PO ITO NG ATING ESKWELAHAN.. GAANO MAN KADAMI ANG AKLAT NA MERON KA, KUNG WALANG GURO O TEACHER NA MAGTUTURO SAYO AT MAGPAPALIWANAG SAYO, HINDI KA MATUTUTO NG BUONG BUO AT HINDI KA MAGIGING ISANG EDUKADO)
GANUN KAHALAGA ANG MAGISTERIUM O TEACHING BODY OF THE CHURCH. KUNG WALA ITO, HINDI NATIN NAKIKILALA ANG IISANG DIYOS NA NASA HOLY TRINITY.
HINDI NATIN MAKIKILALA SI CRISTO NA ANAK NG AMANG DIYOS NA SUMAATIN
NA SIYA NATING TAGAPAGLIGTAS.
HINDI PO SINABI NI CRISTO NA "isulat ninyo ang lahat ng bagay na inutos ko." :)
WALA PONG GANUN.
KUHA PO?
ANG UTOS NI CRISTO AY "ituro"
HINDI "isulat". KAYA NGA SA SIMULA PA LANG NG PAGPAPALAGANAP NG SANTA IGLESIA AY BIBIG OR "TEACHING BY MOUTH" OR "Oral Tradition" ANG GAMIT NG MGA APOSTOL SA KANILANG PAGTUTURO NOON AT HINDI IYANG BIBLIA NA MERON TAYO NGAYON SAPAGKAT HINDI PA IYAN NABUO SA PANAHON NG MGA APOSTOL AT NG EARLY CHRISTIAN CHURCH.
ANG KASULATAN NA MAYROON NOON AY ANG MULA SA HEBREW NA OLD TESTAMENT.
WALA PA ANG CANON NG NEW TESTAMENT :)
ANG PANGINOONG JESUS AY NAGTALAGA NG MGA TAGAPAGTURO O MAGISTERIUM NG KANYANG SANTA IGLESIANG TATAG.
AT ANG TAGAPAGTURO/MAGISTERIUM NG SANTA IGLESIA NA ITO AY SINASAMAHAN NIYA HANGGANG SA WAKAS NG PANAHON.
KAYA NGA PO NAKASAAD:
GAWA 20:28
INGATAN NINYO ANG INYONG SARILI, AT ANG BUONG KAWAN, na sa kanila'y GINAWA KAYO NG ESPIRITU SANTO NG MGA OBISPO, UPANG PAKANIN ANG IGLESIA NG PANGINOON na binili niya ng kaniyang sariling dugo.
KITAMS? TUMBOK NA TUMBOK! :)
ANG MGA OBISPO SA PANGUNGUNA NI SAN PEDRO THE BISHOP OF ROME, AT ANG MGA SUMUNOD SA KANIYA (Succesors of St. Peter) KASAMA ANG LAHAT NG OBISPO NG BUONG SANTA IGLESIA AY GINAWA AT ITINALAGA NG ESPIRITU SANTO UPANG MAGING TAGAPAGTURO AT MAGPAKAIN NG BUONG KAWAN NG PANGINOONG JESUS.
ANO ANG IPAPAKAIN NILA? HINDI PO PISIKAL NA PAGKAIN KUNDI PAGKAING ESPIRITUWAL. PAGKAIN NG KATOTOHANAN MULA KAY CRISTO!
AT DAHIL ANG PANGINOONG JESUCRISTO MISMO AT ANG KANYANG ESPIRITU SANTO ANG KASAMA AT GABAY NG MAGISTERIUM NG SANTA IGLESYANG ITO, KAYA MULA DITO AY ANG LALABAS ANG TUNAY NA KATOTOHANAN, NA SIYANG MAGPAPALAYA SA BAWAT SUMASAMPALATAYA DITO.
JUAN 8:32
At INYONG MAKIKILALA ANG KATOTOHANAN, at ang katotohana'y magpapalaya sa inyo.
