Dating Aglipayan member, ngayon ay Katoliko na!





PASASALAMAT AT PAPURI SA DIYOS SA KAITAASAN SA PANGALAN NG AMA, NG ANAK, AT NG ESPIRITU SANTO...AMEN.

ISA PONG DATING AGLIPAYAN (IFI) ANG NAGBAHAGI SA ATIN NG KANYANG KAGALAKAN DAHIL SIYA AY NAGING ISA NG GANAP NA KRISTIYANONG KATOLIKO :)

SIYA PO AY SI BROTHER "Earl Jed Matthew Sy" KASAMA NG SIYAM (9) NA IBA PANG KASABAY NIYANG BININYAGAN NOONG EASTER VIGIL.
NARITO PO ANG KANYANG MENSAHE.

"Hi Kuya! Nais ko lamang po ishare na binyagang Katoliko na po ako ngayon lang po ako biniyagan sa Easter Vigil. Convert po ako from aglipayan. Hihi. Yun lang po kuya. Salamat po sa mga aral na shineshare nyo. Yun lang po Godbless

Kuya 10 po kame na bininyagan. :)"

*****

TUNAY PONG NAKAKATUWA ANG MAGING MALAYA SA KATOTOHANAN NG ATING PANGINOONG JESUS DITO SA KANYANG NAG-IISANG SANTA IGLESYANG TATAG, SANTA IGLESIA KATOLIKA.

SA INYO PO BROTHER EARL JED MATTHEW SY AT SA IYONG MGA KASABAYANG BININYAGAN, LANGIT AT LUPA AY NAGAGALAK AT NAGDIRIWANG SA PAGBABALIK AT PAGDATING NG MGA ANAK NG DIYOS NA NALILIGAW NOON SA MALING PANANAMPALATAYA, NGUNIT HETO SUMUNOD SA TINIG NG PANGINOON PATUNGO DITO SA KANYANG BANAL NA SIMBAHANG KATOLIKO.

LUCAS 15:10
Gayon din, sinasabi ko sa inyo, na may tuwa sa harapan ng mga anghel ng Dios, dahil sa isang makasalanang nagsisisi.

SA NGALAN PO NG BUONG TAGASUBAYBAY DITO SA Kuya adviser CFD PAGE, KAMI PO AY BUMABATI SA INYONG LAHAT AT SA LAHAT NG MGA NABINYAGAN NGAYONG EASTER SA BUONG PILIPINAS AT SA BUONG MUNDO [napakarami po nila :)]

WELCOME TO THE HOLY CATHOLIC CHURCH!
WELCOME TO OUR TRUE HOME!

SALAMAT SA DIYOS!
LUWALHATI SA DIYOS!
ALLELUIA, ALLELUIA!

*****

LIKE AND SHARE

Dating INC member, ngayon ay Katoliko na!




LUWALHATI AT PAPURI SA ATING MAKAPANGYARIHANG DIYOS SA LANGIT, SA PANGALAN NG AMA, NG ANAK, AT ESPIRITU SANTO.... AMEN.

NARITO PONG MULI ANG ISANG CONVERSION STORY NA IBINAHAGI SA ATIN NG ATING TAGASUBAYBAY AT NGAYON AY KAPANALIG NA, NA NALILIWANAGAN AT NAKASUMPONG SA KATOTOHANAN DITO SA TUNAY NA SIMBAHANG TATAG NG ATING PANGINOONG JESUCRISTO, SANTA IGLESIA KATOLIKA.

SIYA PO AY DATING MIYEMBRO NG IGLESYANG ITINATAG NI G. FELIX MANALO NOONG 1914,
 "Iglesia Ni Cristo".

NARITO PO ATING TUNGHAYAN ANG KANYANG IBINAHAGING PAHAYAG. MEDYO KINOREK KO LANG PO YUNG MGA IBANG TYPO ERRORS PARA PO MAS MALIWANAG NA MAKUHA NG LAHAT ANG KANYANG MENSAHE.
AT HINILING PO NIYA NA ITAGO ANG KANYANG PAGKAKAKILANLAN.
NARITO PO ANG KANYANG MENSAHE:

Sender:

" Hello po kuya! Nais ko po sanang ibahagi ang akin pong paglipat sa tunay na Iglesia, ang Iglesia Katolika Apostolika Romana. Dati po akong INC member pero po marami na akong nakitang kamalian sa kinagisnan ko pong relihiyon. Kagaya po ng pagmanipula ni manalo at ng kanya pong mga ministro sa Bible. Lagi pong sila manalo ang mas binibigyang halaga kaysa kay Jesus. Feeling ko po nasa North Korea ako kapag nasa pagsamba or nasa gawain ng INC lalo na po kapag may mga picture ng manalo ay naweweirduhan po ako. Tapos po, binubully po ako ng mga anak ng maytungkulin dahil po tiwalag ang mga magulang ko po at atheist po sila. Mabuti na lang po at may mga best friend po ako na debotong Katoliko at nakakasimba po ako kasama sila at nakausap ko rin po ang isang apologist sa lugar namin. Sinuggest din po sa akin na magsuri po ako at basahin po ung fan page niyo at ng Exposing the INC Cult of Manalo po. Marami po akong natutunan at mula ngayon, nagpapasalamat po ako sa lahat ng mga tumulong at sa Diyos po dahil sa paggabay sa katotohanan. Maraming salamat po kuya at pasensya na po nahabaan ang aking message. God bless po! 󾍛
*****

AYON PO SA ATING SENDER, SA MGA ORAS NG PAGSAMBA O MAY MGA GAWAIN SA Iglesia Ni Cristo, PAKIRAMDAM NIYA SIYA AY NASA NORTH KOREA :) :)

BAKIT PO?
DAHIL SA LOOB NG PAGSAMBA NILA AY KONTROLADO AT MANIPULADO NG MGA MINISTRO ANG UTAK NG MGA KASAPI NITO.
PARANG NORTH KOREA LANG, DAHIL ANG MGA TAO SA NORTH KOREA AY KONTROLADO AT MANIPULADO DIN NG KANILANG MGA LIDER. KUNG ANO LANG ANG SASABIHIN NG MGA NAMUMUNO, WALA NG KARAPATAN ANG MGA TAO NA TUMANGGI SA KONG ANUMANG SINASABI SA KANILA.
SA DIREKTANG SALITA... "Brain Conditioned OR Brainwashed" ANG MGA KASAPI. [Komunista Style :)]

MARAMING SALAMAT SA DIOS SA BIYAYANG KANYANG IPINAGKALOOB SA TAONG ITO. ANG BIYAYA NG KANYANG BANAL NA ESPIRITU SANTO UPANG MABUKSAN ANG KANYANG PANG-UNAWA, AT MAKITA ANG KATOTOHANAN SA SEKTANG KANYANG KINAGISNAN NOON, HANGGANG MATAGPUAN NIYA ANG TAMANG LANDAS NG PANANAMPALATAYA NA KANYANG NARARAPAT NA TATAHAKIN DITO SA BANAL NA SIMBAHANG KATOLIKO NG ATING PANGINOONG JESUS.

PARA SAYO KAPATID... NAGAGALAK PO ANG BUONG PAMILYA MO DITO SA UNIVERSAL FAMILY OF OUR HOLY GOD....
"ONE, HOLY, CATHOLIC, APOSTOLIC ROMAN CHURCH!

WELCOME TO THIS HOLY CHURCH.
WELCOME TO OUR TRUE HOME.

GLORY, PRAISE AND THANKSGIVING BE TO OUR LOVING AND MERCIFUL GOD!
ALLELUIA, ALLELUIA!

SALAMAT SA PANALANGIN NG LAHAT NG MGA KAPANALIG DITO SA SANTA IGLESIA, AT SA LAHAT NG KAPATID (CFD and Apologists) NA KAPWA KO NAGBABATA DITO SA SOCIAL MEDIA AT SA KANI KANILANG MGA PAROKYA. :)
ISANG KALULUWA NA NAMAN PO ANG ATING NAAGAW MULA SA MGA KAMAY NG AMA NG KADILIMAN.
PATULOY PA PO TAYONG MANANALANGIN PARA SA NGA IBA PANG NALILIGAW NATING MGA KAPATID GAYUN DIN PO SA MGA MAGULANG NG ATING SENDER NA ITO NA AYON SA KANYA AY NAGING MGA ATHEIST NA PAGKATAPOS TUMIWALAG SA INC-1914.
****

AD MAJOREM DEI GLORIAM!

PLS. LIKE AND SHARE...

Dating member ng Born Again, nag balik Katoliko!