SAPAGKAT SINABI NI CRISTO SA KANYANG MGA HIRANG NA MAGISTERIUM:
LUCAS 10:16
"ANG NAKIKINIG SA INYO, AY SA AKIN NAKIKINIG; at ANG NAGTATAKUWIL SA INYO AY AKO ANG ITINAKUWIL; at ANG NAGTAKUWIL SA AKIN AY ITINAKUWIL ANG SA AKI'Y NAGSUGO."
KITA NIYO PO?
ISANG MASAKLAP NA KATOTOHANAN ITO PARA SA LAHAT NG MGA SEKTANG SUMULPOT NA MGA ANTI-KATOLIKO.
MAYROONG "domino effect" ANG NANGYAYARI SA KANILANG PAGTAKWIL SA MAGISTERIUM NG SANTA IGLESIA NG PANGINOONG JESUS.
BIRUIN NIYO, NA ANG NAGTATAKWIL SA MAGISTERIUM NA ITO AY SI CRISTO MISMO ANG ITINAKWIL. AT ANG NAGTAKWIL KAY CRISTO AY NAGTAKWIL DIN SA AMA.
ANG SAKLAP NUN! :)
SANA DARATING ITO SA KAISIPAN NG MGA TAONG NALINLANG NG MGA BULAANG MANGANGARAL NA NAGTATAYO NG KANI- KANILANG SEKTA LABAS SA SIMBAHANG KATOLIKO. AT SA LAHAT NG MGA PATULOY NA UMAATAKE, TUMUTULIGSA, AT UMUUSIG SA SANTA IGLESIA KATOLIKA PARTICULAR NA SA MAGISTERIUM NITO, ANG SANTO PAPA AT MGA OBISPO AT KAPARIAN NITO.
JUAN14:26
Datapuwa't ang MANG-AALIW, sa makatuwid baga'y ang ESPIRITU SANTO, na SUSUGUIN NG AMA SA AKING PANGALAN, SIYA ANG MAGTUTURO SA INYO NG LAHAT NG BAGAY, at MAGPAPAALALA NG LAHAT NA SA INYO'Y AKING SINABI.
AYAN MALINAW PO YAN :)
ANG HOLY SPIRIT NA NAGTALAGA NG MGA OBISPO (Gawa 20:28) AY ANG MAGPAPAALALA SA MGA OBISPONG ITO SA KATOTOHANAN KAY CRISTO.
ITO PA!
JUAN 14:16 -19
16 "At ako'y dadalangin sa Ama, at kayo'y bibigyan niya ng ibang MANG-AALIW, UPANG SUMA INYO MAGPAKAILAN MAN,
17 Sa makatuwid baga'y ang ESPIRITU NG KATOTOHANAN: na hindi matatanggap ng sanglibutan; sapagka't hindi nito siya nakikita, ni nakikilala man siya: SIYA'Y NAKIKILALA NINYO; SAPAGKAT SIYA'Y TUMATAHAN SA INYO AT SASA INYO.
18 HINDI KO KAYO IIWANG MAG-ISA: AKO'Y PARIRITO SA INYO."
KITAMS? :)
KAYA WALANG DUDA NA ANG MAGISTERIUM NG SANTA IGLESIYANG ITO AY NASA GABAY NG DIYOS SAPAGKAT
ANG KANYANG ESPIRITU SANTO AY TUMATAHAN DITO AT GUMAGABAY MAGPAKAILAN MAN. SI CRISTO AY KASAMA NG MAGISTERIUM NG KANYANG SIMBAHAN MAGPAKAILANMAN!
ANO ANG ESPIRITU SANTO?
--> Ang Espiritu ng Katotohanan
(Juan 14:17)
SINO ANG KATOTOHANAN?
--> Si Cristo ang Katotohanan
(Juan 14:6)
KANINONG SALITA ANG KATOTOHANAN?
--> Salita ng Ama ay Katotohanan
(Juan 17:17)
SINO ANG SALITA NG AMA?