PAPURI SA DIYOS SA KAITAASAN! :)

PATULOY PO ANG PAG-AANI NG BANAL NA ESPIRITU NG ATING DIYOS NA MAPAGMAHAL :)
SA MGA TAONG NAKAKASUMPONG SA MGA PUNLA NG KATOTOHANAN MULA DITO SA ATING Kuya adviser CFD PAGE AT SA LAHAT NG MGA KAPATID NA NAGBABATA PRO DEO ET ECCLESIA! :)

AT SA LAHAT PO NG MGA KAPANALIG SA BUONG SANTA IGLESIA KATOLIKA NA PATULOY SA PANANALANGIN PARA SA MGA KAPATID SA IBANG SEKTA NA NALILIGAW NG LANDAS NG PANANAMPALATAYA.
MAGALAK PO TAYO AT MAY ISA NA NAMAN TAYONG KAPATID NA MATAGAL MANG NAWALA, NGAYON AY NASUMPUNGAN KASAMA PA ANG BUO NIYANG PAMILYA :)

SIYA PO AY MULA SEKTANG
 "Born Again Christians- BAC"
AT NAGBALIK LOOB SA ATING MAHAL NA SANTA IGLESIA KATOLIKA NG ATING PANGINOONG JESUS KASAMA ANG KANYANG ASAWA AT MGA ANAK.

PAGKATAPOS PO NG MAHABANG PANAHON NA ANG KAPATID NATING ITO KASAMA ANG KANYANG BUONG PAMILYA AY NALIGAW NG PANANAMPALATAYA AY NAGISING DIN PO SA KATOTOHANAN.

AYON PO SA KANYA, SA 10 YRS NA PAGSISILBI SA BORN AGAIN CHRISTIAN FELLOWSHIP, WALANG IBANG INAATUPAG ANG PASTOR NILA KUNDI ANG MAGPARINIG TUNGKOL SA
"Tithes" AT "Offerings"
KAHIT PA SA BIBLE STUDY LANG SA BAHAY AY MAG-AABOT NG SOBRE SI PASTOR PARA SA "Pera, pera, pera"...
PATI MGA BISITA NA PAPASOK SA CHURCH NILA AY BINIBIGYAN DIN NG SOBRE PARA SA OFFERINGS. :)
AT NANG RERECRUIT PA NG KANIYANG NETWORKING BUSINESS "Pyramiding" SI
PASTOR! NAKU PO! :)

ATIN PONG TUNGHAYAN ANG KANYANG IBINAHAGING KARANASAN.
ATIN PO LAMANG ITAGO ANG KANYANG PAGKAKILANLAN.
NARITO PO :)

Sender:

" kuya salamat sa pagtanggap sa akin. Dati po akong katoliko sa pilipinas at ikinasal din po ako sa BA kong asawa sa UP diliman church hindi ko na matandaan kong anong exact name ng church. sa ngayon nandito na kami ng asawa ko sa US.
More than 10 yrs na rin kami uma attend ng christian fellowship at naging katuwang ako sa pag ayos ng church nagsilbi ako. Sa tagal ko sa church napansin ko ang mga gawain sa loob.
Wala ng inatupag ang pastor namin kundi magparinig tungkol sa tithes and offerings, at kahit bible study lang sa loob ng bahay nag aabot ng sobre para sa offerings. pati bisita sa pag pasok sa church binibigyan nya ng sobre at nag rerecruit para sa networking business parang "pyramid", kikita ka lang kapag may na recruit ka. Wag na nating pahabahin.
Huminto na ang asawa ko sa pag attend ng church. At ako paminsan minsan na lang. At panay tawag sa akin ng pastor pag wala ako tuwing linggo, Palagi na lang pa iba iba ang rason ko kong bakit ako wala sa church tuwing linggo.
Pero sa totoo lang Kuya ang asawa ko na rin ang umayaw sa church. At natutuwa po ako dahil BALIK KATOLIKO na ang asawa ko at masaya kaming nagsisimba sa GOOD SHEPHERD CHURCH dito.

cge po okey lang na i post.
akala ko hindi na ako makakabalik sa catholic.
namulat din sa katotohanan ang asawa ko.
natutuwa nga po ako pag nakikita ko na mag cross ang asawa ko.

Salamat Kuya at sa mga nagtatangol sa paniniwala ng mga Katoliko.
tuloy nyo lang po ang mga ganitong gawain. alam ko marami ang nakakabasa sa paniniwala nating mga katoliko"
*****

MARAMING SALAMAT PO SA PAGBABAHAGI NINYO SA INYONG KARANASAN AT CONVERSION KAPATID. NAGAGALAK PO KAMING LAHAT NA MGA KAPATID MO SA BUONG SANTA IGLESIA KATOLIKA SA INYONG PAGBABALIK LOOB MULI KASAMA ANG IYONG BUONG PAMILYA. :)

TUNAY PONG NAGAGALAK ANG KALANGITAN KASAMA ANG MGA ANGHEL NG DIYOS, AT NG SIMBAHAN SA BUONG SANGKALUPAAN SA INYONG PAGBABALIK LOOB MULI SA PANGINOON JESUS DITO SA TAMANG KAWAN NG KANYANG MGA TUPA. :)

LUCAS 15:4-7

4 Aling tao sa inyo, na kung mayroong isang daang tupa, at mawala ang isa sa mga yaon ay hindi iiwan ang siyam na pu't siyam sa ilang, at hahanapin ang nawala, hanggang sa ito'y kaniyang masumpungan?

5 AT PAGKA NASUMPUNGAN NIYA, AY PINAPASAN NIYA SA KANIYANG BALIKAT NA NATUTUWA.

6 At paguwi niya sa tahanan, ay titipunin niya ang kaniyang mga kaibigan at ang kaniyang mga kapitbahay, na sasabihin sa kanila, MAKIPAGKATUWA KAYO SA AKIN, SAPAGKA'T NASUMPUNGAN KO ANG AKING TUPANG NAWALA.

7 SINASABI KO SA INYO, NA GAYON DIN MAGKAKATUWA SA LANGIT DAHIL SA ISANG MAKASALANANG NAGSISISI,
kaysa siyam na pu't siyam na taong matutuwid na di nangagkakailangang magsipagsisi.

MULA PO SA MGA TALATANG ITO AY SOBRANG MAPAGTANTO NATIN KUNG GAANO KABUTI ANG ATING PANGINOONG JESUS, ANG ATING MABUTING PASTOL!

Juan 10:14-15 MBB

"AKO NGA ANG MABUTING PASTOL. Kung paanong kilala ako ng Ama at siya'y kilala ko, gayundin naman, KILALA KO ANG AKING MGA TUPA AT AKO MA'Y KILALA NILA. At iniaalay ko ang aking buhay para sa aking mga tupa."

WELCOME BACK TO THE HOLY CATHOLIC CHURCH!

GOD BLESS YOUR FAMILY!

GLORY TO GOD IN THE HIGHEST!
ALLELUIA, ALLELUIA!

*****

LIKE AND SHARE  (Y) (Y) (Y)

FOR MORE, LIKE THIS PAGE: www.facebook.com/kuyaadviserpublicfigure

Mormon member nag balik Katoliko!




MULA SA PAGIGING MORMON, NAGBALIK LOOB SA SANTA IGLESIA KATOLIKA
.
.

PAPURI SA DIYOS SA KAITAASAN
SA PANGALAN NG AMA, ANAK,  AT ESPIRITU SANTO.. AMEN!

                       MATEO 7:8
"Sapagka't ang bawa't humihingi ay tumatanggap; at ANG HUMAHANAP AY NAKASUSUMPONG; at ang tumutuktok ay binubuksan."

ISA NA NAMAN PONG PAG-AANI NG ESPIRITU SANTO SA ATING TAGASUBAYBAY DITO SA PAGE MULA SA SEKTANG:
 "Church of Jesus Christ of Latter Day Saints" NA MAS KILALA SA TAWAG NA "Mormon".

SIYA PO AY SI KAPATID NA "Sherwin Pimentel"
ISANG NALINLANG NG SEKTA NA ITINATAG NI  "Joseph Smith" SA AMERIKA NOONG TAONG 1830, NA TINAWAG NA MORMONISM.
NGAYON PO AY NAKASUMPONG NA NG KATOTOHANAN AT NAGBALIKLOOB KAY CRISTO DITO SA SIMBAHANG KATOLIKO, MULA SA TAHIMIK NA PAGSUSUBAYBAY NIYA DITO SA ATING Kuya Adviser CFD PAGE. :)

NARITO PO ANG KANYANG MENSAHENG IBINAHAGI:

Sherwin Pimentel:
"Dti akong mormon kuya pro dahil sa inyo po naging katoliko ako.. salamat kuya sa mga aral ng katotohanan..

KUYA ADVISER:
TO GOD BE THE GLORY!
ANO PONG NAKAPAGPABALIK SA INYO SA BANAL NA SANTA IGLESIA KATOLIKA? :)
MAARI MO BANG IBAHAGI? :)

Sherwin:
Opo kuya .. Mababait po ang ang mga Lds po pero ang hindi ko kayang sikmurain ay yung aral po na natalikod po ang unang iglesia...

KUYA ADVISER:
NABAWTISMUHAN KA BA SA LDS?