--> Si Cristo ang Salita ng Ama
(Juan 1:1, Pahayag 19:13)
KANINONG MGA SALITA ANG SINASALITA NI CRISTO?
--> Mga salita ng Ama ay gayon ding salita ni Cristo
(Juan 12:50 Juan 17:14)
KUNG ANG ESPIRITU SANTO AY ESPIRITU NG KATOTOHANAN, AT SI CRISTO AY ANG KATOTOHANAN, AT ANG SALITA NI CRISTO AY SIYANG SALITA NG AMA NA PAWANG KATOTOHANAN,
SINO ANG KATOTOHANAN KUNG GAYON?
--> Ang Katotohanan ay ang Ama, ang Anak, at Espiritu Santo
(Juan10:38, Juan 15:26, Mateo 28:19)
ANG IISANG DIYOS SA LANGIT NA NASA TATLONG BANAL NA PERSONA ANG SIYANG KATOTOHANAN!
AMEN...
SAMAKATUWID SI CRISTO KASAMA NG AMA AT NG KANILANG ESPIRITU SANTO AY ANG KASAMA NG KANYANG MAGISTERIUM (Tagapagturo) NG SANTA IGLESIA HANGGANG SA WAKAS!
(Juan 14:18, Mateo 28:20)
ITO ANG KATOTOHANAN MULA SA DIYOS NA NASA BANAL NA TRINIDAD. IISANG KATOTOHANAN MULA SA IISANG DIYOS NA SIYANG GABAY NG SANTA IGLESIA KATOLIKA.
DAHIL DITO, ANG MAGISTERIUM NA ITO NA HINIRANG NI CRISTO AY IDINADALANGIN NIYA SA KANYANG AMA ( Juan 17)
JUAN 17:12-14
12 Samantalang ako'y sumasa kanila, ay ININGATAN KO SILA SA IYONG PANGALAN YAONG MGA IBINIGAY MO SA AKIN: at sila'y binantayan ko, at isa man sa kanila'y walang napahamak, kundi ang anak ng kapahamakan; upang matupad ang kasulatan.
13 Nguni't ngayon ay napaririyan ako sa iyo; at sinasalita ko ang mga bagay na ito sa sanglibutan, upang sila'y mangagtamo ng aking kagalakang ganap sa kanila rin.
14 IBINIGAY KO SA KANILA ANG IYONG SALITA: AT KINAPOPOOTAN SILA NG SANGLIBUTAN, SAPAGKAT HINDI SILA TAGA SANGLIBUTAN, GAYA KO NAMAN NA HINDI TAGA SANGLIBUTAN.
JUAN 17:17-18
17 Pakabanalin mo sila sa KATOTOHANAN: ANG SALITA MO'Y KATOTOHANAN.
18 Kung paanong ako'y iyong sinugo sa sanglibutan, SILA'Y GAYON DING SINUSUGO KO sa sanglibutan."
MALINAW PA SA SIKAT NG ARAW. :)
KUNG PAANO NA SI CRISTO AY SINUGO NG AMANG DIYOS AY SIYA NAMANG NAGSUSUGO SA MGA APOSTOL NA SIYANG UNANG MAGISTERIUM NG KANYANG SANTA IGLESIA KATOLIKA NA NAIPASA ANG BANAL NA OTORIDAD (Holy Apostolic Authority) MULA KAY CRISTO NA IBINIGAY KAY PEDRO (Mateo 16:19, Juan 21:15-17, Lucas 22:31-32)
At MULA KAY PEDRO NA UNANG SANTO PAPA NAIPASA MAGPASAHANGGANG KAY POPE FRANCIS NA KASALUKUYANG SANTO PAPA, AT SA MGA SUSUNOD PA, HANGGANG SA WAKAS NG SANLIBUTANG ITO, HANGGANG SA MULING PAGBABALIK NG ATING PANGINOONG JESUCRISTO.