Sherwin:
Oo kuya..pero d na ako active po..d rin po ako naniniwala sa BOok of mormon
3 yrs po ako sa Lds kuya adviser..

KUYA ADVISER:
KAILAN KA NAGBALIK LOOB SA SIMBAHANG KATOLIKO?

Sherwin:
Nung december lng kuya

Maraming salamat rin po kuya dahil sa  inyong site na to.. Update  nyo po ako lagi kuya kong ok lng po

Dati po talaga natempt akong pumasok sa ibang religion. Pero sa bawat araw na dumadaan , parang may nagsasabi saken na magbalik loob sa Katoliko. At iyon nga po lagi kung ipinagdarasal at tinatanong kung ano nga ba ang dapat kung sundin. At dun nahanap ko ang kasagutan. Ang magbalik loob sa katoliko...

Salamat po Matagal na akong sumusubaybay sau kuya..

Maraming salamat rin po kuya dahil sa  inyong site na to.. Update  nyo po ako lagi kuya kong ok lng po"
*****

ISA PONG MALAKING INSPIRASYON SA AKIN ANG MGA GANITONG CONVERSION NA IBINABAHAGI SA ATIN NG MGA TAGASUBAYBAY DITO SA ATING PAGE :)

NAKAKATUWA PO NA MAYROON PALA TAYONG MGA FOLLOWERS DITO MULA SA IBANG SEKTA NA TAHIMIK LAMANG SUMUSUBAYBAY AT NAGBABASA AT NAGTITIMBANG TIMBANG NG MGA KATWIRAN NG KATOTOHANAN.
MALIMIT MAN PO AY PURO PANG IINSULTO AT DEBATE LAMANG ANG GINAGAWA NG MGA TAGA IBANG SEKTA DITO SA PAGE, NGUNIT MAYROON PA RIN PONG MGA TAO MULA SA IBA IBANG KAIBAYONG PANANAMPALATAYA NA TAHIMIK NA NAGHAHANAP NG KATOTOHANAN AT SA TULONG NG ESPIRITU SANTO SILA NGA AY NAKASUMPONG NG KATOTOHANAN.

AT ISA PO SI BROD SHERWIN PIMENTEL NA MULA DA SEKTANG LDS/MORMON AY TAHIMIK NA SUMUSUBAYBAY AT NAGDARASAL SA DIYOS NA IPAKITA SA KANYA ANG TAMANG LANDAS NG KATOTOHANAN SA PANANAMPALATAYA.

AT MULA SA MGA POST DITO SA PAGE NG PAGPAPALIWANAG NG TUNAY NA KATOTOHANAN NA PILIT BINABALUKTOT NG MGA IBANG SEKTA PARA LAMANG MAKAPANLINLANG AT MAKAAKAY MULA SA MGA KATOLIKONG MAHIHINA O KULANG ANG KAALAMAN SA PANANAMPALATAYANG KATOLIKO, SIYA PO AY NAKAPAG DISCERN.

PARA SA' YO BROD SHERWIN PIMENTEL... WELCOME  BACK TO THE HOLY CATHOLIC CHURCH!

DAHIL PO KAYO AY TUNAY NA NAGHANAP, KUMATOK AT HUMINGI NG GABAY SA DIYOS UPANG MASUMPUNGAN ANG TUNAY NA KATOTOHANAN SA TAMANG LANDAS NG PANANAMPALATAYA KAYA HINDI PO KAYO NABIGO.
KAYO AY NAKINIG SA MUNTING TINIG NG  ESPIRITU SANTO SA IYONG PUSO AT SUMUNOD SA KANYANG PAGTAWAG SA IYO PABALIK SA TUNAY NA KAWAN NG ATING PANGINOONG JESUS, ANG KANYANG BANAL NA SANTA IGLESIA KATOLIKA.

ITO PO AY TUNAY NA GAWAIN NG ESPIRITU SANTO.

WALANG TAONG NANG-AAKAY... :)
WALANG NANGSULSOL :)
AT LALONG WALANG NANLILINLANG.

ANG HOLY SPIRIT ANG TUNAY NA TUMATAWAG SA MGA TAONG TULAD NI BROD SHERWIN NA KUMAKATOK, NAGHAHANAP, AT HUMIHINGI NG KATOTOHANAN, KAYA'T SIYA AY TINAWAG PABALIK SA KATOTOHANAN NA KANYANG TINALIKURAN NG 3 TAON.

SIYA AY NAKASUMPONG MULA SA KANYANG NABABASA NA MGA BINHI NG KATOTOHANAN NA NAIBAHAGI MULA DITO MGA POST SA PAGE...

SALAMAT PO SA PAGBAHAGI MO NG IYONG CONVERSION STORY BROD SHERWIN.
GOD BLESS YOU!

ALL THE GLORY, PRAISE AND THANKSGIVING BE TO GOD ALMIGHTY!
ALLELUIA!

LIKE AND SHARE (y) (y) (y)

FOR MORE: KINDLY LIKE THIS PAGE www.facebook.com/kuyaadviserpublicfigure

Baptist member nag balik Katoliko





ISANG NALOKO NG BAPTIST, NAGBALIKLOOB NA SA SIMBAHANG KATOLIKO

PAPURI SA DIOS SA KAITAASAN!!!

LUCAS 15:32
"Datapuwa't karapatdapat mangagkatuwa at mangagsaya tayo: sapagka't patay ang kapatid mong ito, at muling nabuhay; at nawala, at nasumpungan."

SUNOD SUNOD PO ANG MGA CONVERSION NA IBINAHAGI NG ATING MGA TAGASUBAYBAY DITO SA PAGE :)

ISANG TUNAY NA PAG-AANI NG ESPIRITU SANTO DUN SA MGA TAONG NAGHAHANAP AT NAGSALIKSIK NG KATOTOHANAN.

NARITO, ISANG KAPATID ANG NAGBALIK LOOB SA SIMBAHANG KATOLIKO MULA SA PAGKALINLANG NIYA NG "BAPTIST CHURCH".

SIYA PO AY SI BRO. "Braeyan Villar Velasco"
TUNGHAYAN PO NATIN ANG KANYANG PAHAYAG NG PATOTOO:

" kuya dati po ay ksali aq sa baptist church, nu'ng mkapasok aq du'n naging mainitin ang ulo q sa mga rebulto at hinusgahan q ang catholic church na puro mali ang turo at bakit my mga rebulto sa simbahan, tapos po nu'n ay lumabas sa facebook ang debate of religion, at naki-join aq du'n, hngang mkaharap q ng debate ang mga cfd, natalo nila q, kc lhat ng tanong q nsagot nila, at sa kanila q rin nlaman na 73 books pla ang bible cinabi din nila na kulang ang bible q dahil 66 books lng ito, dun q npagtanto na pag-aralan q kya ang catholic church. nung npag-aralan q na po kuya, nalaman q na ito talaga ang itinayo ng p. jesus, kya ang ginawa q nag-balik loob aq ulit, ni hindi pa nga q kuya nkakapag-kumpisal sa pari sa mga ksalanan q. kya bilang ganti ipag-tatangol q ang true church, ito na lng ang maigaganti q pra mkabawi sa mga kasalan q noon.