AT HINDI LAMANG ANG MAGISTERIUM ANG IDINALANGIN NG PANGINOONG JESUS, MAGING ANG MGA TAO NA MAKIKINIG SA KANILA. IDINALANGIN NIYA NA MAGING ISA ANG MGA ITO, TULAD NG SI CRISTO AY IISA NG AMA (Juan 10:30)
JUAN 17:20-21
20 Hindi lamang sila ang idinadalangin ko, KUNDI SILA RIN NAMAN NA NAGSISAMPALATAYA SA AKIN SA PAMAMAGITAN NG KANILANG SALITA;
21 UPANG SILANG LAHAT AY MAGING ISA; NA GAYA MO, AMA, SA AKIN, AT AKO'Y SA IYO, NA SILA NAMA'Y SUMA-ATIN: upang ang sanglibutan ay sumampalataya na ako'y sinugo mo.
KAYA ANG MGA MANANAMPALATAYA NG BANAL NA SIMBAHANG KATOLIKO AY NAGIGING "ISA" KAHIT NAPAKARAMI SA BUONG MUNDO (Universal Church) SAPAGKAT NAKIKINIG ANG MGA ITO SA MAGISTERIUM NA HINIRANG NG PANGINOON UPANG MAGTURO, MAMUNO, AT MAGPAPATIBAY SA MGA MANANAMPALATAYA DITO SA KANYANG SANTA IGLESIA.
(Mateo 28:20, Juan 21:15-17, Lucas 22:31-32)
DITO SA PAMUMUNO NG MAGISTERIUM NG SIMBAHAN AY
NAGKAROON NG ISANG KATAWAN NA MAY ISANG ESPIRITU. ISANG PANGINOON, ISANG PANANAMPALAYA AT ISANG BAUTISMO.
EFESO 4:4-5
4 "May ISANG KATAWAN, at ISANG ESPIRITU, gaya naman ng pagkatawag sa inyo sa isang pagasa ng pagtawag sa inyo;
5 ISANG PANGINOOON, ISANG PANANAMPALATAYA, ISANG BAUTISMO,"
ITO PO ANG SANTA IGLESIA KATOLIKA NG PANGINOONG JESUCRISTO.
KUNG SAAN DITO AY PINAGKALOOBAN NIYA NG:
EFESO 4:11-12
11 "At pinagkalooban niya ang mga iba na maging mga APOSTOL; at ang mga iba'y propeta; at ang mga iba'y EVANGELISTA; at ang mga iba'y PASTOR at mga GURO;
12 SA IKASASAKDAL NG MGA BANAL, SA GAWAING PAGLILINGKOD SA IKATITIBAY NG KATAWAN NI CRISTO"
ITO ANG SANTA IGLESIA KATOLIKA.
ANG KATAWAN NI CRISTO!
NOTE:
Inaangkin pa naman ng mga sektang Born Again at iba pang Evangelical at Protestants na sila daw ang tinutukoy dito sa talata dahil sa salitang PASTOR na mababasa na siya namang tawag nila sa kanilang church leaders :)
Hehe. Nakakatawa naman ang mga ito, basta makakakita sa Biblia ng salita na ginagamit nila assuming na kaagad na sila yun :) :)
ALAMIN:
" In telling Peter to shepherd his sheep, Christ appointed him as a "PASTOR".
English-language translations of the New Testament usually render the Greek noun ποιμήν (poimēn) as "SHEPHERD" and the Greek verb ποιμαίνω (poimaino) as "TO SHEPHERD".
(Juan 21:15-17)
ANG SALITANG "pastor" AY MULA SA WIKANG "Latin" :)
AT ANG LATIN AY ANG LENGUAHE NG SIMBAHANG KRISTIYANO KATOLIKO. :)
ANG SALITANG "Bishop/Obispo" AY MULA SA GREEK WORD NA ἐπίσκοπος (episkopos)
*****
ANG MGA SINALITA NI CRISTO SA KANYANG MGA HINIRANG NA MAGISTERIUM SA KANYANG SIMBAHAN AY HINDI LILIPAS MAGPAKAILANMAN!