Ito story ko po kuya,  dati ako ay ligaw at walang alam sa pananampalatayang katoliko,  hanggang ang bayaw ko ay napasok sa sektang baptist,  at pati rin yung isa ko pang bayaw,  nung andun na po sila ay pati kame ay pinapapasok,  syempre po nagmatigas kame sa una,  kinukontra q pa nga sila,  pero hindi nagtagal naakay din kame,  kasi po natakot po kame sa tanong nila, na KUNG MAMATAY KA NGAYON SAAN KA PUPUNTA,  AT LIGTAS KA NA BA,  siyempre po natakot ako dko po alm isasagot ko.  Dumating na yung punto na yung bayaw ko ang nagsave sakin,  sabi nya tanggapin ko ang panginoon na aking tagapagligtas,  at pinasunod nya ko sa bawat bigkas ng bawat bibig nya habang binabasa ang bibliya, nkalimutan ko lng kung anong verse,  ng bibliya,  at pagkatapos nun ay pinagsabihan nila ko, ako ay bagong silang na,  kaylangan sa isang sanggol ay magdidi ng gatas para lumaki,  ngayon po eh mula pa noon ciguro ngayon 3 years old na ang aking kaluluwa dahil save na,  at bumili po ako ng bibliya, king james bible,  at nabasa ko nga run na bawal talaga ang mga rebulto,  simula nun hindi ko na ginagalang ang mga imahen,  na siya ko pang dahilan,  ng pinagawayan pa namin ng mismong magulang ko,  masakit isipin pati sila nadamay sa kalukuhan ko,  at mahilig din ako sa facebook,  nakita ko run ang mga debate of religion,  at naisipan kong sumali,  ang mga naging kadebate ko doon ay mga katoliko,  buti na lng mayroon na magaling magpaliwanag,  at naging ignorante ako sa harap nila,  at pinagsabihan ako na,  BAGO MO KAME HUSGAHAN PAG ARALAN MO MUNA ANG CATHOLIC CHURCH, oo nga nman dapat pla pag aralan ko,  ngunit natagalan pa,  at nakipagdebati pa q sa ibang katoliko,  natalo na nman po ako,  parang naulit muli,  ang pagka ignorante ko,,,.
Mayrun pa ko na nkadebate sabi nya ilan ba ang bilang ng bibliya mo,  sabi ko naman 66, at sabi nya kulang ang bibliya mo,  at nilatag nya sakin history ng bibliya, ito pla ay binawasan ni martin luther.  So ang ginawa ko pinagaralan ko ang katoliko,  kasi po lagi na lng akong talunan,  hanggang matuklasan ko na hindi pla talga sinasamba ang rebulto,  ito ay alaala lamang dahil sila ay mga banal ng DIOS, at lalo na po yung 666 nabasa ko po kay, yuko yata pangalan nun isang CATHOLIC WARRIOR,  na hindi pla talga ang pope amg 666 ito pla ay nganap na noon pa,  ng malaman ko lahat kuya ay nagbalik loob na ko sa catholik,  un nga lng ay humahanap ako ng tyempo para magkumpisal sa pari,  at salamat din sayo kuya buti na lng nakita ko blog mo at splendor of church at catholik warrior. Ngayon po ay isa na rin ako sa nagtatanggol sa mga katoliko na mahina pa pananamplataya para hindi maluko ng mga sulpot na sekta gaya ng nangyari sakin noon.  Pero nagpapasalmat parin ako sa baptist dahil sa kanila nakilala ko ng husto ang PANGINOON,  isa pla un sa plano nya para mkabalik ako sa katoliko.  Pahabol pa pla ang dahilan ko noon nung katoliko pa ako isa akong walang modong tao at nagmumura pa,  pero hindi pla ito kasalanan ng simbahan akong tao ang nagkasala,  un lng po kuya salamat po."
*****

AYAN PO ANG IBINAHAGI NA KARANASAN NG ATING KAPATID NA ITO.
SIYA AY ISA LAMANG SA MGA PRODIGAL SONS NG ATING INANG SIMBAHANG KATOLIKA, NA TUMALIKOD SA SIMBAHAN, AT ISANG ARAW AY NAGISING AT GINAWANG PAG-ARALAN ANG SANTA IGLESIA NA TINALIKURAN NIYA..AT NAKASUMPONG NG KATOTOHANAN..
TINAWAG NG ESPIRITU SANTO, AT SIYA AY SUMUNOD SA MUNTING TINIG NITO.

NAMULAT DAHIL SA MGA NABABASA AT NAKAKA DISKUSYON NIYA MULA SA MGA DEBATE GROUPS DITO SA SOCIAL MEDIA. AT SUMUBAYBAY DITO SA ATING Kuya Adviser CFD PAGE AT NG SPLENDOR OF THE CHURCH NINA FR. ABE. :)
KAYA MGA CATHOLIC WARRIORS, APOLOGISTS, AT CFD's...TULOY TULOY LAMANG PO SA PAGTATANGGOL NG KATOTOHANAN.
PRO DEO ET ECCLESIA!

SA BAWAT BINHI NG KATOTOHANAN NA ATING ITINATANIM, ANG ESPIRITU SANTO NG DIOS ANG UMAANI.

KAYA SAYO KAPATID NA BRAEYAN,
"WELCOME BACK HOME DITO SA BANAL NA SANTA IGLESIA KATOLIKA NG ATING PANGINOONG JESUS.
KUMPLETUHIN NIYO NA PO ANG PAGBABALIKLOOB MO, MANGUMPISAL NA AT TANGGAPING MULI ANG BANAL NA KATAWAN NI CRISTO SA BANAL NA EUKARISTIYA SA MISA. :)

ALL PRAISE AND THANKSGIVING BE TO GOD ALMIGHTY IN THE NAME OF THE FATHER, THE SON AND THE HOLY SPIRIT... AMEN!

GOD BLESS PO SA INYO KAPATID NA BRAEYAN :)
SALAMAT PO.
****

LIKE AND SHARE (y) (y) (y)

Born Again member nag balik Katoliko




ISANG BORN AGAIN-JESUS IS LORD (JIL) MEMBER NA NAKARANAS NG MARAMING KAMALASAN SA BUHAY SA LOOB NG KANYANG SEKTANG KINAANIBAN, NAGBALIK LOOB SA INANG SIMBAHANG KATOLIKO AT NAKARANAS NG LUBOS NA KAPAYAPAAN

PAPURI SA DIOS SA KAITAASAN!!

JUAN 14:27
"Ang KAPAYAPAAN AY INIIWAN KO SA INYO; ANG AKING KAPAYAPAAN AY IBINIBIGAY KO SA INYO: hindi gaya ng ibinibigay ng sanglibutan, ang ibinibigay ko sa inyo. Huwag magulumihanan ang inyong puso, ni matakot man."

ISANG NAPAKA INSPIRING NA KARANASAN NG KANYANG CONVERSION NG ISANG KAPATID NA NALINLANG NG "BORN AGAIN CHURCH NA JESUS IS LORD".
SIYA PO AY SI SISTER "LeoJhie Dulfo"

PURO SAKIT AT HIRAP NG BUHAY ANG DINANAS NIYA NOON.
WALA SIYANG KAPAYAPAANG NARARAMDAMAN SA LOOB NG KANYANG PAGIGING KAANIB NG SEKTANG BORN AGAIN. SA LOOB NG KANILANG WORSHIP PALAGING UMIIYAK.. TALAGANG ISASAGAD NG MGA PASTOR ANG PAGHIPO NG KANILANG EMOSYON SA LOOB NG WORSHIP DAHIL MAGPAPATUGTOG PA NG MUSIC NA NAKAKAIYAK, HANGGANG MAGSISIGAW NA SA KAKAIYAK ANG MGA TAO :)
[Wala sa Bibliya ito :):):)]
At PURO KAMALASAN ANG KANYANG DINARANAS.

HANGGANG ISANG ARAW, AY NAITANONG NIYA SA DIOS KUNG ANO ANG KANYANG DAPAT NA GAGAWIN??

SA PAMAMAGITAN NG ISANG KAIBIGANG DEBOTO KATOLIKO, SIYA AY INAYA NA PUMASOK SA ISANG SIMBAHAN NA SI ST. JUDE ANG PATRON.
PAGPASOK NIYA SA LOOB, INSTANT CONVERSION OF THE HEART ANG NARANASAN NIYA.
INSTANT PEACE OF MIND AND SPIRIT ANG NARAMDAMAN NIYA.

MULA NOON.. NAGSIMULA NA SIYANG MAGSALIKSIK TUNGKOL SA SIMBAHANG KATOLIKO.
NAGING REGULAR FOLLOWER KO PO SIYA DITO SA ATING Kuya Adviser CFD PAGE.. AT NAGSUSURI NG MGA ARAL NG ATING SIMBAHAN MULA RIN SA IBA IBANG MGA POST NA NAGDADAAN SA WALL NIYA DITO SA FB.

HANGGANG SA SIYA AY TULUYAN NG MAGBALIK LOOB SA SANTA IGLESIA KATOLIKA.

MULA SA BIYAYA NG DIOS, SIYA AY BINIGYAN NG ISANG LALAKI NA  DEBOTO RIN NI ST. JUDE.. (What a blessing :)
SIYA NA RIN ANG NAPANGASAWA NIYA.
AT SILANG DALAWA NGAYON AY ISA NG MATAPAT NA DEBOTO NG ATING MAHAL NA MIRACULOUS PATRON ST. JUDE THADDEUS.

LAHAT NAGBAGO SA KANYANG BUHAY.
NAKARANAS NG KAPAYAPAAN NA TANGING ANG PANGINOONG JESUS LAMANG ANG MAKAKAPAGBIGAY, DITO SA KATOTOHANAN NIYA MULA SA KANYANG TUNAY NA KAWAN SANTA IGLESIA KATOLIKA..
NAGKAROON NG MARAMING BIYAYA..
NAGING MASAYA AT MALUWANG ANG BUHAY NIYA..

NARITO PO ATING BASAHIN ANG KANYANG MGA PAHAYAG:

LeoJhie Dulfo:

"Thank kuya...tutuusin po dhl sa page nyo lumawak kaalaman q ...dti po JIL aq bumalik lng aq katoliko last year.
Kc nung nsa jil aq puro luha pasakit naramdaman q lage nakasunod problema...
Nung makita q po Saint Jude church pumasok po aq...
Don aq nakahinga ng maluwag.

At nung nagsisimba po aq jil wla po laman utak q hirap na hirap aq pumik-up ng topics at hirap na hirap din po aq magsalita ng English...
Pero nung bumalik aq Catholic nagkaroon aq ng kaalaman at karunungan binigyan aq ng Panginoon ng knowledge at wisdom pra makapagisip ng maayos

Nung nasa jil aq kuya ang bigat ng pakiramdam q puro problema dumarating kya pagdating s loob ng church iyak aq ng iyak ...at sasabihin p ng pastor cge iiyak mo yn sa Panginoon ung nanginginig p ung boses na talagang maiiyak ka, tapos my music p nakakaiyak kya lht ng tao nagsisigawan lht n umiiyak.
Gabi gabi lage aq nagdarasal kinakausap q ang Panginoon.
Nanghihina na aq puro kamalasan naranasan q sa bansang hk hanggang sa paguwi q ng pinas ganun parin parang walang katapusang kalbaryo.
nag dasal aq sa Panginoon ng tulungan at ituro sakin kung anu dapat kung gawin sabi q ilayo nya ang mga taong nanakit sakin.
Cmula po nun hiniwalay aq ng Panginoon s kaibigan q JIL xa ung true friend q same din kmi pinagdadaanan sa buhay....Puro rin problema dinadala nya.
Cmula po noon my mga dumadaan na mga pictures sa wall q s fb mga catholics mga pari unang una c father frank hastang dumami ng dumami.
Sabi q sa Panginoon Dios q gusto mo b bumalik aq muli sa catholic?
Niyakad po aq ng isang friend q mag simba at doon nya po aq dinala sa simbahan ni Saint Jude nung makita q po simbahan naiiyak n aq pinipigil q lng nung nakapasok na po aq gumaan pakiramdam q ...para bang lumutang katawan q sa hangin.
Pinagpatuloy q po pag simba at doon qn po naranasan kaginhawaan ng buhay nilayo ng Panginoon lht ng taong nakahadlang at nanakit sakin lht ng friends q s hk nilau nya sakin at isa lng tinira nya makasama q kundi ang tao nagdala sakin sa simbahan.
Cmula po non sunod sunod na biyayang dumating sakin Lage aq masaya at mukha q hnd na hagard...kung anu sakit at pasakit naranasan q noon ngaun xa naman kaginhawaan naranasan q ngaun pinuno aq ng pagmamahal ng Panginoon.

Ang isa pa kuya ang binigay din ng Panginoon sakin na lalaki ay deboto din ni Saint Jude cmula pa ng binata pa xa hanggang ngaun kya po pag umuuwi xa pumupunta kmi sa Saint Jude Shrine, at nag novena po kmi bago matulog....ang asawa qn po nagturo sakin mag novena

Cmula po ngaun naging dboto n aq ni Saint Jude
My novena po aq tuwing thursday for Saint Jude"

Ang masasabi q lng po subukan muna nila pag aralan at alamin ang katuruan ng Santa Eglisia para po hnd cla malinlang ng iba, kc kung may alam po tau balibaliktarin mn tau hnd tau matitinag.Cmula ng malaman q story ng Santa Eglisia don aq nag karoon ng confident sa sarili q the Catholic church is the true church of God."
*****

GLORY TO GOD IN THE HIGHEST!!
NAPAKA TOUCHING PO NG KANYANG KARANASAN :)

TUNAY NGA NA GINABAYAN SIYA NG BANAL NA ESPIRITU SANTO UPANG UMUWI NA SA TUNAY NIYANG TAHANAN NA TINALIKURAN NIYA NOON
 UPANG DITO MARANASAN NIYA ANG KAPAYAPAAN AT MGA PAGPAPALA NA TANGING ANG PANGINOON LAMANG ANG MAKAKAPAGBIGAY.

SALAMAT SA IYONG PAGBAHAGI KAPATID NA LeoJhie Dulfo :)
ITO AY ISANG MALAKING INSPIRASYON SA MGA IBA PANG NALILIGAW NG LANDAS NG PANANAMAPALATAYA.

WELCOME BACK TO THE HOLY CATHOLIC CHURCH!!

GOD BLESS YOU AND YOUR FAMILY.

SALAMAT SA DIOS!!

*****
FOR MORE KINDLY LIKE THIS PAGE:
www.facebook.com/kuyaadviserpublicfigure

LIKE AND SHARE (y) (y) (y)

LIKE AND SHARE

INC member nag balik Katoliko




DATING IGLESIA NI CRISTO-1914 HANDOG
NAGCONVERT NA SA SIMBAHANG KATOLIKO PAGKATAPOS NALIWANAGAN

PAPURI SA DIOS KA KAITAASAN!!

JUAN 8:32
"At inyong makikilala ang katotohanan, at ang katotohana'y magpapalaya sa inyo."

LUCAS 15:10
"Gayon din, sinasabi ko sa inyo, na may tuwa sa harapan ng mga anghel ng Dios, dahil sa isang makasalanang nagsisisi."

NARITO PO, ISA MULING PAG-AANI NG ESPIRITU SANTO MULA SA MGA TAONG NALILIGAW NG LANDAS NG PANANAMPALATAYA.

CONVERSION EXPERIENCE  NA IBINAHAGI NG ISANG DATING "Iglesia Ni Cristo" INC-1914 HANDOG, NA NGAYON AY ISA NG GANAP NA KRISTIANO AT MASAYANG NAGBAHAGI NA SIYA AY PROUD CATHOLIC CONVERT. :)

AYON SA KANYA, AY TINIWALAG SIYA NG KANYANG SEKTANG KINAANIBAN NOON INC-1914,  DAHIL LAMANG SA SIYA AY SUMALI SA PULITIKA :)
(Nasan po ang hustisya? Ayaw pasalihin sa pulitika ang mga members, pero kapag boboto ng isang pulitiko ay dapat BLOC VOTING! :) :)
Inalisan na ng kanilang mga karapatan ang mga kawawang members ng sektang ito)

AT PINARATANGAN DIN SIYA NG BAGAY NA KAILANMAN AY HINDI NIYA UMANO GINAWA.
(Paano nga ba aminin ang bagay na hindi mo naman ginawa?)

PERO SA KABILA NG LAHAT NA TINIWALAG SIYA, AY NAGTATANGGOL SIYA SA KANYANG KINAGISNANG SEKTA DOON SA MGA DEBATE GROUPS. AT ISA SI KAPATID NA
 " Carl James  Legazpi".. ISA SA MGA KAPATID NA MASIGASIG NA NAGTATANGGOL SA ATING INANG SIMBAHANG KATOLIKA DITO SA SOCIAL MEDIA :)

BILANG ISANG INC-1914 NA HANDOG, MATINDI ANG BRAIN CONDITIONING DITO KAYA AYON SA ISANG DATING INC MEMBER DIN NA NAGCONVERT NA SA KATOLIKO, MAHIRAP PA RIN MAGCONVERT SA SIMBAHANG KATOLIKO ANG ISANG INC MEMBER KAHIT PA SABIHING TIWALAG SIYA DAHIL SA SUKDULANG PAGKA BRAINWASHED SA KANILA.. NA ITINATAK SA MGA KAISIPAN NILA NA ANG SIMBAHANG KATOLIKO AY TATAG NG DEMONIO :)

NGUNIT SA GITNA NG PAGTATANGGOL NG INC MEMBER NA ITO SA SEKTANG NAGTIWALAG SA KANYA DAHIL LAMANG NAG JOIN SIYA SA PULITIKA :)
AY UNTI -UNTI SIYANG NAGISING SA KATOTOHANAN. NAGTATAKA UMANO SIYA BAKIT IBANG IBA ANG MGA TURO NG MGA MINISTRO NILA SA MGA TURO NG SIMBAHANG KATOLIKA??  :)
SAPAGKAT WALA NA UMANONG IBANG ISINAKSAK SA MGA ISIP NILA KUNDI
"Roma 16:16, Gawa 20:28 Lamsa Bible, AT ANG PAGSASABING SILA LAMANG ANG MALILIGTAS
(Typical INC claims) :) :)

MULA PO SA MGA PALITAN NG KOMENTO KAUSAP SI KAPATID NA CARL JAMES LEGAZPI.. UNTI UNTI NIYANG PINAG ARALAN ANG MGA ARAL NG SIMBAHANG KATOLIKO NA NATUTUKLASAN NIYANG TAMA.
AT SUMUSUBAYBAY NA RIN DITO SA ATING PAGE AT MGA IBA PANG APOLOGETIC SITES.

AT ISANG ARAW DUMATING SIYA SA PAGKAMULAT SA KATOTOHANAN NA ANG SIMBAHANG ITO PALA NA KANYANG TINUTULIGSA NOON AY SIYA PALANG TUNAY NA SIMBAHANG TATAG NG ATING PANGINOONG JESUCRISTO.