MATTHEW 24:35 KJV
"Heaven and earth shall pass away,
but MY WORDS SHALL NOT PASS AWAY."
SA TAGALOG:
Mateo 24:35 AB
"Ang langit at ang lupa ay lilipas, datapuwa't
ANG AKING MGA SALITA AY HINDI LILIPAS".
KITAMS?
KAYA YAONG MGA SEKTANG SULPOT NA NAGSASABING NATALIKOD ANG BUONG SANTA IGLESIA NG PANGINOONG JESUS AY PARANG NAGSASABI NA "NATALIKOD ANG ESPIRITU SANTO"!
ISA PONG MALAKING KASINUNGALINGAN ANG PANINIWALA NILANG ITO.
ANG MAGISTERIUM NG SIMBAHANG KATOLIKO AY SIYANG BUMUO NG ATING BIBLIA SA GABAY NG ESPIRITU SANTO.
ISINULAT NG MGA APOSTOL ANG MGA ARAL NA NATANGGAP NILA MULA KAY CRISTO, AT NG MGA KASAMA NG APOSTOL SA PANGANGARAL TULAD NI SAN LUCAS AT SAN MARCOS NA MAYROON DING MGA SULAT NG EBANGHELYO KASAMA NI SAN MATEO AT SAN JUAN EBANGHELISTA.
ITO ANG TINATAWAG NG SIMBAHAN NA
"SACRED TRADITION"
KASUNOD NATING TATALAKAYIN :)
TINANGGAP NG MGA SEKTANG SULPOT ANG BUONG BIBLIYA, NGUNIT ITINAKWIL ANG MAGISTERIUM NG SIMBAHAN NA BUMUO NITO.
TINANGGAP NILANG BASEHAN NG KATOTOHANAN ANG BIBLIA, NGUNIT ITINURING NAMANG ISANG SINUNGALING ANG MAGISTERIUM NA BUMUO NITO :)
MAKAKABUO BA NG KATOTOHANAN SA BIBLIA ANG MAGISTERIUM KUNG ITO AY MGA SINUNGALING???
HINDI PO MAARI YUN. :)
ANG BANAL NA ESPIRITU SANTO ANG GABAY NG MAGISTERIUM NG SIMBAHAN.
KAYA HINDI ITO KAILANMAN BUBUO NG MGA KASULATAN NA HINDI TOTOO AT WALA SA KATOTOHANAN.
NAIPALIWANAG KO NA SA PAGTALAKAY SA HISTORY OF THE BIBLE.
TANGGAPIN NATIN ANG "MAGISTERIUM/TAGAPAGTURO" NG SIMBAHAN AT ANG "BIBLIA" NA BINUO NITO, MULA SA SACRED TRADITION..
DITO, NAKATAYO TAYO SA KATOTOHANAN KAY CRISTO SA KANYANG BANAL NA SIMBAHANG KATOLIKO!
TANONG:
KAILANGAN BA NG MAGISTERIUM PARA MAUNAWAAN ANG MGA NAKASAAD SA BIBLIA?
SAGOT:
OPO.. KAILANGAN..
TULAD NGA SA PANGYAYARI SA GAWA 8:27-39 INUTUSAN NG ANGHEL NA PUNTAHAN NI FELIPE ANG ISANG LALAKING BATING (walang asawa) NA NAGBABASA NG AKLAT NG ISAIAS.
UPANG IPALIWANAG AT IPAUNAWA SA KANYA ANG KANYANG BINABASA.
GAWA 8:26-31
26 Datapuwa't NAGSALITA KAY FELIPE ANG ISANG ANGHEL NG PANGINOON, na nagsasabi, Magtindig ka, at ikaw ay pumaroon sa dakong timugan, sa daang palusong mula sa Jerusalem hanggang sa Gaza: na ito'y ilang.
27 At siya'y nagtindig at yumaon: at narito, ang isang lalaking taga Etiopia, ISANG BATING na may dakilang kapamahalaan na sakop ni Candace, reina ng mga Etiope, na siyang namamahala ng lahat niyang kayamanan, at siya'y naparoon sa Jerusalem upang sumamba;
28 At siya'y pabalik at nakaupo sa kaniyang karo, at BINABASA ANG PROPETA ISAIAS.
29 At SINABI NG ESPIRITU SA KANYA, LUMAPIT KA, at makisama sa karong ito.
30 At tumakbo si Felipeng patungo sa kaniya, at NAPAKINGGAN NIYANG BINABASA SI ISAIAS NA PROPETA, at SINABI, NAUUNAWA MO BAGA ANG BINABASA MO?
31 At sinabi niya, PAANONG MAGAGAWA KO, MALIBAN NA MAY PUMATNUBAY SA AKING SINOMAN? At pinakiusapan niya si Felipe na pumanhik at maupong kasama niya."
IPINALIWANAG NI SAN FELIPE ANG NAKASAAD SA KASULATAN NG ISAIAS, AT NAUNAWAAN NG BATING ANG MENSAHE NITO AT SIYA AY NAGPABAWTISMO KAY FILIPE.
KAYA GANUN PO KAHALAGA NA TAYO AY MAKINIG AT SUMUNOD SA LIWANAG NG SANTA IGLESIA KATOLIKA UPANG MAPAG-UNAWA NG TAMA ANG MGA NAKASAAD SA MGA KASULATAN SA LOOB NG BIBLIA.
SAPAGKAT ANO ANG MATUTUNAN NATIN SA PAGBABASA NG BIBLIA KUNG NAGSASARILI LANG TAYO NG PANG-UNAWA AT INTERPRETASYON?
ANG LABAS NATIN AY LIGAW LIGAW.. TULAD NG NANGYARI SA LIBO LIBONG SEKTANG SULPOT NA NAG INTERPRET NG BIBLIA..
NALIGAW NG NALIGAW HANGGANG
SUMAMBULAT SILA SA NAPAKARAMING SEKTA.. IBA IBA ANG INTERPRETASYON GAMIT ANG IISANG BIBLIYA NA BINABASA :) :)
NATUPAD SA KANILA ANG SALITA NG PANGINOON:
MATEO 12:30
"ANG HINDI SUMASAKIN AY LABAN SA AKIN; at ANG HINDI NAG-IIMPOK NA KASAMA KO AY NAGSASAMBULAT."
SWAK NA SWAK!
SA KASALUKUYAN.. MAHIGIT 30,000 SEKTA ANG NAGSAMBULAT SIMULA SA PROTESTANT REFORMATION NI MARTIN LUTHER, 1517. LAHAT NG MGA SEKTANG ITO MAY KANYA KANYANG PANINIWALA SA IISANG BIBLIA NA PINAGBABASEHAN NILA :)
AT PATULOY PA SILANG DUMARAMI.
AT LAHAT SILA PAWANG KUMAKALABAN SA IGLESIA KATOLIKA, AT SA MAGISTERIUM NITO.
ANG KATOTOHANAN AY UMAALINGAWNGAW!
****
SUSUNOD PO NATING TALAKAYIN AY ANG "SACRED TRADITION"
SALAMAT SA INYONG PAGBABASA. NAWAY NAKAKAPAG BIGAY KAALAMAN AT LIWANAG ITO SA LAHAT NG MGA MANANAMPALATAYANG KATOLIKONG TAGSUBAYBAY DITO SA PAGE AT MGA HINDI KATOLIKO NA PATULOY NA UMAATAKE SA SIMBAHANG TUNAY NA ITINATAG NG ATING PANGINOONG JESUS.
TO GOD BE THE GLORY!
LIKE AND SHARE (y) (y) (y)
FOR MORE APOLOGETICS: KINDLY LIKE THIS PAGE www.facebook.com/kuyaadviserpublicfigure
AND VISIT MY BLOG: www.kuyaadviser.blogspot.com
Subscribe to:
Posts (Atom)
No comments:
Post a Comment