MULA SA BIYAYA AT GRASYA NG PANGINOONG DIOS, SIYA PO AY TULUYAN NG TINAWAG SA LOOB NG KATOTOHANAN.
NABINYAGAN NA PO SIYA SA SIMBAHANG KATOLIKO LAST WEEK PO LAMANG SA SAN AGUSTIN CATHEDRAL. :)

NARITO, TUNGHAYAN PO NATIN ANG KANYANG MGA PAHAYAG:
(ipinasya kong huwag ng banggitin ang kanyang pangalan para na rin sa kayang safety)

Sender:
" God mourning po Kuya .
Ahm dati po akong member ng INC 1914 PERO DAHIL PO SA ISANG MALIIT NA PAG KAKAMALI LANG PO TENEWALAG NELA AKO SA DAHILANG SUMALI PO AKO SA PULITIKA SA BARANGAY NAMIN.

NGAYUN PO PINAG AARALAN KO PO ANG ARAL NG KATOLIKO AT NAKITA KO PO ANG KAIBAHAN NG SA INC .

LALO NA PO NUNG NAKIKI PAG DEBATE AKO SA CFD .  LAHAT PO NG ARAL NA TENURO SA AKIN NG INC TALIWAS PO SA KATUTUHANAN NA TENUTURO NG KATOLIKO
NW I AM PROUD MEMBER OF KATOLIKO.
SALAMAT SA CFD SALAMAT CARL JAMES LEGASPI

INC PO AKO DATI
MULA PAGKABATA PO .
TENEWALAG PO NELA AKO DAHIL LANG PO SA CHISMIS NG IBANG KAANIB NG INC .
PINAG BINTANGAN PO AKO NG MINISTRO SA LUGAR NAMIN NG ISANG BAGAY NA KAYLANMAN HINDI KO GENAWA . DUN KO PO NAPAG TANTO NA KAHIT KAANEB KA PA NELA PAG KUNG SA TENGEN NELA NA MAY NAGAWA KA KAHIT HINDI NMAN TOTOO TETEWALAG KA NELA.

SENABEHAN PA PO AKO NG MENESTRO NA YUN NA TATAMAAN AKO NG KIDLAT DAHIL DAW HINDI KO ENAMIN ANG KASALANAN NA HINDI KO NMAN GENAWA

NGAYUN PO MAS LALO AKO NALEWANAGAN MATAPOS PO AKONG MAKIPAG DEBATE KAY CARL JAMES LEGASPI NG CFD .  DAHIL NAPANSIN KO REN PO NA WALA AKONG ALAM SA BIBLEYA AT TANGING ALAM KO LANG KUYA ANG MGA VERSE SA BIBLE NA KARA NEWang GAMIT NG INC GAYA NG  GAWA 20 28 ROMA 16 :16 KUNG SAAN SENASABI PO NELA NA NAKA SULAT ANG PANGALAN NA IGLESIA NI CRISTO NA TANGING MALILIGTAS.  KAYA PO NAKA PAG DECIDE AKO NA PAG ARALAN ANG ARAL NG KATOLIKO AT NALAMAN KO PO ANG KAIBAHAN  NG ARAL NELA SA ARAL NG KATOLIKO."

Kuya adviser CFD:
"AMEN..
SALAMAT KAPATID.
NGAYON BA BINYAGANG KATOLIKO KA NA?"

Sender:
"Opo Kuya last week lang po."
sa san agustin cathedral po kuya."
*****

AYAN PO ANG KWENTO NG CONVERSION NG ATING KAPATID NA ITO.

PARA SAYO PO KAPATID, WELCOME TO THE HOLY CATHOLIC CHURCH!

HINDI KA PO NAGKAKAMALI SA IYONG DESISYON.. AT ALAM NAMIN NA ANG HOLY SPIRIT ANG TUMAWAG SAYO UPANG DITO KA TAWAGIN KA SA KANYANG TAMANG KAWAN,
THE HOLY CATHOLIC CHURCH.
ANG TUNAY NA TAHANAN AT SAMBAHAYAN NG ATING PANGINOONG JESUS.

SALAMAT SA DIYOS SA IYONG PAGKAGISING SA KATOTOHANAN.

SALAMAT PO SA PAGBAHAGI NG IYONG CONVERSION STORY.

GOD BLESS YOU AND YOUR FAMILY.

TO GO BE ALL THE GLORY!!
*****

LIKE AND SHARE (y) (y) (y)

FOR MORE KINDLY LIKE THIS PAGE www.facebook.com/kuyaadviserpublicfigure

AND VISIT MY BLOG: www.kuyaadviser.blogspot.com

Simbahang Katoliko - nagkakasal ba ng Homosexuals? (same sex marriage)




PAULIT ULIT NA BINIBINTANG NG MGA ANTI CATHOLICS, ANG CATHOLIC CHURCH DAW AY NAGKAKASAL NG HOMOSEXUALS "SAME SEX MARRIAGE"
.
.
BY: Kuya Adviser

EXODO 20:16 (ADB)
"Huwag kang magbibintang sa iyong kapuwa."

KAWIKAAN 13:16 (ADB)
"Bawa't mabait na tao ay gumagawang may kaalaman: NGUNIT ANG MANGMANG AY NAGKAKALAT NG KAMANGMANGAN."

WALANG KATAPUSANG  PAMBIBINTANG ANG IBINABATO NG ATING MGA KAIBAYO MULA SA IBA'T IBANG SEKTA NA TATAG NG TAO LABAN SA SIMBAHANG KATOLIKO.
PATULOY NILANG INAAKUSAHAN NA ANG SIMBAHANG KATOLIKO UMANO AY NAGKAKASAL NG MGA SAME SEX COUPLES OR HOMOSEXUALS.

NAGING VIRAL ANG PHOTO NA ITO NG KINASAL NA 2 BAKLA NA IBINABATO SA SIMBAHANG KATOLIKO DAHIL ANG NAGKASAL AY NAGSUOT NA KATULAD NG DAMIT NG PARING KATOLIKO. :)

KAHIT INOSENTE DITO ANG SIMBAHAN SA PINAGAGAWA NG MGA LGBT CHRISTIAN CHURCH AT IBA PANG PROTESTANT CHURCHES NA SIYANG TUNAY NA NAGKAKASAL NG  SAMESEX SA PILIPINAS AT IBA BANSA.

ISA PO ITONG MALAKING KABALIWAN NG ATING MGA KAIBAYO SAPAGKAT ITO AY MALINAW NA ISANG MALAKING KASINUNGALINGAN NA PILIT NILA IBINABATO SA SIMBAHANG KATOLIKO.

KAHIT KELAN AY HINDI ITO GINAGAWA NG SIMBAHAN AT HINDI ITO KAILANMAN GAGAWIN NG SIMBAHANG KATOLIKO NA MAGSASAGAWA NG SAME SEX MARRIAGE!

ANG KATOTOHANAN:

TANGING ANG CATHOLIC CHURCH LAMANG ANG NAKIKIPAGLABAN TUNGKOL SA BATAS NG SAME SEX MARRIAGE. KAYA NGA MARAMI SA MGA KATOLIKONG BAKLA O TOMBOY OR HOMOSEXUALS AY NAGSISIALIS NA SA PAGIGING KATOLIKO. TINALIKURAN ANG SIMBAHANG KATOLIKO.

BAKIT?
SAPAGKAT GALIT SILA SA SANTO PAPA, HINDI DAW KASI PUMAPAYAG NA MAKASAL SILANG PAREHONG KASARIAN. :)

KAYA RESULTA, TUMALIKOD SILA SA SIMBAHANG KATOLIKO AT DUN NAGPAPAKASASA SA KANILANG IMORAL NA GAWAIN SA PILING NG "LGBT CHRISTIAN CHURCH" https://m.facebook.com/profile.php?id=141018692629315

AT IBA PANG PROTESTANT CHURCHES NA NAGSASAGAWA NG SAME SEX MARRIAGE.

DOON IKINAKASAL SILANG MGA
PAREHONG KASARIAN.
DOON SINUSUPORTAHAN ANG KAIMORALANG GINAGAWA NILA.
DAHIL ANG PASTOR DOON AY BAKLA DIN AT MAY SAME SEX PARTNER DIN :)

YUNG IBANG MGA KATOLIKONG BAKLA O TOMBOY, NAGPUPUNTA NAMAN SA AMERIKA AT DOON NAGPAPAKASAL.
BAKIT DOON?
SAPAGKAT ALLOWED DOON ANG SAME SEX MARRIAGE SA KANILANG ESTADO AT GAYUN DIN NG IBA PANG MGA PROTESTANT CHURCHES.

PERO SA SIMBAHANG KATOLIKO SAAN MAN SA MUNDO?
WALA PONG SAME SEX MARRIAGE NA IBINIBIGAY ANG SIMBAHAN!

TANONG:
BAKIT HINDI PINAPAYAGAN NG SIMBAHANG KATOLIKO ANG SAME SEX MARRIAGE??

SAGOT:
SAPAGKAT AYAW NG PANGINOONG DIOS SA SAME SEX MARRIAGE!

AT ANG SIMBAHANG KATOLIKO BILANG KATAWAN NI CRISTO AY MAGBABAWAL DIN NITO SAPAGKAT ANG KATAWAN AY SUMUSUNOD SA ULO NITO NA SI CRISTO!

KAYA DAHIL SI CRISTO ANG ULO AT GABAY NG KANYANG KATAWAN (Simbahan)
ANG SIMBAHAN AY HINDI KAILANMAN MAGKAKAMALI PAGDATING SA FAITH AND MORALS!

AT DAHIL HINDI ITO MAGKAKAMALI SA USAPIN NG FAITH AND MORALS SA PANANAMPALATAYA SA DIOS, HINDI ITO KAILANMAN LALABAG SA MGA KAUTUSAN AT BATAS NG DIOS!

SI CRISTO ANG GABAY NG SANTA IGLESIA, AT ANG ESPIRITU SANTO ANG PARACLETO NITO O MAG-AALIW.. THE SANCTIFIER, NA SIYANG MAGPAPAALALA SA MGA KATOTOHANAN NI CRISTO.
KAYA HINDI PO KAILANMAN LALABAG SA KATOTOHANAN KAY CRISTO ANG KANYANG BANAL NA SIMBAHAN.
ANG SIMBAHANG ITO AY SUMUSUNOD SA SINASABI NG ULO NITO NA MISMONG SI CRISTO.

#NoToSameSexMarriage!!

ITO ANG SIGAW NG SANTA IGLESIA KATOLIKA SAAN MAN SA MUNDO.
ITO ANG SIGAW NG ATING PANGINOONG JESUS NA GUMAGABAY SA KANYANG SIMBAHAN SA PAMAMAGITAN NG BANAL NA ESPIRITU SANTO!

JUAN 14:16-18 (ADB)
16 At ako'y dadalangin sa Ama, at kayo'y bibigyan niya ng ibang MANG AALIW, upang SIYANG SASA INYO MAGPAKAILAN MAN,

17 Sa makatuwid baga'y ang ESPIRITU NG KATOTOHANAN: na hindi matatanggap ng sanglibutan; sapagka't hindi nito siya nakikita, ni nakikilala man siya: siya'y nakikilala ninyo; sapagka't SIYA'Y TUMATAHAN SA INYO, AT SASA INYO.

18 HINDI KO KAYO IIWANG MAG-ISA: AKO'Y PARIRITO SA INYO."

KITAMS??
SI CRISTO ANG GABAY NG SANTA IGLESIA!
SA PAMAMAGITAN NG ESPIRITU SANTO NG DIOS. ANG ESPIRITU NG KATOTOHANAN. ANG ESPIRITU NI CRISTO NA SIYANG KATOTOHANAN!
(Juan 14:6)

KAYA KUNG ANO ANG BULONG NG HOLY SPIRIT SA KANYANG SIMBAHAN SA PANGUNGUNA NG SANTO PAPA (the Vicar of Christ) , IYUN ANG SUSUNDIN NG BUONG SANTA IGLESIA!

#NoToSameSexMarriage!!

HINDI KAILANMAN SASALUNGATIN NG KATAWAN ANG KANYANG ULO.
KUNG ANO ANG DIKTA NG ULO, SIYANG GINAGAWA NG KATAWAN.
KAYA KUNG ANO ANG DIKTA NI CRISTO, AY SINUSUNOD NG KANYANG SIMBAHAN!

HINDI TINOTOLERATE NG SANTA IGLESIA ANG GANITONG GAWAING KARUMALDUMAL AT LABAG SA BATAS NG DIOS, NA MALINAW NA NAKASAAD SA ATING BANAL NA BIBLIA.

LEVITICUS 18:22 (ADB)
"Huwag kang sisiping sa lalake ng gaya sa babae: karumaldumal nga."

LEVITICUS 20:13 (ADB)
"At KUNG ANG ISANG LALAKE AY  SUMIPING SA KAPWA LALAKE, na gaya ng pagsiping sa babae: ay KAPUWA SILA NAGKAKASALA NG KARUMALDUMAL: sila'y papatayin na walang pagsala: mabububo ang kanilang dugo sa kanila.

ROMA 1:27-28 (ADB)
27 At gayon din naman ang mga lalake, na nang iwan na ang katutubong kagamitan sa mga babae, ay nangagningas sa kanilang karumihan ng pita ang isa't isa, na GUMAGAWA NG KAHALAYAN ANG MGA LALAKE SA MG KAPUWA LALAKE, at tumatanggap sa kanilang sarili ng kagantihan ng kanilang pagkakamali.

28 At palibhasa'y hindi nila minagaling na kilalanin ang Dios, ibinigay sila ng Dios sa isang mahalay na pagiisip, upang gawin yaong mga bagay na hindi nangararapat;"

ANG SIMBAHANG KATOLIKO AY MANANATILING TATAYO SA ILALIM NG NAG-IISANG BATAS NG DIOS SA SACRAMENTO NG MATRIMONIO O KASAL..

ANG LALAKI AY PARA SA BABAE LAMANG!

GENESIS 1:27-28 (ADB)
"27 At nilalang ng Dios ang tao ayon sa kaniyang sariling larawan, ayon sa larawan ng Dios siya nilalang; nilalang niya sila na LALAKE AT BABAE.

28 At sila'y BINASBASAN NG DIOS, AT SA KANILA'Y SINABI NG DIOS, KAYO'Y MAGPALAANAKIN AT MAGPARAMI, at kalatan ninyo ang lupa, at inyong supilin; at magkaroon kayo ng kapangyarihan sa mga isda sa dagat, at sa mga ibon sa himpapawid, at sa bawa't hayop na gumagalaw sa ibabaw ng lupa."

AYAN PO!
MALINAW PA SA SIKAT NG ARAW :)
WALANG NAKASAAD SA BIBLIA NA NAGBASBAS ANG DIOS NG PAREHONG LALAKI O PAREHONG BABAE UPANG MAGSAMA AT MAGING ISANG LAMAN
(Mateo 19:6)

LALAKE AT BABAE LAMANG ANG BINABASBASAN NG DIOS SA SACRAMENTO NG KASAL O MATRIMONIO!

AT ANG DIOS MISMO ANG AUTHOR NG SAKRAMENTONG ITO.
*****

SILIPIN PO NAMAN NATIN ANG OFFICIAL NA TURO NG SIMBAHANG KATOLIKO TUNGKOL SA SAKRAMENTO NG KASAL O MATRIMONIO MULA SA CATECHISM OF THE CATHOLIC CHURCH (CCC)

"THE SACRAMENT OF MATRIMONY"

CCC #1601
 "THE MATRIMONIAL COVENANT, BY WHICH A MAN AND A WOMAN ESTABLISHED BETWEEN THEMSELVES A PARTNERSHIP OF THE WHOLE LIFE, is by its nature ordered toward the good of the spouses and the procreation and education of offspring; this covenant between baptized persons has been raised by Christ the Lord to the dignity of a sacrament."

BASAHIN DITO ANG KABUUAN:
http://www.vatican.va/archive/ccc_css/archive/catechism/p2s2c3a7.htm

KITAMS?
A MAN AND A WOMAN!
LALAKI AT BABAE LAMANG ANG MAKAKAPASOK SA MATRIMONIAL COVENANT.

HINDI SINASABI DITO SA CATECHISM NG SIMBAHANG KATOLIKO NA LALAKI AT LALAKI O BABAE AT BABAE AY SIYANG PAPASOK SA MATRIMONIAL COVENANT. :)

AT LALONG HINDI NAKASAAD NA MAARING PUMASOK SA MATRIMONIAL COVENANT ANG PAREHONG LALAKI O PAREHONG BABAE :)

KAYA DITO PA LANG NAPAKALAKING KAMANGMANGAN NA ANG PANG-AAKUSA NA ITO NG MGA SEKTANG ANTI KATOLIKO.

ITO PA..

CCC #1660
"THE MARRIAGE COVENANT, BY WHICH A MAN AND A WOMAN FORM WITH EACH OTHER AN INTIMATE COMMUNION OF LIFE AND LOVE, HAS BEEN FOUNDED AND ENDOWED WITH ITS OWN SPECIAL LAWS BY THE CREATOR. By its very nature it is ordered to the good of the couple, as well as to the generation and education of children. Christ the Lord raised marriage between the baptized to the dignity of a sacrament."

CCC #1661
"THE SACRAMENT OF MATRIMONY SIGNIFIES THE UNION OF CHRIST AND THE CHURCH. It gives spouses the grace to love each other with the love with which Christ has loved his Church; the grace of the sacrament thus perfects the human love of the spouses, strengthens their indissoluble unity, and sanctifies them on the way to eternal life."

KITAMS?
IYAN ANG MALINAW NA NAKASAAD SA KATESISMO NG SIMBAHANG KATOLIKO!
AT BUKAS IYAN PARA BASAHIN NG LAHAT. PARA NAMAN MAPATUNAYAN NILA NA HINDI KAILANMAN NAGKAKASAL ANG SIMBAHANG
KATOLIKO NG PAREHONG LALAKI O KAYA AY PAREHONG BABAE.

ANG BANAL NA KASAL AY SA PAGITAN LAMANG NG LALAKI AT BABAE!

BAWAL IKASAL SA SIMBAHANG KATOLIKO ANG MGA HOMOSEXUALS KUNG SILA AY MAGPAPAKASAL SA KAPAREHONG KASARIAN.

PERO ANG ATING NGA KAIBAYO MULA SA MGA SEKTANG ITINATAG NG TAO NA KELAN LAMANG SUMULPOT AY PATULOY SA KANILANG PANG-AAKUSA NG KASINUNGALINGAN SA SIMBAHANG KATOLIKO AT SA MGA KAPARIAN NITO.

ANG TANONG:
PORKE BA NAGSUSUOT NG PUTING SOTANA AT NAKA STOLE (Priest Vestments) AY PARING KATOLIKO NA AGAD??

NAPAKARAMING PROTESTANTENG SIMBAHAN NA GUMAGAYA SA MGA KASUOTAN NG MGA PARING KATOLIKO.

TULAD NA LANG NG "EPISCOPALIAN CHURCH" AT "ANGLICAN CHURCH OR CHURCH OF ENGLAND"

ANG KANILANG SIMBAHAN AT MISA AY HALOS PAREHAS NG SA KATOLIKO.
ANG MGA SUOT NG KANILANG MGA PARI AY HALOS PAREHAS NG PARING KATOLIKO.

ANG MGA BAKLANG PASTOR NAMAN NG  "LGBT CHURCH" SA PILIPINAS AT SA IBANG BANSA AY GINAGAYA RIN ANG KASUOTAN NG MGA PARING KATOLIKO! :)
PATI ANG SET UP NG ALTAR NG SIMBAHAN
AY GINAGAYA RIN NILA.

LAHAT SILA GAYA GAYA PUTO MAYA! :)

PATI ANG MGA PARI NG AGLIPAYAN CHURCH OR "IFI", HALOS KATULAD DIN NG MGA KASUOTAN NG PARI NG SIMBAHANG KATOLIKO.

MERON PANG ISANG SULPOT YUNG TINATAWAG NA "ACC-Apostolic Catholic Church" YUNG TINAWAG NA Church of Beloved Ingkong" GINAYA RIN ANG KASUOTAN NG PARING KATOLIKO. :)

NAPAKARAMING SEKTA NA GUMAGAYA SA MGA KASUOTAN NG PARING KATOLIKO!

ANG TANONG:
KAHIT BA ANGLICAN CHURCH NA NAGKAKASAL NG SAME SEX, AY IBABATO MO SA SIMBAHANG KATOLIKO??

KUNG GANUN ANG GINAGAWA NINYO TUNAY NA ANG AMA NINYONG DIABLO ANG TINATALIMA NINYO SAPAGKAT KAYO AY PALAGING TUMATAYO SA KASINUNGALINGAN NA SIYANG ANG DIABLO ANG AMA NG KASINUNGALINGAN!
WALANG KATOTOHANAN SA INYO. AT PAWANG KASINUNGALINGAN ANG NAMUMUTAWI SA MGA BIBIG.
(Juan 8:44)

KAHIT BA MGA PASTOR NG "LGBT CHRISTIAN CHURCH" ANG NAGKASAL NG SAME SEX, AY IBABATO MO PA RIN SA SIMBAHANG KATOLIKO??
DAHIL LAMANG ANG MGA BAKLANG PASTOR NA ITO AY NAGSUSUOT NG TULAD NG ISANG PARING KATOLIKO?

TULAD PO NG NASA LARAWAN NA IPINAPAKALAT NG MGA NADIDILIMAN ANG KAISIPAN NA MGA ANTI-KATOLIKO, IYAN PONG NASA PHOTO NG AKING POST NA ITO.

ANG "LGBT CHRISTIAN CHURCH"PO O KAYA  ANG "METROPOLITAN COMMUNITY CHURCH" ANG NAGKAKASAL NIYAN OR OTHER PROTESTANT CHURCHES.

" Lgbts Christian Church Inc. - Quezon City, Philippines"

"LGBT--Lesbian, gay, bisexual, transgender"  affirming Christian denominations are Christian denominations that do not consider homosexuality or transgenderism to be sins."

READ HERE: https://en.m.wikipedia.org/wiki/LGBT-affirming_Christian_denominations

     ******* ATING ALAMIN *******

ANG MGA PROTESTANT CHURCHES NA NGSASAGAWA NG SAME SEX MARRIAGE AY ANG:

● ANGLICAN CHURCH
https://en.m.wikipedia.org/wiki/Homosexuality_and_the_Anglican_Communion

● The METROPOLITAN COMMUNITY CHURCH of Quezon City (MCCQC), Metropolitan Community Church Makati (MCCMPH), and Metropolitan Community Church of Metro Baguio (MCCMB) officiate Holy Unions for same sex partners in the Philippines. The Metropolitan Community Church is an Ecumenical Christian Church for all people, with a special ministry to gays, lesbians, bisexuals and transgender people; it advocates for equality and social justice. Its affiliations in The Philippines are the following: MCC Quezon City, MCC Makati, MCC Metro Baguio, MCC Olongapo, and MCC Marikina.

BASAHIN DITO: https://en.m.wikipedia.org/wiki/Blessing_of_same-sex_unions_in_Christian_churches

●LGBT CHRISTIAN CHURCH
https://en.m.wikipedia.org/wiki/LGBT-affirming_Christian_denominations

AT NAPAKARAMI PANG MGA PROTESTANT CHURCHES ANG NAGKAKASAL NG BAKLA O TOMBOY SA IBA'T IBANG PANIG NG MUNDO.
PARA SA KABUUANG LISTAHAN AY BASAHIN ANG LINK NA ITO:

https://en.m.wikipedia.org/wiki/Blessing_of_same-sex_unions_in_Christian_churches

*****

AYAN PO. :)
HALOS LAHAT NG MGA SEKTANG IYAN AY GUMAGAYA SA MGA KASUOTAN NG MGA PARING KATOLIKO.

IYAN ANG MGA SEKTANG NAGKAKASAL NG SAME SEX, TAPOS IBABATO SA MGA PARI NG SIMBAHANG KATOLIKO. :)

HINDI YATA NABABASA NG MGA ANTI KATOLIKONG SEKTA ANG IKA-9 NA UTOS  NG DIOS SA KANILANG BIBLIA :)
NA KANILANG TAHASANG NILABAG.

EXODUS 20:16 (ADB)
"Huwag kang magbibintang sa iyong kapuwa."

TAPOS PATULOY PA RIN SILA SA PAMBIBINTANG NILA NG KASINUNGALINGAN SA SIMBAHANG KATOLIKO.

KAPAG NAMAN SASABIHIN MO SA KANILA ANG KATOTOHANAN AY PARA SILANG MGA BULAG, PIPI AT BINGI :) :)
NA KAHIT SINASABI MO ANG KATOTOHANAN AY TULOY PA RIN SA PANG AAKUSA.

BINIGYAN DIIN PA NG PANGINOONG JESUS ANG KAUTUSAN NG DIOS NA HUWAG MAMBINTANG NG HINDI KATOTOHANAN SA KAPWA.

MATTHEW 19:18 (NRSV)
He said to him, "Which ones?" And Jesus said, "You shall not murder; You shall not commit adultery; You shall not steal; YOU SHALL NOT BEAR FALSE WITNESS;"

KITAMS?
YOU SHALL NOT BEAR FALSE WITNESS!
HUWAG MAGBINTANG NG HINDI KATOTOHANAN!

PERO ANG MGA ANTI KATOLIKO AY PATULOY SA PAMBIBINTANG NG MGA BAGAY NA WALANG KATOTOHANAN LABAN SA SIMBAHANG KATOLIKO.

KAYA ANG MASASABI NA LAMANG NATIN SA KANILA AY ANG MGA SALITA NG ATING PANGINOONG JESUS..

"AMA PATAWARIN MO SILA, SAPAGKAT HINDI NILA NALALAMAN ANG KANILANG GINAGAWA"!
-Lucas 23:34

IPANALANGIN PO NATIN ANG MGA TAONG ITO MGA KAPANALIG.
SALAMAT PO SA INYONG PAGBABASA.
NAWA'Y NALINAWAN NA ANG LAHAT SA INYO TUNGKOL SA MGA MALING PARATANG NA ITO NG MGA KAIBAYO MULA SA SEKTANG MGA TATAG NG TAO.

ANG KATOTOHANAN NI CRISTO AY SIYANG PALAGING MANANAIG!

THE GATE OF HELL SHALL NOT PREVAIL AGAINST THE HOLY CATHOLIC CHURCH! AMEN..

TO GOD BE ALL THE GLORY!.
*****

FOR MORE, KINDLY LIKE THIS PAGE: www.facebook.com/kuyaadviserpublicfigure

AND VISIT MY BLOG: www.kuyaadviser.blogspot.com

LIKE AND SHARE (y) (y) (y)

Click here

Click here
Facebook Apologetic Fanpage